Sunday, July 20, 2008

UBE with my Dark Horse

When we played "Who's Who" in our last CLP Planning, siya ang binigyan ko ng Dark Horse na paper..Hindi un maitim na mukhang kabayo ah..hehe. Dark Horse meaning Mysterious na tao sa para sa'yo..

Coincidence naman, kami ang pinagpartner (nawalan siya ng kalayaang pumili ng partner niya, haha) para sa Music Min. Since gusto ko lahat ng ipinapartner sakin (just like in YFC days) ay kahit papano comfortable ako, ayan..nag-aya akong mag-UBE kami. Saka para mag-usap na rin para sa kapakanan ng Music Min. Hehehe. As I've said kanina, mysterious person pa rin para sakin ang aking Tito Edmar. Ewan ko ba kung bakit..kumportable naman akong makipaglokohan sa kaniya..pero parang ang mysterious pa rin ng dating niya sakin..weird...


(At the Big Room)

To start our UBE (Ultimate Bonding Experience), ayun, 2 hours kami sa Oola Family KTV(?) sa may St. Tomas Square. Mejo mahal ung rent namin..150 pesos per hour! Ang laki nung room..pwede ng i-room for rent. Hahaha. Nakakahinayang kasi sanay ako dun sa mga token-type videoke. 5 pesos lang per song. Hahaha. Biritan, sayawan (ako lang dito tapos di pa ko masyadong nakatodo :P), rakrakan, at ang matindi ung duet...wala yata kaming nakantang matino..haha! Wala kasing The Prayer eh..hahaha! asa naman! :p Pero hindi lumabas ung totoong kulit ko sa pagvivideoke..di ako nakasayaw at nakapag-emote masyado..hihihi.. :D Ligtas ako sa bayaran dito..si Tito ang nagbayad..hehehe. Himala walang naganap na sindakan :p


(Cge, kain ka lang Tito..Hehehe)

Next stop, sa Pizza Hut. Nagke-crave kasi si Tito sa Pasta...sabi ko nga McDo Spaghetti na lang..Hahaha! Ako naman I'm craving for Pizza. Kaya un, Pizza hut n lang kami. It was obvious na gutom siya that time..hahaha! Pero buti naman at kinonsider niya pa rin ang budget kahit gutom siya (thanks for that) dahil ako naman ang nagbayad..hehehe. Ok lang kasi it was the exact day na one year na ako sa work ko...may reason para manlibre at magshare ng blessing..a simple treat ika nga. Hehe. Basta masaya ang araw na ito... Sobrang saya nakalimutan naming pag-usapan ung tungkol sa music min..hahaha! Sablay!

Tapos magpapapic din pala si Tito para sa kanyang resume. Naisip ko na matagal na kong di nakakapagpapic sa studio (nainggit ako dun sa mga nakita kong pic na nakapost dun sa studio..hihihi) kaya pinilit ko siyang pa-pic kami..Hehehe. Ok naman ung kinalabasan ng pic..ang cute ko dun..hahaha! Nakakatawa ung wacky namin..parang di naman wacky!

(Wacky na yan???)

Rakz: Tito..tinitingnan ko ung wacky pose natin..ibahin mo na ung pananaw mo sa wacky ah..hehehe..
(Nung nagkita na kami ulit)
Tito: Ikaw din naman di wacky ung pose mo eh.
Rakz: Eh siyempre pag nagpose ako ng totoong wacky pose ko dun mapag-iiwanan kita..sabi sa talk walang iwanan! Haha!

Tama...WALANG IWANAN..because we are one team..one family sa Unit namin...

Hmmm..sana nga...walang iwanan...

No comments: