Thursday, July 17, 2008

Housekeeping!

Nag-open ng bagong chapter sa istorya ng buhay ko ng ako'y nagsimulang mag-apartment. Sa pagkakataong ito pasasalamatan ko si Marian dahil siya ang nag-aya sakin para mag-apartment. Di naging madali sa umpisa dahil di naman ako sanay sa buhay "independent". Madalas din ang ma-home sick dahil nga sanay akong naglalambing pag-uwi. Hehe.Pero dahil nga sa paghiwalay ko ay natuto naman ako ng konti sa buhay.

Nung nasa Malabon pa ko, makalat ako by nature. Alam ko kasing may magliligpit ng kalat. Hehe. Pero nung nasa apartment na, andali ko ng mairita pag nakikitang makalat ung bahay. Kailangan ko ng matutong mag-ayos ng bahay..tulad nga ng nasabi ko dati, desperado akong magkaroon ng sariling bahay! Heto ang ilan sa natutunan ko ng ako'y magsarili at ina-apply ko sa pang-araw-araw kong buhay:

Sa paglalaba

- twice a week ako kung maglaba..once a week pag tinatamad or gabi na nakakauwi palagi :D Sumasakit kasi ang ulo ko pag nakikita kong madami ang labahin. Di pa ko nagi-start maglaba pakiramdam ko sakit na agad ng kamay ko. Hehehe. May washing machine ako pero di ko feel gamitin. kamusta naman un. Hehehe.

- use Ariel sa paglalaba. Wow plugging! hahaha! Madali kasi siyang makatanggal ng mantsa at iba pang dumi sa damit. Kahit konting kusot lang tanggal n ung dumi. Less effort. I-tandem pa natin kay Downy pag tag-ulan para fresh p din ang damit.

- alamin kung anong damit ang humahawa ang kulay. Sayang naman kung mahawaan lang ung iba. Hehe.

- pigaing mabuti ang damit at ipagpag (or ipampag? kamote hina sa spelling..haha) bago isampay. Eto ang bilin sa akin ng aking Nanay. Para daw di mahirap plantsahin ung damit at para mas tumagal.

- baliktarin ang damit bago isampay para ma-maintain ung kulay niya at di madaling maluma. Turo sakin ni yayan toh na sinunod ko. Hahaha.

- kung mahirap namang magpatuyo dahil umuulan, wala tayong magagawa jan. joke! Hehehe. My dryer ung washing machine ko kaya di problema sakin un. Hehe. Pero di ko pa rin ginagamit dryer ko. Ewan ko ba. Ahead of time naman kasi paglalaba ko kaya di kinukulang sa damit.Kaya kahit magmaganda ung damit sa sampayan ok lang.

- sa paglalaba ng kumot, bed sheet, tuwalya, atbp..ipinapaubaya ko na kay Nanay. Hahaha! Sablay! Pantalon nga sumusuko ako eh..ung mas mabibigat pa kaya..Hehehe. Need improvement ako dito :p


Sa Pagpaplantsa
- once a week ako kung magplantsa ng damit. Sabi kasi nila mas tipid sa kuryente pag isang bagsakan ung pagplantsa kaysa dun sa pagplantsa kung kelan gagamitin ung damit. Late-free pa pag may pasok dahil susuotin mo n lang agad ung damit. Hehehe. Pero pag tinatamad...may mga available na damit pa naman jan. Hehehe.

- di ko n din pinaplantsa ung mga damit pambahay. Di ko naman na siguro kailangang pumorma pag nasa loob lang ng bahay. At kung sakaling habulin man ako ng plantsa, at least nasa bahay lang ako. Hehehe. Inaayos ko n lang ung pagkakasampay para di lukot pag natuyo.


Sa paglilinis ng CR
- Ariel at brush ang gamit ko sa paglinis ng cr...ok na ko jan. di ko kasi alam kung anong cleanser ang maganda..ung effective talaga. Hehe. Nakakalinis naman siya. Pero twice a month ko lang magawa toh dahil sa lagi akong may lakad. Naiirita ako pag madumi ung CR..nasan ang "Comfort" kung madumi ung "Room". Hehe.


Sa paglilinis ng Kuwarto at Sala
- "Clean as you go" ang policy ko sa sarili ko para ma-maintain kahit papano ang cleanliness ng lugar na ito. Pero minsan parang di masyadong effective lalo na pag nagmamadali. Hehe.

- Di pwedeng magpasok ng sandals/sapatos/tsinelas/sapin sa paa na ginamit sa labas sa loob ng bahay. Naka-tiles na color WHITE ung bahay. Ok lang magpasok basta ung damit nung nagpasok ung ipanglilinis dun sa tiles. Kala mo ah.. Hehehe.

- Takutin ang kasama sa bahay para iligpit ang gamit niya. Effective toh. Haha! Pansamantalang umaayos ung bahay. Hahaha!


Sa paglilinis ng Kusina
- Hugasan agad ang pinagkainan. Para iwas ipis at langgam. Pag dinadatnan ko ung pinagkainan sa lababo gusto kong ihagis dun sa kumain. Haha! Ang bad!

- Wag ng mag-inarte sa dishwashing liquid. Mag-inarte na lang sa sponge. Hehe.

- Hanggat maaari maayos ung pagkakasalansan ng mga gamit pang kusina. Wala lang..para mas magandang tingnan.

Some tipid tips
- Hugutin sa saksakan ang mga appliances. Sabi nga sa commercial na "Tippy's Tipid Tips" appliances consumes 25% of the electricity pa din kahit naka-off pero naka-plug pa din.

- kanya-kanyang gamit para mas madaling magbudget lalo na pag toiletries at personal na gamit. Para alam mo din kung kelan ka bibili at matantiya mo kung hanggang kelan aabot ung gamit mo. Kung pano titipirin ito, naku naman human instinct na yan! Haha!

- buy more save more tulad sa tubig. Dito kahit hati na kami ng kabahay ko. Pareho naman kaming umiinom ng tubig. Php30 good for 1-2 weeks na. Wag magtipid sa pag-inom ng tubig. Ma-constipate ka niyan. Hehehe.

- keep track the bills. May record kami ng bills (electric at water) namin monthly. Para lang alam namin kung nagiging magastos na ba kami or hindi.

- Have a medicine Kit. Pano nakasama toh sa tipid tips? Hmm..para di kyo gagastos palagi pagpunta sa botika. nyahaha! Seriously, para naman pag may "emergency" ay mababawasan ang worry nyo kung san kayo kukuha ng gamot. Medicines like Biogesic, diatabs, immodium, etc will do. Haha.

As of now naman nasa Php140-150 lang ung kuryente namin at Php120-140 ung tubig namin. Effective kahit papano ang aming pagtitipid. Hehehe.

Di ako naglagay ng tungkol sa pagluluto dito. Pasensiya naman! Di ako nagluluto eh. Hehe. Saka wala kaming ref. Gusto ko mang bumili ng ref, for sure na tataas kuryente namin at sayang din dahil nga di naman kami nagluluto. Anong ilalagay namin dun, tubig lang at itlog? haha! Chaka ah! :D

Di pa ko OC niyan ah..feeling ko kasi wala pa kong karapatang maging OC..hehe..

Pero ang pinaka-effective sa lahat ay ang magkaroon ng kasambahay na DI MAKALAT AT MATIPID. Hahaha! kasi kahit anong sinop at tipid mo kung ung kasama mo naman ay pariwara, makalat at walang pakialam sa babayaran, sayang ang effort mo!

Pero kung may maisa-suggest kyong better way para makatipid at mas luminis ang bahay, share niyo naman jan! hehehe!

No comments: