Monday, July 21, 2008

Panakip-lungkot

Since wala ako sa mood ay napagpasyahan kong tumambay na lang sa Megamall at doon magmuni-muni na di naman alam kung ano ang pagmumunihan. Buti na lang nagkataon na nagja-job hunting ng panahong un ang aking ka-sfc na c Marvin kaya nagkita kami sa Megamall at ang kanyang new friend na si Ken.

Akala ko matagal na silang magkakilala..di pala..that day lang din pala sila nagkakilala. Hahaha. Kahit bago kaming magkakakilala ay nag-Videoke kami. San ka pa? Hehe. First time kong kumanta sa Open Videoke and I love it! Hahaha! Rock en Roll!!! Ayun pinagtatawanan n lang namin ung sarili namin. Hehehe. Ang masayang balita dito, ay magiging participant si Ken sa upcoming CLP namin. Nabola ang lolo mo! joke! hehe :p Tapos dumating din c Gina..another friend ni Marvin. Ayaw niyang maniwala na kakakilala lang namin ni Ken at sandali pa lang kaming magkakilala ni Marvin. Haha.

Sabi ko kay Marvin at Ken malungkot ako ng gabing 'yon...pero ayaw nilang maniwala. Siguro nga dahil it doesn't show sa kilos ko. O kya di talaga nila ko masyadong kilala. Pero sumaya naman ako kagabi kahit sandali.

Ano nga ba mga sign na nagpapanggap lang akong masaya? hmm..

..pag matino ang boses ko pag nagvivideoke. Ewan ko,pag mas ma-emosyon ako mas nagiging matino boses ko.

..karamihan ng kinakanta ko ay rock. Basta ung mga may part na sumisigaw. Ayan senyales na yan..para di halatang gusto ko lang sumigaw.

..iba ang way ng pangungulit ko at pagtawa ko. Sa mga nakakakilala sakin, madali nilang mapapansin toh..di ko masabi ung difference eh..basta iba..

Pag-uwi sa bahay gusto kong umiyak. Pero mukha namang akong shunga kung iiyak ako ng walang dahilan. Ano un, artista? may shooting?? Hehehe. Di bale matatapos din tong emo mode ko...pero di ko gusto ang ganitong pakiramdam...pakiramdam ko nawawala ang ningning at pagka-blooming ko pag ganito ako (may ganun?)..hehe..hay..

No comments: