Thursday, July 3, 2008

MUNTIK NA!

Akala ko sa araw na ito mawawalang parang bula ang ipinundar kong magandang record sa attendance dito sa office! Huhu! Mahigpit kasi talaga sa attendance dito sa company namin. Kaya madidiscipline ka talaga sa oras.

Nagchange work sched ako for today ng 8:30-5:30pm para maaga akong makauwi samin sa Malabon. Pag usual day (9-6pm na pasok), nag-aalarm ako ng 6am..alarm ulit ng 6:30am..snooze ng 6:40am..snooze ulit ng 6:50am tapos snooze hanggang 7am. Ganyan kahaba ang 'muni-muni' time ko sa umaga. Hehehe. Pag todong inaantok inaabot pa ng 7:15am.

Pero iba naman ung kaso kanina..nakalimutan kong 8:30am nga pala ang time ko! 7am ako nakabangon at di ko alam kung pano ang ginawa ko at 7:30am ay tapos na kong mag-ayos at larga na ang lola mo. Hehe. Di naman mahirap sumakay ng FX kanina..ay, mejo pala. Pero ang nagpatindi ng umaga ay ang TRAFFIC! Kamote! Akala ko pagbaba ko ng FX 50th birthday ko na! Ang tagal ng byahe!!!!!! Kasabay ng beat ng tugtog ung heartbeat ko.."male-late na ko!!!!Utang na loob!!!"

Todo dasal naman ako dahil ayoko talagang may late record ako sa attendance ko. Pagdating ko sa login area, teeet! 8:29:25 ung time! bwahahahahhaha!TAGUMPAY!!! Thank you Papa Jesus for answering my demanding prayer kanina!!!!!!!! hihihi!


---------------------------
PDA2 Update
"WAG KAYONG MALULUNOD SA KALAHATING BASONG TUBIG!"

I super adore Director Joey Reyes! Ang prangka niya kagabi at kaya niyang magpakaprangka na di sarcastic ang dating! Astehg talaga! Totoo naman kasi ung mga sinabi niya..akala nung iba magaling na sila..basta! hanga ako kay Direk Joey! He really deserves to be one of the PDA Mentors! Sana may video ung ginawa niyang sermon kagabi! T_T

Ung issue kay Laarni, she really has the talent but in terms of attitude..gosh! Nevermind! Hehehe. 2 groups na kasi ung nakasama niya and both group nagkakagulo pag kasama siya. Ewan ko ba dun sa babaeng un. Well, can't judge her din kasi nga di ko din alam background niya. Pero di ko talaga gusto ugali niya. Hehehe.

No comments: