Thursday, July 31, 2008

Simpleng Argumento

Madami kaming nagiging argumento ni Yayan (Housemate/YFC Daughter ko) tungkol lang sa iba't ibang bagay. Magkaiba kasi kami ng pananaw sa buhay. At sa tingin ko eto ung mamimiss ko pag umalis n siya sa bahay. Ung sigawan namin para maipagtanggol ang punto namin. Pero di kami nag-aaway nun ah! Haha! Normal lang namin un.

Early in the morning, inumaga n kasi ako ng uwi galing Chapter Prayers Assembly namin, we had this conversation na napunta sa argument tungkol sa as usual, pananaw na naman namin.

Yayan: Ano bang masama sa uminom?
Rakz: Bakit, ano rin bang maganda o mabuting nakukuha mo sa pag-inom?
(silence)
Yayan: Happiness.
Rakz: Happiness? Makukuha mo un kahit di ka uminom!
Yayan: Wala namang masama dun. Halos lahat naman ginagawa un. At minsan lang naman.
Rakz. Di porket madami ng gumagawa ay tama ng gawin. Ano ka, go with the flow?

Di n namin natapos ang argumentong ito. Di ko alam kung makikipag-inuman pa rin siya sa iba. Naging usapan na rin kasi namin toh ng officemates ko lalo na nung boss ko. And they can't say any advantage of drinking alcoholic drinks. Hehehe. May masabi man sila, di pa rin considered as a valid reason. Nyahehe.

Wala lang, in my opinion lang kasi, feeling ko nakakaloko kay Lord na sasabihin mong you are serving Him but you can't let go of worldly lures such as drinking alcoholic drinks. Well, opinion ko lang naman toh. Kahit naman ako di perpekto o santa, nagkakamali din ako.

I love my YFC daughter and I just want to pass the fire to her...kaya lang parang andaming pumapatay ng fire na un pag nilalapit ko sa kanya. Minsan nga pakiramdam ko gusto ko nang sumuko dahil siya mismo iba ang pananaw niya. Tigas talaga ng ulo. Hehehe. Pero di pwede. SET THE WORLD ON FIRE ika nga. Hay. Pero mejo mabigat sa loob. TOtoo nga sabi sa conference. Di ganong kadaling magpalaganap ng fire. Pakiramdam ko nasa matinding Spiritual Battle ako. Haha.

Tuesday, July 29, 2008

Ablazed na ablazed! Hahaha!

Right after our Conference in Subic ay alam ko ng magiging busy ang week na toh para sakin. Dami kasing naiwan n taks last week dahil antagal kong absent. Nyahehe. Dalawang projects pa ung nasakin. Hayz.

Tapos I need to prepare pa para sa ieecho sa Chapter Prayer's Assembly namin this Thursday. Lord please lead me...di ko po alam kung pano ieecho un..T_T

I need to prepare din ung magiging slide presentation or video of the past MMC. Kamote nawala ang creativity powers ko! Wednesday na pero di ko pa rin siya nagagawa. Wala talaga akong maisip na layout or kung ano at pano ipepresent ung naging MMC. Puyatan na naman toh mamaya! Waaahh!!!

Tapos Thursday night Chapter Prayer's Assembly na namin. I'm praying na sana maging maayos naman siya at mai-echo namin ng maayos ung naging MMC. Hehe.

Friday, start na ng no-meat policy namin! bwahaha! Kaya laging meat ang ulam ko nitong mga nakaraang araw dahil mamimiss ko sila chicken, pork, at beef. Hihihi.

Saturday naman ay Logistics and Music Min day. Kailangan kasing gumawa ng posters and teasers for our CLP starting August 9. Kaya lang di pa nagrereply c Karen sakin till now kung pwedeng sa kanila gumawa nun. Pumayag na siya dati pero ang alam niya lang ay gagawa ng teaser. Baka magulat un pag madaming tao ang pupunta sa bahay nila. Hehe. Sana din magpunta ung iba sa practice ng Music Min.

Sunday, the Grand Evange Rally! Wala akong idea kung anong kakalabasan. Sabi nila may motorcade pa daw. Sana maging maganda panahon nito.

After nito saka ko na gagawin ung magiging tokens for the speaker. Hinay-hinay lang. hihihi.

Grabe nakakapraning pero masaya naman ako sa ginagawa ko. Un ang mahalaga. Hehe. Basta para kay Lord masaya ako! Set the earth on fire! Hihi! At thanks po Lord sa pagbalik ng boses ko. Though di pa po ko fully nakakarecover, at least enough n po para makapagsalita ako sa Thursday. Galing mo talaga Lord!

Monday, July 28, 2008

Pinaiyak mo ko Lord! SFC Ablaze Experience!

July 25-27, 2008. SFC Metro Manila Conference @ Subic COnvention Center.

First kong pag-attend ito sa SFC MMC (Metrocon in YFC term). Sabi nila mas maganda daw ung flow ng programme nung past MMCs. Siguro nga. Pero ito ung conference na tatlong araw akong umiyak dahil sa iba't ibang kadahilanan.

Friday.Pag-iyak dahil sa sama ng loob.
Obvious naman sa previous posts ko na naging emo ako last week.Tapos before I went to the meeting place lahat sila sa bahay may sakit. Lalo na ung pinakamamahal kong pamangkin na ang laki ng ipinayat dahil sa pagkakasakit. Nadurog ang puso ko dun. Tapos nalaman ko pa ung decision ng friend ko na sasayaw pa din siya kahit di pa pwede sa kanya. Nainis ako nun kasi sakin siya hinabilin ng Papa niya tapos ganun pa rin un naging decision niya. Kaya yun..poof! sumabog ang kalooban ko habang nasa may BK pa lang kami.

Pero nakarecover naman ako nung nasa bus na kami. Galing kasi nung videoke sa bus. Parang palaging pinagbibigyan si Kuya Red sa mga score. My favoritism! Haha! Basta naging masaya ung trip papunta..Mejo nasikipan nga lang ung iba sa bus.

Ganda sana nung Session 1... kaya lang ako lang talaga ung may problema. Though tumatama sakin ung mga sinasabi nung speaker, lumilipad naman ung isip ko. What do you expect if you have a bothered heart? E di windang talaga ko nun. Pero nagsisink in na sakin ngayon ung mga cnabi sa session 1. Ang slow eh noh? haha.

Sabi nila may masquerade ball daw ng Friday night. Kamusta naman un parang Chapter lang namin ung di nakacostume. Haha! Parang na-OP kami! :D


Saturday. I Surrendered.

Ganda nung Morning Worship. Ang sarap sa pakiramdam. Nkakabuhay talaga ng dugo! We attended the Discernment Workshop in the morning. Galing ni Tita Eloy (close?hehe)! May mga words siyang nasabi na naibulong ko sa sarili ko na "Sana maexperience ko din un Papa Jesus..." Dami niyang na-share tungkol sa discernment. Kaka-inspire!

Creative Competition na nung Saturday afternoon. Ang salarin kung bakit nawawalan n naman ako ng boses ngayon. Hindi dahil kasali ako sa competition kundi dahil sa kakatili sa mga entries ng West B! Aba'y siyempre suportahan ang Sector! Haha! Nakakatuwa na hanggang SFC ay solid pa ring sumuporta ang West B. Lalo na nung tumugtog na ung Kanluran Band. Parang naging backup singer ung buong West B! Saya saya!

Eto na..Saturday Night na. The night for Session 2 and 3. Napagitnaan ako ni Mommy Aysa at Dadi Aga kaya di ako nakatulog during the session. Mapagitnaan k b naman ng mga Chapter Heads! Haha! Touched ako dun sa Session 3. Ewan ko ba. Tapos nagkaroon pa ng time para i-pray over namin ang isa't isa. Dun ako super na-touch. Un kasi ung longing ng puso ko ng gabing un. Ung ma-pray over ako. Si Mommy Aysa ung unang nagpray-over sakin. That's the time din na I surrendered all my feelings to God. Ung tipong sumuko na ko sa pag-iisip..pagpaplano..and I surrendered it all to God at tinanggap niya naman. Kaya naiyak na naman ako. Kakaiba ung init na naramdaman ko nun. Daig pa ung Bengay at Vicks pag pinahid sa katawan ung init na naramdaman ko sa buong katawan ko nun lalo na sa likod. Ang sarap sa pakiramdam nung pagkainit niya. Napaupo na yata ako nun..tapos may humaplos sa ulo. Thanks kung sino man un dahil gumaan ang pakiramdam ko lalo nun. Di ko na kasi alam kung sino ng nasa paligid ko nun. Hehehe.


Sunday. Spiritual Consolation.

Eto ung pinakasapul na sapul ako. Lalo na nung pinalabas ung video about Mission. Grabe nanlamig at nanginig ako nun. Pero dineadma ko ung pakiramdam ko. Tapos nung praisefest na, ay naku po! Naiyak ako ng di ko alam kung bakit! Basta tuloy-tuloy lang ung luha ko..na kahit fast song ung kinakanta ay umiiyak pa din ako. Ang weird pero naiyak talaga ko nun. Siguro na-touch ung part ng puso ko na pinagtaguan ko nung tungkol sa..secret! Hehe. Alam ni GG Beth ko un. As I was crying, nadama ko ung pagyakap ni Papa Jesus. Kinabahan ako nun kasi akala ko sasabihin niya ng "Now na". Pero hindi..inakap niya lang ako.."saka na" lang daw...Basta akap lang kami ng moment na un. Hay sarap...

Nung pauwi na kami ni Cherry natanong ko sa kanya kung anong tawag dun sa naranasan ko. Sabi niya un ung Spiritual Consolation na nabanggit dun sa Discernment Workshop namin. Uu nga pala...un nga pala ung pagkakataong naibulong ko sa sarili ko na "sana maexperience ko din un". Well, answered prayer agad. Hehe.


Madami pang moments na nangyari. Though I can say na mas masaya ung experience ko sa ILC last Feb. Hehe. Basta masaya. Nag-stay pa kami sa BK pagbalik namin sa Manila. Kami nila Mommy Mich, Mommy Jinky, Tay Fello, Tito Edmar, at Cherry. Habang hinintay naming matapos ang one-to-one ni Mommy Jinky at Tay Fello, ayun nagkulitan muna kami sa BK. Tuloy nag-meeting na rin sa gagawin ng Music Min.Nagmukha p kaming yagit dahil nagpatak-patak n lang kami para makakain.Kaya ginabi na ko ng uwi. hehehe.

Tapos..eto..back to reality na..sa normal na mundo... pero ibang ako na. Rakz ABLAZE! Haha! :)

Tuesday, July 22, 2008

Impressive vs. Expressive

Hanep talaga si Gary V...sakto ung kinanta niya sa nararamdaman ko nung gabing napanood ko ung pag-guest niya sa PDA2...

Kung ibobold ko lahat ng tumatamang lyrics sakin, malamang naka-bold lahat ng part ng kantang toh..

Just what is it in me?
Sometimes I just don't know
What keeps me in Your love,
Why you never let me go

And though you're in me now,
I fall and hurt you still
My Lord, please show me how
To know just how you feel

You have forgiven me
Too many times it seems
I feel I'm not what you might call
A worthy Christian after all

And though I love You so
Temptation finds its way to me

Teach me to trust in You
With all my heart
To lean not on my own understanding
I just forget
You won't give me what I can't bear

Take me out of the dark, my Lord
I don't wanna be there

You've never left my side
You gave Your hand to me to hold
Oh Jesus, I'm no longer in the cold

And yet, I leave You there
When I feel satisfied
I'd like to thank You every day
Not only when I feel that way

I've never known a Man
Who'd give His life for sinners like me
And yet, because He loves us so
He's promised us eternity
And we can have that promise
And be His if we have faith
And just believe

Teach us to trust in you
With all my heart
To lean not on my own understanding
We just forget
You won't give us what we can't bear

Take us out of the dark, My Lord
'Cause we don't want to be alone
Take me out of the dark, My Lord
We don't wanna be there, My Lord

Trust in You with all my heart
Lean not on my own understanding
I just forget
You won't give me what I can't bear

Take me out of the dark, My Lord
Cause we don't want to be alone
Take me out of the dark, My Lord
I don't want to be there


kamote...di ko napigilan ang luha ko nung buo puso niyang kinanta toh nung nasa PDA siya..hay..I just found the right song...

Nainggit din ako kay Bunny nung prinay-over siya ni Gary V. Hay namiss ko ung ganung pakiramdam..sarap kasi sa pakiramdam pag alam mong may nagdadasal para sa'yo...

Sa CLP..as I sing..I want to be expressive..not impressive. I want to sing not because I want to impress the people around me but because I'll sing just what my heart wants to say and express to my Lord..

Feeling ko tuloy scholar din ako..haha..adeek..! Eto ung video nung kay Gary V. Share ko lang...

Monday, July 21, 2008

Panakip-lungkot

Since wala ako sa mood ay napagpasyahan kong tumambay na lang sa Megamall at doon magmuni-muni na di naman alam kung ano ang pagmumunihan. Buti na lang nagkataon na nagja-job hunting ng panahong un ang aking ka-sfc na c Marvin kaya nagkita kami sa Megamall at ang kanyang new friend na si Ken.

Akala ko matagal na silang magkakilala..di pala..that day lang din pala sila nagkakilala. Hahaha. Kahit bago kaming magkakakilala ay nag-Videoke kami. San ka pa? Hehe. First time kong kumanta sa Open Videoke and I love it! Hahaha! Rock en Roll!!! Ayun pinagtatawanan n lang namin ung sarili namin. Hehehe. Ang masayang balita dito, ay magiging participant si Ken sa upcoming CLP namin. Nabola ang lolo mo! joke! hehe :p Tapos dumating din c Gina..another friend ni Marvin. Ayaw niyang maniwala na kakakilala lang namin ni Ken at sandali pa lang kaming magkakilala ni Marvin. Haha.

Sabi ko kay Marvin at Ken malungkot ako ng gabing 'yon...pero ayaw nilang maniwala. Siguro nga dahil it doesn't show sa kilos ko. O kya di talaga nila ko masyadong kilala. Pero sumaya naman ako kagabi kahit sandali.

Ano nga ba mga sign na nagpapanggap lang akong masaya? hmm..

..pag matino ang boses ko pag nagvivideoke. Ewan ko,pag mas ma-emosyon ako mas nagiging matino boses ko.

..karamihan ng kinakanta ko ay rock. Basta ung mga may part na sumisigaw. Ayan senyales na yan..para di halatang gusto ko lang sumigaw.

..iba ang way ng pangungulit ko at pagtawa ko. Sa mga nakakakilala sakin, madali nilang mapapansin toh..di ko masabi ung difference eh..basta iba..

Pag-uwi sa bahay gusto kong umiyak. Pero mukha namang akong shunga kung iiyak ako ng walang dahilan. Ano un, artista? may shooting?? Hehehe. Di bale matatapos din tong emo mode ko...pero di ko gusto ang ganitong pakiramdam...pakiramdam ko nawawala ang ningning at pagka-blooming ko pag ganito ako (may ganun?)..hehe..hay..

Another Goodbye Song



Song Title: Another Goobye Song
Composed by: Ryan Cayabyab
Performed by: PDA Season 2 scholars

Here’s another goodbye song
I’m running out of words to say
How bad I feel
How sad and real
When someone says goodbye
And I am not prepared to cry

I see your face
I hear your voice
With both eyes closed
I hear your breath
I never thought this day would come
When you would say goodbye

Here’s another goodbye song
Here’s another goodbye song
I feel the words are comin’ now
And they reveal how sad I feel
Cause you’re not coming back to me

Here’s another goodbye song

-------

Ala lang..nagandahan lang ako sa song na toh...galing talaga ni Mr. C! Hanep! Sayang lang di masyadong maayos pagkakaperform ng scholars dito. Kamusta naman kasi si IƱaki, di alam kung kelan siya papasok. hmp! Hehe. But still, ganda nung song..ang lungkot nga lang...

Sunday, July 20, 2008

Nang kausapin ko ang sarili ko

Rakz 1: Ano bang meron sa araw na ito at nakapadali mong mainis o mayamot? Di ka naman inaantok...tapos na rin naman ang monthly period mo...

Rakz 2: Ewan ko ba..pero basta pag may pumansin sakin parang naiinis ako..wala ako sa mood makipag-usap at makipaglokohan.

Rakz 1: di ka naman sobra sa attention ah. ok naman ung pagbati nila sayo..normal lang naman..

Rakz 2: basta naiinis ako..un ang pakiramdam ko! Ayoko ng nilalambing ako ngayon. Basta ayoko ng may kumakausap sakin ngayon!

Rakz 1: Hay ayoko ng ganito..anu na naman bang nangyayari sayo rakz! ok ka naman kahapon...kamote ka talaga rakz..tindi talaga ng mood swing mo! Malapit na MMC..umayos ka..

Rakz 2: Anong magagawa ko..eh sa ito nga nararamdaman ko ngayon. Ang plastik nga ng ngiti ko dito sa office eh. Mood swing lang toh..

Rakz 1: Nangyari na sayo yan dati..May tao ka bang gustong makita? ano na namang event ang gusto mong mangyari?

Rakz 2: DI KO ALAM. Basta ang alam ko... gusto kong tumawa.. TUMAWA NG MALAKAS AT TOTOO. Kaya nga ayoko munang makipag-usap kahit kanino..baka kasi makapagbitaw ako ng salita na di maganda kahit wala naman silang ginagawang masama...

UBE with my Dark Horse

When we played "Who's Who" in our last CLP Planning, siya ang binigyan ko ng Dark Horse na paper..Hindi un maitim na mukhang kabayo ah..hehe. Dark Horse meaning Mysterious na tao sa para sa'yo..

Coincidence naman, kami ang pinagpartner (nawalan siya ng kalayaang pumili ng partner niya, haha) para sa Music Min. Since gusto ko lahat ng ipinapartner sakin (just like in YFC days) ay kahit papano comfortable ako, ayan..nag-aya akong mag-UBE kami. Saka para mag-usap na rin para sa kapakanan ng Music Min. Hehehe. As I've said kanina, mysterious person pa rin para sakin ang aking Tito Edmar. Ewan ko ba kung bakit..kumportable naman akong makipaglokohan sa kaniya..pero parang ang mysterious pa rin ng dating niya sakin..weird...


(At the Big Room)

To start our UBE (Ultimate Bonding Experience), ayun, 2 hours kami sa Oola Family KTV(?) sa may St. Tomas Square. Mejo mahal ung rent namin..150 pesos per hour! Ang laki nung room..pwede ng i-room for rent. Hahaha. Nakakahinayang kasi sanay ako dun sa mga token-type videoke. 5 pesos lang per song. Hahaha. Biritan, sayawan (ako lang dito tapos di pa ko masyadong nakatodo :P), rakrakan, at ang matindi ung duet...wala yata kaming nakantang matino..haha! Wala kasing The Prayer eh..hahaha! asa naman! :p Pero hindi lumabas ung totoong kulit ko sa pagvivideoke..di ako nakasayaw at nakapag-emote masyado..hihihi.. :D Ligtas ako sa bayaran dito..si Tito ang nagbayad..hehehe. Himala walang naganap na sindakan :p


(Cge, kain ka lang Tito..Hehehe)

Next stop, sa Pizza Hut. Nagke-crave kasi si Tito sa Pasta...sabi ko nga McDo Spaghetti na lang..Hahaha! Ako naman I'm craving for Pizza. Kaya un, Pizza hut n lang kami. It was obvious na gutom siya that time..hahaha! Pero buti naman at kinonsider niya pa rin ang budget kahit gutom siya (thanks for that) dahil ako naman ang nagbayad..hehehe. Ok lang kasi it was the exact day na one year na ako sa work ko...may reason para manlibre at magshare ng blessing..a simple treat ika nga. Hehe. Basta masaya ang araw na ito... Sobrang saya nakalimutan naming pag-usapan ung tungkol sa music min..hahaha! Sablay!

Tapos magpapapic din pala si Tito para sa kanyang resume. Naisip ko na matagal na kong di nakakapagpapic sa studio (nainggit ako dun sa mga nakita kong pic na nakapost dun sa studio..hihihi) kaya pinilit ko siyang pa-pic kami..Hehehe. Ok naman ung kinalabasan ng pic..ang cute ko dun..hahaha! Nakakatawa ung wacky namin..parang di naman wacky!

(Wacky na yan???)

Rakz: Tito..tinitingnan ko ung wacky pose natin..ibahin mo na ung pananaw mo sa wacky ah..hehehe..
(Nung nagkita na kami ulit)
Tito: Ikaw din naman di wacky ung pose mo eh.
Rakz: Eh siyempre pag nagpose ako ng totoong wacky pose ko dun mapag-iiwanan kita..sabi sa talk walang iwanan! Haha!

Tama...WALANG IWANAN..because we are one team..one family sa Unit namin...

Hmmm..sana nga...walang iwanan...

Thursday, July 17, 2008

Anniversary Gift

Happy Anniversary sa akin!!! Hahaha! One year na ako sa aming company at wala akong pinagsisisihan! Antulin talaga ng panahon...grabe na toh..anyway, since may occassion na naman, siyempre di mawawala ang gift ko para sa sarili ko..sariling sikap na talaga toh! Hahaha!


Tada....!!!!


Yan ang anniversary gift ko sa sarili ko..sofa set, Samsung Ultra SlimFit TV at stand fan...Hehehe. Nabili sa pamamagitan ng ipon at iipunin pa lang (credit card kasi gamit ko para dun sa TV at stand fan. Hehehe). Ayan limas na naman ang pera ko! Wala na naman akong dahilan para magkasakit. Hehehe. Magiging crucial nga lang ang August ko...sabay sabay ang bayad, idagdag pa ung sa insurance namin ni Nanay. Tinodo ko na habang nasa bahay namin si Nanay. Mas magaling kasi ung mag-ayos ng bahay eh..talent na di ko namana sa kaniya. Haha! Grabe ang sarap ng tumambay sa sala! Dati kasi sumasakit likod ko dahil malamig ung dingding namin saka ung floor..Ngayon..hay..feeling mayaman na..Hehehe. Thanks nga pala to Yayan dahil kahit inaaway ko siya kagabi ay siya ang nag-assemble ng mga binili ko. Hehehe. Pwede ka ng mag-sideline nak! Haha!

But the best gift na nareceive ko ay kaninang umaga... Kiniss ako sa cheeks ng aking Nanay habang nagpapanggap akong tulog. Grabee ang sarap sa pakiramdam!!!!!!! The best talaga si Nanay!!! =')

Pag-uwi ko sa Malabon ay kukunin ko na ang aking videoke dvd..hahaha! Wooohh rakrakan na toh sa bahay! (Mei kung mababasa mo toh, videoke tayo ah! haha!)

Pero July 19 talaga ung exact date ng one year ko sa company...what a blessing from God itong company namin... Hindi super higher level ang sahod pero masaya... =)

Thank you po Lord God and Papa Jesus sa blessings! Muah muah muah! Bahay na po ba kasunod nito? Hahaha! Desperado talaga ang inyong prinsesa! Pasensiya na!! Hihihi!

Housekeeping!

Nag-open ng bagong chapter sa istorya ng buhay ko ng ako'y nagsimulang mag-apartment. Sa pagkakataong ito pasasalamatan ko si Marian dahil siya ang nag-aya sakin para mag-apartment. Di naging madali sa umpisa dahil di naman ako sanay sa buhay "independent". Madalas din ang ma-home sick dahil nga sanay akong naglalambing pag-uwi. Hehe.Pero dahil nga sa paghiwalay ko ay natuto naman ako ng konti sa buhay.

Nung nasa Malabon pa ko, makalat ako by nature. Alam ko kasing may magliligpit ng kalat. Hehe. Pero nung nasa apartment na, andali ko ng mairita pag nakikitang makalat ung bahay. Kailangan ko ng matutong mag-ayos ng bahay..tulad nga ng nasabi ko dati, desperado akong magkaroon ng sariling bahay! Heto ang ilan sa natutunan ko ng ako'y magsarili at ina-apply ko sa pang-araw-araw kong buhay:

Sa paglalaba

- twice a week ako kung maglaba..once a week pag tinatamad or gabi na nakakauwi palagi :D Sumasakit kasi ang ulo ko pag nakikita kong madami ang labahin. Di pa ko nagi-start maglaba pakiramdam ko sakit na agad ng kamay ko. Hehehe. May washing machine ako pero di ko feel gamitin. kamusta naman un. Hehehe.

- use Ariel sa paglalaba. Wow plugging! hahaha! Madali kasi siyang makatanggal ng mantsa at iba pang dumi sa damit. Kahit konting kusot lang tanggal n ung dumi. Less effort. I-tandem pa natin kay Downy pag tag-ulan para fresh p din ang damit.

- alamin kung anong damit ang humahawa ang kulay. Sayang naman kung mahawaan lang ung iba. Hehe.

- pigaing mabuti ang damit at ipagpag (or ipampag? kamote hina sa spelling..haha) bago isampay. Eto ang bilin sa akin ng aking Nanay. Para daw di mahirap plantsahin ung damit at para mas tumagal.

- baliktarin ang damit bago isampay para ma-maintain ung kulay niya at di madaling maluma. Turo sakin ni yayan toh na sinunod ko. Hahaha.

- kung mahirap namang magpatuyo dahil umuulan, wala tayong magagawa jan. joke! Hehehe. My dryer ung washing machine ko kaya di problema sakin un. Hehe. Pero di ko pa rin ginagamit dryer ko. Ewan ko ba. Ahead of time naman kasi paglalaba ko kaya di kinukulang sa damit.Kaya kahit magmaganda ung damit sa sampayan ok lang.

- sa paglalaba ng kumot, bed sheet, tuwalya, atbp..ipinapaubaya ko na kay Nanay. Hahaha! Sablay! Pantalon nga sumusuko ako eh..ung mas mabibigat pa kaya..Hehehe. Need improvement ako dito :p


Sa Pagpaplantsa
- once a week ako kung magplantsa ng damit. Sabi kasi nila mas tipid sa kuryente pag isang bagsakan ung pagplantsa kaysa dun sa pagplantsa kung kelan gagamitin ung damit. Late-free pa pag may pasok dahil susuotin mo n lang agad ung damit. Hehehe. Pero pag tinatamad...may mga available na damit pa naman jan. Hehehe.

- di ko n din pinaplantsa ung mga damit pambahay. Di ko naman na siguro kailangang pumorma pag nasa loob lang ng bahay. At kung sakaling habulin man ako ng plantsa, at least nasa bahay lang ako. Hehehe. Inaayos ko n lang ung pagkakasampay para di lukot pag natuyo.


Sa paglilinis ng CR
- Ariel at brush ang gamit ko sa paglinis ng cr...ok na ko jan. di ko kasi alam kung anong cleanser ang maganda..ung effective talaga. Hehe. Nakakalinis naman siya. Pero twice a month ko lang magawa toh dahil sa lagi akong may lakad. Naiirita ako pag madumi ung CR..nasan ang "Comfort" kung madumi ung "Room". Hehe.


Sa paglilinis ng Kuwarto at Sala
- "Clean as you go" ang policy ko sa sarili ko para ma-maintain kahit papano ang cleanliness ng lugar na ito. Pero minsan parang di masyadong effective lalo na pag nagmamadali. Hehe.

- Di pwedeng magpasok ng sandals/sapatos/tsinelas/sapin sa paa na ginamit sa labas sa loob ng bahay. Naka-tiles na color WHITE ung bahay. Ok lang magpasok basta ung damit nung nagpasok ung ipanglilinis dun sa tiles. Kala mo ah.. Hehehe.

- Takutin ang kasama sa bahay para iligpit ang gamit niya. Effective toh. Haha! Pansamantalang umaayos ung bahay. Hahaha!


Sa paglilinis ng Kusina
- Hugasan agad ang pinagkainan. Para iwas ipis at langgam. Pag dinadatnan ko ung pinagkainan sa lababo gusto kong ihagis dun sa kumain. Haha! Ang bad!

- Wag ng mag-inarte sa dishwashing liquid. Mag-inarte na lang sa sponge. Hehe.

- Hanggat maaari maayos ung pagkakasalansan ng mga gamit pang kusina. Wala lang..para mas magandang tingnan.

Some tipid tips
- Hugutin sa saksakan ang mga appliances. Sabi nga sa commercial na "Tippy's Tipid Tips" appliances consumes 25% of the electricity pa din kahit naka-off pero naka-plug pa din.

- kanya-kanyang gamit para mas madaling magbudget lalo na pag toiletries at personal na gamit. Para alam mo din kung kelan ka bibili at matantiya mo kung hanggang kelan aabot ung gamit mo. Kung pano titipirin ito, naku naman human instinct na yan! Haha!

- buy more save more tulad sa tubig. Dito kahit hati na kami ng kabahay ko. Pareho naman kaming umiinom ng tubig. Php30 good for 1-2 weeks na. Wag magtipid sa pag-inom ng tubig. Ma-constipate ka niyan. Hehehe.

- keep track the bills. May record kami ng bills (electric at water) namin monthly. Para lang alam namin kung nagiging magastos na ba kami or hindi.

- Have a medicine Kit. Pano nakasama toh sa tipid tips? Hmm..para di kyo gagastos palagi pagpunta sa botika. nyahaha! Seriously, para naman pag may "emergency" ay mababawasan ang worry nyo kung san kayo kukuha ng gamot. Medicines like Biogesic, diatabs, immodium, etc will do. Haha.

As of now naman nasa Php140-150 lang ung kuryente namin at Php120-140 ung tubig namin. Effective kahit papano ang aming pagtitipid. Hehehe.

Di ako naglagay ng tungkol sa pagluluto dito. Pasensiya naman! Di ako nagluluto eh. Hehe. Saka wala kaming ref. Gusto ko mang bumili ng ref, for sure na tataas kuryente namin at sayang din dahil nga di naman kami nagluluto. Anong ilalagay namin dun, tubig lang at itlog? haha! Chaka ah! :D

Di pa ko OC niyan ah..feeling ko kasi wala pa kong karapatang maging OC..hehe..

Pero ang pinaka-effective sa lahat ay ang magkaroon ng kasambahay na DI MAKALAT AT MATIPID. Hahaha! kasi kahit anong sinop at tipid mo kung ung kasama mo naman ay pariwara, makalat at walang pakialam sa babayaran, sayang ang effort mo!

Pero kung may maisa-suggest kyong better way para makatipid at mas luminis ang bahay, share niyo naman jan! hehehe!

Tuesday, July 15, 2008

Sintomas

* - check/korek


Symptoms of a CERTIFIED SINGLE:

· Mahilig kumain.*


· Panalo ang social life. Alam lahat ng gimikan at mall sale. *

· Hayok sa tulog. *

(Hayok lang..pero di ko nagagawa due to some of my commitments. Hehe)


· Gadget-addict.

(dati pa ko addict sa gadgets eh..di n ngayon..hehe.nasa appliances ang gusto ko :D )

· Sa cellphone, group message nang group message ng quotes.

(di eh..i hate forwarded messages kya)

· Ngumingiti kahit nag-iisa.*

· Tumataba. *

· Porma to the max.

(sa office lang ako mahilig magmaganda..haha)

· Mukhang happy kahit hindi naman talaga. *



Symptoms of a CERTIFIED TAKEN:

· Walang pera.

· Mukhang ngarag at laspag.

· Kuripot. *
(default ko toh eh..hahahahaha)

· Blooming, kasi, kailangan para hindi iwan.

· Walang social life kundi dyowa niya.

· Boring kausap


Walang duda, certified SINGGOL ako..hahaha!

Frustrated! Arrrggh!

Hay sumasama ang pakiramdam ko dahil sa frustration na ito (aside from ubo't sipon)!

Dami kong gustong gawin! Dami kong gustong bilhin!

Frustrated akong bumili ng sarili kong bahay! Kamote! Ang mahal nga lang! Gusto ko ng, literally, iahon sila Nanay sa Malabon dahil lagi na silang binabaha dun! Unhealthy na... T_T Kaya lang wala naman akong enough money to do it. Gusto ko kasi sa Pasig, QC or Mandaluyong para malapit sa kabihasnan at mejo malayo sa baha. Grabe nakakafrustrate talaga!!!!! Andami ko ng pending dreams (may ganun? hahaha)!

Lord padala ka naman po ng himala or opportunity...please...hehehe...gusto ko na po talagang alisin sila Nanay dun sa waterworld na un...T_T


Anyway, just want to greet one of my favorite kuya..HABURDEI KUYA IKING!!!You've been such a wonderful mentor and guide samin! Tumatanda ka na! Hehehe... God bless sa'yo!!! =)

Sunday, July 13, 2008

Buntong-hininga..haay..

Oo..masaya ako nitong mga nakaraang araw pero I always caught my self doing that same action..ang bumuntong-hininga!

Bakit?

Kasi sabay sa schedule ng pagpunta ko sa super dream destination ko ung araw ng CLP...which is my responsibility ako...

Naiiyak ako...hindi dahil isusuko ko ung pagpunta ko sa place na un. Naiiyak ako dahil nadissapoint ko ung special sis ko...sabay kasi kaming nangarap pumunta sa place na un tapos bigla ko siyang iiwan..wala akong kuwentang kaibigan! Month of May p kasi namin plinano ang tour namin..at di ko naisip na pwede nga palang maaga mag-start ang clp namin.

Waahhh!!! Naiiyak talaga ko! Pero kasi personal desire ko lang ung pagpunta sa place na un..kung God's will siya, di ko lang alam. Pero parang hindi. Pero pangarap ko talagang makapunta sa lugar na un..pangarap na kailangan kong isuko..PANSAMANTALA.

Pero ang kumukurot talaga sa puso ko ay ang reaksyon ng aking kaibigan...Huhuhu..ang bigat sa pakiramdam..sorry talaga...alam kong nagtatampo ka..gusto kong makabawi...

Super SFC Weekend

Super SFC weekend ang nangyari sakin nitong nakaraang dalawang araw.

Sabado, nag-meet kami nila Mayz at Tay Fello para bumili sa Divisoria ng ipapamigay sa participants. Ang ganda nung nabili namin in fairness! Siyempre as of now secret na naman un kung ano un. Na-miss ko ung bonding moment namin na ganun. Tagal kong kausap si Mayz..napagkamalan pa kaming magkapatid nung isang tindero dun. hehe.

Saturday night natuwa din ako kasi ganda nung PDA. Galing galing ni Bugoy at Liezel! Panalo talaga!! Galing din ni laarni kaya lang yoko talaga ng attitude niya. Hehehe.

Sunday morning to afternoon nag-household kami sa BK Rotonda. Umattend c Bjoy, Chantelle at Cherry. Ang saya ng household namin. Seryoso ung tanong pero tawanan kami ng tawanan. Hehe. Namiss ko sila sobra! Kaya inabot na kami ng kung anong oras.

Sunday afternoon to evening, nagsimba muna kami ng aking SFC sis na si Mimi before kami tumambay sa booth para sa pamimigay ng leaflets for our CLP. May ilan din namang dumating para tumulong. Andun si Dadi Aga at Mommy Aysa..ang mag-asawang simple joy ko sa SFC. Cute cute kasi nilang tignan pag magkasama..Hehehe.

Tapos aun uwi na ko..buti na lang di lumala nararamdaman kong sama ng pakiramdam..

Thursday, July 10, 2008

Have you done everything with LOVE?

A touching true to life story of a nurse that I've just read from a forum:

I was working ICU and caring for a patient with breast Ca who was dying, minimally responsive for days (this was a long time ago when we actually kept dying patients in ICU). Anyway, she suddenly awoke and was very lucid, asking for some water.....I was a little stunned but got her water for her. After she drank she said, "Do you know what Jesus just asked me?" Of course I got a few chill bumps at this point, but answered, "No, what?" She said, "He asked me if I had done everything with love." "And what did you say, I replied. "I told him that I had tried," she said. I told her that most likely that is all any of us are capable of doing. I turned her with some pillows and she fell asleep and died about 10 minutes later. Needless to say, this affected me greatly, I want to be able to give the right answer when Jesus asks.


I can't move on with this story. Maybe because I do not know what will I answer to Jesus if I am the one being asked with this same question. Have I done everything with love, especially with God's definition of love...TRUE LOVE?

I want to do everything with God's love.

I'm not just your typical lucky girl!

May problema pero masaya...
Nagkakasala pero blessed...

Yan ang kondisyon ko ngayon. Napansin ko na ilang araw na akong puro praise and worship songs ang pinapakinggan ko at every time na nakikinig ako nito I found my self smiling..feel na feel ko every lyrics, every beat, every message...nakakaiyak nga minsan..at minsan din gusto ko ng umuwi agad ng bahay para lang magkakanta..haha!

I'M SO BLESSED!

kahit na sangkatutak na ang problema ko, kahit na ilang beses na akong umiiyak at nasasaktan, kahit na ang dumi dumi ko na dahil sa mga kasalanan ko, still I'm so blessed...

Being blessed doesn't mean that all of my wishes and prayers were granted.

Ilang beses na din kasing nireject ni Lord ang proposal ko para sa takbo ng buhay ko..mga hiling ko..as in personal plan...pero nakakatuwa lang kasing marealize na mas maganda ang plano ni Lord kaysa sa hinihiling ko sa kaniya...I do not have any reason to be bitter sa mga nangyayari sakin...

Madami akong ka-close na bros pero lahat sila aangal pag nagpabuhat ako...well, understandable naman un! Haha! sa bigat kong toh! Pero there's this one man na palagi akong binubuhat at never akong tinanggihan...alam na alam niya pa kung kelan ako bubuhatin kahit di ko hilingin! Thanks po Papa Jesus! You're the best! Kaya love na love kita eh! Hehehe! Basta Lord whenever you need an instrument andito lang po ako..hehe. At gusto ko rin po sanang i-share tong nararamdaman at blessing ko sa iba...


With Lord, I'm more than just lucky..I'm blessed! :)

Kanta lang ako ng konti..di ko mapigilan eh..

You're the reason that I live
The reason that I sing
With All I am!

Wednesday, July 9, 2008

IPAGLALABAN KO TOH!

Since assigned kami ni Tito Edmar as Music Min Head sa CLP, nagmeet kami kagabi para magpanggap, este, pag-usapan ung list of songs. In fairness nanlibre si Tito kagabi...haha! Wala pong pilitan, sindakan, at pakiusap na naganap! Thanks for that Tito!

Balik tayo sa planning. Ang totoo mula Sunday hanggang Tuesday evening akong napaisip kung anong mga kantang ilalagay ko. Kamote! Akala ko madali lang kasi madami naman akong alam na kanta pero ang hirap pa lang magpasya kung saang talk siya nababagay! Hayz! Sangkatutak na dasal ang ginawa ko makapaglagay lang ng tamang kanta per talk!

Nung iko-combine na namin ni Tito ung mga songs kagabi, ayun buti n lang may nagkapareho naman kaming choice of song..mga 2 kanta..hahahaha! kamusta naman, eh ilang kanta un, 36+? hahaha! Buti n lang pareho kaming may player kaya pareho kaming nagkaroon ng pagkakataon para mapakinggan ung mga kantang di namin alam na nasa listahan ng bawa't isa.

"Ipaglalaban ko ang kantang toh!"

Yan ang karaniwang linya namin ni Tito habang nagpaplano. Pareho kasi naming ipinaglalaban ung mga kantang napili namin para sa specific talk. Well, first time kong lumaban para sa isang kanta..kung bakit bagay siyang kantahin dun sa talk. Hehehe. Pero exciting grabe!

Natatawa lang ako kasi ung nasa Fast song list ni Tito eh puro tunog slow song pa sa pandinig ko..at ung slow songs niya as in super slow talaga! Tawanan lang tuloy kami ng tawanan kaya inabot kami hanggang sa pagsara ng SM. Inabot kami ng 10pm sa loob ng Megamall. Hahaha!

Isa ito sa mga kantang bago sa pandinig ko pero natouch agad ako..thanks for introducing this song to me Tito! Secret muna kung saang talk to kakantahin..hehehe...

Above All

Above all powers, above all kings
Above all nature and all created things
Above all wisdom and all the ways of man
You were here before the world began

Above all kingdoms, above all thrones
Above all wonders the world has ever known
Above all wealth and treasures of the earth
There's no way to measure what you're worth

Crucified
Laid behind a stone
You lived to die
Rejected and alone
Like a rose
Trampled on the ground
You took the fall
And thought of me
Above all

Above all powers, above all kings
Above all nature and all created things
Above all wisdom and all the ways of man
You were here before the world began

Above all kingdoms, above all thrones
Above all wonders the world has ever known
Above all wealth and treasures of the earth
There's no way to measure what you're worth

Crucified
Laid behind a stone
You lived to die
Rejected and alone
Like a rose
Trampled on the ground
You took the fall
And thought of me
Above all

Crucified
Laid behind a stone
You lived to die
Rejected and alone
Like a rose
Trampled on the ground
You took the fall
And thought of me
Above all

Like a rose
Trampled on the ground
You took the fall
And thought of me
Above all


****Lalo tuloy akong naeexcite sa CLP! haha!***

Nasa 20-40 years old ka ba? Para sa'yo kasi toh!

SINGLE PA RIN, meaning hindi pa married???

Kung oo ang sagot mo sa mga tanong ko, para sa iyo nga ang announcement na ito!


Promise di mo pagsisisihan ang pagsali dito!

Kung YFC ka at di pa maka-move on sa pagiging youth, baka ito na ang iyong pagkakataon to Step Up!

Kung di ka naman kasali sa kahit anu man, ok lang din un! Masaya nga un eh!

Tara, sabay-sabay sana nating kilalanin muli si Kristo! Mukha lang matagal ang 3 Months! Pero di mo mamamalayang lumilipas lang ng ganong kadali un! Hehe!

Wag mong alalahanin ang venue, madali lang siyang puntahan!

Wag mo ding alalahanin kung mao-OP ka! Di uso samin un! Di namin pahihintulutan un! Hehehe!

Natatakot ka dahil baka seryoso ang mga tao? Seryoso sa pananampalataya pero sa masaya at mabuting paraan! Experience it for yourself! *wink*


Inform mo ko or ung mga nasa 'Contact Person' sa itaas kung interesado ka ah! Kasi kami super excited na makasama ka!

SAMA KA HA!!! GOD BLESS SAYO!!! :)

Tuesday, July 8, 2008

Bata, bata... Pano ka naglaro?


May hang over pa ako ng naging Lord's Day costume theme ng Fatima 2 nung Saturday..Children's attire! Pero kamusta naman un, kaming mga taga-Unit 1 ang nagcostume. Tama ba naman un? Anyway,nag-enjoy naman ako ng gabi na un kahit kj ung iba sa pagcostume. hihi (bitter?). Nawindang din ako sa mga parlor games nila. Di ko kinaya! Haha! Basta un na un. Basta masaya! Sayang lang di ko nagamit cam ko dahil lowbat di pala ung nadala kong battery..nagdala pa ko di ba? tsk tsk! Happy Graduation sa new members!!!

Dahil sa aking hang over, prinefer kong sagutan ang nakakatuwang survey na toh..naaalala ko tuloy ang mga panahong batang kalye pa ako. haha!

NUNG BATA KA...

1. Naglalaro ka ba ng Langit Lupa?
* Uu naman!

2. Natatandaan mo pa ba ang kanta sa Monkey Monkey?
* Di na masyado pero nilalaro ko din toh dati. 'Monkey Monkey Anabelle!...' hanggang dun n lang natatandaan ko.hehe

3. Saan ka mahilig magtago pag naglalaro kayo ng Taguan?
* sa likod ng drum, jeep or poste. o kaya sa likod mismo nung taya para save agad! haha! daya noh!


4. Hanggang saang bahagi ng katawan ang abot mong talunin pag naglalaro ka ng 10-20?
* Hanggang baywang lang eh. Todo na un! Hahaha!

5. Nagkasugat ka na ba dahil sa maling pagtalon sa larong Luksong Baka?
* Yup. Sa tuhod at kamay yata. Mali pagkakasemplang ko eh. Hehe.

6. Ilang tsinelas na ang napudpod mo sa paglalaro ng Tumbang Preso?
* Wala. Tsinelas ng kapatid ko ung ginagamit ko noon eh. Para mas malaki. Siguradong tumba ung lata! haha!

7. Ano ang madalas mong pamato sa Piko?
* Bato. Hehe.

8. Hanggang anong oras kayo inaabot pag naglalaro kayo ng Patintero?
* 6pm yata. Kasi manonood na ko ng anime nun eh. Hehehe.

9. Saan niyo nilalaro ang Shato?
* Di ko yata nalaro ito..hehe..

10. Ano ang madalas na \"base\" niyo sa larong Agawan Base?
* Poste ng ilaw at Gate ng mga kapitbahay namin. Haha!

11. Hanggang ilang jackstones ang kaya mong pulutin sa isang talbog ng bola sa larong Jackstones?
* Total number of stars minus one. Haha! Di ko din alam kung bakit! Laging may naiiwang isa! hmp!

12. Ginagamit mo ba ang itim na stick para panungkit sa larong Pick Up Sticks?
* Di ko alam rules ng pick up sticks eh. Basta sungkit lang ako ng sungkit at di magalaw ung ibang sticks!haha!

13. Saang grupo ka madalas pag naglalaro ng Cops and Robbers? Sa Cops o Robbers?
* Anong laro toh? parang di ko din alam toh. hehehe.

14. Madalas ka bang maging taya sa larong Habulan?
* Hindi! har har har!

15. Malakas niyo bang binibilang ang mga numero pag naglalaro ka ng Nanay Tatay?
* Habang tumatagal lumalakas. haha!


16. Gaano ka katagal maging taya sa larong Pass The Message?
* Bihira akong mataya dito! hehe.

17. Naglalaro ka ba ng Tic-Tac-Toe kahit may klase?
* Uu. Hahaha!

18. Nakapaglaro ka ba ng SOS sa graphing paper?
* Uu naman! Kahit sang papel pa yan! bwahaha!

19. Alam mo ba yung laro sa pad paper na Sabugan ng Tangke?
* Ahaha! uu lam ko un! Pati ako parang nasabugan..nasabugan ng tinta ng ballpen! Sobrang carried away pati damit at balat ko nasusulatan din! haha!

20. Naniwala ka ba dati sa kapangyarihan ng FLAMES?
* Hahaha! uu! Asaness pa ko siyempre dati! hahaha!

21. Sa palagay mo, may katotohanan kaya yung hula sa iyo noon nung naglaro ka ng MASH?
* Wala!!!!!!!


22. Nagta-tumbling ka ba sa larong Chinese Garter?
* Naku never kong naging talent ang pagtumbling. Ten-twenty na yata highest level ko.. hehehe.


23. Bakit sa taguang singsing pag malamig ang tenga ng kasali, siya daw ang may hawak ng singsing?
* Kasi guilty! nanlalamig! hahahaha!

24. naranasan mo bang magreenactment ng mga napapanood mo sa tv?
* Aba'y siyempre naman! Si sailormoon! haha! chaka ko talaga nun!

25. Sa tingin mo, malalaro pa kaya ng susunod na batch ng kabataan ang mga larong ito?
* I dunno. Iba na kasi level ng games ngaun eh. puro tech-related na. Mas masaya mga laro noon! Hehehe!

Thursday, July 3, 2008

Pumili ng Kaibigan

Kahit na hilong-talilong na ako kagabi ay bigla akong nagising sa balita tungkol sa gang rape na naganap sa PUP.

June 25 daw ng rape-in ang isang 16-year old na dalagita sa loob mismo ng isang vacant classroom sa PUP. Ilan ang nag-rape? Nasa 20 daw! Kamusta naman un! Di malinaw sakin kung classmates ba nung babae ung mga nang-rape sa kaniya or org-mates niya. Basta ang sure dun ay classmate niya ung isang babae na nagmistulang nambugaw sa kaniya..Inaya siya sa isang general assembly kuno. Tapos doon ay pinilit na uminom ng alak ung dalaga hanggang sa mahilo. Ang sabi pa nung nambugaw: "basta binyagan ninyo yan".

Kumukulo ang dugo ko sa inis! Di ba nila alam kung gaano kahalaga para sa isang babae ang virginity niya? Mga estudyante pa lang ang sasama na ng ugali! Hay naiinis talaga ko!

Sa panahon ngayon mukhang kailangan mo na din talagang pumili ng kaibigan mo..kung kanino ka magtitiwala at hindi..salbahe nung nambugaw na un! grrrr! parang di babae! Naku talaga!

Isa pang balita...napanood ko din dati..

Balak ng transport groups na gawing Php12.00 ang minimum fare sa mga jeepney. Tapos dagdag na 0.50 cents for the succeeding kilometers. Pero ilang taon naman daw silang di magtataas ng pamasahe pag naipatupad ito..

WEHHH? DI NGA?? PROMISE?!?!?!

Hay naku!Dahil daw ito sa patuloy na pagtaas ng gasolina. Inuunti-unti lang daw kasi ung pagtaas ng gas price pero nakita na nilang aabot hanggang Php80/L ang price ng gas bago magtapos ang taon na ito.

waaahhh!!!!!!

Kailangan ko na talagang makapamasyal bago tumaas ng todo ang pamasahe! hahaha!

Hay..mga stressful na balita..T_T

MUNTIK NA!

Akala ko sa araw na ito mawawalang parang bula ang ipinundar kong magandang record sa attendance dito sa office! Huhu! Mahigpit kasi talaga sa attendance dito sa company namin. Kaya madidiscipline ka talaga sa oras.

Nagchange work sched ako for today ng 8:30-5:30pm para maaga akong makauwi samin sa Malabon. Pag usual day (9-6pm na pasok), nag-aalarm ako ng 6am..alarm ulit ng 6:30am..snooze ng 6:40am..snooze ulit ng 6:50am tapos snooze hanggang 7am. Ganyan kahaba ang 'muni-muni' time ko sa umaga. Hehehe. Pag todong inaantok inaabot pa ng 7:15am.

Pero iba naman ung kaso kanina..nakalimutan kong 8:30am nga pala ang time ko! 7am ako nakabangon at di ko alam kung pano ang ginawa ko at 7:30am ay tapos na kong mag-ayos at larga na ang lola mo. Hehe. Di naman mahirap sumakay ng FX kanina..ay, mejo pala. Pero ang nagpatindi ng umaga ay ang TRAFFIC! Kamote! Akala ko pagbaba ko ng FX 50th birthday ko na! Ang tagal ng byahe!!!!!! Kasabay ng beat ng tugtog ung heartbeat ko.."male-late na ko!!!!Utang na loob!!!"

Todo dasal naman ako dahil ayoko talagang may late record ako sa attendance ko. Pagdating ko sa login area, teeet! 8:29:25 ung time! bwahahahahhaha!TAGUMPAY!!! Thank you Papa Jesus for answering my demanding prayer kanina!!!!!!!! hihihi!


---------------------------
PDA2 Update
"WAG KAYONG MALULUNOD SA KALAHATING BASONG TUBIG!"

I super adore Director Joey Reyes! Ang prangka niya kagabi at kaya niyang magpakaprangka na di sarcastic ang dating! Astehg talaga! Totoo naman kasi ung mga sinabi niya..akala nung iba magaling na sila..basta! hanga ako kay Direk Joey! He really deserves to be one of the PDA Mentors! Sana may video ung ginawa niyang sermon kagabi! T_T

Ung issue kay Laarni, she really has the talent but in terms of attitude..gosh! Nevermind! Hehehe. 2 groups na kasi ung nakasama niya and both group nagkakagulo pag kasama siya. Ewan ko ba dun sa babaeng un. Well, can't judge her din kasi nga di ko din alam background niya. Pero di ko talaga gusto ugali niya. Hehehe.

Wednesday, July 2, 2008

Nasa'n ang mga Ninong?!

July 2, 2008 - 1st Birthday ng aking inaanak kay Khaei na si AC (Albert Claude). Mukhang di ko n makakalimutan ang bday ng batang ito dahil kasabay siya ng Araw ng Pasig at walang pasok sa office. Hehehe! Sa McDonalds SM North Edsa Cyberzone ang venue ng kanyang party at no sweat naman akong nakarating dun. Har har!



Nagulat lang ako sa bilis ng progress ng aking inaanak! Last March ko kasi siya huling nakita at buhat-buhat pa siya nun. Tapos ngayon tumatakbo na! Aba! Tapos ang kulit pa! Ang cute! Haha! Ung damit niya halos pang 3 years old na! Binuhat ko nga siya eh..ayun..di ako tumagal..haha! Ang cute pa ng hair..kulot! hihi!

Pero kamusta naman, wala ang mga kilala kong mga Ninong niya! Mga di nagsiputan! Wala tuloy akong kakilala...T_T Mga bad ninong..hehehe...

Nakasama pa ko dun sa isang games..ung Basketball with a twist. Pasaway kasi tong Bebi Mare ko dinamay pa ko! Hehe! Pero at least nanalo kami! Ayan may notebook na ako pang planning eklabu para sa CLP namin. Hehehe.

After the party nag one-to-one na lang kami ni Tay Fello. Pasyal pasyal na din hanggang the block at kain sa Chicken Bacolod Inasal. May kamahalan nga ung price ng food dun. Pero ok naman ung lasa. But not that extraordinary. Hehe. Eto ung Pecho Barbecue with Java Rice nila worth Php112.00.


-------------------------
PDA2 Update
Bye Ross!

Badtrip! C Ross nga next kong type aside from Chivas eh! Tapos umalis din! Kamote! Hina ng loob! :P Asar kasi tong si Jet eh..kung ano2ng negative ang shineshare kay Ross..di niya tuloy kinaya..hehehe... Tapos pag tinatanong ng mga mentors kung may angal ba di naman siya nagsasalita...hay,walang pagkalalaki! Hehe..(kalma lang Rakz!)

Ung nangyari naman kagabi...ang laking factor talaga ng punto or accent ng isang tao in expressing her thoughts. Like kay Laarni, mukhang galit pero sabi niya di naman daw..."DAW". Hehe. Pero good thing naayos agad ng pupilars ang sigalot nila.

Presenting..Moymoy Palaboy!

Ito ang isa sa mga videos na nagpapasaya ng araw ko...
Una silang sumikat sa Youtube dahil s mga ilang nakababaliw na videos! Bading na bading kasi! haha!

Presenting..Moymoy Palaboy in Wanna Be!



Saya noh? haha! Ang kuleht nung mga facial expression..hihi..

For their other videos, search nyo na lang sa youtube..hehehe..