Friday, June 20, 2008

Sun Tech Days: I MISS JAVA!!!


Eto ang dahilan kung bakit matagal akong nawala sa office..hehehe..

June 17, 2008 - Tuesday The Netbeans Day!

First time kong pumunta sa Makati Shangri-La Hotel this day. Kaya mejo windang ang lola mo. Pero nakarating naman ako ng ligtas. Nalungkot ako nung una kasi wala akong kakilala man lang dun sa event. Pero napakabait talaga sakin ni Papa Jesus..di niya ko hinayaang mag-isa. Andami kong nakitang taga-east asia dun. Dami ding familiar faces. Tsaka nung naghanap na ko ng mauupuan, na-meet ko si Ate Mylene..nakalimutan ko nga lang kung anong company niya. Mag-isa lang din kasi siya. Kaya siya ung nakasama ko all throughout the conference =D. Thanks for the new friend Lord!

It's been one year nung huli akong gumamit ng Java as Programming Language. Naka-PHP kasi ako ngayon dito sa office. Kaya ayun..ka-boom! One year lang akong nalingat, andami na agad bago sa Java! Lalo na sa Netbeans! As in! Parang di ko na mahabol ang Java Technology..huhu..

Kinilabutan ako nung makita ko ulit ung Java Codes..na-miss kong gamitin un in fairness! haha! Pero di naman ako naiyak..OA naman pag ganun..hihi..

Sa araw na ito ko naramdaman na I belong to the corporate world na. I am no longer student! Eh most pa naman ng mga nakita kong kakilala ko is student..huhu..


(With Duke..the JEDI Mascot)

June 18, 2008 - Sun Tech Days Day 1
Desktop Track

Yup..Desktop Track ang pinili ko among the other tracks. Dito kasi mejo familiar ung mga topics. Dun kasi sa iba..shocks! nosebleed talaga! di ko sila maintindihan! Feeling ko kinakausap ako using Machine language! hahaha!

This covered the topics: JavaFX, Java SE 6 and 7, Swing, Using Netbeans for Existing Projects, and some Java troubleshooting Tips. Ok naman ung flow nung track..namangha ako sa mga speakers. Parang di na sila tao..hehe..joke lang =P

basta ang galing..!



June 19, 2008 - Sun Tech Days Day 2
Web 2.0 Track

I'm more interested in web development kaya itong track na ito ang pinuntahan ko. The topics: Ajax, jMaki, Business Intelligence, JSF, SOA, and MySQL.Sayang ganda din ng topics dun sa ibang tracks kaya lang di naman pwedeng mapuntahan lahat kasi sabay-sabay ung tracks.


Over-all Impressions:
Venue
- Ang ganda pala talaga sa Shangrila-Hotel! Lalo na ung CR! haha! Well, mitikulosa talaga ako pagdating sa CR..hihi. At ok din ung ibang facilities. Kung nandun ka para magcheck-in, mukhang masisiyahan ka naman. At ang ganda ng mga suot ng mga nagwowork dun..hehe.

Food
- The best ung foods nila lalo na pag lunch! Buffet style! haha! Di ko na pinagkaabalahang alamin ung mga tawag nila dun sa hinanda nila..basta masarap un! hihi! Nakakagutom kasi during the conference. At talagang gugutumin ka ng matindi dahil sa haba ng pila! Tipong nanginginig k n sa gutom pag andun ka na sa may kuhanan ng food dahil sa haba ng pila..hehe..pero worth it naman ung mga food!

Pero mejo nabanas ako nung di ako nakapagbreakfast tapos ang morning snack nila ay isang muffin lang. Gosh! parang hihimatayin ako! Ayun, binawi ko n lang sa tubig. haha!

After ng snack na un ay ang pinaka di ko makakalimutang lunch! Dahil nga sa nagkapatong-patong na gutom ko, todo bawi ako sa lunch! Kaya lang meron akong nakuhang food na di ko gusto ang lasa..para sa taong gutom tapos nakakain pa ng di kagandahang lasa, mejo nakakasuka ung pakiramdam. Hehe. Uminom ako ng iced tea nila para mawala ung di magandang lasa..at kaboom! Kakaiba din ung lasa nung iced tea..huhu T_T Kaya nagpanggap n lang akong ok ang lahat..it's all in the mind ika nga! haha! Pero till now masakit pa rin braso ko. Ikaw ba naman maglunch na hawak mo ung plato mo..eh by default na mabigat ung plato nila tapos dagdagan mo pa ng food mo..mabigat na talaga! hehe.


Freebies


- Natuwa ako sa mga freebies nila in exchange of their survey form. Hehe. Tshirt ung sa Netbeans Day, Backpack ung sa day1 at ID holder ung sa Day2. Tapos nakakuha din ako ng miniature ni Duke (JEDI Mascot) dahil nagtanong ako ng kung ano lang during the session ni Mr. Sang Shin. Tapos nakakuha din ako ng additional na t-shirt..eto mejo mahirap ang pagkuha nito. Palaagaw kasi..mga lalaki kaagaw ko. Buti na lang nakatakong ako that day at mejo tumaas ang height ko..nakuha ko ung shirt! hihi!



Kaya all in all, I have 2 notebook, 2 tshirts, 2 ballpens, 2 bags, 1 ID holder, 2 cd installers, and 1 Stressball DUke(?).


Transportation
- Eto pinakakinamuhian ko during the conference! Ang pagsakay sa MRT para makapunta sa Ayala Station dahil mas malapit dun ung Shangri-La. Di naman kasi ako sanay sumakay ng MRT..at ayoko talagang sumasakay ng MRT (takot me! hehe). Grabe nasa female area na nga ako pero parang mga lalaki kung manulak ung mga babae! Nakakabadtrip! Tapos mejo mahaba-habang lakaran pa bago makarating sa Shangri-La. Hay buhay talaga! Kaya pag uwian na ay nagba-bus n lang ako. At least nakaupo pa ako at walang siksikang magaganap!

Super stressed kasi ako pag dumadating sa bahay..maaga k n ngang gumigising gabi ka bapa uuwi tapos stressful pa sa mrt..kaya ayun..pagdating sa bahay lagpak agad ako..hehe.

Saka mahirap manatiling gising sa conference ah..meron dun ung nakatulog talaga ako..pasensya naman! haha! Afternoon kasi un eh..Siesta time..hihi..whooo! Excuses! =P


(With my favorite speaker, Mr. Sang Shin)

Sa ngayon ay nag-enroll ako sa online course ng aking ever favorite Mr. Sang Shin. Sa August pa start nung course. Back to basics ako ng java..Just to refresh the concept and the syntax. tapos uunti-untiin kong tapusin lahat ng course niya dun. Pero mukhang it requires na may internet ako sa bahay..naku pano kaya un..T_T

First online course ko ito..try lang natin kung keri koh ang unusual type of learning..hihi..

No comments: