Friday, June 13, 2008

Isang Paggunita..A Father's Day Special

Dear Tatay,

Malaman na ang Father's Day. Well, punta kami diyan sa puntod niyo sa Sabado. Kaya wag na kayong magtampo at magpakita pa sa mga panaginip nila ok?

No words can describe how much I miss you tay..as in super! Siyempre deadma effect n lang ako sa nararamdaman kong pagka-miss sa inyo kasi wala din namang mangyayari.

Tulad ni Nanay, kakaibang pag-alaga din ang ipinaramdam niyo sakin hanggang sa paglaki ko. Di ikaw ung affectonate type na ama..obvious naman..kaya super naaalala ko pag nagpakita ng kalambingan sa amin..naging mahigpit man kayo, anlaki ng naitulong nun sakin hanggang paglaki ko..


Elementary days...
Binilan niyo ko ng damit pang-flower girl ko. Nagulat si Nanay kasi di niyo naman un usual na ginagawa..Araw-araw din akong may pasalubong..tapos pag hatian, palaging sa akin ung malaking parte..palagi din pong ikaw ung nagbibigay sa akin pamasko..ang laki tuloy ng kita ko pag Pasko. Hehe. Naaalala ko din ung paghatid niyo sakin sa Skul gamit ang bisikleta niyo..At ang pinakanatuwa ako ay nung binuhat niyo ako papunta sa kuwarto ko nung minsang makatulog ako sa salas natin. Kahit mejo humihina na tuhod niyo nun ay binuhat niyo pa din ako..


High School days...
Palagi akong humihiga sa tiyan niyo pag pagod ako..in that way kasi nawawala ang pagod ko. Kahit malaki na ako binibilan niyo pa rin ako ng pasalubong pag dumadating kayo sa bahay. At kahit kapos na tayo sa pera, palagi niyo pa din akong binibigyan..At the time of my graduation, kayo ang umakyat sa stage para isabit sakin ung medal ko. Kahit hirap kayong umakyat sa matataas na hagdan noon, kinaya niyo pa rin para kayo ang magsabit sa akin noon. Nagselos pa kayo nung di ko kayo nabigyan ng wallet size studio pic ko. Kaya ayan binigyan ko kayo. Hehehe.


College days...
As always, all out support pa rin kayo sa mga naging decision ko sa buhay. Ang pinakanaaalala ko ay nung dinamayan niyo ko nung minsang umiyak ako dahil sa di namin pagkakaintindihan ni Nanay. Di kayo pumasok sa trabaho nun dahil lang nakita niyo akong umiiyak..never thought na gagawin niyo un at kayo pa ang naging kakampi ko that time..

Pero itong mga panahon na ito lumala ang sakit niyo..Sobrang malala na we have to say goodbye..
Naaalala ko pa nung nanood tayo ng video ng kasal ng pinsan ko..Sabi niyo ihahatid niyo ko sa altar pag ako na ung ikakasal..sinabi niyo sa akin na makikipaglaro pa kayo sa mga magiging apo niyo sa akin..sabi niyo sakin pupunta kayo sa araw ng college graduation ko..pero nawala lahat un nung naconfine na kayo sa ospital..

Kasi dun namin official na nalaman na we have to give you up..

Kahit naka-confine na kayo noon, hospital bill pa din ang inaaalala niyo..palagi niyo pa ding tinatanong sa nagbabantay sa inyo kung nakauwi na ba ako sa bahay or hindi..iniisip niyo pa din kung pabigat na ba kayo sa amin..

Naalala ko tuloy ung mga araw na kailangan na naming tanggapin na mawawala na kayo samin kahit buhay pa kayo. At that time mahirap tanggapin..ang hirap niyong isuko..pero wala na ding saysay ang paglaban namin dahil madami na ding naging kumplikasyon sa loob ng katawan niyo. Naalala ko pa kung pano kayo dumaing sa sakit na nararamdaman niyo..

Naaalala ko pa kung pa'no niyo hinabilin sakin si Nanay..kung pa'no kayo humingi ng sorry sa akin dahil di niyo na kayang umattend sa graduation ko..

I still remember your last day..your last breath..nasa Intern site ako noon pero kailangan kong pumunta sa ospital dahil tinext na ako ni Sangko na iba n nga daw itsura niyo..

Inabutan ko kayo sa di kagandahang sitwasyon..ung naghahabol na lang kayo ng hininga niyo but still di nakabukas pa rin ang mata niyo..pilit ng ipinipikit ni Nanay mata niyo pero nakadilat pa din kayo..di ko kayo agad nalapitan nun dahil na-shock ako sa nakita ko..di ako sanay na ganun ang itsura niyo..

Pero nung lumapit ako sa inyo..at nung sinabi ko na ok na kami at kaya na namin..na pwede n kayong magpahinga ng walang inaalala, you closed your eyes..then huminto na kayo sa paghinga..para sa isang parent's pet na katulad ko, isa iyong tagpo na dumurog sa puso ko..that time pakiramdam ko wala ng tuturing sa akin na prinsesa..pakiramdam ko aapihin na ako ng mundo dahil wala na akong tagapagtanggol..

Nung nakalibing na kayo..kinalkal namin gamit niyo..I saw my wallet size picture sa wallet niyo..at sa aming magkakapatid ung pic ko lang ang nandun..That time ko lang din nalaman how you have been so proud of me sa mga ginagawa ko sa buhay ko lalo na sa YFC..

You've been a great dad..I know palagi ka pa ding anjan para sa amin..Di ka nga lang nagpaparamdam sa akin dahil alam niyong takot ako sa mga mumu..hehehe..

I'm so thankful and blessed to have you as my Tatay..I will always love and cherish you..in my heart, you're always alive..

"You'll always be beautiful in my eyes" - nung narinig ko itong kanta na ito, kayo ang naisip kong kumakanta nito para sa akin. Alam naman nating di ako kagandahan noon compared sa mga classmates ko, but still di ko naramdaman na ako ang pinakapangit sa mundo dahil sa inyo..

Right now madami po akong tinuturing na ama like..
Tay Fello (YFC-SFC)
Tay Pakz (YFC)
Tay Russell (YFC)
Dadi Vic (East Asia)
Amain -- Sir Jarvy (East Asia)
Dadi Pao (SFC)
Dadi Aga (SFC)

I feel some of your traits in them..and I consider them as one of my precious God's gifts..

Again, Happy Father's Day Tatay kung nasan ka man!!! Alam kong alam niyo po ung mga plano ko sa buhay ngaun..sana pakisuportahan pa rin po ako. Hehehe.

Sa mga tinuturing kong ama at sa mga makakabasa nito na ama na at sa mga may ama! haha! HAPPY FATHER'S DAY!!! =)

No comments: