Wednesday, June 11, 2008

Happy Birthday to My Sweet Nanay!!!

Kasabay ng ating Araw ng Kalayaan ay ang celebration naman namin para sa kaarawan ng aking mahal na ina! Nyahaha!

Well, I'm so blessed to have her as my mom. She's very sweet and thoughtful saming magkakapatid. Ung tipong isusubo niya n lang, ibibigay niya pa saming magkakapatid (pero ngayon sa mga apo niya na, malalaki na kami eh hehehe). Pinakagusto ko ung pag-akap ni Nanay sakin sa tuwing umuuwi ako sa bahay. Saka ung pag-asikaso niya samin eversince bata pa kaming magkakapatid..

Elementary days:
Palagi niya akong ipinaghahanda ng baon..di naman mga bigating baon kasi mahirap talaga kami noon. Pero kumbaga nageeffort pa rin si Nanay para gumawa ng kakainin namin pag recess. Palagi din siyang nagpapakulo ng mainit na tubig noon para di malamig ang paligo namin pag umaga. Tinutulungan niya din ako sa pagbihis at pag-ayos ng mga gamit ko. Palagi niya din akong sinusundo sa skul. Nung elementary days nga alam ko nakabantay pa talaga siya..as in full time. Hehehe.

Sa tuwing magkakasakit ako palaging siya din ung nakabantay sakin. Kahit na alam naman naming pareho na mas mahina ang loob niya pagdating sa ganon. Hehe. Kaya hanggang ngayon tuloy di ako sanay magpacheckup ng wala si Nanay..hahaha!

High School days:
Kahit high school na ay kasama ko pa din si Nanay sa pagbili ng mga school supplies ko. Kami ang madalas magka-date. Hihi. Kahit lumalaki na ko ay di pa rin nababawasan ung pag-aalaga niya samin.

College days:
Alam naman nating lahat kung gano kagusto ng mga magulang na i-control ang decision ng kanilang mga anak.Pero this time hinayaan ako ni Nanay magdecide kung saan ako mag-aaral at kung anong course ang kukunin ko. Dito ko napatunayan na kahit anong desisyon ang gawin ko, she's always there to support me. Lalo na nung project days namin..halos samin na tumira mga ka-group ko. Napupuyat man, inaasikaso pa rin kami ni Nanay. In that way, nababawasan alalahanin ko.

Kahit nung mamatay si Tatay, alam kong hinang-hina na si mother ko..but still, she kept on fighting for us. Alam kong di naging madali..kitang-kita ko un..T_T


Working days:
Di na ako nakatira sa bahay mula nung nagtrabaho ako. Ang layo kasi sa work ko. But whenever I go in our home, my mother's sweetness is still the same. As in kahit tulog na siya dahil sa pagod, bababa un at aakapin ako pag naramdaman niyang dumating na ko. Sweet noh? hehehe. At kahit antok na antok na siya ay nakikinig pa din siya sa di matapos kong mga kuwento. hahaha! And at night, she always hug and kiss me pag tulog na ako. Pero siyempre kunwari lang na tulog na ako nun. Hehe. Pero ngayong nagwowork na ko, ang kabilin-bilinan niya sakin ay mag-ipon. Mejo di ko magawa..hahaha! Ipinupundar ko kasi sa mga gamit ung pera ko. Pag nakatago lang kasi nagkakasakit ako. Weird.. Hehehe.

Buti nga nbbwasan na ung pagka-old fashioned na pananaw ni Nanay. Palagi kasi namin siyang kinakantiyawan..hihihi..

Basta when I become a mom..gusto kong maging katulad ni Nanay..as in super mapagmahal sa mga anak..as in pure love talaga. Kitang-kita ko nga si Kristo sa kaniya. At teyk nowt, mas malakas ang praying powers nitong si Nanay ko! haha! At may gift of prophecy yata si Nanay. Basta sinabi niya, karaniwan un ang nangyayari. Minsan nga may inilihim ako pero napanaginipan niya naman..ayun huli ako..hahaha! lupeht ng nanay ko no? haha!

HAPPY BIRTHDAY NANAY!!!


P.S.
Happy Birthday din to Bebi Kat Inciong! Amishu nak! God bless!! muah muah muah!

1 comment:

ang kwentista said...

HAAAAAPPPPPPYYYYY BERDAY teta!! hehehe.. pa HUG at pa KISS ako *mwah*!!!

hehe// pakisabi nalang! ^_<