Monday, June 30, 2008

Umayos ka BDO!

I went last night to SM Megamall para bumili ng birthday gift para sa aking inaanak! He is a boy..at super nahihirapan talaga kong maghanap ng gift pag lalaki ang reregaluhan! hihi! At least ito may nakaready akong cash pambayad.

Tapos nung makakita ako ng ilang damit para sa aking mga minamahal na pamangkin ay binili ko agad..sale naman kasi at super cute nung design..hehe. Uu,buti pa pamangkin ko nabibilan ko ng damit pero pag ako na, nagdadalawang isip p ko kung bibilan ko ba ang sarili ko ng damit!bwahaha! Anyway, at the cashier, pinaswipe ko n lang ang aking ATM card. Pwede naman kasi sa SM un. At la pa kasi akong credit card (if ever meron di ko p rin ggmitin sa ganitong bagay un.hehe). Ganun din naman kasi, iwiwithdraw ko din naman un. Para hassle free na sakin.

Tapos bigla na lang sinabi nung babae na...

"Ma'am, OFFLINE PO ANG BDO"

Huwaaatttttt??!!!!!!!! Kamote! "Pasaway n Bangko!" yan na lang ung nasabi ko sa babae dun! Kaya todo halungkat tuloy ako sa bag ko mabuo ko lang ang halagang dapat bayaran. Kamote talaga!!! Sumakit talaga ulo ko dun! Buti nagkataon n may naitabi akong pera nun. Pag nagkataon nakakahiya naman ipapacancel ko ung transaction! Hayz! Masisira ang credibility ko! Joke! Hehehe!

Napansin ko lang kasi, halos palaging nago-offline ang BDO pag araw ng suweldo. Kung kelan kailangang magwithdraw ng mga tao. At kung magdown sila ng system ay buong NCR yata :P di ko lang alam..hehe. Basta pansin ko lang pag offline sa isang machine nila, wag ka ng umasang naglalabas pa ng pera sa ibang machine. Mangutang k n lang muna para may pansamantalang pera ka. Hehe. Nakakadismaya lang. Andami nilang branch pero nagiging poor ung service nila. Sayang naman. Tsk tsk.


-----------------------

PDA Season 2 Reaction
Umayos ka rin Jet!

Parang ginawa ko ng reaction paper ng PDA 2 itong blog ko..haha!

Anyway, I just want to react on Jet's attitude. He kept on mentioning na plastik or masama ang ugali nung ka-org niya na vinote out siya. What is he really implying? ang dating kasi sakin parang sinisiraan niya ung mga un para ma-brain wash ung mga tao at maniwala na masasama talaga ugali nung ibang ka-org niya at kaawaan siya or magmukha siyang inapi. Hehe.

Super pinopoint out niya ung walang group unity ang One Voice org. Eh isa kaya siya sa pasimuno nun?! Pinagkaisahan din kaya nila si Laarni na ka-org pa nila dati. Kung ganon siya magpahalaga sa group unity dapat noon pa lang dapat di na siya nakisali sa paninira(di ko alam kung eto ang right term) kay Laarni kasi ka-org nila un. Tapos ngaun umaangal siya na kesyo walang unity ung org nila at pati siya vino-vote out..well..that's what we call KARMA..hehehe..

He can't even accept comments from other people. Sorry pero nayayabangan ako sa attitude niya..hehehe. :D

Sunday, June 29, 2008

Affected???!

--Start of sharing my emotion--

Since di ko napanood ang 2nd Gala Night ng PDA Season 2 noong Saturday ay nanood muna ako sandali sa Youtube nung mga performances ng ilang scholars. At dun tumambad sakin ang mga maka-init ulong comments ng ilang youtube users. Hehehe.

Before basahin ang comment ko sa baba, pakibasa munang maigi ito: Ayoko kay Bea. Ayoko din kay Iñaki, Laarni, Jet at Apple.
Ayoko kay Bea kasi may pagka-brat talaga siya..in terms of voice, she needs to improve p talaga..
Ayoko kay Iñaki kasi parang di bagay ung way ng pagcomment niya as a guy...in short parang di lalaki...in terms of voice, mejo not my type...hehe...
Ayoko kay Jeth kasi he can't take comments lalo na nung binigyan siya ng comment ni Mr. Monet...in terms of voice,mejo nasa normal range lang din...hindi ako kinikilabutan sa pagkanta niya...
Ayoko kay Apple kasi OA siya...in terms of voice, maganda naman ung voice quality niya...
at lahat sila guilty in backfighting Laarni...pero...ayoko din kay Laarni...
Ayoko kay Laarni kasi super sensitive niya at super nega...may pagka-insane factor pa siya minsan...hehe...pero pag normal mode, mabait naman siya.In terms of voice, astig talaga!

Mejo nainis lang talaga ako sa comment ng iba dahil sobra sila kung manlait at magsalita...AS IN SOBRA!

Pare-pareho lang naman comments nila lalo na kay Bea...at may napansin akong common factor sa mga comments nila:
-karamihan ng galit kay Bea ay wrong grammar ang English at wrong spelling pa
..di naman iisang tao lang ang nagcocomment pero halos lahat sila ganun ang way ng pagcomment. Hehe. Di maitatago na Inglisera si Bea inside the academy. Galit lang yata itong mga ito sa mga magaling mag-English...joke!:P

-galit ang taong masama ang ugali sa kapwa niyang masama din ang ugali
..lahat sila sinasabi na masama ang ugali ni Bea. Ok, oo mejo masama nga..pero parang mas masama pa ugali nila kay Bea the way they talk kasi hinihiling pa nilang mamatay si Bea, etc. ang bad..T_T

-they can't understand the purpose of PDA
..academy is for learning..kinuha lang ng mga mentors ung mga taong sa tingin nila magagawan p nila ng paraan para mapaganda pa ung boses...they did not searched for the best..they searched for the people that they can possibly train to be the best. Walang thrill ung academy pag lahat ng scholars nila magagaling na...e di nawalan naman ang essence of being an academy pag ganun!

-inookray nila ang mukha ni Bugoy
..haha! Naalala ko tuloy ung comment nung director nung nago-audition pa lang siya...sinabi nung Director na mahihirapan siyang ibenta si Bugoy. Pero pag quality of voice talaga ang labanan, may laban si Bugoy! And I think kung ibe-base sa audience impact, mukhang mabenta si Bugoy kahit ngayon pa lang =) sinasabi din nila na bading si Bugoy...e ano? di naman apektado ang pagiging performer niya ng pagkatao niya...hay naku...hehehe...

Ayun lang...hehehe...pero kung di na-forced eviction si Chivas kahit magtalo-talo pa silang lahat sa loob ng Academy mukhang si Chivas ang magwawagi sa PDA Season 2. haha! Iba kasi karisma ng lolo mo...eh sakitin eh..kaya natanggal.

--End of sharing--

Anyway, July na bukas! Yehey! Malapit na SFC MMLC namin! Yahoooo!!! Sana lang wag umulan that day! Naeexcite ako!!!

Family Planning!

Well, Monday ngaun..back to work..back to reality..hehe..

Thanks kay Papa Jesus para sa naganap na planning ng unit namin (SFC Family ko) for our upcoming CLP this August! Pero siyempre di ko p pwedeng ilabas ang iba pa naming napag-usapan at..ano ako spoiler?? Hehehe. Basta natutuwa lang ako dahil muli akong nakatawa ng normal..as in ung tawa talaga! It's my first time to attend a planning kaya super excited ako! Har har!

Sampu lang kaming nakapunta noong planning..pero masaya pa din naman! Sa bahay ni Dadi Pao sa Laguna kami nagplano. Sila din ang nagluto..nakakatuwa silang panooring magluto. Nung naggogrocery p lang kasi kami, ibinase lang namin dun sa picture na nasa Sinigang mix ung ingredients na bibilin namin para sa lulutuing sinigang. Ang naggrocery ba naman ay ung mga hindi nagluluto..good luck! haha! Kaya ayun, cla Dadi Pao ung nagluto nung gabi..ok naman kinalabasan! Masarap! Luto ng pagmamahal! Haha!

Sangkatutak n asaran at kulitan ang nangyari during the planning..May mga times nga lang na naubos talaga ung lakas namin at kahit ako di na rin makapagbigay ng idea..pero natapos naman namin ng tama ung pagpaplano..hehe.

Eto ang napagplanuhan:
&$()#%)%_#()%*)* #(*)$(1
313534265405634 #(*%)@_#+~$_()
@(&*$_@+!_(# (*$@_
!&%^_+~""}{|>?< @$@)(_!~+$
*&^%#_+~( ?>>":L{PEWND
{)_#K&*(#@) ":LHOUIBN&(&_)N
()(Q@+_!KP:><)*(U*(! ()*(*
()*&@(+~+ _+) *_)!+~ ()*)_
_!()~+( )(*!#&(* ~*(&#*(!_
_*(#_)@!*_$_@!&^
!~{?{

Writing in tongues yan..haha! Joke lang! Siyempre di ko pwedeng sabihin! E di nawalan naman ng thrill ung clp namin..hihi..

May ilang responsibilities na na-assign sakin..and I consider them as major responsibilities. I chose n wag ko n lang sabihin dito (para may excitement naman =P)... pero parang ngayon ko lang na-internalize kung ano ung mga gagawin ko..ngayon ako kinabahan!Super antok kasi ako kahapon pag-uwi kaya puro tulog ginawa ko! Haha! TUlad nga ng palagi kong sinasabi, iba ang 'Y' sa 'S'..hehe! Kung YFC toh, kahit san mo ko ilagay ok lang..mejo kabisado ko na ang pasikot-sikot at mga gagawin. Pero dito sa SFC..higher level na! Basta I'm praying to God na lead me na lang sa mga gagawin ko..hay..


P.S.

Out of the topic toh..gusto ko lang i-share..
Anong meron sa araw na ito at ubod ng traffic?!?!?!? Grabe kanina...akala ko male-late ako! Akala ko sa Pasig lang ganito pero ung ibang officemates ko na-late din! Pati pala sa ibang lugar traffic din..ano bang nangyari ngayon? Hehe..

Friday, June 27, 2008

Nawalan ng Gift =(

Habang naliligo kaninang umaga..nagkaroon ako ng realization time..akalain mo un? ahaha..kaya pala madalas masama ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw ay dahil...

- Di na ko sanay magpuyat!
Badtrip..ang inalagaan kong talent mula nung college ay bigla na lang nawala ngayon! Napansin kong di na ko sanay sa puyatan..WHAT HAPPENED???!!! Pag natulog na ko ng lagpas 11pm at nagising ng earlier than 7am super antok na antok na agad ako at sama ng pakiramdam ko the whole day! Grabe naman! Huhuhu...

- wala na kong masyadong nakakakuwentuhan na mapapatawa talaga ko!
Thanks to my friend Clint and Neil at narealize ko ang bagay na toh..nagkita kasi kami ni Clint nung isang araw at after makipag-usap sa kaniya parang gumaan pakiramdam ko..samantalang tumawa lang naman ako ng tumawa nung nag-usap kami. What a relief! Di naman sa nakalimutan ko na kung pano makipag-usap ng masaya..pero iba kasi ung kinukuwentuhan k ng msasayang bagay kaysa sa puro angal at negative na pananaw sa buhay ang maririnig mo..as in worry free ka..hehehe..kaya bawal talaga sa aking itabi ung mga emo eh..kundi mapapadali buhay ko..bwahahaha!ok lang naman sa akin ang makinig sa mga masentimyentong bagay..basta patatawanin ako pagkatapos..ok n ko dun..hihi! Eto din cguro ang reason kung bakit mas prefer kong manood ng comedy movies kaysa sa ibang uri ng movie..:D

Mga ilang nagpalungkot sakin THIS DAY:
- forced eviction ni Chivas
It's obvious na he's one of my favorite scholars sa PDA2! Kaya lang for health reason, he got evicted from the academy. Kaysa naman sa maging alalahanin siya forever dun sa loob ng Academy. Kahit si Headmaster nanghinayang..obvious na obvious! haha! alam kasi nilang malas sa masa si Chivas! Anyway, for sure naman di pakakawalan ng ABS-CBN si Chivas ;)

- Di tanggap Ate ko T_T
Nag-apply kasi ate ko papuntang Canada..to work sa McDo Canada. Ok naman ung interview niya at exam..sa Medical exam lang talaga pumalpak kasi may asthma siya. Nagtext siya sakin na naiiyak n daw siya..grabe n daw kasi hirap niya. Hay naiiyak na din tuloy ako. Pero di ko siya nareplyan kasi nagkataon na wala na kong load. Hay..ambigat sa loob! Di ko din alam gagawin ko..di ko alam kung anong sasabihin ko to comfort her. Maganda kasi ung pangarap niya para sa mga anak niya. At for sure mejo damay ako sa pangyayari na ito financially..Hay...

Sayang balak ko pa namang bumili ng travelling bag..may promo kasi dun sa isang mall na parang buy one take one ang dating..siya sana gagamit nung mas malaking bag if ever bibili ako nun. Hehe. Hay sayang talaga..Lord please my eyes and heart, ang bagal ng realization ko..di ko makita agad ung purpose niyo pag ganito nangyari..pero for sure naman may purpose talaga..

Pero..N A L U L U N G K O T T A L A G A K O!!!!!!!

Pero excited ako bukas..planning na ng unit namin (SFC WestB1E Fatima Unit1) for our CLP. Ala lang..miss ko na din kasi mga ka-SFC ko. Saka..basta excited ako for no reason at all..

Pero mas nangingibabaw ung lungkot ko ngaun..*sigh*

Tuesday, June 24, 2008

Hay..kabagot..

Malapit ng magtapos ang buwan ng Hunyo (thanks GG Beth for correcting this!) pero parang wala pa akong nadadamang excitement tulad dati..I mean, di tulad nung January-May, halos araw-araw ay may kakaibang suprises and everything na nangyayari. As in fully booked palagi ang weekends ko. Ngayon..parang wala lang..=P May mga masasayang nangyari naman this June..kaya lang parang may kulang..kulang yata sa thrill..hehe..=P or parang andami kong routinary days ngayon kaya parang nababagot ako? basta parang ganun..

Gusto kong...
..mag-aral ng ibang language (Japanese, Mandarin, Korean, kahit ano!)
..magkaroon ng internet sa bahay
..bumili ng travelling bag
..mag-aral uleht
..pumunta sa ibang probinsiya (sight-seeing lang)
..mamasyal sa ibang bansa
..bumili ng tv, ref, isa pang laptop, bahay (ang mamahal eh noh? haha!)
..magka-credit card(pero di naman ako nag-aapply.hihi)
..matutong tumugtog ng gitara
..at higit sa lahat, gusto ko ng gumaling! hanggang ngayon kasi sama pa rin ng pakiramdam ko. huhu..T_T

as usual, ang hindrance sa mga gusto ko ay PERA! ahaha! ang mamahal naman kasi ng mga material na gusto ko!but it's okay, I can wait..hihi..at gagawin ko talaga ang lahat para matupad ang mga yan! ung panghuling hiling ko talaga ung gusto kong matupad agad..sama pa rin kasi talaga ng pakiramdam ko..kamote!!!!!!!!

Gusto kong gawin ang mga bagay na un para may thrill naman..para maiba ang takbo ng araw ko..andali ko kasing magsawa sa mga bagay lalo na pag paulit-ulit..hihi..

anyway, wala lang akong magawa ngayon..may dapat akong gagawin kaya lang di pa ko makapag-isip ng maayos..parang nagpapalit kasi ung eyeballs ko sa sobrang hilo ko..huhu..

Sunday, June 22, 2008

What a coincidence!

It was Couples for Christ's Anniversary Celebration at Luneta Park last Saturday. Sayang nga lang di ako nakapunta..kasi di na kaya ng katawan ko ung paiba-ibang panahon that day..kaya nag-date na lang kami ni Nanay.

Mejo natatawa lang ako sa scenario..it was Couples For Christ's celebration na supposed to be ubod ng saya (as always) pero this time binagyo siya..ang pangalan ng bagyo..FRANK. Hahaha! Ung mga nakakaalam lang sa issue ng CFC at FFL ang mejo makakarelate sa gusto kong ipahiwatig dito. Pangitain ba ito?? hahaha! Anyway, as usual di papatinag ang CFC sa kahit anong bagyo. Basta I'll pray for them.

Ang lakas nung naging bagyo. Andaming namatay, nasalanta, binaha, tumubang puno at nagkasakit. Andami ding damit namin ang di natuyo at mga sapatos at tsinelas na nabasa. Tsk tsk! Kahit si Nanay di nakauwi sa Malabon nung Linggo sa sobrang lakas ng hangin at ulan. Di ko siya pinauwi kasi for sure wala siyang masasakyang jeep papuntang Malabon. E kamusta naman kasi dun, maihi lang ang palaka babaha agad! Bagyo pa kaya! Hehehe =P Kaya ayun, dakilang tambay kami sa apartment nila Marian at Nanay. Kain, tulog, nood..un lang gawain naming buong maghapon ng Sunday. In short, gawaing tamad! Hehehe. Pero till now inaantok p din ako kahit nakailang oras ako ng tulog kahapon. Nakakatamad ngang pumasok sa office eh..anlamig kasi..sarap matulog..hehehe..

Friday, June 20, 2008

Sun Tech Days: I MISS JAVA!!!


Eto ang dahilan kung bakit matagal akong nawala sa office..hehehe..

June 17, 2008 - Tuesday The Netbeans Day!

First time kong pumunta sa Makati Shangri-La Hotel this day. Kaya mejo windang ang lola mo. Pero nakarating naman ako ng ligtas. Nalungkot ako nung una kasi wala akong kakilala man lang dun sa event. Pero napakabait talaga sakin ni Papa Jesus..di niya ko hinayaang mag-isa. Andami kong nakitang taga-east asia dun. Dami ding familiar faces. Tsaka nung naghanap na ko ng mauupuan, na-meet ko si Ate Mylene..nakalimutan ko nga lang kung anong company niya. Mag-isa lang din kasi siya. Kaya siya ung nakasama ko all throughout the conference =D. Thanks for the new friend Lord!

It's been one year nung huli akong gumamit ng Java as Programming Language. Naka-PHP kasi ako ngayon dito sa office. Kaya ayun..ka-boom! One year lang akong nalingat, andami na agad bago sa Java! Lalo na sa Netbeans! As in! Parang di ko na mahabol ang Java Technology..huhu..

Kinilabutan ako nung makita ko ulit ung Java Codes..na-miss kong gamitin un in fairness! haha! Pero di naman ako naiyak..OA naman pag ganun..hihi..

Sa araw na ito ko naramdaman na I belong to the corporate world na. I am no longer student! Eh most pa naman ng mga nakita kong kakilala ko is student..huhu..


(With Duke..the JEDI Mascot)

June 18, 2008 - Sun Tech Days Day 1
Desktop Track

Yup..Desktop Track ang pinili ko among the other tracks. Dito kasi mejo familiar ung mga topics. Dun kasi sa iba..shocks! nosebleed talaga! di ko sila maintindihan! Feeling ko kinakausap ako using Machine language! hahaha!

This covered the topics: JavaFX, Java SE 6 and 7, Swing, Using Netbeans for Existing Projects, and some Java troubleshooting Tips. Ok naman ung flow nung track..namangha ako sa mga speakers. Parang di na sila tao..hehe..joke lang =P

basta ang galing..!



June 19, 2008 - Sun Tech Days Day 2
Web 2.0 Track

I'm more interested in web development kaya itong track na ito ang pinuntahan ko. The topics: Ajax, jMaki, Business Intelligence, JSF, SOA, and MySQL.Sayang ganda din ng topics dun sa ibang tracks kaya lang di naman pwedeng mapuntahan lahat kasi sabay-sabay ung tracks.


Over-all Impressions:
Venue
- Ang ganda pala talaga sa Shangrila-Hotel! Lalo na ung CR! haha! Well, mitikulosa talaga ako pagdating sa CR..hihi. At ok din ung ibang facilities. Kung nandun ka para magcheck-in, mukhang masisiyahan ka naman. At ang ganda ng mga suot ng mga nagwowork dun..hehe.

Food
- The best ung foods nila lalo na pag lunch! Buffet style! haha! Di ko na pinagkaabalahang alamin ung mga tawag nila dun sa hinanda nila..basta masarap un! hihi! Nakakagutom kasi during the conference. At talagang gugutumin ka ng matindi dahil sa haba ng pila! Tipong nanginginig k n sa gutom pag andun ka na sa may kuhanan ng food dahil sa haba ng pila..hehe..pero worth it naman ung mga food!

Pero mejo nabanas ako nung di ako nakapagbreakfast tapos ang morning snack nila ay isang muffin lang. Gosh! parang hihimatayin ako! Ayun, binawi ko n lang sa tubig. haha!

After ng snack na un ay ang pinaka di ko makakalimutang lunch! Dahil nga sa nagkapatong-patong na gutom ko, todo bawi ako sa lunch! Kaya lang meron akong nakuhang food na di ko gusto ang lasa..para sa taong gutom tapos nakakain pa ng di kagandahang lasa, mejo nakakasuka ung pakiramdam. Hehe. Uminom ako ng iced tea nila para mawala ung di magandang lasa..at kaboom! Kakaiba din ung lasa nung iced tea..huhu T_T Kaya nagpanggap n lang akong ok ang lahat..it's all in the mind ika nga! haha! Pero till now masakit pa rin braso ko. Ikaw ba naman maglunch na hawak mo ung plato mo..eh by default na mabigat ung plato nila tapos dagdagan mo pa ng food mo..mabigat na talaga! hehe.


Freebies


- Natuwa ako sa mga freebies nila in exchange of their survey form. Hehe. Tshirt ung sa Netbeans Day, Backpack ung sa day1 at ID holder ung sa Day2. Tapos nakakuha din ako ng miniature ni Duke (JEDI Mascot) dahil nagtanong ako ng kung ano lang during the session ni Mr. Sang Shin. Tapos nakakuha din ako ng additional na t-shirt..eto mejo mahirap ang pagkuha nito. Palaagaw kasi..mga lalaki kaagaw ko. Buti na lang nakatakong ako that day at mejo tumaas ang height ko..nakuha ko ung shirt! hihi!



Kaya all in all, I have 2 notebook, 2 tshirts, 2 ballpens, 2 bags, 1 ID holder, 2 cd installers, and 1 Stressball DUke(?).


Transportation
- Eto pinakakinamuhian ko during the conference! Ang pagsakay sa MRT para makapunta sa Ayala Station dahil mas malapit dun ung Shangri-La. Di naman kasi ako sanay sumakay ng MRT..at ayoko talagang sumasakay ng MRT (takot me! hehe). Grabe nasa female area na nga ako pero parang mga lalaki kung manulak ung mga babae! Nakakabadtrip! Tapos mejo mahaba-habang lakaran pa bago makarating sa Shangri-La. Hay buhay talaga! Kaya pag uwian na ay nagba-bus n lang ako. At least nakaupo pa ako at walang siksikang magaganap!

Super stressed kasi ako pag dumadating sa bahay..maaga k n ngang gumigising gabi ka bapa uuwi tapos stressful pa sa mrt..kaya ayun..pagdating sa bahay lagpak agad ako..hehe.

Saka mahirap manatiling gising sa conference ah..meron dun ung nakatulog talaga ako..pasensya naman! haha! Afternoon kasi un eh..Siesta time..hihi..whooo! Excuses! =P


(With my favorite speaker, Mr. Sang Shin)

Sa ngayon ay nag-enroll ako sa online course ng aking ever favorite Mr. Sang Shin. Sa August pa start nung course. Back to basics ako ng java..Just to refresh the concept and the syntax. tapos uunti-untiin kong tapusin lahat ng course niya dun. Pero mukhang it requires na may internet ako sa bahay..naku pano kaya un..T_T

First online course ko ito..try lang natin kung keri koh ang unusual type of learning..hihi..

Sunday, June 15, 2008

Unexpected Visitor

Third blog entry for this day eh? Well, I'm in the mood to post and I'm in the mood to speak in English! (This post was inspired by my GG Beth with her series of dreams in her blog!)

I had a weird dream last night..actually almost all of my dreams are weird, and if it's not weird, it became like a prophecy (exact scenes will happen in real life).

My dream started in a building..to be more specific,the PSE's West Tower Building. But suddenly an earthquake occurred. I don't know how I survived but when I opened my eyes, all my first year high school classmates were there. Even my first year high school crush ("Flame") was there! As in exact look, same uniform like before as if the time stopped in my freshman high school days.

Suddenly I like to go back in the building for some reason (I forgot the reason why I want to go back in the building) and I was accompanied by my elementary friend..Layang (I do not have any news about her nowadays). While walking, she said that she was hungry so we stopped in a sari-sari store but she ordered a Kenny Rogers Chicken. Huh??? I left her there and I continued walking towards the building.

As I walked, a familiar image of a man came to me. Waaahhh!!! It was my Father!!! It's been a long time since I saw him in my dreams! As usual, at first I got frightened at him..because even if I am in my dreams, I know that he is already dead! So I was very shocked! But he smiled at me..an unusual smile..a smile that shows very happy emotion..wearing that soothing smile he said.."Kamusta ka na?"

With excitement and gladness to talk with my father, and as I opened my mouth to answer him, my dream finished. waahh!!! Badtrip!

But that dream started my day right..finally my father visited me with a smile in his face. I can't forget his smile in that dream..it feels so relaxing..so true..what I saw is a smile of pure happiness..I never saw him smiled like that.

Oh if only I can continue that dream..I will hug him really tight! I think I am the one that should be giving a Father's Day present for him, but instead, he's the one that surprised me on his supposed to be special day!

And if I were given a chance to answer his question, this will be my answer:

"Right now, though I know this moment is impossible, I am happy and joyful..just by seeing you..=') "

The DREAM BIGins!

Yehey! May bago na naman akong susubaybayan! hehehe..The Pinoy Dream Academy Season 2! Triny kong panoorin ung Pinoy Idol..pero grabe..nag-init ang ulo ko! E parang mas magaling pa ung mga natanggal sa audition ng PDA eh..hehe. Sorry and excuse po sa mga maka-Pinoy Idol na babasa nito ah..pero di ko lang siguro talaga nagustuhan ung episode na napanood ko..lalo na ung mga babae..grrr! Hehehe. Anyway, napili na ang 16 scholars ng Academy..here they are:

Michelle Belmonte - “Stand-Up Comic”
Nickname - Sheng
25 years old of Quezon City
First Impression: Di siya mukhang stand-up comedian..di ko napanood ung audition days niya kaya wala akong masyadong masabi. hehe.

Hansen Nichols - “The Cancer Survivor”
Nickname - Sen
23 years old of Taguig City
First Impression: As the mentors said, madali siyang ibenta dahil sa looks niya but not because of his voice. Maganda naman voice niya..pero..basta may kulang..hehe

Christian Alvear - “Small Boy Wonder”
Nickname - Christian
25 years old from Taguig City
First Impression: Ang liit ng voice niya for a 25-year old guy. Pero ok lang kasi maliit din naman siya. Hehe. Cute niya nga eh.

Jay Bogayan - “The Farmer’s Son”
Nickname - Bugoy
17 years old from Camarines Sur
First Impression: One of the scholars that impressed me! ang ganda ng boses! grabe! at teyk nowt, wala siyang any backgroud in the music world! Muka nga lang di siya bebenta sa masa..pero kung quality ng voice, he got my vote!

Van Louelle Pojas - “The Young Heartthrob”
Nickname - Van
17 years old from Cebu
First Impression: Another guy with a nice face..but not my type! haha! Nice voice? hmm..di ko maalala..=D

Jun Ross Dio - “The Stylist’s Son”
Nickname - Ross
25 years old from Quezon City
First Impression: My another bet! Hehehe..Ganda din ng boses ng lalaking ito! In terms of looks, may ibubuga naman siya..ganda kasi ng height. Pero sa boses niya ako mas naattract!

Apple Abarquez - “Different Couple’s Daughter”
Nickname - Apple
18 years old from Cebu
First Impression: OA! Sorry for the term pero ang daldal niya din kasi..mejo irritating na din ung expressions niya..as in exaggeration na. Pero in fairness, she has a nice voice talaga.

Cristina Pastor - “The Singing Interior Designer”
Nickname - Cris
20 years old from Paranaque City
First Impression: Nagagandahan ko itong girl na ito. Down to earth pa kahit mayamang babae siya. At ganda din ng boses!

Miguel Mendoza - “The Romantic Crooner”
Nickname - Miguel
18 years old from Muntinlupa City
First Impression: Di ko maalala ang audition days niya. May itsura din siya..un lang. hehe. Pero kahit ung ginawa niya nung opening night di ko maalala. =D

Beatriz Munoz - “The Sweet Chanteusse”
Nickname - Bea
17 years old from Muntinlupa City
First Impression: Di ko din napanood ung audition niya. Di ko din nagandahan ung quality ng voice niya nung opening night..dahil na din cguro sa emotions niya.

Maria Liezel Garcia - “Pride of Puerto Galera”
Nickname - Liezel
22 years old from Dubai
First Impression: For me she's a black beauty. Ang ganda din ng boses. Konting make over nga lang daw pwede na siyang maging Rihanna of the Philippines eh.hehe.

Chivas Anton Mallinda - “The Student Husband”
Nickname - Chivas
22 years old from Tanjay, Negros Oriental
First Impression: Ang cute!!!! hahaha! Siya ang pinaka-nagandahan ko ang itsura sa mga lalaki sa list of scholars. In terms of voice, ok naman..parang nasa rock ung genre ng voice niya.

Jovannie Mallinda - “The Teacher Wife”
Nickname - Bunny
22 years old from Tanjay, Negros Oriental
First Impression: Wife ni Chivas. Ang ganda niya nung the Opening night. Ewan ko lang pag wala ng make up. Maganda ung voice niya pero parang may kulang. Hehe. Bagay sila ni Chivas!

Rafael Ignacio Ting - “The Stage Performer”
Nickname - Iñaki
18 years old from Pasig
First Impression: Ganda din ng boses..mejo chubby nga lang..pero performer talaga ang dating.

Laarni Losala - “The Independent Woman”
Nickname - Laarni
22 years old from Sultan Kudarat
First Impression: Di ko napanood audition days niya..pero ganda ng boses niya nung nagperform siya.=)

Ranjit Singh - “The Videojock”
Nickname - Jet
24 years old from Binangonan, Rizal
First Impression: Di ko masyadong nagandahan boses niya. Pero wala akong magagawa, andaming bumoto sa kaniya to be the 16th scholar.

Sayang si Consuelo..ung Director's Daughter. Kung di lang siya nagbackout siya ang bet ko sa mga babae! Ganda kasi ng boses at she's attractive kahit di siya mag-effort mag-ayos. Kaya lang meron siyang cist (tama ba spelling?) sa lalamunan kaya nagbackout na lang siya. Ang unique kasi ng voice niya..masarap pakinggan..

Di ko na ilalagay ung mga picture nila..for sure naman mapapanood na mga pagmumukha nila eh. Hehe.

Yesterday is a History, Tomorrow is a Mystery, Today is a Gift!



Yihee! Nakumpleto ko din sa wakas ang 8 Happy Meal toys ng McDo! One week straight akong kumain sa McDo last week para lang makumpleto sila..grabeeee!!! muntik na akong mapurga dun ah! hehehe..ang gastos pa! na-out of budget tuloy ako this cut off! hmp! Nag branch-hopping pa ako dahil ang hirap mahagilap ni Tigress at Po..laging out of stock! Pero siyempre, magaling dumiskarte ang inyong lingkod kaya nakumpleto sila..hihi..

Ganda kasi nung movie..super nakakatawa..nakakainspire pa..not just your ordinary type of animated movie! hehehe...ang cute cute pa nila..lalo na si Po! Parang ang sarap akapin! hihi!

As of now nenok ko pa lang sa internet ung pic nila..Wala pa kong naka-sched na pictorial nung mga mahal kong laruan eh..haha! Parang ayaw ko kasing tanggalin sila sa plastic nila..baka madumihan..adeek!!! hahaha!

Pag napiktyuran ko na sila ipopost ko agad dito..hehehe...

Friday, June 13, 2008

Isang Paggunita..A Father's Day Special

Dear Tatay,

Malaman na ang Father's Day. Well, punta kami diyan sa puntod niyo sa Sabado. Kaya wag na kayong magtampo at magpakita pa sa mga panaginip nila ok?

No words can describe how much I miss you tay..as in super! Siyempre deadma effect n lang ako sa nararamdaman kong pagka-miss sa inyo kasi wala din namang mangyayari.

Tulad ni Nanay, kakaibang pag-alaga din ang ipinaramdam niyo sakin hanggang sa paglaki ko. Di ikaw ung affectonate type na ama..obvious naman..kaya super naaalala ko pag nagpakita ng kalambingan sa amin..naging mahigpit man kayo, anlaki ng naitulong nun sakin hanggang paglaki ko..


Elementary days...
Binilan niyo ko ng damit pang-flower girl ko. Nagulat si Nanay kasi di niyo naman un usual na ginagawa..Araw-araw din akong may pasalubong..tapos pag hatian, palaging sa akin ung malaking parte..palagi din pong ikaw ung nagbibigay sa akin pamasko..ang laki tuloy ng kita ko pag Pasko. Hehe. Naaalala ko din ung paghatid niyo sakin sa Skul gamit ang bisikleta niyo..At ang pinakanatuwa ako ay nung binuhat niyo ako papunta sa kuwarto ko nung minsang makatulog ako sa salas natin. Kahit mejo humihina na tuhod niyo nun ay binuhat niyo pa din ako..


High School days...
Palagi akong humihiga sa tiyan niyo pag pagod ako..in that way kasi nawawala ang pagod ko. Kahit malaki na ako binibilan niyo pa rin ako ng pasalubong pag dumadating kayo sa bahay. At kahit kapos na tayo sa pera, palagi niyo pa din akong binibigyan..At the time of my graduation, kayo ang umakyat sa stage para isabit sakin ung medal ko. Kahit hirap kayong umakyat sa matataas na hagdan noon, kinaya niyo pa rin para kayo ang magsabit sa akin noon. Nagselos pa kayo nung di ko kayo nabigyan ng wallet size studio pic ko. Kaya ayan binigyan ko kayo. Hehehe.


College days...
As always, all out support pa rin kayo sa mga naging decision ko sa buhay. Ang pinakanaaalala ko ay nung dinamayan niyo ko nung minsang umiyak ako dahil sa di namin pagkakaintindihan ni Nanay. Di kayo pumasok sa trabaho nun dahil lang nakita niyo akong umiiyak..never thought na gagawin niyo un at kayo pa ang naging kakampi ko that time..

Pero itong mga panahon na ito lumala ang sakit niyo..Sobrang malala na we have to say goodbye..
Naaalala ko pa nung nanood tayo ng video ng kasal ng pinsan ko..Sabi niyo ihahatid niyo ko sa altar pag ako na ung ikakasal..sinabi niyo sa akin na makikipaglaro pa kayo sa mga magiging apo niyo sa akin..sabi niyo sakin pupunta kayo sa araw ng college graduation ko..pero nawala lahat un nung naconfine na kayo sa ospital..

Kasi dun namin official na nalaman na we have to give you up..

Kahit naka-confine na kayo noon, hospital bill pa din ang inaaalala niyo..palagi niyo pa ding tinatanong sa nagbabantay sa inyo kung nakauwi na ba ako sa bahay or hindi..iniisip niyo pa din kung pabigat na ba kayo sa amin..

Naalala ko tuloy ung mga araw na kailangan na naming tanggapin na mawawala na kayo samin kahit buhay pa kayo. At that time mahirap tanggapin..ang hirap niyong isuko..pero wala na ding saysay ang paglaban namin dahil madami na ding naging kumplikasyon sa loob ng katawan niyo. Naalala ko pa kung pano kayo dumaing sa sakit na nararamdaman niyo..

Naaalala ko pa kung pa'no niyo hinabilin sakin si Nanay..kung pa'no kayo humingi ng sorry sa akin dahil di niyo na kayang umattend sa graduation ko..

I still remember your last day..your last breath..nasa Intern site ako noon pero kailangan kong pumunta sa ospital dahil tinext na ako ni Sangko na iba n nga daw itsura niyo..

Inabutan ko kayo sa di kagandahang sitwasyon..ung naghahabol na lang kayo ng hininga niyo but still di nakabukas pa rin ang mata niyo..pilit ng ipinipikit ni Nanay mata niyo pero nakadilat pa din kayo..di ko kayo agad nalapitan nun dahil na-shock ako sa nakita ko..di ako sanay na ganun ang itsura niyo..

Pero nung lumapit ako sa inyo..at nung sinabi ko na ok na kami at kaya na namin..na pwede n kayong magpahinga ng walang inaalala, you closed your eyes..then huminto na kayo sa paghinga..para sa isang parent's pet na katulad ko, isa iyong tagpo na dumurog sa puso ko..that time pakiramdam ko wala ng tuturing sa akin na prinsesa..pakiramdam ko aapihin na ako ng mundo dahil wala na akong tagapagtanggol..

Nung nakalibing na kayo..kinalkal namin gamit niyo..I saw my wallet size picture sa wallet niyo..at sa aming magkakapatid ung pic ko lang ang nandun..That time ko lang din nalaman how you have been so proud of me sa mga ginagawa ko sa buhay ko lalo na sa YFC..

You've been a great dad..I know palagi ka pa ding anjan para sa amin..Di ka nga lang nagpaparamdam sa akin dahil alam niyong takot ako sa mga mumu..hehehe..

I'm so thankful and blessed to have you as my Tatay..I will always love and cherish you..in my heart, you're always alive..

"You'll always be beautiful in my eyes" - nung narinig ko itong kanta na ito, kayo ang naisip kong kumakanta nito para sa akin. Alam naman nating di ako kagandahan noon compared sa mga classmates ko, but still di ko naramdaman na ako ang pinakapangit sa mundo dahil sa inyo..

Right now madami po akong tinuturing na ama like..
Tay Fello (YFC-SFC)
Tay Pakz (YFC)
Tay Russell (YFC)
Dadi Vic (East Asia)
Amain -- Sir Jarvy (East Asia)
Dadi Pao (SFC)
Dadi Aga (SFC)

I feel some of your traits in them..and I consider them as one of my precious God's gifts..

Again, Happy Father's Day Tatay kung nasan ka man!!! Alam kong alam niyo po ung mga plano ko sa buhay ngaun..sana pakisuportahan pa rin po ako. Hehehe.

Sa mga tinuturing kong ama at sa mga makakabasa nito na ama na at sa mga may ama! haha! HAPPY FATHER'S DAY!!! =)

Wednesday, June 11, 2008

Happy Birthday to My Sweet Nanay!!!

Kasabay ng ating Araw ng Kalayaan ay ang celebration naman namin para sa kaarawan ng aking mahal na ina! Nyahaha!

Well, I'm so blessed to have her as my mom. She's very sweet and thoughtful saming magkakapatid. Ung tipong isusubo niya n lang, ibibigay niya pa saming magkakapatid (pero ngayon sa mga apo niya na, malalaki na kami eh hehehe). Pinakagusto ko ung pag-akap ni Nanay sakin sa tuwing umuuwi ako sa bahay. Saka ung pag-asikaso niya samin eversince bata pa kaming magkakapatid..

Elementary days:
Palagi niya akong ipinaghahanda ng baon..di naman mga bigating baon kasi mahirap talaga kami noon. Pero kumbaga nageeffort pa rin si Nanay para gumawa ng kakainin namin pag recess. Palagi din siyang nagpapakulo ng mainit na tubig noon para di malamig ang paligo namin pag umaga. Tinutulungan niya din ako sa pagbihis at pag-ayos ng mga gamit ko. Palagi niya din akong sinusundo sa skul. Nung elementary days nga alam ko nakabantay pa talaga siya..as in full time. Hehehe.

Sa tuwing magkakasakit ako palaging siya din ung nakabantay sakin. Kahit na alam naman naming pareho na mas mahina ang loob niya pagdating sa ganon. Hehe. Kaya hanggang ngayon tuloy di ako sanay magpacheckup ng wala si Nanay..hahaha!

High School days:
Kahit high school na ay kasama ko pa din si Nanay sa pagbili ng mga school supplies ko. Kami ang madalas magka-date. Hihi. Kahit lumalaki na ko ay di pa rin nababawasan ung pag-aalaga niya samin.

College days:
Alam naman nating lahat kung gano kagusto ng mga magulang na i-control ang decision ng kanilang mga anak.Pero this time hinayaan ako ni Nanay magdecide kung saan ako mag-aaral at kung anong course ang kukunin ko. Dito ko napatunayan na kahit anong desisyon ang gawin ko, she's always there to support me. Lalo na nung project days namin..halos samin na tumira mga ka-group ko. Napupuyat man, inaasikaso pa rin kami ni Nanay. In that way, nababawasan alalahanin ko.

Kahit nung mamatay si Tatay, alam kong hinang-hina na si mother ko..but still, she kept on fighting for us. Alam kong di naging madali..kitang-kita ko un..T_T


Working days:
Di na ako nakatira sa bahay mula nung nagtrabaho ako. Ang layo kasi sa work ko. But whenever I go in our home, my mother's sweetness is still the same. As in kahit tulog na siya dahil sa pagod, bababa un at aakapin ako pag naramdaman niyang dumating na ko. Sweet noh? hehehe. At kahit antok na antok na siya ay nakikinig pa din siya sa di matapos kong mga kuwento. hahaha! And at night, she always hug and kiss me pag tulog na ako. Pero siyempre kunwari lang na tulog na ako nun. Hehe. Pero ngayong nagwowork na ko, ang kabilin-bilinan niya sakin ay mag-ipon. Mejo di ko magawa..hahaha! Ipinupundar ko kasi sa mga gamit ung pera ko. Pag nakatago lang kasi nagkakasakit ako. Weird.. Hehehe.

Buti nga nbbwasan na ung pagka-old fashioned na pananaw ni Nanay. Palagi kasi namin siyang kinakantiyawan..hihihi..

Basta when I become a mom..gusto kong maging katulad ni Nanay..as in super mapagmahal sa mga anak..as in pure love talaga. Kitang-kita ko nga si Kristo sa kaniya. At teyk nowt, mas malakas ang praying powers nitong si Nanay ko! haha! At may gift of prophecy yata si Nanay. Basta sinabi niya, karaniwan un ang nangyayari. Minsan nga may inilihim ako pero napanaginipan niya naman..ayun huli ako..hahaha! lupeht ng nanay ko no? haha!

HAPPY BIRTHDAY NANAY!!!


P.S.
Happy Birthday din to Bebi Kat Inciong! Amishu nak! God bless!! muah muah muah!

Tuesday, June 10, 2008

Malungkot? Mejo lang..bwahaha!

Bago ang lahat..HAPPY BIRTHDAY PARENG JUMAR!!! ayun..hehehe

Opposed ito sa last post ko dito sa blog ko. Mejo nalungkot lang kasi ako kahapon sa mga nabalitaan ko. hihihi. Pero ok pa naman ako..mejo nawala lang talaga ako sa mood kahapon..

Alam kong matagal ko ng nababanggit ung tungkol sa ultimate simple joy ko (Micmic)..at nabanggit ko na ka-building ko nga siya. Well, unfortunately, nalaman ko na last week n pala ung last na pasok niya dun sa company nila. Nagresign daw kasi siya para mag-aral ulit. Pano ko nalaman ito? Officemate niya kasi ung High School friend ko..pagkakataon nga naman..small world kami noh??? hahaha! Tapos nagkataong pang nakita ko ung friend ko na un kahapon kaya nagkakuwentuhan kami. Lupeht ni Lord noh? parang nagpadala pa ng messenger para sabihin lang sakin na: "prinsesa, ung simple joy mo di mo na makikita sa building niyo ah. para mabawasan ung paghahangad mo na makita siya."..hehehe. At least may pasabi si Lord..hahaha! Lupeht no?! Pero ayun, mejo nalungkot ako sa balita na un..hehe..

Isa pang nakalungkot sakin ung pagpunta sa ibang bansa ng isang malapit na kaibigan..halos kapatid na nga turing ko pero wala man lang pasabi na umalis na siya ng country. Hehe. Anyway, ingat sa'yo at sana ok ka palagi jan..God bless! =)

I started reading Psych books na nga pala..shemay, gusto ko talagang un ang kunin ko if ever mag-masters ako! waaahh!! Pero as an IT kailangan ko ding umunlad..Hay buhay..

Monday, June 9, 2008

7 GIFTS @ JUNE 7

Di ko alam kung anong meron sa araw na ito but I really felt that I was so special this day! lots of God's gifts! Haha! Kinikilig na naman ako!!!

1. Erick's Sweetness
- Saturday morning, maaga akong nagising (E di nga ko halos nakatulog talaga). And it became my ritual na kapag umuuwi ako sa bahay sa Malabon ay ang mahal kong mga pamangkin ang una kong binabati sa umaga. Pero that morning, super lambing ng..sige na, aaminin ko na, ng favorite kong pamangkin na si Erick. As in hina-hug niya ko tapos pa-cute pa siya! Haha! Grabe halos mabaliw ako! Kaya super halik ako dun sa pamangkin ko na un! hihihi..

2. Bonding with NERDS
- It was Rex's lunch birthday treat at Greens Restaurant near Thomas Morato. The foods were really delicious! Super tasty! As in! Tapos hindi pa mahirap tunawin sa tiyan dahil gulay siya na nagpapanggap lang na meat. Pero ang masaya nito ay halos kumpleto ang batch namin ng NERDS! Siyempre wala si Jayson dahil nga nasa China na siya at si Jabez na di ko na mahagilap. Hehe. Nakakatuwa kasi nakasama namin si Cherry..super rare talaga ng pagkakataon na un! Haha! Kaya enjoy every minute talaga!

3. Bee Tin Hopia
- Natuwa ako kasi dalawa ung binigay ni Krispin na Hopia..isa lang kasi ung usual..hihi..naging kaugalian niya na kasi na magbigay ng ubod ng sarap na hopia sa mga bday celebrants. Ayun..ahihi..tsalap tsalap!

4. Bonding@Trinoma: Kung Fu Panda and Ice cream!
- Kahit wala sa plano ang manood ng movie, ay sumugod kami (NERDS) sa Trinoma para manood ng sine. Libre naman kasi ni Kuya Iking..hihi! Since Feb pa lang kasi inaabangan ko na ung showing ng Kung Fu Panda. At super thanks dahil libre ko siyang napanood..hehehe. Natuwa ako dun sa movie! Nakakatawa talaga siya. May mga scenes na di ko mapigilan tawa ka. Pero in some way, tinamaan ako dun sa ilang lines nila..as in naliwanagan ang madilim at magulo kong pag-iisip! Hehehe..

"JUST BELIEVE"

With bonus gift pa, nakita namin si Daddy Vic at Sir Spaghetti (Sir Andaya) habang naglilibot kami nila GG Beth at Cherry (ung iba kasi nag-dota at nag-coffeebean) ayun nalibre kami ng ice cream. Masarap kaya lang masakit sa lalamunan..ang tamis na ang lamig pa..T_T

5. Micmic
- Oh my gulay! Pauwi na kami tapos nasilayan pa ng aking mata ang ever crushness kong si Micmic! haha! Akalain mo un, super dami ng tao sa Trinoma that day pero nakita ko pa din siya! Haha! Di ko nga lang naituro agad kila Diane at Beth kasi nga nahihinto ang buong sistema ko pag nakikita ko un. Kaya mejo delayed reaction ko. Hihihi. Pero at least nakita din nila Diane ung matagal na naming crush. Haha!

6. Hillsong United I Heart Revolution CD
- Gift ni tay Fello! Nabigla ako nung binigay niya sakin ung CD. Ahaha! Saya-saya! May papakinggan na naman ako! Ang saya ko!! Parang nareremind sakin ung concert noon! Adeek!

7. Voice
- Eto pinakamalufeht sa lahat. Naging pasaway ako ng araw na ito..ilang oras sa videoke, uminom ng malamig, kumain ng matamis, kumain ng ice cream..samantalang alam ko naman na kailangan ko ng matinong boses ng Saturday para sa baptism ng Fatima Unit 2..as part of the Music Min. I doubted nung start pa lang kasi paos na ung lumalabas na boses ko nung di pa nagi-start ung CLP. Hala..patay ako..T_T Pero with God's blessing and mercy, as I was singing Let the Fire Fall, may lumabas na boses sakin. I kept praying and praying to God na pahiramin niya muna ko ng boses all throughout the CLP. And He didn't failed me..as in nanginginig ang buong katawan ko habang kumakanta. Kaya galaw ako ng galaw para kumalma ung katawan ko. Pero sarap ng pakiramdam ko that time..naiiyak ako sa tuwa..Thanks po my King!!!!

Wednesday, June 4, 2008

ILAW!!!

Uu ilaw! Kailangan ko ng liwanag sa pag-iisip ko! haha!

Grabe..kahit one year pa before magstart ang AY 2009-2010, super nababagabag agad ako sa plano ko ngang mag-take ng Masters degree! Super thanks dun sa mga nagreply at nagcomment..it's highly appreciated!

Hay..bakit ba kasi Ateneo lang ang school na nagmeet sa requirements ko..ung non-thesis na Developmental Psych or I/O Psych..tapos dito din galing ung ultimate crush ko tsk! tsk! (ibang usapan na toh hehehe)..I know na maganda talaga ung school na un at ang taas ng reputation..eh kamusta naman ang tuition??? Kahit ipunin ko lahat ng magiging bonus ko in a year eh mukang isang term lang sa knila ang equivalent nun! baka kulang p nga eh! Aba may responsibilidad din ako sa bahay..di kayang ibuhos lahat sa tuition ang kinikita ko! May ibang school naman na nag-ooffer din ng non-thesis na Psych..sa La Salle! toinks! e di lalo naman na tuition dun! Marami din sa ibang bansa!Haha! Good luck naman!

Ibang Masters Degree na non-thesis na kinonsider ko:
MS Human Resource Management
- Gusto ko talaga related sa tao! Un nga lang parang HR na HR naman ang dating ko..as in super pang-HR ung nasa course flow niya.

Master in Business Administration
- Parang "be practical" ang dating sakin nitong course na toh..madadamay ng saglit ang Human Behavior in Organization. Maganda naman ang course flow..at most schools nag-ooffer ng non-thesis nito.

MS Information Technology/MSCS/MIS
- siyempre iko-consider ko din ung field ko ngaun. Kya lang ayoko talagang matali sa iisang field lang. Di na ko kinikilig pag binabasa ko ung course flow niya..unlike nung nasa Undergrad pa lang ako. Hehe.

Pero sa Human Behavior talaga gusto ng puso ko..kahit anong basa gawin ko sa ibang Masters Degree ayaw talaga ng puso ko at andaming reason na binibigay ng utak ko para ayawan ung course na un! parang adeek lang! Hay Lord, bakit ba binigyan mo ko ng pusong ganito..napakakuleht! hehehe! Pero ok din ung MBA in a practical sense..kaya lang..ewan ko ba! Mas gusto ko ding intindihin ang behavior ng tao kaysa sa behavior ng computer! hehehe..labo eh noh..prang di IT..hahaha!

Pero I'm still in the level of knowing my self more..kung ito ba talaga ang gusto ko..Baka kasi nasasabi ko na gusto ko dahil binibigyan ko ng reason ung sarili ko na gustuhin un or dahil un talaga ang gusto ko. gets? hehehe. Basta..mahaba-habang pagdidiscern toh..basta Lord, please lead and guide me..

Tuesday, June 3, 2008

Sa tingin nyo kaya ko?

Secret ng buhay ko lang toh dapat eh..pero since nababagabag ako ng sobra..share ko na rin..hope I will get an honest response..

Hmm..wait lang..ayusin ko lang muna ang bagay-bagay sa utak ko..baka maging Random Thoughts Part 2 ito eh..hehe..

1..
2..
3..
Go!

Ang una, plano kong mag-take ng certifications para maimprove ang career path ko bilang IT. Pero narealize ko na di ko rin pala feel ang certifications. Ung iba naman daw kasi pwedeng i-cheat. So parang ang dating sakin is di ganong ka-reliable ang mga may certifications. Hehe. Pero gusto ko ding maexperience ang magkaroon ng certification..I'm not closing my doors for that..hehe..

Kaya napili kong mag-masteral.. or mag-take ng second course. Ung di related sa IT. Why? Para if ever mawala ang value ko as an IT person or di ako maging updated sa current technology, meron akong ibang kababagsakan or pupuntahan. Tama ba? Hihihi.. Pero ang totoo, I'm really interested sa isang field..Super gustong gusto ko talaga siyang matutunan..

I'm planning to take up MA Psychology Major in Industrial/Organizational Psychology, pero next Academic Year pa. Sa UST ko balak mag-enrol (Weh mayaman? Feeling at hoping lang. Hehehe). Pagtatapusin ko muna kasi ung kapatid ko before ako rumampa ulit sa Academic world. E one term n lang naman siya. Maibagsak niya pa ung OJT ewan ko na lang! Hehe. Di ko kasi kayang magpa-aral ng sabay! But I'm really not sure kung kaya ko ung course... super interested kasi ako sa Psych mula pa nung High School (malay ko ba kasi sa mga courses nung Elementary hehe).

Nagda-doubt ako because of the following reasons:
-- Thesis. Though maganda ung mga naging projects namin from my previous school, I admit na ibang-iba pa din ung way ng thesis sa ibang universities. Parang thesis-kuno lang ung samin. Feeling ko hindi strong ung foundation ko sa paggawa ng mga thesis.

-- Environment. Iba din kasi ang culture from my previous school. Siyempre most of them asal bata pa. Ewan ko lang pag Graduate School na papasukan ko. Malamang hindi na.

-- Financial. Ngayon pa lang almost 30K na ang Tuition and Fee sa UST (15 Units). Siyempre may iba pang bayad achuchuchu pag nag-enroll na. Tapos books pa. Anlaki ng loss pag di ko naipasa itong masteral na ito. Di biro ang pera ngaun!

-- Academic powers. May ganun? haha! Not sure kung kaya ko pang magmemorize, magexam, etc.

Ang panlaban ko sa mga doubts na ito ay ang willingness ko to learn at ang interest ko sa Psych! Is it enough?? Feeling ko hindi eh. Haha! Pero sabi nga nila, NO GUTS NO GLORY. Un ung binubuo ko ulit ngaun..ung guts! Waaahh!! What will I do?!!

Since I have months pa para magdecision, ang balak ko kasing gawin muna is magbabasa na ng books related sa I/O Psych ngaun..pag di ko siya napagtiyagaang basahin at pag di ako kinikilig habang binabasa ko ang mga topics (uu may ganong factor ako) then this course is not for me..Hehe. Di ko alam kung tama to..hihi..Importante kasi sakin ung dapat super interested ako sa isang bagay sa umpisa pa lang. Hehe.

Ano sa tingin nyo..Kakayanin ko ba ang course na ito?

Any opinion? comments? suggestions?

Monday, June 2, 2008

Proud Filipina


Thank you Mr. Angelo Aquino for this pic!

You can visit: http://gfolio.multiply.com

Sending pic through Multiply:
PM the link of ur pic and full name to Mr. Geloy in his Multiply account: http://gfolio.multiply.com

or

through E-mail:
Send ur pic and name at these e-mail address:
aquino_angelo@yahoo.com

This is a personal project of Mr. Angelo Aquino!

picture submission guideline: please choose a picture that is not grainy and not blurred... if possible shot in good lighting condition... high resolution pictures is also better so it would show more details... since we are cropping it into squares, please choose a picture that will give allowance for your name (please avoid pictures that the face touches the frames of the image)... thank you very much!

I AM PROUD TO BE A FILIPINA!

RANDOM THOUGHTS

Warning: Read the title first.

Nababagabag pa rin ako sa kung sino makakasama ko sa bahay. Nasaktan ako sa nangyari..di ko alam kung maibabalik ko pa tiwala ko. Buti na lang masaya ung concert ng bloomfields noon sa Crossroad 77. Natuwa ako kay Rocky. Crush ko na siya. Front act ung band nila Dadi Pao na Kanluran. Nagtataka ako sa mga lalaking di makuntento sa GG nila. Namimiss ko na SFC. At baptism na pala ng Unit 2 sa Saturday. TUlin talaga ng araw. Gusto kong magmasteral..Psychology naman. Ewan ko pero dun talaga ko super interested. Nakakatuwa ung pics galing kay Mimi. Andami kong di kakilala dun sa mga pics. Gusto kong pumuntang ibang bansa at mamasyal. Kukuha kaya ako ng credit card from HSBC? may free cellphone kasi. Di ko alam kung bibilin ko ung gusto kong digicam ng Olympus - ung waterproof. SUper gusto ko kasu talaga un. Hay kalungkot wala na naman akong kasama sa bahay. In a bit nakakastress siya. Pero parang gusto ko ding bumili ng ref at tv kaysa mamahaling digicam. Pero mas gusto kong magkaroon ng rent-to-own house. Para naman may kapupuntahan ang pera ko kaysa naman upa lang ako ng upa di ba? Gusto ko talagang magmasteral! Napapraning ako. Gusto ko ng pizza. Miss ko na agad sila Nanay at mga pamangkin ko. Malapit na Father's day. Punta kaming bulacan. Bakit kaya di na natuloy ung outing namin sa Batangas dito sa department namin? Gusto ko talagang makapasyal sa ibang country! Pero ayokong magtrabaho dun ah. Excited na ako sa MMLC namin. Gastos na naman. Grabe na toh. Excited din ako sa Pagudpud escapade ng NERDS. sana lang wag bumagyo ng date na un. Pero ano kaya masarap na ulam mamayang hapunan? Nagugutom na ako. Merienda na pala. Hayz.

Pero ang desire ko talaga ngaun..i want to love like Jesus..come back to the heart of worship! i look ok kasi pero deep inside napag-alaman ko na may sablay sa way ng pagmamahal ko..i want to love like you Jesus!