Tuesday, January 1, 2008

Heypi New Year!!!

Ganito ko cinelebrate ang New Year Vacation ko:

Coffee Prince Marathon


Bumili ako ng DVD ng Coffee Prince nung Friday. Mula nung pagdating ko sa bahay ay pinanood ko siya till Saturday morning and evening.This Korean Drama has a twist! I mean super kakaiba nung love story. Super napaglaruan din ung emotion ko kasi di ko alam kung kikiligin ba ako or hindi because it seems na nafo-fall ung lalaki sa isa pang lalaki (kasi ang alam niya is lalaki si Eun Chan dun). Kaya ayun..nakakakilig sa part ni Eun Chan. Hehe. Merong boring scenes lalo n ung sa love story ng Nanay ni Eun Chan. Sana wala na ung part na un. Hehe. Ang bad! Pero galing ni Eun Chan dun! Mukha talaga siyang guy! Ang cute!!! Saka mas maganda talaga siyang panoorin in Korean kaysa sa GMA. Pangit talaga magdub ng GMA! Anyway, basta maganda tong drama na to. Pero mas maganda pa din ung Princess Hours. Hehe. Mas masaya kasi un. Hay na-low blood ako kakapanood nito!


Binisita si Rose Ann sa bahay nila


May plano naman talaga kaming magkita-kita nila Rose Ann nung weekend na un. Unfortunately, na-ospital siya. Madali din siyang nakauwi sa kanila kaya dun na lang namin siya dinalaw sa bahay nila. Medyo ginabi kami kasi hinintay pa namin si Angel. Hay I miss my College barkada! Graduation pa kasi nung huli kaming magkasama-sama. Kaya ayun, kuwentuhan kami kila Rose Ann. May mga nagbago din samin. Si Cherry lang yata di nagbago samin. Nakasimangot pa din. Hehe. Sarap nung ice cream na pinakain ni Rose Ann! I really missed my Besti! MEjo mas lumusog siya kaysa sa dati. Hehehe.

Nagshopping sa Divisoria at PureGold Caloocan

Nagpunta kami ng Nanay ko sa Divisoria nung Sunday Morning. Gosh! Nagkalat ang tao pati basura! Super init pa! Bumili ako ng 6 throw pillows (Php200.00), 1 dozen pillow cases (Php400.00) whole-body mirror (Php75.00), and queen size floor carpet (Php300.00). Mura no? Hehehe. Para yan sa inuupahan ko sa Pasig. Para gumanda naman. Akala ko Divisoria lang ang pupuntahan namin that day. Kaya nakitulog muna ko sa bahay ng Kuya ko at pagkagising ko ay rumampa naman kami ng Nanay ko Puregold sa may Monumento. Dun kami nag-grocery para sa kakainin namin sa Medya Noche. Ang sarap din pala ng feeling pag sayo nanggagaling ung handa niyo for special occassions. Hehe. Basta kain lang kasi ako dati eh. =p


Bumisita sa Ninang ko

Matapos ang kalahating araw na kain-tulog ay pumunta kami ng Nanay ko sa bagong bahay ng galante kong Ninang. Hehehe. Yehey! may gift na naman ako from her! Isang white blouse na..err..can't describe. Basta may gift siya. Hehehe. Pero mas gusto ko nung pinakain niya kami ng Buko Salad. Hay! It's my favorite! Kung di lang nakakahiya hihingin ko ung buong lalagyan at kakainin ko sa bahay! Hehehe. Ang ganda ng bahay ng Ninang ko. Sabi ni Nanay pagawan ko daw siya ng ganong bahay. Kamusta naman?! Milyon kaya yun! Nanay ko talaga.


Medya Noche


Ayan na, kainan na naman! Halata n nga sa katawan ko nag-enjoy ako sa mga kainan this Holiday Season. Hahaha! Samin nag-spend ng New Year's eve si Tay Rus ko. Di ko alam kung anong dumapo sa isipan niya. Hehehe. Anyway, before kumain ay nag-movie marathon muna kami... I mean sila. Kasi nakatulog ako. Hehe. Nakagawian na naming di nagpapaputok pag New Year. Nanonood lang kami ng colorful fireworks. Hehe. Ang saya kasi gising ung 2 kong cute n pamangkin that night. Sila ung nagpasaya ng gabi ko! Cute kasi ng reactions nila sa mga paputok. Hehehe. Tapos ayun, kainan na kaming pamilya. Carbonara, fried chicken, ham, spag, at fruits ung handa namin. Di ganoong kadami pero enough naman para mabusog kami.


Back to Pasig

Dahil sa may pasok ako ng Jan2, balik agad ako sa Pasig ng Jan1. Di na kami nakapunta sa Bulacan dahil sa dami ng dalahin ko. Buti n lang talaga ay kasama namin si Tay Rus that time. May katulong kaming nagbitbit ng gamit ko. Hehehe. After we ate lunch, umidlip muna kami sandali. Then nagsimba kami ni Nanay sa Pasig Church. Ang ganda na ng sala namin ngayon! Match na match ung colors nung mga binili ko dun sa bahay namin! Danda - danda talaga! Pag naayos na naming mabuti ung bahay ipopost ko dito ung pics ng bahay namin. Hehehe. Unti-unti kaming umaasenso! Mejo magastos nga lang.. =D Grabe I'm so blessed talaga!


HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT!!! Kayo, kamusta New Year nyo? Masaya din ba?? =)

2 comments:

Anonymous said...

bkit di mo nilagay pic ng apartment mo?

Rakz said...

hehehe..cge bukas upload ko pag napicturan ko mmyang gabi. kya lang chaka p nung kuwarto eh..=D