For the end of January 2008, gusto ko masaya naman ang ipopost ko..Kaya eto..ILAN sa mga nakakahiyang moments ko dito sa mundo..hehehe. TeykNowt, sample lang itong mga ito..madami pang moment na di pwedeng ihayag o ibunyag..nyahahaha!
Tagaytay Field Trip
-simulan natin sa high school..ang karaniwan kong experience nung hayskul ay matagusan, matanggal ang pagkakakawit ng bra strap sa likod, matanggalan ng suwelas o takong, at madapa. Pero minor pa ung mga un..at normal lang naman un for a girl..hehehe..lulusot pa eh.=p Pero ang pinaka di ko makakalimutan ay ung field trip namin sa Tagaytay. Excited pa naman ako dahil perstaym akong payagan ng aking mga magulang na sumama sa isang field trip! Apat kaming magkakabarkada nung pers yir ako. Naglakad kasi kami dun sa mabangin na part ng Tagaytay. As in ung super stiff nung lalakaran. Pagkakataon nga naman talaga..parang pila sa flag ceremony pa ung naging ayos namin that time..ako ung nasa unahan at nakapila sa likod ko ung dabarkads ko. Mejo nawala yata sa ulirat ung nasa pinakalikod at ayun! Nadulas! Waaahhh!!!!!!! Siyempre damay kaming mga nsa harapan niya! Umi-slide kaming nakatayo dun sa pabangin na part..merong nakahawak sa puno, meron namang nkahawak sa damo, ung nasa likod ko naman nakatayo pa rin nung dumagsak na kami sa may baba..at ako..ang walang kamalay-malay na ako ay sumemplang sa maputik na basurahan at may asong kulay itim pa na nagkakalkal ng basura! Pang-angat ko ng ulo ko ay nakita ko ang sangkaterbang estudyante (na taga-ibang skul naman) na kitang-kita at bakas na bakas sa mukha nila ang kanilang mga itinatagong reaksyon sa nangyari. hayzzzzzzz naman....T_T buti na lang wala ung crushness ko that time. Kundi pers yir pa lang negative na agad ang ganda points ko! hahaha!
Men's CR
- College naman..First time kong mapasali sa ACM Inter-Collegiate Programming Contest. Sa University of Asia & Pacific ung venue. Ang kasama pa namin nun ay mga kakuyahan namin sa NERDS. Most of the participants from our school are boys. Tatlo lang kaming nagmamagandang babae. Hehe. Kaya kahit san sila pumunta, nakabuntot lang kami..siyempre newbie eh..in short, wlang alam! Inosente epek! wahaha! Pero masyado yatang naging literal ang pagsunod namin sa kanila. Nagkukuwentuhan kasi kami noon habang sumusnod kung saan man sila pupunta. Tinititigan ang bawat sulok ng UA&P dahil maganda naman talaga ung skul (dapat lang isa sa may pinakamahal na tuition ung skul na un eh). Hanggang sa mamalayan namin, bakit parang iba na tingin samin nila Kuya.. Ayun, kamote! Nasa loob na rin pala kami ng cr ng boys..nyahaha! Siyempre biglang labas kami..hek hek hek..
The Slacks
- Eto naman ay nung nag-aapply na ko sa trabaho. Masayang-masaya pa naman ako that time kasi pakiramdam ko tanggap na ko. As in habang nasa LRT ako ay nagmumuni-muni at nangangarap na ko habang nakatayo ako. Di naman masikip sa LRT that time. Wala lang talaga kong maupuan. Ang layo-layo na nga ng tingin ko nun eh. Kasi super saya ko at hay..sa wakas magkakawork na ko. Tapos biglang..
babae: miss..punit ung gilid nung slacks mo..
rakz: ay uu nga no..tenk u po.
Pagkatapos kong marinig ang mga katagang un ay parang hinugot ang puso ko at napapikit na lang ako! sabay takip ng hawak kong envelope sa aking tagiliran. Mejo mhaba ung sira/punit..sinlaki ng hintuturo ko. (As I've said, hintuturo ko..kaya wag mo ng tingnan kung gano kahaba ung hintuturo mo..hehe.joke lang.) Shocks! Kelan p kaya nakabukas un? Baka madami ng nakakita ng maputi kong tagiliran! Naku po!!! Kahiya-hiya ka Rakel!! Siyempre poised p din kahit ganon. Bumili n lang ako ng perdible para sumara ang dapat naman talagang nakasara. Hehehe..
Soundtrip
- Nang mga panahon na ito ay employed na ko. Sa Pasig na din ako nakatira. Nakagawian ko na rin na magsoundtrip habang nasa byahe gamit ang aking cellphone. Sa anong dahilan? hmm.. para maalis ang antok ko at makalimutan kong gusto ko p talagang matulog. O kaya naman para mabawasan ang pagkaasar ko sa matinding trapik at sa mga nakabugbugan ko para lang makasakay sa fx. Hehehe. JOke lang. Nung nakikinig na ko, napansin kong humina yata ung sounds ko..kya nilagay ko na sa maximum volume ung cp ko. Para feel na feel ko ung kanta. Tapos napansin ko na lang may lumingon sakin na pasahero. Sabi ko sa sarili ko, "ang sensitive naman nito. Ang hina n nga ng sounds ko nagrereact pa." Hanggang sa mapansin ko..di pala nakaconnect sa port ng cp ko ung earphone ko. Nyaykz! Toinkssssss! Adeeeek!!!! Kaya naman pala mahina nadidinig ko kahit naka-maximum volume na..hahaha! Nag-iingay na pala ko ng di ko nalalaman! Buti na lang Sway ng PSD ung kanta nun..pag nagkataon na kakaiba trip ko..haha.Gudluck!
Elebeytor
- employed na din ako ng nangyari to. Normal na sakin ung pagtinginan ng tao..minsan dahil sa posturang-postura ako o kaya naman ay dinig na dinig ung kanta na pineplay ko kahit naka-headset ako. Nyahehehe. Pero dahil na naman sa sounds ay may nangyaring kahihiyan sa buhay ko. Andami namin non sa loob ng elevator..sabi nga nung friend ko parang mrt daw sa dami ng tao.hehehe. Sa 26th floor ako..ang last floor na pwede dun sa sinakyan kong elevator. Pero khit gano kdmi ay enjoy n enjoy pa din ako sa sounds ko..napapaindak p nga ako eh. Tapos 2 n lang kaming natira sa elevator. Bago bumaba ung isa ay tumingin muna siya sakin. Nagtaka ang lola mo. Nagclose na ung elevator. Shocks! Pababa na pala ulit ung elevator!!! Kamote!!!!! E ung elevator pa naman ay di marerecord ung floor na gusto mong puntahan habang di siya nakahinto. Gets? kung hindi..ok lang. hehe. Anyway, buti na lang huminto sa 23rd floor. Dun ako bumaba. Naghintay na mag-up ulit. Ding! Ayos paakyat na ulit! Kamalasan nga naman ng buhay, nagkataon pa na officemate ko ung nag-iisang nakasakay dun sa elevator na un!
officem8: Dito na ba sa 23rd floor tayo maglalogin?
(Shocks di ko alam kung ano isasagot ko! Mga balak kong isagot: 'Nag-cr lang po ako', 'Hinatid ko lang po ung kasama ko', etc.)
Rakz: Ah..eh..hehe. Nagkamali po ako ng baba eh. (sabay ngiti ng malaki)
Nyahaha! Aamin din pala! Wala na kong nagawa pra proteksyonan ang dignidad ko sa kahihiyan. Nagtawanan na lang kami. Hihihi.
To the Ends of The Earth Drama
- Malapit lang ang simbahan sa inuupahan namin ni Marian. Parang mula FEU hanggang hmm..Isetan kung sa gate 4 ka lalabas. Hehe.After naming magsimba ay naglakad na kami pauwi ni yayan. Sa ibang way kami dumaan. Hanggang pareho na lang naming masabi..'Di na familiar sakin tong lugar na to.' Wahaha! Nagsama ang parehong adeek! Pinagpatuloy na lang namin ang aming paglalakad. Nagbabakasakaling matagpuan ang tamang daan pabalik sa bahay namin. Andaming tambay ang nalampasan namin. Meron ding lugar na super liwanag..parang Head office lang ng Meralco. Hanggang sa magtanong na kami..
Yayan: kuya, san po dito ung sagad?
manong: sagad? jan lang un..sa kanto na yan, kaliwa ka hanggang merong pnibagong kanto ulit.ayun sagad na un.
Yayan: ah ganun po ba
manong: bakit, sino bang pu2ntahan nyo dun?
Rakz: (aba nangingialam pa)
Yayan and rakz: ay wala po kaming bibisitahin dun. babalik lang po kami sa bahay namin. hehehe.(sabay ngiti)
manong: Huh? (laglag panga na lang si manong..hehehe)
Mejo pinagtawanan kami nung mga kasama ni manong. Hu cares?! hehehe..e sa naliligaw nga kami eh. Matapos ang paglalakbay ay sa wakas nakarating din kami sa bahay namin ng ligtas. Thank u Lord!
SSS
-Required 'to para maprocess ang regularization paper ko noon. e di umagang-umaga ay sugod ako sa SSS Pasig. woooooooowwwww! Goshness! 8am p lang andami ng tao! Binigay ko sa guard ung form na finil-upan ko. sabi niya hintayin ko na lang daw tawagin ung pangalan ko. Nangamba kong bigla..may pagkabingi kaya ako?? Tapos andami pang mga nagchichikahang ewan sa paligid at nkkdagdag sa init nung opisina. Hayz. Eto aaminin ko na agad kahihiyan ko. Sa di ko malamang kadahilanan ay pakiramdam ko sinigaw ng lalaki ung 'Galapon'. Tumingin-tingin ako sa paligid. 'Ako na ba talaga? Tinawag ba talaga ko?'. Tapang-tapangan. Lapit ako dun sa lalaki. Iko-confirm ko lang naman eh.
Manong: Bakit, anong kailangan mo?
rakz: wala pa bo kayong tinatawag?
manong: wala pa.
rakz: ah ok po.
Sabay balik ako sa puwesto ko. Nyak! Ano un? Nag-hallucinate na naman ako?? nyahaha! Pinagtinginan na naman tuloy ako ng mga tao! Hahaha! baka excited lang akong matawag agad kya gumawa na ung utak ko ng paraan para mapagbigyan ang hiling ko na matawag agad. hahaha!
---------------------
Ang mga shinare ko na story dito ay mga nasa mid-level pa lang.. Ayokong ibunyag ung mga major at ayoko din sabihin ung minor dahil nonsense lang. Nyahehe.
Basta masasabi ko lang, kahit napahiya ka, STAND AND BE PROUD. WAG MATAKOT MAGKAMALI DAHIL DUN KA MATUTUTO. Nyahehe. E ano kung pagtawanan ka nila... at least napasaya mo na sila, nakapagmaganda ka pa dahil nagka-eksena ka! hahaha!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Hi Besti,
You made my night so happy after reading this post! Astig! Naisip ko tuloy ung mga bloopers pa nung magkasama pa tyo..don't know if you remember pa..The best ka talaga magkwento..napasaya mo ako ah! Ingatz lagi! :-*
~Rose Ann
wow gold,World Of Warcraft gold,ffxi gil,world of warcraft power leveling wow power leveling,wow gold,World of warcraft power leveling,buy wow gold,wow gold,Cheap WoW Gold,buy world of warcraft gold for cheap Cheap WoW Gold,WoW Gold,world of warcraft gold,WoW Gold,cheap wow gold,cheap wow gold,wow gold
wow gold,wow power leveling.wow power leveling,wow power leveling,world of warcraft gold,world of warcraft gold,wow gold,world of warcraft gold wow gold,wow gold,wow gold,wow gold,wow gold,wow gold,传世私服传世私服, 传奇世界私服传奇世界私服 u2z4c4fd
Post a Comment