Today is Monday but for unknown reason, I'm totally irritated..sana di naman ako maging irritated the whole week..hayz!
Anyway, share ko na lang naging weekend ko..
Nung Saturday, hmm..asan nga ba ko nun? sa bahay lang pala ko nun.. ninamnam ang bawat sandali para matulog, humilata at manood ng DVD. Mejo puyat pa kasi ko nun dahil nga gabi na ko nakauwi e tapos kinuwentuhan pa ko ni Marian ng lablayp nya..hay pag nagshare pa naman si Marian e minimum ang 1.5 hours sa istorya nya. Then ipagpapatuloy ko sana ung pagbabasa ng I Kissed Dating Goodbye kaya lang..as usual..tinamad ako. Dumating si Russell that day..sa di malamang kadahilanan ay muli na namang nagbalik ang isa sa pangit na trip ng utak ko..ung naiinis ako sa isang tao kahit wala naman siyang ginagawa..ung tipong kahit anong gawin at sabihin niya ay naiirita talaga ko at babarahin ko talaga mga sinasabi niya. Hay kasalanan na naman ito! Pero super sungit tlaga ko sa kanya nun. Wala naman akong monthly period that time pero super irritated tlga ko sa kanya. Hayz! What a mood!!! basta ang ginawa ko lang nung sat ay nanawa sa tulog. period.
Nung Sunday naman, buti na lang di natuloy ung meeting ko sa gagawin ko sanang sideline project. yahoooo!! Kaya naka-attend ako ng household namin sa SFC. Pakiramdam ko tinutugtog tha time ung 'Send Me' na song. haha! Hallucination ito! I miss my SFC family na din kasi. Sarap ng hinanda nilang Italian Spag. Yummy!!! Ang topic is 'How God's word manifested in your life'. Nainspired ako dun sa naging household namin..namiss ko din kasi ang feeling nagha-household. nyahehe. At nakakatuwa kasi almost every week sa Feb may event/activity kami sa SFC. yehey! Busy na ulit ako! hihihi.. Napakasaya ko hanggang sa pag-uwi ko sa bahay. Kanta ko ng kanta. Bandang 9:30pm dumating ulit si Russell. There goes my mood again. Ang salbahe ko na naman sa kanya. Hayz! Tapos dun sa DVD na dala ni beth na 20-in-1 isa n lang yata ung di namin napapanood. Ung Bratz Movie. Super tagal nung movie para sa nonsense na story. Gosh! dun lalong nag-init ang ulo ng lola mo! SOrry po at pasintabi sa mga nag-effort dun sa movie at sa mga naka-appreciate dun sa movie..pero super nonsense tlaga niya sa paningin ko! Parang may mga scenes na masasabi na..'big deal ba un?', 'problema na un?'..Buti na lang maganda silang pumorma. That's it! maganda ung mga damit nila..un lang yata nagustuhan ko..har har har! Natawa n lang talaga ko sa pagkairita that time. Sayang talaga oras ko sa panonood nun..kamote!!!!!! Inabot ako ng past 12mn para lang matapos un..hayz kulang tuloy ako sa tulog.. badtrip!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment