Wednesday, January 2, 2008

Full House =p

December 16, 2007 kami lumipat dito sa bahay na ito. Pangatlong bahay na namin ito ni Yayan and I can say that our home is getting better and better! Hehehe. Sa 3rd floor kami located (3C). Sayang di ko napiktyuran ung 4th floor. Dun kasi kami nag-eemote ni Marian minsan. Hihi. Ganda kasi dun. Ang hangin. Ganda pa ng ilaw pag gabi at may mga halaman pa. Picturan ko minsan un at ipopost ko dito. Hehehe.

Address: 3C 111 Dr. Pilapil St. Sagad Pasig City
Rent: 5k/month exclusive of water and electric bill

Eto ang aming sala:

Korean/Japanese style..in short, nakaupo kami sa sahig. Personal kong pinili at binili ang mga gamit namin diyan. Hehehe. Lumabas tuloy na maarte ako sa bahay. Super relaxing sa sala kaya pag dumadating ako after work, diyan na ko nakakatulog. Hehe. Sana lang pwede kaming magpako sa dingding para makapagsabit kami ng kung anik-anik. =D

Eto naman ang aming kusina:

Si Marian naman ang madalas maglinis ng kusina namin. Siya ang nag-ayos hanggang sa pinakataas nung cabinet namin. Hehe. Yun nga lang madalas kaming mapanisan ng pagkain. Binabalak kong bumili ng personal ref kaya lang malakas daw sa kuryente yun. Kya I can't decide tuloy. Hehehe.

Ang aming beautiful CR:

Si Marian ang bumili nung curtain rod. Kay Tay Rus naman galing ung shower curtain. Buti na lang di niya pa kinukuha samin. Hehe. Ang sarap maligo sa cr namin. Feel na feel ko ang tubig! Yun nga lang ang lamig pag umaga. Dito na din kami sa cr naglalaba. Minsan nga dito na din kami nagsasampay. Haha! Kitang kita din ung mga ritual namin sa paliligo. Next month daw bibili Nanay ko ng mini basket para dun nakalagay lahat ng eklabu namin ni Yayan. Hehe.

At ang aming private room:

Private room kasi bawal ang kahit sinong lalaki dito. For girls only! Hehe. Floor mat lang ang higaan namin kasi di kasya ung air bed ko sa loob. Si Yayan din ang naglilinis ng kuwarto. Maaliwalas din ung kuwarto. Sarap matulog! Kasama namin sa kuwarto sila Pen Pen (bigay ni Pin dati) at Ash (bigay naman ni Tay Rus) . I'm planning to buy a comforter din..para naman mejo lumambot higaan namin. Hehe. Un nga lang nasa 1k+ un eh. Saka na. Hehehe.

2 comments:

Grace said...

ganda ng bahay niyo ah.. kaso sa pasig pala. astig nung veranda sa 4th floor. gusto ko din sana may ganun lugar sa tinitirahan ko ngayon na puede mag-emote. hahaha! :p nice pad! ;o)

mea hiroshima said...

Wow I like your house simple pero maayos ang pagkakadesenyo
mahilig din ksi ako mag ayos ng bhay eh kzo ang dme pa kulang samin bute pa sanyo almost complete na

e@ nga po pala site ko
mykrizzyworld29.blogspot.com