It's February!! Sabi nga nila 'The Month of Love'.. Echos! Sabi lang nila un! Hehehe..Siyempre pag inlove ka every month ay parang February. Nyek, may ganun?? Anyway, napagdesisyunan ko na ang mga ipopost ko bago mag-Feb 14 ay puro tungkol sa love. ANy kind of love siyempre... wala naman kasi akong maishe-share na tungkol sa lablayp ko ngaun..as in 0. hehe
Naalala ko kasi ung topic namin sa first ever household na napuntahan ko sa YFC noon. Si tatay Fello ang head that time. The topic is: The Five Love Languages..hindi ung kung pano sasabihin ah. Kundi kung pano ipaparamdam. effective to sa kahit anong uri ng love..di lang siya pang romantic love. Believe me. hehehe.
Here it goes!!!!!!
The Five Love Languages
1. Words of Affirmation
May mga tao kasing feel nilang loved sila pag kino-compliment ng iba ung mga ginagawa nila. Ang simpleng 'Thank You' nga ay nakakapagbigay n kaagad ng ngiti sa puso ng ibang tao eh. Kahit ung simpleng 'ganda nung drawing mo ah', 'i'm so proud of u!', 'grabe astehg talaga ung faith mo pare!'..Kahit un pa lang ay naipapadama mo na sa tao na un na love mo siya..na nag-eexist siya sa mundo mo at ang mga ginagawa niya ay highly appreciated. Magsasabi lang yan ng 'Uy,di naman'.. pa-humble epek! Pero deep inside matutuwa yan.. Bka nga ma-last word syndrome pa yan at talagang isipin kung totoo ba ung cnabi mo eh. Totoo di ba? Nyahehe..
Siyempre ibang usapan naman na ung nambobola ka lang di ba? wag ganun..wag 'tong gagawin kapag gusto mo lang pasagutin ung nililigawan mo or gusto mo lang madagdagan ung ganda/pogi points mo..adeek ka ba? hehe. para kasing nagsisinungaling ka na pag nambobola ka. Ur saying things na di naman totoo..makaka-mislead ka lang ng tao..baka maniwala siya sa sinabi mo sige ka yari ka..hehe. When u say it, u mean it. Ok? Di lang pachuva-ever ka jang gusto mo lang maka-iskor.
Another form of affirmation ay ung words of encouragement. Opkors pag mahal natin ang isang tao ay tutulungan natin siya in any way di ba? As much as possible para mag-grow siya.. for better ika nga. Kahit ung 'Alam kong kaya mo yan..kaw pa!', 'Laki ng tiwala sayo ni God kaya binigay nya sayo ung problem na yan.'..hay..masarap sa pakiramdam na may naniniwala sa kakayahan mo di ba? Madami kasing nag-aalinlangan sa abilities nila..di ko alam kung nagpapaka-humble lang ba, or self-pitty or papansin lang talaga..but almost all of them sometimes needs some words of encouragement from other people para lumakas ang loob nila at maramdaman nilang loved sila..
Para sa mga adeek mag-isip..siyempre wag nyo namang i-encourage sa masamang bagay ung taong mahal nyo di ba..like 'Kaya mo pa yan, isang shot pa!', 'Try mo tong yosi..pampatanggal ng stress to..kaya ng baga mo yan!', 'Mangopya tayo..minsan lang naman eh!'... tama ba naman yan??? Sa tingin mo natulungan mo ung taong labs mo nyan? Bugbugan kaya tayo! Hehehe.. Wag ganun..wag sablay..
Ako personally mas sinesave ko sa cp ko ung mga personal text messages na na-touch ako kaysa dun sa mga forwarded quotes. Kahit ung simpleng 'Ingat ka' ay nakasave sakin. Ewan ko ba..mas masarap ulit-uliting basahin ung mga 'thanks mama rakz, labshu po' kaysa dun sa mahahabang quotes na cnend sa lahat. Kumbaga mas gusto ko ung personalized! Nyahehe.
2. Quality Time
Dito papasok ang motto ko sa love na 'LOVE spells T.I.M.E.' Kung mahal mo talaga ung tao, paglalaanan mo siya ng oras mo. Mas masarap pa nga sa pakiramdam ung kahit super busy ka na ay may time ka pa ding makipagkuwentuhan at makipagkita sa taong mahal mo..dun mo sa kaniya maipaparamdam na special siya at worthy siya sa oras mo.
Teyknowt..ang nakalagay is 'Quality' Time. Di lang basta time! Tulad na lang sa mga example na to:
Scenario#1: Nakipagkita nga sayo pero text naman ng text. At kung lumingon man siya sayo ay halos 1/3 lang ng overall na oras ng pagkikita niyo. Nakakarelate? Badtrip di ba? Dude, kung magbibigay ka naman ng oras mo wag mo namang iparamdam sa kasama mo na napilitan ka lang na binigay mo ung time mo sa kaniya! Kahit gerlpren mo pa yan or simpleng prend mo lang, try to treat her/him special when u are together. Hindi ung nakikipag-agawan sa ng oras sa cellphone mo ung taong kasama mo. Kung ganun din lang ang gagawin mo, wag ka na lang makipagkita. Masasaktan mo lang siya kahit ano pang piliin mong gawin.
Scenario#2: Nagkukuwentuhan kayo. That's ur moment para makapagkuwentuhan..dahil matagal kayong di nagkita whatsoever basta moment niyo un para magshare! Tapos ung isa naman is di nakikinig sa nagkukuwento. Ipinaparamdam sa iba na she's not interested at habang nagkukuwento ung isa ay nagkukuwentuhan din ung iba. Nothing wrong sa situation na ito kung madami kayong nagkita-kita..mala-reunion. Ganong level. O kya naman super haba nung lamesa at di tlaga kyo magkarinigan. Ok lang un. Pero ung iilan lang kyo tapos napagdesisyunan nyong 'quality' time nyo un together..tapos mararamdaman nung isa na di siya worthy pakinggan? di ba nakakasama naman ng loob un? mararamdaman niyang di siya loved. Samantalang may sumpaan pa kayong 'bestest bestfriendz forever'. Duh?? For me my friends deserve my time. Kung may magkukuwento, makikinig tlaga ko. As long as di ako inaantok. Pag di ko na maabsorb ung kinukuwento niya dahil sa antok sasabihin ko tlga sa kanya. Kaysa naman magpanggap akong nakikinig at nakakaintindi di ba? At least di ako nagsinungaling sa kaniya. Babawi n lang ako ng ibang time para macontinue ung kuwento ng buhay niya. Naaapreciate naman nila. hehehe.
Dalawa lang yan..baka duguin na ung iba eh. Hehe.
Tip! Sa mga lalaki, as much as possible bigyan nyo ng time ang mga iniirog nyo. Mas naaappreciate ng mga babae na binibigyan sila ng oras. Dahil the more na di kayo nagpapakita, mas nagkakaroon kami ng time na marealize na we can live without you. Nyahehe =p Echos!!!
3. Gifts
Eto exciting, GIFTS!!!!!! hehehe.. Nasa human culture na ang pagbibigay ng regalo. Di naman kailangang super duper mahal ang ibigay mo para lang maiparamdam mo na mahal mo ung isang tao. Di ka naman siguro si Manny Pacquiao para mamigay ng puppy, cellphone at iba pang mamahaling eklabu jan. Hindi lahat ng bagay ay nabibili ng pera. Okies? Di mo rin naman kailangang mamigay ng kakaibang gifts para mapansin ka..like Gift of Healing, discernment, tounges..ano ka Diyos?? Holy Spirit? Wag ganun..wag feeling! Nyahehe.
Simple gifts will do to make someone feel that they are loved. Eto mga true to life Sample ko..
Scenario#1: Merong araw nung first year college ako na ang lungkot ng pakiramdam ko. As in di ako ngumingiti ng buong umaga. Tapos habang naglalakad kami sa halamanan ng FEU ay biglang pumitas si Dhada ng bulaklak na santan. Sabay sabing 'ngiti ka na..' Wahaha! Touched ako nung moment na un! Di ko napigilang ngumiti. Till now nakatago pa rin sakin ung santan na un..nakapreserve. Hehe. Sa iba simpleng piraso lang ng santan un. But for me it means everlasting friendship. That somebody wants me to smile.
Scenario#2: Nasa loob kami ng classroom noon. Tapos bigla na lang akong binigyan ni dhada ng resibo. Nakasulat sa likod, 'Keep this as a sign of our friendship'. Natawa na lang ako. hehe. Pero I also treasured that receipt. At lahat ng letters mula nung elementary ako to high school to college. Saka ung mga nakuha ko sa pagseserve ko sa youth camps. Super touched kasi tlaga ko pag may narereceive akong mga sulat. Kya nga tuwang-tuwa ako kahit sa mga e-cards. Kahit san mo pa isulat yan ok lang..ang mahalaga sakin ay ung message. ung effort nung tao para sakin ay enough na para mafeel kong loved ako.
Scenario#3: Dire-diretso ang klase namin noon. As in walang break dahil merong nagtwag ng make-up class. Kya nahihilo na ko sa gutom. Tapos nung nag-cr ako nakasalubong ko ung YFC babies ko na cla Ace at Edz. Nasabi ko sa kanilang gutom na ko..mangiyak-ngiyak ko yatang nasabi un. Hehehe. Tapos sa kalagitnaaan ng klase ay may kumatok sa room namin. Ung 2 baby ko! Hinahanap kami ni beth. May ibibigay daw samin. Haha! Binilan pala nila kami ng Bread Sticks pantawid gutom! Di ko napigilan ang sarili ko at naakap ko silang dalawa. Maluha-luha pa nga ako eh. hehehe. Super touched ako that time. Till now nasakin pa din ung wrapper nung bread sticks n un. A simple gift..pero naipadama nilang I'm important sa kanila. Awwwwwww.....
Scenario#4: It was my 19th birthday. Nasa SHOUT House pa ko nun ng dalhan ako ni Kambal at Tay Rus ng isang bouquet ng pink flowers at isang Card na may message nung mga taga-Admissions Office ng East Asia. Saka pala isang devotional book. Touchness!!! Hahaha! Ang sweet!!!!!!! I really love surprises! Sarap ulit sa pakiramdam that time. Na-feel kong ako ung Senior Sis nila. Haha!
Scenario#5: Ako naman ang magbibigay ng gift. "The gift of self is an important symbol of love.Your body can become a very powerful physical symbol of love." I reserve my self for my future hubby. Hehehe. And if ever magkaka-bf ako ulit, I'll make sure that he will receive my heart as a gift. A heart that's free from bitterness, hatred, and from the past. Dahil gusto ko pag nagmahal ako ulit maipaparamdam ko na siya ang pers lab ko (kahit technically hindi naman talaga). That's the best give that I can give. Hehehe.
Remember..for some people, simple things occupies the biggest part of their heart. Di din naman kailangang namimigay ka ng gift. Si Santa nga once a year lang kung mamigay eh. Wag mong talunin ung record niya..Hehehe. joke lang.
4. Acts of Service
Ang paggawa ng mga gawain para sa iba. Pero siyempre gagawin mo out of love not obligation. Kasi di niya rin maaappreciate un pag ganun. Kahit ung mga simpleng gawain lang sa bahay ay ok na. Tulad na lang sa mga magulang natin. Pwede nating maiparamdam ang pagmamahal natin sa kanila sa pamamagitan ng pagtulong sa gawaing bahay. Kahit ung minsan man lang sa isang linggo or buwan ay ikaw naman ang maglaba. Not because may kasalanan ka sa nanay mo at kailangang mong makabawi or nautusan ka or ikaw ung nakatoka but because mahal mo ung nanay mo at minsan naman sa isang buwan ay di siya mahirapang maglaba.
Sa skul naman, kahit ung simpleng paggawa ng favor dun sa mga nangangailangan ay maipapadama mo ng mahal mo sila. Warning! Gawin mo lang ung favor pag sure kang kaya mo. Dahil pag di mo nagawa ung favor ay baka mapabilang ka pa sa 'broken promises club'. Tama di ba? hehehe.
Share ko na lang tong kasabihan na ito para matapos na ang eksplanasyon ko sa number4:
"Wash the plates not because you are obliged to do it. But because you love the person who will next use it." - Mother Teresa
Oha?? Lupeht di ba? Hehehe.
5. Physical Touch
Eto ang namaster ko sa love languages. Sabi nga nila affectionate daw ako..nyahehe..ang hilig ko kasing maglambing. I will share na lang ung mga halimbawa ng Physical Touch para maparamdam sa ibang tao ung pagmamahal mo.
Eto ung common:
Yakap - Ansarap ng pakiramdam ko pag may umaakap sakin. Way ko din to para maglambing sa iba. Basahin nyo na lang ung blog ni Gerald para maunwaan kung ano ang hug. Pero for me it means love mo ko at kaya mo kong akapin. Hehehe. Pag inakap naman kita it means u have a special part in my heart. Naks! Warning! may mga taong ayaw ng inaakap. Kya wag sugod ng sugod sa pagyakap. Hehehe. Just like Mayla and Bading (Jayson V). E pasaway ako, pilit ko pa din silang inaakap kahit ayaw nila..hehehe.
Holding hands - For me it means 'Akong bahala sa'yo.' Nagsimula kong naramdaman ung meaning nito sakin nung gabing-gabi na tapos naglalakad kami sa may bandang Quiapo(yata) ni GG Beth. Andilim ng paligid. Parang istorya ni Lando ung mangyayari. Pero wala siyang sinabi sakin na any word,hinawakan niya lang ung kamay ko tapos dumiretso na kami ng lakad. Kumalma puso ko that time. Parang thru her hands sinabi niya sakin na 'you are safe with me'. Ganun din gawain namin ni Yayan pag nag-eemote kami sa bahay. Pag alam naming no words can comfort each other, hawak-kamay na lang kami. Kahit di kami nagsasalita alam naming ang ibig sabihin nun ay 'Andito lang ako'. Nun namang panahon na may sakit ang tatay ko, wala ding words na cnabi sakin si pers lab. hinawakan niya lang din ung kamay ko..parang sinabi niya na 'wag ka ng umiyak'. =)
Kiss - halikan portion na. Hehehe. Sa mga YFC and SFC sisters lang ako nakikipagbeso-beso. Kiss s cheeks kumbaga. May ilang lalaki din na nakadama na ng halik ko pero iilan lang un..mostly sa super close yfc bro/babies ko lang. Para kasi sakin mejo sacred ang kiss eh. Hehehe.
Pwede din ung paghilot mo sa sintido nung tao pag minamigraine siya, or kakamutin mo ung likod niya pag di niya abot, or tumabi ka sa isang tao at damayan siya.
Eto ung mga ginagawa ko na uncommon:
Nangangagat/Nangungurot - Kapag namiss ko ang isang tao nanggigigil talaga ko at nakakagat ko sila. Madami ng balat ang nangulay talong dahil sa kagat at kurot ko. Hehehe. Nanggigigil kasi ako. Hihihi. pero pag nakagat/nakurot na kita, it means comfortable na ko sayo at ready ko ng ipakilala ang pagkatao ko sayo. Hehehe
Nananampal - c Nunoy, Globen, at Russell ang suki ko dito dati. FOrm of paglalambing ko din to. hahaha. Pero mas careful ako sa pagpili ng taong sasampalin. Buti na lang di nila ko pinapatulan. Hehehe.
Kamay sa ulo - si JM ang common na gumagawa nito sakin nung college. Pinapatong niya ung kamay niya sa ulo ko. Di ko alam kung bakit pero masarap sa pakiramdam. Parang bunso ang turing sakin ng taong gumagawa sakin nun. Hehehe. Ginagawa din sakin to ni Sir Manuel (isa sa favorite kong prof) as a sign of 'God bless'.
-----------------------
Yan po ang five love languages ayon kay Gary Chapman. Ung mga in service ngayon, pwede nyong gawin yan sa mga members nyo. Importante kasi na mafeel nila na they're not just members..they are part of the family.
Wala namang masama kung ipapadama natin sa ibang tao na mahal natin sila di ba? You give a little love and it all comes back to you ayon nga sa Coca-Cola. Hehehe.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
personalize, sana hndi lang nka focus sa sarili mo pra nkaka touch
Post a Comment