Wednesday, January 23, 2008

Mga Pagkikita sa Megamall =)

Share ko lang ung mga naging activities ko sa SM Megamall kahapon...hehe

Lunch Out with my kapatid..Neil!

This is the 2nd time na nag-lunch out kmi ni kapatid (ung una ung kasama si Jessmark). This time sa Tokyo Tokyo naman. Buti na lang meron siya nung discount coupon kaya kahit papano nabawasan ang gastos namin sa pagkain..hays buti naman dahil super tight na talaga ang budget ko ngayon! As in bawal akong mahulugan kahit piso sa sobrang sakto minsan ng pera ko! Hahaha! Parang di buhay ng may trabaho..hahaha!

Mejo napareminisce na naman ako that time..napagsabihan na naman tuloy ako ng aking kapatid..dapat daw minsan mauntog ako para tumigil na ko sa kabaliwan ko at maisip ko na tumigil na! Duh!! Feeling ko ilang beses na kong nauntog! Ang kailangan na yata saking mangyari ay mabundol, mahulog, mabaril, or magka-amnesia para maitigil na ang lahat ng ito! Hahaha! Gosh, it's more than one year naman na kasi..emo pa rin ako! Badtrip!!! Itinigil na lang namin ang usapan na to..hihi..

Nung kumakain na kami, hayz eto na naman ang nakalipas na di na maaaring balikan..naghahanap ako ng ilalagay na wasabi dun sa sauce para sa California Maki. Nasanay na siguro ako kasi ganun ang palaging ginagawa ni 'pers lab' sa sauce namin dati..hayz..anu ba!!!! Feeling ko tinutugtog ang 'It only reminds me of you' na kanta non kahit hindi naman! tawag dun adeeeekkk! hahaha! Kaya un..patay malisya..feeling normal na lang kahit hindi.hihihi..

Pero nag-enjoy ako sa lunch out namin ni kapatid..bakit kami naglunch out?wala lang..para maiba lang..hahaha


Eyeball with Arne

Pagkagaling sa office ay diretso ako ulit ako sa SM Megamall to meet Arne (Anyway, thanks to my officemate Joseph sa pagsama!! hehehe). Bibilin ko kasi ung books niya na I Kissed Dating Goodbye at Boy Meets Girl. Diyan malapit sa Skating Rink ung meeting place namin. Hehehe. Sa sulit.com.ph ko lang kasi nalaman na binebenta niya ung book niya. It's my first time na makipagkita sa taong di ko naman kilala sa personal. Mejo exciting pala.. Hahaha!

Finally may book na ko ng I Kissed Dating Goodbye at Boy Meets Girl! yipeee!!!! Kahit antok na antok na ko that night ay binasa ko pa rin ung book. Kahit ung first chapter lang.. after reading the first chapter naguluhan ako bigla..conflict kasi sila ng sinasabi ni Bo Sanchez dun sa book niya na How to Find Ur One True Love..hahaha! Kamusta naman un?! Sabi sakin nung friend ko mas bagay daw sakin ung I Kissed Dating Goodbye. Ganon??? Grabe super endorsed na sakin tong book na to ah..kaya sige ipagpapatuloy ko ang aking pagbabasa sa book na yun..Hehehe..

2 comments:

napunding alitaptap... said...

mama rakz, panalo pa rin po yung kay tito Bo( o diba. close)... kasi western perspective yung sa I kissed dating...

o baka patriotic lang talaga ako.hehe

Rakz said...

@kookoo: korek k jan sis..hehehe..parang mas feel ko nga yung mga pananaw sa book ni Tito Bo (nakikiclose din.hahaha!). pero may mga principles din n maganda dun sa i kissed. haha! ang gulo ko! =D