Nakita ko lang tong survey na to from Friendster..wala lang..di kasya ung sagot ko sa bulletin board doon eh..kaya dito ko na lang ipopost..hahaha!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
1. At what age do you wish to marry?
ako..hmm..25 talaga..un nga lang mukang in a few months that will be 3 years n lang..mejo alangan yata.nyahehe. kaya extend ko sa 28. 25-28. hahaha! dami ko pang gustong gawin sa life eh..nyahehe. sabi kasi ni nanay magpakasawa daw muna ko sa buhay dalaga. nyek! kelan naman kaya ako magsasawa? 35? 40? hahaha!
gusto pa ni nanay na ipagpatayo ko siya ng bahay..hay buhay..panong himala naman kaya gagawin ko dun..o_O
2. What color do you like most?
PINK! since binyag ko, kahit wala pa kong kamalay-malay sa mundo at di ko pa alam ang pangalan ng mga kulay ay pink na ang suot ko. haha! pero nitong paglaki ko ay narealize ko na di sakin bagay ang color pink. Mejo maitim kasi ko nung elementary (kakalaro ng langit-lupa, tatsing, pogs, teks, tumbang preso, etc. halatang lalaki ako dati =p) tapos pink ang suot ko..hmm..parang mejo di bagay. nyahaha! ang chakang tingnan! Pero nung High School at College back to pink ang mga damit ko. After grad, ayan na..na-OP na ang mga damit kong pink. Parang may rally na ng damit na color brown, red, at black sa cabinet ko. Hehehehe. But still, in my heart, pink pa din ang fave ko! Tagumpay!
3. If you have the chance, what would you probably say to your beloved one?
wow! beloved one?! haha! AYoko na ngang makipag-usap sa kaniya eh.haha!
(Rakz, bitter k p din???)
Di naman..ayoko lang matawag ang sarili ko na masukista. Hehehe. Dahil alam kong it hurts pa din pag kausap ko siya kahit na I'm moving on right now..
(Wow? biglang drama mode?? ANong meron?? Moody!!!!)
Moody naman talaga ko eh. Teka, sino ba tong nakikigulo na to at nasa loob pa ng parenthesis ang sinasabi? anyway..seriously..hmm..I'll say to that beloved one na "Ingat ka palagi..pakasaya ka.." =D
4. Which part of you that you hate the most?
Hmm..wala. I'm perfect! Haha! Isang malaking Joke!!!
(Kapal! Perfect daw oh..)
Dadale na naman..joke nga lang eh..hmm..ano nga bang ayaw ko sa sarili ko..ah alam ko na. Ung binti ko! haha! ang laki kasi eh..
(Maputi at makinis naman binti mo ah..demanding ka!!)
Malaki pa rin! Parang pamalo sa dalag pag pumapalag pa! Haha! Di tuloy ako makapag-skirt masyado kahit feel na feel ko ng mag-skirt. haha! Di ko tuloy masyadong mailadlad ang kabadingan ko.. parang binti ng lalaki ung binti ko eh..kulang na lang malago at kulot na balahibo..hahaha!
5. When you encounter a sad moment, what would you do?
Madami akong options na gawin pag sad ako..
Una..kakanta ako or magvivideoke para higher level. Hehehe. Pag ganun kasi pwede akong magsisigaw..at..ehem..nasa tono naman ako. Nyahehe. Mas matino nga boses ko pag malungkot ako eh. May ganon?? Hahaha.. Pag natiyempuhan pa with matching sayaw pa yun..kahit anong tugtog pa yan! Haha! Adeek eh..
Pangalawa..makinig ng Praise and Worship songs. Eto masarap tlaga sa pakiramdam to. Lalo na kapag nakikinig lang ako mag-isa sa kuwarto. Feeling ko part ako ng Hillsong Band. Pero hallucination na yata ang tawag dun.nyahaha
(Katakot..)
Pangatlo..maglakad-lakad. Ung tipong ninanamnam at sinusulit ang bawat hakbang. Moment kung moment kumbaga. Masarap din kapag mejo tulala habang naglalakad. Ung as in blanko isip mo..ayun, masarap sa pakiramdam un. Hehe.
Pang-apat..makipag-date sa mga friends or sa YFC babies. Makita ko lang kasi mga anak ko sa YFC masaya na ko. Sigurado may magko-comment na naman jan ng "Inang-ina talaga!"..Hahaha! E bakit ba, mahal na mahal ko ung mga babies ko eh. Makita ko lang silang nakangiti sakin masaya na ko. Lalo na pag inakap na nila ko..hay..parang God's Kiss na..
Panglima..i keep myself busy. as in busy-busyhan. Haha. Kahit nakatitig na lang ako sa monitor feeling ko busy na ko. Nyahaha! O kya naman I try to realize things..pakalmahin ang sarili at i-appreciate ang mga naging blessings. Then pray..=)
6. What are you afraid to lose the most?
What? as in bagay dapat? hmm..wala eh.. pero kung 'who' ang question, my answer is nanay ko..
(pasaway talaga..what ung question eh.gawin bang who?!)
Wag kang makialam. Blog ko to! Hehe. Nanay ko.. kasi..I consider her as one of the most precious gifts sakin ni God. Patay na kasi ung father ko..e di ulilang lubos naman ang drama ko pag nawala pa ang nanay ko di ba? Iniisip ko pa lang na mawawala na sakin si Nanay ay umiiyak agad ako. Emo talaga..haha! Pag nga naging nanay na ko gusto ko maging katulad niya ko eh. Sarap kasing magmahal. Di ganong kahigpit di din ganong kaluwag. Mejo nagkakatampuhan at nagkakaaway nga lang kami minsan. Mataas kasi pride niya at minsan maramdamin. Ako naman minsan..ehem..minsan lang talaga matigas ang ulo at may pagka-deadma. Haha! Gudluck nga naman samin di ba? Pero I lover her sooo much!
Si God dapat isasagot ko dito..pero alam ko namang never siyang mawawala sa buhay ko..=)
7. If you win $1 million, what would you do?
Dollars? wow!!! converted to peso nasa 42M++ un. Haha. Pag nanalo ako nun..hmm..
Bibili ako ng house and lot. Ung tamang laki lang. Ayoko ng mansion..baka mainsecure si Gloria.haha!
Tapos magdodonate ako sa charity..siyempre sabi nga nila share ur blessings..
Tapos lahat ng matitira ibibigay ko sa family ko..at hihinto na ko sa pagtatrabaho..gusto ko kasi talagang magfull time sa GK or any service na offered by CFC. Siguro naman papayagan na ko ni nanay na gawin ko ang totoong gusto kong gawin pag ganito. SERYOSO KO DITO.
8. If you meet someone that you love, would you confess to him/her? Or would you keep it to yourself and observe from afar?
Hmm..if I love someone, pinaparamdam ko. Kapag di 'romantic love' sinasabi ko talaga na mahal ko siya/sila..Pero pag romantic love na, madalas di ko sinasabi. Hehe. But I do not observe from afar. Ano to, prayer without action?? Di pwede sakin ang ganun! Haha. Opkors pinaparamdam ko kahit di ko sinasabi. But as much as possible I don't want to fall for someone if I'm sure that he will not catch me at the end. Naks! Nose-bleed! English! Nyahaha.
Saka shy akong mag-confess unless nauna ung guy na magsabi..kahit bakla akong kumilos kahit papano naman may babae pa din sa sistema ko..isang dalagang Pilipina. Haha! Echos! Asaaaaaa!
9. Do you have straight hair?
Depende kung hanggang kelan ang epekto ng hair relax..haha! Kulotski kc talaga ko..curly-haired. Kulot ba naman both mother and father side! Kya yan..napapagastos ako pag gusto kong straight ang buhok ko..hmp! HEhehe..=p
10. What are the requirements that you wish from your other half?
Other half?asawa level agad? Bf nga wala eh..haha. Anyway, eto ang partial and unofficial checklist ko..
(parang election lang)
..may takot at labs din c God - mas maganda kasi kung ang nasa center ng relationship ay c God..di po ako nagpapakabanal dito..pero un ang totoo. Self-confessed God's Princess kasi ako..tapos God's Warrior naman c better half. Saya nun di ba? hihi..
..walang masamang bisyo - napapadali kasi ang buhay ko pag nakakalanghap ako ng usok ng sigarilyo kahit amoy ng beer at iba pang alak. Sper bawal kasi sakin..Tapos baka mamaya sobrang bisyo nya ay ayain niya pa kong makipag-inuman sa kniya. Ay naku, baka dumanak ang dugo..haha. Isa pa sa bisyo ng guys ay ang bisyo ng pambababae (or panlalalaki?). In this case naman, buhay naman nung mga fling or nung other half ko ang mapapadali. Hindi ung sakin. Nyahaha.
..may prinsipyo and responsable - feeling ko kasi andaming lalakeng walang isang salita. takot i-commit ang sarili. walang paninindigan.madaling matukso sa mga makamundong bagay. saka ung malala pa sa babae kung magpalit ng decision. hindi loyal. haha.
..ung hindi seloso - mejo mababaw na requirement. hehe. madami lang akong nagiging crush dahil madali akong maattract sa work of art ni God but trust me..pag nagcommit ako, as in commitment talaga.kaya nga super bagal kong makapag-move on kasi commitment means forever sakin..ang hirap i-drawback. Di ako nag-eemote ngayon ok? I'm just telling the truth! When I say 'I love you' to a person, it means forever commitment sakin. Di ko un sinasabi with no reason at all. Ok? so no reason si future hubby na magselos..=D madami kasi akong kalambingan na ibang guys..normal kasi un samin sa YFC..at mejo nahahawa na din ang SFC..hehe. Un un eh. bwahaha
..totoong mahal ako (siyempre! dapat lang!) - kasama na dito ung tanggap ako as a whole.. all my strengths and weaknesses. positive and negative attitude. I have his time and trust. Ung naiintindihan ang mga trip ko sa buhay lalo na in terms of service. Ung di nakikipag-agawan ng oras ko kay God tapos nag-iinarte.
i-submit na lang ang resume kalakip ang inspirational books, proof of purchase, at ihulog sa dropboxes na makikita sa inyong mga suking tindahan..hahaha! echos! ano ba?!!!!!!!!!
(May ganyang lalaki pa ba Rakz? baka tumanda kang dalaga niyan..wawa ka naman..haha!)
Meron pa naman..ung mga kapatid ko! Haha! Buhay na ebidensiya sila. Sa ibang lalaki..hmm..mejo mahirap n ngang makakita ng ganyan ngayon. Ok lang sakin tumandang dalaga kaysa maging miserable ang buhay ko habambuhay dahil sa wrong guy..right?
(Uu nga..wow! Parang kay bo sanchez nanggaling yan ah..)
Korek!
11. Till now, what is the moment that you regret the most?
Regret? di uso sakin yan..hehehe =D Di ko din alam kung bakit..pero no regrets tlaga ko sa kung ano mang nangyayari sa buhay ko ngayon.
Kaya nga as much as possible ayokong pinipilit akong gawin ang isang bagay. Para kung di maging maganda ang outcome, wala akong sisisihin. Kasi pag nagkamali ako based on my own decision, ok lang. Paninindigan ko un. Tapang! Hahaha..
I think God also blessed me with the gift of discernment..naks! hehehe...
(Yabang nito..e ilang beses k n kayang nasaktan dahil sa mga decision mo!)
Opkors! Tao pa rin ako no..nasasaktan! Kung may i-regret man ako, yun ay ung mga sins na nagawa ko..Nasaktan ko kasi si Papa Jesus..T_T Sori po..
12. Which type of person do you hate the most?
Ung mga sinungaling! wait lang..pakakalmahin ko muna sarili ko..
1..(hinga)
2..(hinga)
3..(hinga)
go!
ok..ayun, hate ko ung mga sinungaling. Ung mga imbento ng istorya o kya naman huling huli na nagdedeny pa. hmp! kabilang na dito ung mga CHEATERSSSS. Goshness! Next question n nga!
13. What is your ambition?
Ano bang nangyayari sakin..wla akong maisagot! Shocking Moment! Basta gusto kong..
..mag-aral ulit - Parang feel ko ang something non-technical ngayon..Gusto kong mag-aral ng Psychology..=D ayoko kasing maging habambuhay na programmer..masakit kaya sa ulo..hehehe
..mag world tour - wow, parang artista! haha.. gusto kong makapunta sa iba't ibang bansa as TOURIST. Ayokong doon magtrabaho or manirahan. Di ko alam kung bakit. Baka umiiral n naman ang pagka-makabayan ko. Nyahaha. Basta ayoko.
..maging successful Businesswoman - eto mula elementary ito na sagot ko sa tanong na ito.Pero vague pa sakin kung anong business ang gusto kong pasukin. Wala pa nga kong ipon para maging puhunan ng business eh. Hahaha. ang labooooooooo...
(Wala ka pang maisagot niyan ah..)
Uu..wala pa sa lagay na yan..i want my ambition kasi to be specific. mejo mag pagka-'come what may' pa kasi ung sagot ko ngayon eh.hehe
14. What is the thing that will make you think he/she is bad?
Sino??? Hehehe..Hmm..
Kapag nabreak nya ung kahit isa lang dun sa 10 commandments..ahehe..di ko alam isasagot sa tanong na to! nyahaha!
(Himala naubusan ka ng sasabihin!)
Ang labo kaya nung tanong! Pano ka makakasagot ng maayos kung malabo ung tanong..hmp!
15. If you had one wish what would you wish for?
Ang tipid naman..one lang?? Hmm..
Sana lahat maging close kay God.
(Parang world peace sa ibang anyo yang sagot mo ah..haha)
Syempe naman. Hehe. Feeling ko kasi titino ang mundo kapag ganun ang nangyari eh..di ba nga, Nothing is impossible kay God. naks! Masyado na kong madaming dasal na pang-sarili eh..kaya pang buong mundo namin kung hihiling ako..=D
16. If you can relate your life now to a song, what will it be?
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko..yeba!!!!!! hehehe..Parang ako kasi ung nagsulat ng lyrics kahit hindi naman talaga ko (siyempre). Basta whatever happens kasi tuloy pa rin ang awit ng buhay ko! Nagdadrama lang ako minsan..sugatan ang puso..pero for sure tatayo at tatayo pa rin ako.. ;)
17. If the thing that you loves most would be taken from you forever but it would make you get “all” the things that you want, would you agree to it or not?
take note..'thing' ang nakalagay sa question..hindi 'person'..hehehe
Uu agree ako..bagay naman ang mawawala..something material..at something material din ang kapalit. Kya ok lang. Hehehe. Pero ayokong magsalita ng tapos..nyahaha! Biglang bawi daw ba?! E kasi naman eh.. =/
(Bakit nag-alinlangan kang bigla?)
Di ko din alam..=(
18. It would be 2008 in a few days, do you have a new year’s resolution?
Nyek. 2008 na kaya..outdateeeeeed! Saka di din uso sakin ung new year's resolution..hehe
19 . If your better half is cheating on you, will you forgive him or her?
ang hirap namang sagutin ng tanong na to..kung forgive lang,madali kong ibinibigay un. Pero di kasama sa package ng pag-forgive ko ung pagbibigay ko ulit ng trust. Un ung mahirap maibalik talaga para sakin.
Hmm..malaki ung probability na I'll forgive him..lalo na't asawa ko na. Shocks! ANo baaaaaaaa!!!!!! Nakakinis mang aminin, pero pag minahal ko kasi nagiging shunga na ko eh..hayz..Siyempre magagalit ako kasi niloko niya ko! Hayup! hehe..pero for sure naman na papatawarin ko siya..pero ung trust..un ung mejo matagal bago ko ibigay.. =/
(rakz, hmm.. martyr ka?)
Hmm..pag in a relationship..mejo..parang di gumagana utak ko pag in love ako eh.haha.naghahari yata masyado ang puso ko..e puso ko pa naman sanay ng masaktan..shocks! pangeeeeeeeeeetttttt!!!!!
20. If you’re going to die this day! Where do you want to go & who’s person your going to be with?
As in now na? Gusto ko sa church..kasama kung cno mang available jan..mejo biglaan kasi di ba? Hehehe.. pero seryoso un..dati ang sagot ko pag ganito gusto ko kasama ko si ganyan..si ganito..but i realized.. ang gusto kong makasama ay ung taong magbibigay ng oras niya sakin til my last breath. hehehe. Ang pangit naman kung mamimili ako ng taong gusto kong kasama tapos biglang di pala siya pwede that time..e di mamamatay na lang ako masama pa ang loob ko di ba? siyempre dun na ko sa willing samahan ako..hahaha =D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment