Sunday, January 13, 2008

YFCEA's Heroes Camp..I'm back to being happy!


Nag-undertime ako sa work para umattend ng HEROES camp sa Antipolo Rizal. Since hihiramin nila Champ ung kalan sa bahay, umuwi muna ako at nagpahinga. Matutulog dapat ako kaya lang mas prinefer kong tapusin ung pagbabasa ng 'How to find your one true love' by bo sanchez. At di naman ako nagsisi. Hehe. Buti na lang talaga tinapos ko munang basahin ung book before umattend ng camp..kasi nagkaroon ako ng reason para hindi mag-emote! Wahaha!

Kami nila Champ, Eman, at Acey ung first na nakarating sa venue. First time na mag-held ng camp sa retreat house na un. May pagka-creepy nga lang ung place pag gabi kasi mapuno at tahimik pa. Kahit apat lang kami ay sinimulan naman ang binding and casting dun s place. Kamote!!! nung naghiwa-hiwalay na kami para dasalan ung buong place, biglang nagtaasan ung mga balahibo ko sa katawan! Ang lamig at tumataas talaga balahibo ko..haha!After nung binding and casting, we went to the market place para bumili ng food for dinner and breakfast.

Nang bumalik na kami, andun na ung participants sa venue. We have 5 participants and 12(?) service team that night. Hay that night pa lang naglaro agad ung mga participants with the service team. Ang ha-hyper! hehehe.

Role#1: Team Leader - naging teamleader ako sa simula. Mejo naguguluhan pa kasi sila Champ sa gagawin.

Role#2: Camp Servant - injury kc si Cedrick na dumating dun sa camp. At napatulong din siya sa kusina kaya ako na lang muna nag-assign ng rooms, etc during the first night.,pero sandali lang naman un. Hehehe.

Role#3: Speaker - eto talaga ang role ko sa camp. Ang maging speaker sa Talk1. God's love and His plans for us. Sa maniwala ka man at sa hindi, 3 years akong naging member ng YFC pero this is my first time to deliver a talk! wahaha! Anyway, di ko na maalala kung anong mga sinabi ko during my talk. Hehehe.

After the talk, natulog na kami. Kasama ko sa kuwarto si Bebi Acey at Bebi Mayz. Mejo nkktakot nga lang talga sa kuwarto kasi..ala lang..madaming 'others'. Hehehe. Kya nagpumilit ako na wag na lang naming patayin ang ilaw.

Naging masaya at inspiring din ang day 2 ng camp. Ulan ng ulan kaya super lamig. Parang may naka-open na aircon sa lamig! Dito ko din first time maging part ng foodcom!


Role#4: Food Com - as I've said knina, mejo kulang sa service team. Kya kung san k kailangan dun ka! haha! E kailangang linisin nung isda para sa lunch, kaya un..kahit walang alam ang lola mo sa paglinis ng isda ay rumampa ako sa kusina. Tinuruan ako ni Harris kung pano linisin ung isda (imagine, lalaki pa ang nagturo kung pano! haha! nakakahiya!) Tuwang-tuwa ako nung nakapaglinis ako ng isda..sabi nga nila un daw ang greatest achievement ko nung camp! Haha! Pang-asar!

During the siesta, natulog kami ni Mayz (actually 2 hours lang ung siesta kc 4pm n kami nakapaglunch). Nakakatuwa lang dahil nung paggising ko, pagkadilat ng mata ko, ay si Tatay Fello at Dadi Pao agad ang nakita ko. Ang aking mga minamahal na ama! Haha! Ayun, tinatakot nila ko pag mag-isa ako sa kuwarto..hmp!

Before the talk4, naglaro muna ang mga participants. Palagi naman eh. Hehe. Dun din dumating cla Gerald and Fjordz.


Nakilala ko rin sa wakas personally cla Gerald at Fjordz!!! - natatawa lang kasi ako sa reaction ko that sat night..di ko kc alam kung anong gagawin kong approach sa knila. Napangiti na lang ako at ang nasabi ko na lang is "Ikaw pala un". Haha! Kilala ko lang kc c Gerald at Fjordz dahil nababasa ko sila sa blog ni Champ at nababasa ko din ung mga post nila sa personal blog nila. So sa pics ko lang sila kilala. Kaya nagulat ako nung malaman kong matangkad pala si Gerald at malaki pala boses niya. Hehehe.

Role#5: Music Min - After the talk4, balik music min ang lola mo. Buti na lang may boses pa ko that night. Sabi nila Hiraya(?) ung name nung magaling kumanta that night. Di ko kc siya masyadong nakausap. Hehehe. Un nga lang mejo wala n tuloy boses ko ngayon.

After that, we prepared for the entertainment night. Dahil masyado akong na-touch dun sa ginawa ng SFC family ko nung Lord's day namin ay kinanta din namin ung Welcome to the Family na song with matching lights off effect. After that ay hinarana namin ang new baby sisters. Kinarir naman nung mag bros. Haha! Then nag-dating game din kami. Tapos..nagpresent na ung mga participants together with their facilitators. It was the first time na may ginawang choreo ang mga participants! Todo sayaw talaga sila! Nakakatuwa! Siyempre papatalo ba ang service team?? Opkors Nat! Ginawa namin ung traditional..ritual..at makasaysayang ng skit na 'Kwek-kwek sa Kalye Onse'. Natuwa naman sila. Dapat lang kasi natodo laglag ang dangal namin dun eh! Haha! 3am n natapos ung e-night.

Day 3, dumating c Livy! E kakagaling lang niya sa bulutong nun. kaya kahit miss na miss ko siya di talaga ko lumalapit sa kanya. Haha! This day ko naman na-meet si KooKoo at GJ (Talk5 speaker). Mga fellow YFC Bloggers din. Kaya natuwa talaga ko nung camp. Na-meet ko sila! Hehe.



Inabot kami ng 6pm dun sa camp site..first time un na umuwi kami ng gabi galing sa camp! Hay..nakakapagod pero ang saya sa puso..Naulanan at nadulas ako during the camp pero iba pa din ung saya na naramdaman ko nun..Ibang klase talaga! Na-touch pa ko dun sa mga naging sharing nila Acey, Ced, at Mayz sakin nun. Sobra akong na-inspire sa shinare nila. Hehe. Natouch din ako dun sa letter nung mga participants. Kinikilig ako sa letter nila..sa mga sinabi nila. Hihi. I feel loved talaga pag kasama ko mga babies ko sa YFC..hehehe.

Eto naman ang special part para sa mga new babies:


Monique - Angelica ang real name niya. Pero Monique ang twag namin sa kaniya dahil kamukha niya si Monique dun sa Princess Hours. Hehehe. Sobra akong natutuwa sa kanya from the very start. Di ko alam kung bakit. May mga nabibitawan siyang mga inspiring words..na kahit kaming service team ay naiinspire. Sabi ko nga kay Mayla, may possibility din siyang maging Senior sis. =D

Sugat - Ellie ang name talaga. Tuwing makikita kasi namin siya palagi na lang siyang may sugat or injury. Hehehe. I admit na siya ang napupusuan kong sumunod na Senior Sis ng YFCEA. Nagulat nga ung ibang taga-campus na di pa siya member. Kasi madalas na siyang nakikita sa mga YFC events. Makulit din tong c Sugat. Natutuwa ako sa kaniya. Touching pa ung letter na binigay niya sakin.

Kaye Anne - si Kambal 1! Hyper#1! Hehehe. Natutuwa lang ako sa pagka-hyper niya. Ang tinis pa ng boses. Sa kaniya nauso ung "Guuuuurrrlll!!!" na tawagan..ung matinis ung pagkakasabi. Haha! Kitang kita mo sa kaniya na nakikinig siya at super willing siyang makilala si God during the camp.

KC - si Kambal 2! Dancer ang beauty nitong si KC. Super hyper talaga. Laging nanghahamon ng kagat-labi na sayaw. Kahit si champ hinahamon niya! Pnalo talaga! Haha! Super game din sa kahit anong ipagawa namin.

Steven - the only boy sa participants. Kaya ayun, tawag na din sa kanya is "Guuuurrrlll!!!". Haha! Buti nga di siya napipikon! Mejo tahimik kaya mukha siyang mysterious sa paningin ng iba. Pero mukhang hindi din. Gulo no??hehehe..

Hay..God really knows how to make me happy..=)

For more pics, as usual nasa multiply site ko un.Hehehe.

6 comments:

Dear Hiraya said...

Ahoy! Una akong nagcomment!! Salamat din po sa pagwelcome! dun ko lang din po kayo nakita pero napapabisita rin po ako dito sa blog ninyo. ayun, congrats sa camp! maraming maraming salamat po ulit!

Malaki talaga boses ni Gerald hahahaa!!!

salamat po ulit!

http://hiraya.co.nr

Gerald Tipones said...

wahahahaaa

ako 2nd comment! wahahaha finally! nakita ka na namin! weee! ansaya ng camp! hahays masakit nga lang sa kamay.. anhirap mag-gitara eh. wahahaha

tnx sa pagwelcome sa amin!

sa uulitin!!!

weee

Rakz said...

ako 3rd comment! hahaha..i'm really happy guys..na-starstrucked ako nung makita ko kayo in person..hahaha..kamoteng reaction!

hay lalo ko tuloy namimiss ang college life..gusto kong umattend sa mga events ng YFC..T_T

@gerald: thanks s pag-gitara ah..=D
@fjordz: thanks sa uber support!!

God bless sa inyo!!!

nHeyzHeL said...

mama rakz... xenxa na hindi YFC related comment ko.. gusto ko nung damit na suot ni champ!!! huhuhuhuh :((, ung may itam... san makakabili nun??? heehhehe.. salamat ng marami! paxenxa na panggulo!!

napunding alitaptap... said...

toink, ako ba yun baga-adik na nagiisang babae dun(badtrip, mukang mas gerl pa skin si eman)? wahaha! aba, ninakawan mo pa kami ng litrato..wahaha! toink!(feelingera ako,haha)

ü

ako din diba, napasabi...
"ah, kaw si mama rakz, o diba, with the "mama" pa..haha..ü

si gerald, halimaw na payatot...ahaha... matangkad nga at ang LAKI ng boses..ü ang ingay pa... haha

Ana said...

Hi, Saw that you mentioned "Bo Sanchez - How to find your one true love" if so - you might be interested to reserve your Nov 28-29, 2009 for a chance to hear him live/see him/have your books signed at the Araneta Coliseum for the once in a lifetime event "Dream Big, Win Big".

It's a big learning event about "dreaming big in your life and using your core gifts to follow your dream". Yes it's a catholic event, there's mass and worship but there's also a lot of singing and dancing and comedy as well as the huge message on big dreams. See you or your friends there!
Thanks
Ana

Conference Details at http://www.kerygmaconference.com
Make sure you're subscribed to Bo's Blog and Newsletter: http://www.bosanchez.ph