Wednesday, February 13, 2008

SARANGGOLA

February 13, 2008. Bisperas ng Valentines Day.Nagpunta ako sa The Podium para bumili ng Valentine Gift sa sarili ko. Uu, may ganong moment talaga ko. Hehehe. Mejo sapalaran ang nangyari kc first time kong pumasok sa The Podium..para lang bumili ng 'For One More Day' na book written by Mitch Albom. Tapos paglabas ko ay mall tour yata ng The Angelo's. Ung group of guys na pang broadway or orchestra ang level ng boses. Sakto naman, kumanta sila ng OPM Hits..pang harana ang dating. Kakiliiiiiiiig! I feel weak talaga pag kinakantahan. Hahaha! After that umuwi na ko para maglaba. Kinilig lang talaga ko dun sa mga kinanta nila. Hehehe. Pero hindi tungkol dito ung saranggola na title ng post ko..nakuwento ko lang ung kagabi. Hehehe..

Saranggola...


Di ko alam kung may nareceive kayong text na tungkol sa Saranggola dati. Na ung saranggola daw ay tulad nung pinakamahalagang tao sayo. Kailangan mong pangalagaan para di makawala..tinanong ko ung nagsend sakin nun kung isa ba kong saranggola sa kaniya..at oo naman ang isinagot..ako daw ang pinakamalaking saranggola niya..

Masarap pakinggan..masarap malaman na isa ako sa mahalagang tao sa buhay niya..Tulad lang nung nasa picture, di talaga pinapakawalan nung bata ung saranggola niya..kasi super halaga sa kaniya nun. Ayaw niyang mawala.

But still, ang buhay ay di umiikot sa picture lang. Be realistic. Magising tayo sa katotohanan. Di natin alam kung anong ginawa nung bata after nung picture taking na un...

Nakalimutan ko kasi..kinonsider ako na isang saranggola. Natuwa ako. Pero nakalimutan ko, di ko naisip na pwede nga din palang mapagod ung nagpapalipad ng saranggola..pwede ding magsawa..or palitan na lang ng basta-basta ung saranggola niya dahil madami pa namang ibang saranggola..

Ano pa nga bang magagawa ng isang saranggola pag bumitaw na ung nagpapalipad sa kanya? Wala na. As in wala. Matatangay na lang siya ng hangin sa kung saan. Pwede siyang masira..mawarak..mawala. Masuwerte pa kung may maiwang alaala ung saranggola dun sa nagpapalipad sa kanya.

Pero ok na un. Walang may kasalanan sa nangyari. Kapag may nasira, buuin. Kapag may nagulo, ayusin. Pag di na talaga alam kung pano ayusin, palitan ng bago..pero kasama sa pagpapalit ay ung requirements na dapat mas matibay na. Mas maayos. Sa ganong paraan ko inayos ang buhay ko ngayon. Minsan akong nadurog..nasaktan..nung hindi ko na alam kung pano makakaalis sa sakit, binitawan ko lahat. Kung ano mang galit at sakit ang naramdaman ko noon, binura ko na. Hindi ganong kadali..it really took time para magawa un. Tapos nung nagawa ko na, I started from scratch. Pero careful na sa mga dating mali..

And now, I formally close this chapter in my life. Time to move on. Enough for the heartaches brought by lovelife. Hehehe. I want to start something new..Mejo matagal din ung ginugol ko para buuin ulit ang puso ko. Ngayong buo na ulit.. I'll love like it's my first time to love. Love like it will never get hurt..


HAPPY VALENTINE'S DAY SA LAHAT!!! =)

2 comments:

Dear Hiraya said...

alam mo mama rakz.. ewan ko ba.. magsheshare ako ng konti dito hehehe.. kasi mukha akong tanga dito sa open lab.. with matching teary eyes pa.. grabe!! nagkukunwari na lang ako na may sipon lang at buti naman at walang tumulong luha.. grabe ang drama ko talaga!!

ewan ko ba.. basta ang hirap hirap makamove on... akala ko kasi oks na ako at nakapagmove on na hindi pa pala.. ikaw kasi.. nagpost ka ng ganito ayan tuloy, ngafa-flashback lahat.. im keeping myself busy para hindi ako magkaroon ng pagkakataon na makapag-emote. Ayoko na rin kasi mukha akong tanga. Halos kapopost ko lang ng holding on na post sa blog ko kasi alam kong there's still hope.. pero maluha-luha talaga ako sa pinost mo.

well, sa mga oras na tinatype ko itong mga letrang binabasa mo.. mejo oks na ako.. hehehe.. ilang minuto lang naman nagtatagal ang pag-e-emote ko. Oks na ulit. Maya-maya lang balik trabaho at aral naman na ako. Salamat ulit! hehehe..

"hindi pa rin ako buimibitaw sa saranggola ko."

belated api balentaymps!!

http://hiraya.co.nr

Rakz said...

mukha ngang andaming naapektuhan dun sa saranggola na yun nak..hehehe..

nagcomment na din ako dun sa mga post mo..

please don't be sad..