Wednesday, February 27, 2008

Di Kita Nakilala...T_T

February 27, 2008. Wednesday.

Nagpunta ako sa SM Megamall kagabi. Wala lang.. kaysa naman magmukmok ako sa bahay at magbuhay emo na naman ay naglakad-lakad n lang ako sa Megamall. Bakit ako malungkot? Dahil dito: http://rsgalapon.blogspot.com/2007/11/seryos0ng-problema-ko.html last year pa yan pero till now damang-dama ko pa din ang impact sa puso ko. Hehehe.

Hanggang sa makakita ako ng sangkaterbang tao sa may Movie World. Nacurious ang lola mo kaya pasok ako at nagtanong kung anong meron. Nyahaha! Premiere Night daw ng My Big Love. Ung new movie nila Sam, Toni at Kristine. Nakihintay na rin ako. La naman akong gagawin sa bahay eh. hehe. Nang-nenok na din ako ng heart-shaped balloon nila. Natatawa ako dun sa mga tao. Tili ng tili pag nakakakita ng artista. Meron namang feeling niya mas guwapo pa siya sa artista..at insecure pa sa ibang mas cute sa kanya. Lalaki b tlaga un? Wala sa ugali niya eh. Hehehe. Almost 9pm n ko nakaalis sa Megamall.

Pero di talaga tungkol jan ung kuwento ko..

Nagtataka lang kasi ako..bakit andami ng di ako nakikilala?

Nagsimula ito nung magkita kami ni Boris sa SFC ILC. Matagal na kaming di nagkakakita. Youth camp pa yata nila Cedrick nung huli kaming magkita. After that wala na. Nag-iba din ang itsura ni boris. Mejo pumayat ang mukha..dahil cguro nagpabrace na siya. Pero di ko makakalimutan ung facial expression niya. Bakas na bakas kasi sa mukha niya na di niya ko maalala. Napansin kong tinitingnan niya ung ID ko nung kinakausap ko siya. Di niya ba talaga ko maalala?? T_T I know di ako naging ganong ka-active sa external noon. Pero nagkasama naman kami ng mejo matagal..

Next..sa skul. Nagkakita kami ni Hannah. Anak ko din sa YFC. YFC FEU tlga siya. Pero samin siya nagcamp. Hehe. Kung di pa ko sumigaw ng malakas di niya ko mapapansin. Sabi niya 'Di kita nakilala Mama Rakz'. Huwaat??? Naman...T_T

Pati si Bading di ko akalaing di ako makikilala dun sa mga ILC pics namin. Talagang sinabi niya pa na wala naman ako dun sa pic! E nandun kaya ako! Sabi niya parang hindi daw ako.. Hala..

Sunod ung pinsan ko sa Malabon. Sabi niya sa nanay ko muntik na daw di niya ko nakilala! Bakit?

Ngaun naman nakita ko si Ate Kristine. Ung employee dati sa intern site ko. Di niya din ako nakilala. Kung di ko pa siya inapproach at sinabi ung pangalan ko di niya ko makikilala. Pero alam niya pa din naman ung mga ginawa ko dati sa ex-company niya. Nag-iba lang daw talaga itsura ko. I'm so girlaloo na daw..saka talagang office gurl na ang itsura. May ganun???

Hayy..nalulungkot ako pag naririnig ko ang statement na 'Di kita nakilala'..feeling ko panandalian akong nabura sa isip nila..T_T

3 comments:

Dear Hiraya said...

wag ka na malungkot mama rakz...

nagbabago rin talaga ang mga tao.. at siguro nga.. malaki lang talaga pinagbago mo..

sa totoo lang, i never imagined na dadami ang kakilala ko outside TIP-Manila. Malay ko ba na pagkatapos kong tanggapin ang pagiging EVP e kaakibat pala nito ang makilala ng samabayanang YFC.. at kahit ang kaibigan ng kaibigan ng kaibigan ng mga kaYFC ko. Of all people, panu nga ba naman tayo nagkakilala? O di ba? kahit nga nagkita na tayo sa Heroes Camp last January, nagawa nga ba nating magbonding? But still, parang kilala mo na ako at ako ikaw. Dahil sa blog? Maari. Pero ang bottom line is naging magkakilala tayo. At kung dumating man yung time na maaring magkasalubong tayo in the future at makaligdaan ang mga itsura, kaya pa ring ibalik ng pangalang 'mama rakz' ang mga pinagsamahan natin (in our case, sa blog, sa text). Mama rakz.. alam ko yung pakiramdam na iaaproach mo ang isang tao hoping na kilala ka pa niya pero in the end, hindi na pala unless magpakilala ka. Fear ko yun. Kaya nga hindi talaga ako usually nag-a-approach ng tao kung hindi sila ang mauuna. Magkagayunman, magkakilala tayo, magkaibigan at nanaynayan ka pa namin.. o diba diba!! Dont be upset sa mga ganitong bagay. Kung mangyari man ito ulit, isipin mo lang kami hehehe..

sorry na po.. wag ka ng magtampo sa amin nina ge ah? kung hindi man kami pumunta ng feu kanina dahil sa katamaran hehehe.. kagigising lang kasi namin kanina eh.. hehehe..

sorry na po ulit!!

smile na yan!!!

http://hiraya.co.nr

Rakz said...

may kasalanan ka pa din fjordz..tsk tsk..hehehe =P

Dear Hiraya said...

nyak!! ano naman po kayang kasalanan yun?? hehehe

http://hiraya.co.nr