Wednesday, February 27, 2008

CHRISTIAN WAYS TO REDUCE STRESS

(Thanks to Angela Arta for this email! amishu friend!!! muah muah muah!)

An Angel says, "Never borrow from the future. If you worry about what may happen tomorrow and it doesn't happen, you have worried in vain. Even if it does happen, you have to worry twice."

1. Pray.

2. Go to bed on time.

3. Get up on time so you can start the day unrushed.

4. Say No to projects that won't fit into your time schedule, or that will compromise your mental health.

5. Delegate tasks to capable others.

6. Simplify and unclutter your life.

7. Less is more. (Although one is often not enough, two are often too many.)

8. Allow extra time to do things and to get to places.

9. Pace yourself. Spread out big changes and difficult projects over time; don't lump the hard things all together.

10. Take one day at a time.

11. Separate worries from concerns . If a situation is a concern, find out what God would have you do and let go of the anxiety . If you can't do anything about a situation, forget it.

12. Live within your budget; don't use credit cards for ordinary purchases.

13. Have backups; an extra car key in your wallet, an extra house key buried in the garden, extra stamps, etc.

14. K.M.S. (Keep Mouth Shut). This single piece of advice can prevent an enormous amount of trouble.

15. Do something for the Kid in You everyday.

16. Carry a Bible with you to read while waiting in line.

17. Get enough rest.

18. Eat right.

19 Get organized so everything has its place.

20. Listen to a tape while driving that can help improve your quality of life.

21. Write down thoughts and inspirations.

22. Every day, find time to be alone.

23. Having problems? Talk to God on the spot. Try to nip small problems in the bud. Don't wait until it's time to go to bed to try and pray.

24. Make friends with Godly people.

25. Keep a folder of favorite scriptures on hand.

26. Remember that the shortest bridge between despair and hope is often a good "Thank you Jesus."

27. Laugh.

28. Laugh some more!

29. Take your work seriously, but not yourself at all.

30. Develop a forgiving attitude (most people are doing the best they can).

31. Be kind to unkind people (they probably need it the most).

32. Sit on your ego.

33 Talk less; listen more.

34. Slow down.

35. Remind yourself that you are not the general manager of the universe.

36 . Every night before bed, think of one thing you're grateful for that you've never been grateful for before. GOD HAS A WAY OF TURNING THINGS AROUND FOR YOU.
"If God is for us, who can be against us?"
(Romans 8:31)

MaguL0ng Pag-iisip

February 27, 2008. Wednesday.

Maghapong magulo ang isip ko. I often caught my self na nakatitig lang sa monitor pero at di nagpoprogram. Sobrang confused lang talaga cguro ang utak ko ngayon. Nagiging thought-full. Hehehe. Kahit ang gumawa ng tamang desisyon parang di ko magawa. Basta..ang gulo2 ng isip ko. Kung sino man ang nakabasa ng post ko last year entitled "Seryosong Problema Ko", ayun pa din ang iniisip ko till now. Di ko talaga alam gagawin ko! Hayz!

Kaya after kong hintayin ang 6pm ng buong maghapon (di talaga ko makapagprogram kahit anong pilit ko sa sarili ko), ay nagkita ulit kami ni Clint sa Podium. Kain na naman ng paborito kong crepe doon. Sumaya naman ako..pero panandalian lang. Nung naubos na ung kinakain ko ay natigil na din ung kasiyahan ko.

Tapos naglakad-lakad ako sa St. Francis Square. Tumingin ng mga tatargetin kong bilhin balang araw. Nagpamper-ur-self na naman ako. pero after kong mabili ang ilang bagay, di pa rin ako masaya. Nagsisi pa nga ako. Wrong move n naman! Huli na kasi nung nabasa ko ung text ni Cherry tungkol dun sa regfee ng YFC ILC. Shocks...super mali talaga! Wrong move talaga!!!!!! Hayz...

Na-share ko kay Yayan ung depression na nararamdaman ko. As usual, kuwentuhan kami to the max. Siya topic niya is lablayp..ako naman gusto talagang gawin sa buhay. Hanggang sa makarating sa panaginip ung topic namin. Tapos tungkol naman sa aming mga ama. Pareho na kasi kaming ulila sa ama. Pareho pang bunso at masyadong na-pamper ng aming mga dakilang ama. Hehehe.

Para mawala ang depression ay nagplay ng DVD si Marian. Dance tutorial ni Carmen Electra!!! Hahaha! Sayaw daw kami para matanggal ang stress at maalis lahat ng iniisip naming problema! Ayos ah! Hahaha! As in tinanggal pa namin ung carpet para makasayaw kami ng todo. Nyahaha! As usual naguguluhan ako sa left at right pag nakaharap sakin ung nagtuturo ng sayaw. Kamote! Hehe. Pero sa bawat steps na tinuturo ay sinasabayan talaga namin ni Yayan ng buong giting..buong lakas..at buong emosyon. Haha. Para kaming eng eng. Pero masaya naman. Tuwang tuwa kami nung nabuo namin ung sayaw. Parang ang laking accomplishment! Hahaha! Tagaktak ang pawis ko! Pero masarap sa pakiramdam..sana ginagawa namin un pag weekends..hindi bago matulog di ba? Hahaha! Ung hiphop dance ang kinarir namin..hindi ung strip dance. Hehehe.

Tapos nagbasa na ko ng In His Steps. "I can do all things through Christ who strengthens us." Panalo! Parang sinampal ako! Ang guide question pa is: To whom do you credit your successess? Whom do you blame for your failures? Grabe tagos sa puso. That time ayoko ng mag-isip. Sumuko na ko sa pag-iisip. Nakakapagod na din kasi. Tapos ayun..I prayed and prayed. Ang bilis ng heartbeat ko. Halos maiyak na ko. Basta ayoko ng mag-isip that time. I'm always asking the Lord to never let go of me. To continue holding my hands..kahit na feeling ko duguan na ung braso niya or kamay niya dahil sa mga sins na unintentionally nagagawa ko. But still, He loves me so much..di pa rin niya ko binibitawan. At never daw Niyang gagawin un...

All I need to do is to TRUST HIM..

Eto kanta ko ngayon:
Jesus take the wheel
Take it from my hands
'Cause I can't do this on my own
I'm letting go
So give me one more chance
Save me from this road I'm on
Jesus take the wheel

Hay..madrama lang ako ngayon..pero keber ko 'to. Naging God's Princess pa ko kung di ko kakayanin to. Hehehe.

Di Kita Nakilala...T_T

February 27, 2008. Wednesday.

Nagpunta ako sa SM Megamall kagabi. Wala lang.. kaysa naman magmukmok ako sa bahay at magbuhay emo na naman ay naglakad-lakad n lang ako sa Megamall. Bakit ako malungkot? Dahil dito: http://rsgalapon.blogspot.com/2007/11/seryos0ng-problema-ko.html last year pa yan pero till now damang-dama ko pa din ang impact sa puso ko. Hehehe.

Hanggang sa makakita ako ng sangkaterbang tao sa may Movie World. Nacurious ang lola mo kaya pasok ako at nagtanong kung anong meron. Nyahaha! Premiere Night daw ng My Big Love. Ung new movie nila Sam, Toni at Kristine. Nakihintay na rin ako. La naman akong gagawin sa bahay eh. hehe. Nang-nenok na din ako ng heart-shaped balloon nila. Natatawa ako dun sa mga tao. Tili ng tili pag nakakakita ng artista. Meron namang feeling niya mas guwapo pa siya sa artista..at insecure pa sa ibang mas cute sa kanya. Lalaki b tlaga un? Wala sa ugali niya eh. Hehehe. Almost 9pm n ko nakaalis sa Megamall.

Pero di talaga tungkol jan ung kuwento ko..

Nagtataka lang kasi ako..bakit andami ng di ako nakikilala?

Nagsimula ito nung magkita kami ni Boris sa SFC ILC. Matagal na kaming di nagkakakita. Youth camp pa yata nila Cedrick nung huli kaming magkita. After that wala na. Nag-iba din ang itsura ni boris. Mejo pumayat ang mukha..dahil cguro nagpabrace na siya. Pero di ko makakalimutan ung facial expression niya. Bakas na bakas kasi sa mukha niya na di niya ko maalala. Napansin kong tinitingnan niya ung ID ko nung kinakausap ko siya. Di niya ba talaga ko maalala?? T_T I know di ako naging ganong ka-active sa external noon. Pero nagkasama naman kami ng mejo matagal..

Next..sa skul. Nagkakita kami ni Hannah. Anak ko din sa YFC. YFC FEU tlga siya. Pero samin siya nagcamp. Hehe. Kung di pa ko sumigaw ng malakas di niya ko mapapansin. Sabi niya 'Di kita nakilala Mama Rakz'. Huwaat??? Naman...T_T

Pati si Bading di ko akalaing di ako makikilala dun sa mga ILC pics namin. Talagang sinabi niya pa na wala naman ako dun sa pic! E nandun kaya ako! Sabi niya parang hindi daw ako.. Hala..

Sunod ung pinsan ko sa Malabon. Sabi niya sa nanay ko muntik na daw di niya ko nakilala! Bakit?

Ngaun naman nakita ko si Ate Kristine. Ung employee dati sa intern site ko. Di niya din ako nakilala. Kung di ko pa siya inapproach at sinabi ung pangalan ko di niya ko makikilala. Pero alam niya pa din naman ung mga ginawa ko dati sa ex-company niya. Nag-iba lang daw talaga itsura ko. I'm so girlaloo na daw..saka talagang office gurl na ang itsura. May ganun???

Hayy..nalulungkot ako pag naririnig ko ang statement na 'Di kita nakilala'..feeling ko panandalian akong nabura sa isip nila..T_T

Monday, February 25, 2008

God Really Knows How to Make Me Happy! =)

The long weekend is over! Mejo matagal na naman before magkaroon ulit ng non-working holiday! Hehehe.. But I really had a very joyful weekend!

February 22, 2008. Friday.
Crepes and Creme with Clint!


-Nagmeet kami ni Clint sa The Podium. Grabe ang sarap nung kinain namin!! Sayang lang di ko maalala ung name nung food na un. Pero super sarap talaga! Nyahaha! Till now di ko makalimutan ung lasa. Lalong masarap kasi treat ni Clint un..siyempre, basta libre, MASARAP! Hahaha!


February 23, 2008. Saturday.
Napadpad sa Skul


- Nagpunta ako sa skul para magpapalit ng TOR ko. After that ay nag-stay muna ko sa MIS. Tumatanaw sa bintana at umaasang masisilayan kahit sino sa aking mga anak sa YFC. Di naman ako nabigo..una kong nakita si Livy. Haha! Paalis na yata siya nun pero hinabol ko talaga ang beybi ko. Hehehe. Na-meet ko din nun sila Kaye, Jen, at iba pang IT pips. Tapos may booth pala ang YFC FEU that day. So na-meet ko din sila Istiben at Eman. Pati na rin si Kookoo at iba pang YFC FEU. Nag-jamming muna kami panandalian doon. Hehe. Ang saya ko talaga nun! Sana nga andun si Gerald at Pyords ng araw na un. Kaya lang nasa Bulacan daw ang aking anak na si Pyords..si Gerald..unknown. Hehehe. La kasi ko load nun. Di ko sila matext. Sayang.

Tapos sinamahan ko si Livy para magpapicture. Sakto naman, God really knows how to make me happy, nakita ko si Beybi Hannah ko! Haha! Maganda pa din siya as usual. Kasama niya nun si Kristel. hehe. Natuwa talaga ko noon kasi antagal na naming di nagkita ni Hannah. Tumatalon ang puso ko sa tuwa ko that time. Hahaha!

Since 20 minutes before makuha ni Livy ung pic nya ay nag-food trip muna kami. Ang definition ni Livy ng food trip ay 5 pirasong kalamares at 2 pirasong chicken skin. Well, ang definition ko ng food trip ay: 5 kwek-kwek, 7 kalamares, 5 kikiam at 5 hotdog. Nyahaha! Pero ang inumin ko ay Tropicana Twisters! Haha! Biglang pasosyal daw ba?!?!?

Anyway, back to skul kami. Pauwi na rin si Livy noon at natagpuan namin si Istiben na nag-iisa sa Freedom Park. Kaya dun na din kami tumambay. Tapos sakto labasan na din nila Ace at Ced. Yehey! Nakita ko ung beybi ko!!! Nagulat ako kay Ced..all black ang lolo mo! Tinamaan ni Papa P? Hehehe..

Nung nag-alisan na sila ay pabalik na sana ako sa MIS noon. Pero nakasalubong ko ang anak ko na si Edcha. ANg sarap i-hug! Nagiging chubby kasi siya. Hehehe. Nakita ko din c Gian at Kevin pati si AJ. Nagpasama ako papunta sa 4th floor para hanapin si Bading. Pero ang una kong nakita ay si Mafeyat. Kagandahan non si Mafe! Nyahaha! Bagay niya ang color green! Tapos si Kuya Iks ung next kong nakita. Nung nakita ko si Bading, pinilit ko siyang wag ng mag-comlab. Wala na kong kasama eh. Hehehe.

Di kumpleto ang pagbisita ko sa skul pag di ko nakita ang aking Mama Bong. SO sugod kami sa IT Department. Ayun, IT Director na siya. Hihi. Kuwentuhan kami to the max. Namiss ko talaga ang aking Mama Bong! Pero di din kami masyadong nagtagal dahil may meeting pa siya.

Pero ang statement for the day ay: "Di kita nakilala!".. Huwaaattt??? Di ko alam kung bakit pero karamihan sa kanila sinabing di nila ko nakilala..T_T Kahit nga si Bading di ako nakilala dun sa ILC pic namin na wallpaper ni Cherry sa desktop niya.

After a long time ay ngayon lang kami ulit nagkasabay-sabay umuwi nila Bading at Cherry. Inaantok na ko nung pauwi na kaya di ako masyadong nakadaldal sa Jeep. Hehehe. Sa Malabon kasi ako umuwi ng araw na ito kaya..hay..nakita ko na naman ang aking mga ever cuteness na pamangkin!!


February 24, 2008. Sunday. Congratz Touch!!!

Nag-invite si Touch (Michelle Tagle) sa kanilang bahay para sa isang salo-salo para ipagbunyi ang kanyang pagpasa sa Nursing Board Exam! Hehe. Pero bago ako pumunta dun ay natulog muna ako maghapon sa bahay. Nyahehe.

Sa Letre na kami nagkita ni Bading para sabay pumunta sa kanila. Mejo naligaw kami ng konti pero nakarating naman.

Madali naming natunton ung lugar dahil sa isa sa trademarks ng IV-1..ang pagiging maingay. Hehehe. Makita pa lang sila masaya na! Ano pa kaya pag nagkakuwentuhan na! Haha! Kahit wala pa sa kalahati ng IV-1 ung nandoon ay maingay pa din kami.

Itsura lang yata ang nagbago sa IV-1..di p nga halos eh. Hehe. Pero ung kakulitan at kaingayan ganun pa din. May iba pa palang nagbago..mapera na ung iba. Sosyal! Haha! Patak-patak ung iba para sa additional food like ice cream and pizza. Pati pala softdrinks. Pero kung ano ung ugali namin dati, halos ganun pa din. Di maiwasang mapagkuwentuhan ang High School life. Ang pagkabaliw sa A1 at iba pang boybands, ang mga ex-love teams, mga taglines ng teachers namin noon, at kung ano ano pa! May work na din ung iba..ung iba naman students pa din. Active pa rin sa service ung iba..nice to know! Hehehe. Sana lang andun ung ibang kabarkada ko nung High School. Hehehe. Ako lang representative ng grupo namin nung gabi na un eh! Hehe.

Pero un ang nakakatuwa sa IV-1..kahit nanggaling kami sa magkakaibang barkada o grupo ay walang nao-op pag nagkita kita na. As in we are one big happy family pag nagsama-sama na. At kahit magkakalayo ay dadamayan ka pa rin kahit good times man yan o bad times. Napatunayan ko yan noong burol ng Tatay ko. Kulang na lang kasi ay may magtawag ng attendance. Andami nilang pumunta. Nagmukhang reunion ung burol ng Tatay ko. Hehehe. Pero it was very nice to know na andun pa rin sila kahit di kami madalas nagkikita. May mga nag-overnight pa nga. Hehehe.

Sana matuloy ung planong pamamasyal sa Star City. O di ba, feeling bagets? Star City pa din. Hahaha! Dapat nitong March kami rarampa sa Star City. Kaya lang di magkatagpo ang mga sked. Kaya nausod hanggang April. Pag-uusapan ulit ung tungkol dito sa birthday ni Pinkylou ko (Roan). Sana mas madami nang makasama nun!


At..

ang isa pa sa mga dahilan kung bakit ang saya ko dis weekend..

ay dahil nakita ko na naman ung mga pamangkin ko!!! waahhh!!!


Thursday, February 21, 2008

Miks! Miks! Miks.. Emotions. Hehe




Kakaiba itong araw na ito..umandar ang pagka-uber moody ko! Sakit tuloy sa ulo..Hehehe..

Nanood kami nila jL, Beth at Kuya Mox ng My Bestfriend's Girlfriend kagabi.. Haha! Corny ba? Ok lang un.. Minsan lang naman eh. Saka suportahan ang sariling atin..ang pelikulang Pilipino! Nyahaha! Makabayan ito! Normal lang ung story..nothing special. Di nga din ako kinilig eh. Pero natawa ko. Nakakatawa din kasi sila in fairness. Pero super usual na kasi nung story nila. Hehehe. Ang nagpa-special lang yata dun sa movie ay si Marian Rivera..kasi siya ung sikat ngayon. Sabi nga ni jL..'walang content'. Nyahehe. Okrayin daw ba ung movie? Anyway, di naman nasayang ung ipinambayad ko nung ticket. Ang mahalaga naman kasi sakin ay yung mapasaya or mapatawa ako eh. Pero pag hanggang jokes nila ay nakornihan pa din ako..ay nako..uuwi akong salubong ang kilay! Hehehe. Pero it doesn't mean naman na nagbabayad o gumagastos pa ko para lang sumaya..Ako pa, e super babaw ng tawa ko..

Anyway, salamat sa masayang gabi GG Beth, JL and kuya Mox! Salamat din po sa siomai! Sana maulit!

Pero ung mood ko ngayon...can't explain..parang ang lungkot..nakakaiyak..but the weird thing is..di ko alam ung reason kung bakit ako malungkot..samantalang ang saya-saya ko naman kaninang umaga..

Ano ba to? Literal na adeek na ba talaga ko? Pakiramdam ko andaming gumugulo sa isip at puso ko (naks! LALIM!) Pero wala naman akong maisip kung anong gumugulo sakin..basta mabigat lang pakiramdam ko ngayon..

Karaniwang nangyayari sakin to pag merong taong kakilala ko na super lungkot..Ayun,nakukuha or nararamdaman ko ung kalungkutan niya..Hay buhay naman..Gift of the Holy Spirit ba to? Pwes, di ko alam ang tawag dito kung gift man ito..

Share ko na rin ung song na nakita ko sa multiply account ni Diane..naintriga ako sa lyrics kya hiningi ko na rin ung mp3 nung song..hehe..

Teardrops On My Guitar
Taylor Swift

Drew looks at me, I fake a smile so he won't see,
That I want and I'm needing, everything that we should be,
I'll bet she's beautiful, that girl he talks about,
And she's got ev'rything that I have to live without...


Drew talks to me, I laugh 'cause it's so damn funny,
But I can't even see anyone when he's with me,

He says he's so in love, he's fin'lly got it right,

I wonder if he knows he's all I think about at night...


He's the reason for the teardrops on my guitar,
The only thing that keeps me wishin' on a wishin' star,

He's the song in the car I keep singin', don't know why I do...


Drew walks by me, can he tell that I can't breathe?
And there he goes, so perfectly,
The kind of flawless I wish I could be,

She better hold him tight, give him all her love
Look in those beautiful eyes and know she's lucky 'cause...

He's the reason for the teardrops on my guitar,

The only thing that keeps me wishin' on a wishin' star,

He's the song in the car I keep singin', don't know why I do...


So I drive home alone, as I turn out the light,

I'll put his picture down and maybe get some sleep tonight...


He's the reason for the teardrops on my guitar,
The only one who's got enough of me to break my heart,

He's the song in the car I keep singing, don't know why I do...

He's the time taken up, but there's never enough,

And he's all that I need to fall into..


Drew looks at me, I fake a smile so he won't see...

Maganda naman ung song..parang naiiyak nga ako nung first time ko siyang narinig. Haha! Emo??! Mas lalo cguro akong affected pag marunong akong tumugtog ng guitar! Nyahehe.. Sino ba kasi pwede jan at may tiyagang turuan akong mag-guitar? Sobrang un kasi ung isa sa dream ko eh..baka may pwede sa inyo jan na tulungan akong tuparin at abutin ang isa sa mga pangarap ko? Nyahah!

Super mixed emotions ako ngayon..this part naman masaya ako..finally kc cnend na din sakin ni Sweet Friend ung pinag-iinitan kong pic nung pamangkin nya! Hahaha! Cuteness talaga!!!

Wednesday, February 20, 2008

Thumbmark =D

February 20, 2008.

Umabsent ako sa work para makapunta sa step 2 process ng DFA. Saka napagod ako nung gabi dahil sangkaterba nilabhan kong damit.. T_T

Pagkagising ko ay nagbasa muna ako ng book..sa wakas natapos ko ng basahin ung FOr One More Day! Di naman nasayang ung pera kong ipinambili dun sa book..naiyak nga ko dun sa story eh. Haha! Emo talaga! Pagkabasa ko ay naglinis ako ng bahay..err..nagiging makalat na kasi. hehehe.. tapos bili na ako ng food at nagprepare para makaalis na.

Sa MRT Ortigas Station na kami nagmeet ni Yayan. Mejo kumunot na naman ang noo ko.. late na naman kasi ang anak ko na yun. hayz.. 1:45 n kmi nakaalis. E kamusta naman un sched namin, 2-3pm. Nyahaha. Pero can't blame her..galing kc siya sa work eh. Buti nga may lakas pa siya non kasi di pa din siya naglalunch. Hehehe.

As usual,pagdating dun pila na naman (lagi naman eh). Pero di naman siya kasingtagal tulad ng kuwento nung mga fixers! Naging smooth naman ung naging process ng passport application namin. May ilan nga lang talagang mga taong masusungit.. nakakainis pag sinusungitan kami na di naman namin sila inaano. Naalala ko tuloy ung kaltas sa withholding tax sa payslip ko! Badtrip! Sa mga taong masusungit napupunta ung tax na binabayad ko?! Grrr!

Anyway, buti na lang talaga di mainit ang panahon nung pumunta kami dun. Tapos malamig pa ung mga place ng processing nila. Hehe. Step 2: verification. Masama ang loob ko kasi kailangan pa lang ibigay ung original copy ng NSO certified Birth Certificate ko. Ibig sabihin another 300 pesos pag magrerequest ako?? T_T Ang nakakaasar pa, nagduda pa dun sa College ID ko. Sabi ba naman: 'FEU tapos may East Asia College? Ano un??' tapos kitang kita pa dun sa reaction ng mukha nya na mukang nanloloko lang ako. Aba..badtrip to ah! Kailangan ko na naman bang ikuwento ang history ng East Asia kung pano nadugtong sa name nito ung FEU?? Hayz.. Pina-confirm nya pa dun sa nakatataas nila ung ID ko..buti na lang alam nung pinagtanungan niya ung tungkol sa East Asia. Hay..relieved..hehe.

Next Step..Encoding. Sa auditorium ang venue. Pero before maencode, bayad muna siyempre. Php750.00 ung binayad ko..la lang..para 7 working days lang..excited ako eh. haha! Tapos pila na kami para maencode ung docs namin. Sandali lang din ung pila. Dami kasing encoders. Ok naman ang lahat except ang picture ko at ung thumbmark ko. Ilang papel ang naubos sakin para lang maitama ung itsura ng thumbmarks ko. Nagtataka n nga rin ako kung bakit nirereject ng babae ung thumbmarks ko dun sa papel. Kinabahan ako..baka malaman nila na halimaw ako. Hahaha! Joke lang! Nainis ako nung nireject ung pic ko.. kasi para san pa ung step 1 na verification di ba? e dun pa lang ipapakita na ung pic. E bakit doon di nireject ung pic ko?? Kaya labas tuloy ako para magpapic. Kamote, Php150.00 na naman un! Hayz! Paraan naman para kumita! Kainis talaga! Ang gastos! Pero ok na yun. Hehe.

Napagdesisyunan din namin ni Yayan na ipa-door to door delivery na lang namin ung passport namin. Php180.00 ang bayad. Hay naman..T_T 1k mahigit na ang nalalagas sa pera ko ng araw na ito. Pero mas mabuti na yun kaysa umabsent na naman ako sa work..mas malaking kabawasan yun! Nyahaha..

Sa March 4 (March 3 talaga..pero March 4 idedeliver) ko pa makukuha ang aking pasaporte..hay pakiramdam ko nadagdagan ang pagkatao ko! Hahaha! Ano nga bang reason kung bakit ako nag-apply ng passport? Secreeeetttt.... Hehehe. Basta if ever may calling ako, anytym pwede akong umalis. Hehehe. Saka para makapamasyal ako..(as if may pera) =p

Sunday, February 17, 2008

Post Events after SFC ILC =)

Eto naman ang post events after nung Main Event. Parang ang restless ko no? hahaha! Di ko na din alam kung san ko hinuhugot ang lakas ko ng mga araw na ito. Ang alam ko lang is makikipagkita ako sa mga anak ko and I'm excited..as in super excited to see them! Pero bago un, eto muna:


Ate Guia's Bday!

Nanlibre si Ate Guia sa BK Rotonda. Nabuo na naman ang Unit 5! Hahaha! Habang tumatagal sumasarap silang kasama..=D I admit kasi, kahit nung nasa ILC pa ko hinahanap ko ung aura ng YFC. Natakot ako baka maging serious ung ILC ng SFC. Which is hindi naman pala. Hehe. Sarap kasing kasama nung mga ka-unit ko. Nakakapaglambing pa ko anytime. hehehe. Haburdei Ate Guia! Thanks po for the food!


Visit to Joven

Yup, after BK Rotonda ay dumiretso kami ni Cherry sa UST to visit Joven. Siya ung in need po ng donors ng dugo. And they still need donors po. Ayun, mejo matagal kasi bago siya pwedeng dalawin ulit eh. Kaya sinamantala na namin ni Cherry ung pagkakataon para madalaw siya. Buti naman at nadalaw din siya nung iba pa naming classmates dati. Hmmm... don't know what to say sa portion na to. Siguro dahil nashock ako. Hmm..di ko talaga alam sasabihin ko..I'm sad because naging ganun situation nya. I'm hapi kasi matatag pa din siya at siya pa ung nagkukuwento samin. Basta I'll continue to pray for his recovery..


UBE with the YFC Babies

Kagagaling lang sa Sector Con ng aking mga babies..tapos nagkitakita kami sa Morayta. Bday din ni Champ ng araw na to. Ang saya ko nung nakita ko sila. Hehehe. Nagvideoke kami sa may St. Thomas..la lang Ultimate Bonding Experience lang. Mejo napahiwalay nga lang ung mga bata samin. Tig-5 lang kasi per room. Pero ang saya nung gabi n yan. At teyk nowt, kahit paos ang lola mo ay nakikipagsabayan pa din ako sa kantahan. Hahaha. Anong kayang kantahin ng taong paos? eto: What's Up, Zombie, Ironic, I wil survive, Total Eclipse of the Heart at ang pinakamalupeht ay ung I Don't Want to miss a Thing! Hahaha! Normal na paos kaya walang kailangang effort para magpaos-paosan. Nyahaha. Kaya kung paos ka ngayon, go! kanta ka pa din! Hehehe. Pag di namin hawak ang mic ay sasayaw na lang kami. Wala talagang idle time! hahaha! Parang mga naka-high lang! Pero sobrang namiss ko din kasi ung bonding nung batch namin. Lalo na cguro pag andun pa ung ibang ka-batch namin sa YFC noon. Delubyo na naman ang mangyayari. Hahaha!

Natuwa ako kay Nunoy non kasi hinatid pa kami nila Cherry sa sakayan at siya talaga nagbuhat nung bag kong ubod ng bigat. Hehehe. Natuwa din ako kay Eman. Sabay kami ng way papuntang Pasig. Namiss ko din c Mayla na girlaloo kahapon! Hahaha! Saka ung iba pang babies ko na cla: Champ, Istiben, KC, Kaye Anne, Krissy at Monique. Natatanggal pagod ko pag nakikita ko tong mga anak kong to! Haha! Sana maulit ung bonding na un..un tipong uumagahin na kakakanta! woohoo!

Sayang lang kasi di ko man lang nakita sila Ellie, Livy, Fjordz, Gerald at Kookoo. Kung sino ung mga nag-invite sakin sa campus con un ung di ko nakita..T_T

SFC 15th ILC: @Home Singles in God's Heart


Date: February 15-17, 2008
Venue: Clark Expo Pampanga

"Love One Another As I Have Loved You"


February 15, 2008 continuation


The Main Event for February 15 is the SFC 15th International Leaders COnference held in Clark Expo Pampanga. Eto ang first day ng ILC! Nagmeet muna kami ni Cherry sa skul para sabay kaming pumunta sa BK Rotondo. Ung totoong meeting place ng lahat. Nasabi sakin ni Fjordz na may Prayer Meeting daw ung YFC FEU noon kaya hinanap ko muna sila bago kami umalis ni Cherry. Ayun, nakita ko naman sila Fjordz, Gerald at Nick. La lang..nakakatuwa lang silang makita ulit. Natawa din ako sa reaction ni Gerald. Nanlaki ung mata nya..hahaha!

Tapos tumungo na kami ni Cherry sa BK Rotonda. Andami ng tao nung makarating kami dun. Pero kain muna kami sa Jolibee. Puro meat namin kc ung tinda sa BK. As usual, piktyur piktyur na naman! Nyahaha! 8pm na kami nakaalis sa BK Rotonda. Katabi ko c Cherry sa bus. Nakakatuwa lang kasi pwedeng magvideoke dun sa bus. Sa bandang likod napunta ung mic..tapos isa-isa daw papunta sa harap. Pero kamusta naman, di man lang nakaabot sa gitna ung mic. Haha! Di na nila binitawan ung mic! Ang ganda nung boses nung iba..ung iba naman..hmm..ang tindi ng effort. Hehehe.

10pm na yata kami nakarating sa venue. Mejo nadissapoint lang ako kasi akala ko sa labas palang mailaw na. Hindi pala. hehehe. Ang dilim kasi sa labas noon. Ang ganda nung Kit nila. Nagamit ko siya as belt bag. Hehehe. Talk show na ung inabutan namin na event noon. After talk show ay may 2 event, Acoustic saka Disco. Siyempre sa Disco ako nakigulo. Baka tulugan ko lang ung kumakanta sa acoustic eh. Nyahaha. Si RJ Jimenez ung kumakanta noon sa Acoustic. Tapos The Manos naman sa sayawan. Ayun, nabuhay naman ung dugo ko sa mga kinanta nila. Lumabas na naman ang Party people side ko!!! Nyahaha!!! Ang hirap nga lang sumayaw na may hawak na cam. Ang galing nung violinist nung band na un. Grabeeee crushness ko siya nung gabi na yun. Hahaha! 1am na natapos ung party..nung papunta na kami sa tulugan namin, nakita ko ung crush ko sa Manos..siyempre, NO GUTS NO GLORY! In-approach ko talaga siya at nagrequest ako na pa-pic kami. Hahaha! Mga 2am na yata ako nakatulog nun..kasi di ako makatulog agad. Masyadong nabuhay dugo ko.


February 16, 2008. Day 2.


Mga 4:45am ako nagising. So nasa less than 3 hours lang tulog ko. Hehehe. Tapos naligo na kami nila Cherry. Nakakatuwa lang ung talent nung ibang sisters. Ung nakakaligo ng ulo na di sila masyadong nababasa at nakakaligo na halos tatlong tabo lang ung dami ng tubig. Hehehe. Un ang mga bagay na wala akong talento. Nyahaha. Buti n lang malaking timba ung natapat sakin.

Color coded ang Day 2 namin. Naka-red ang mga taga-Manila. Eh most of the delegates came from Manila..kaya ayun, mukang naurong ung Vday at pulang-pula ang paligid.

Nung Session 1 na, maganda ung talk. Mejo inaantok nga lang talaga ako. Ay, di pala mejo.. kasi nakakatulog ako minsan. Pero naririnig ko pa rin naman ung speaker. Naiyak ako dun sa Love Letter ni God. Super touching kasi..Iyon na yata ung pinakasweet at touching na love letter na nabasa ko..hehe. I am also reminded kung sino ung pers lab ko..Before nga pala kami maging ni ex ay kay Papa Jesus ako inlab na inlab..Siya pala talaga pers lab ko. Haaayyy... kakilig!

Tapos Session 2. Ang kulit nung speaker. Parang dinugo nga ko dun sa mga sinabi niya eh. Sapul na sapul ako. Hahaha. Natuwa din ako dun sa activity..nakalimutan ko ung title, love sphere yata. Basta parang ganun. Hehe. In that activity, ia-affirm mo ung sarili mo at ia-affirm ka din nung 2 kasama mo sa group. Nakakatuwa lang ung mga cnabi nila ate tin at ate ellen. Di ko alam na ganun pala ung tingin nila sakin. Ang saya lang..kasi kahit papano nakikita din pala nila si Christ sakin. Hehehe.

After naming maglunch ay dumiretso na kami sa Creatives COmpetition. Siyempre todo support kami sa band nila sa Dadi Pao! SAka sa iba pang Metro Manila contestants! Ika nga, mahalin ang sariling atin! Hahaha! Magaling din ung ibang contestants from other part of the Philippines siyempre..talented ang Pinoy eh! Hehehe.. Dito nagstart ang pagka-paos ko. Kakatili kila Dadi Pao. hahaha!

After magperform ng Metro Manila contestants ay namasyal naman kami sa Nayong Pilipino. Parang nagbalik kabataan ung mga kasama ko. Hahaha! As in picture picture na naman ang ginawa namin. Kahit anong pose pa yan, mukang adik man o hindi, pose lang ng pose! Keber na yan! Nyahehe. Pero astehg dun sa Nayong Pilipino. Ang gaganda ng tanawin. Ayun nga, sarap talagang magpapicture. Naging bonding moment na din namin un kasama ung ibang unit. Dahil dun mas nakalokohan ko sila at naging mas kumportable ako sa kanila. Gandang experience talaga nun!Ang saya!!!

Tapos nagbihis na kami para naman sa Lord's Day. Natuwa naman ako nun kasi andaming nagshare ng food nila. Parang bumaha ng pagkain..nakakatuwa! Ung singkamas, mangga, at pastillas ung nakarating samin. Tapos nagbigay din ung mga taga-STP ng snack samin. Sarap! Hehehe. Nakakainspire din ung naging talk nung speaker. Un nga lang masamang nakaupo lang talaga ako..inaantok kasi talaga ako kaya ang likot likot ko sa upuan. Nashock din ako dun sa sharing ng mga sharers. Asteeehg! Hindi madali ung mga pinagdaanan nila pero with God in their life kinaya nila! Wow..amazing God..amazing love talaga..truly unfailing talaga ung love ni God!

I'm really at home with God..sarap sa puso. Hehe. Tapos nung praisefest, nagpa-activity sila na show ur love dun sa ibang bros and sis na mahal mo. Ang sarap sa pkiramdam kasi ang sarap ng mga hug nila. Nakadama na naman ako ng God's Kiss dito sa earth ng mga oras na un. Kahit malamig nung gabi na un, naging mainit dahil sa warm hugs nung mga ka-SFC ko. I'm truly blessed tlaga.

Tapos ayan na..Creative Competition na..nagperform na ung mga finalists. Siyempre hiyawan pa din kaming mga taga-Metro Manila. Dun kami pumwesto ni Cherry sa harap talaga ng stage, dun sa may hagdan! san ka pa! Nyahaha! Galing nung mga contestants!!! Madaling araw na natapos kaya ayun..nakikinita ko na aantukin na naman ako pag nakaupo lang ako. Hehehe.

This day ko nga din pala nakita si Kuya Eduard. Ang isa sa pinakamamahal naming Kuya sa NERDS. Pero SFC din siya. I'm so happy na active siya sa SFC. Hehehe. Tuwang-tuwa ako nung nakita ko siya dun. =)


February 17, 2008. Day 3.


Ang huling araw ng ILC. Sabi ko gigising ulit ako ng 5am para makaligo pero iba tinype ng kamay ko sa cp ko..5:45am pala nailagay kong alarm time nya. Haha! E 7am ung mass..di ako aabot pag naligo pa ko. Atok na antok nga din ako nun kaya parang tinamad pa kong magmisa..Tapos parang kinausap na naman ako ni God. Sabi niya gagabihin daw ako this day kaya magsimba na daw ako..kung hindi magtatampo daw Siya. Haha! Tama ba naman un?! Kaya ayun, bangon ako at nagsimba.

Iniwan ko ung dgcam ko nun kasi akala ko mkkbalik p ko dun sa haven namin after mass. Di na pala..kamote. Derecho na palang session un. Hehehe. Kya nakikipic na lang tuloy ako.

Astehg din ung Session 4. Di naman ako nakatulog kahit inaantok ako. Hehe. Nakakatuwa nung binigyan nila kami ng time para iapproach ung ibang SFC na di namin kakilala..It's true na kahit di ko sila personal na kakilala, they still have a place in my heart.

After nung session 4 ay praisefest ulit. Sarap kumanta kahit wala na ko halos boses! Di ko na nga alam kung san ko nakuha ung boses ko pangkanta nun eh. Basta ako nagrerequest kang ako kay God na bigyan ako ng boses because I want to sing for Him! Sarap talaga sa pakiramdam! Haha!


At ang isa sa pinakahihintay namin, ang awarding ng mga nanalo sa mga contest! Daming napanalunan ng Metro Manila in both SPorts and Creative Competition! Yipeeee!!!! I'm so happy for dadi Pao and his band! Sila ung Champion sa SFC Jam! Lupeht tlaga!!! Dami kasing na-LSS dun sa kinanta ng band nila. Haha! Galing dun nung kumanta ng The Prayer (1st Runner Up) at ung dancers from Metro Manila (Champion). Galing talaga! God bless sa inyo!

Tapos after ng awarding ay pikyur pikyur ulit grupo namin sa taas nung amphitheatre. Ganda nung view dun sobra!!!! Super close with nature! Ganda talaga! Ang hangin pa kaya tindi ng effect sa hair namin. Nyahaha!

Uwian na after nito..Siyempre, piktyur piktyur ulit sa tapat nung Expo Filipino. Wala kaming patawad e..kung san magandang pumose dun kami. Hehehe. Ung center seat na lang ung available dun sa bus nung dumating kami. Kaya mejo nagawi ako sa mga taga-Holy Trinity. Ang babait nila. Nakakatuwa silang kasama. Akala ko nga makaktulog ako sa bus nun eh. Pero di pa rin pala. Kung di lang siguro ko paos that time malamang joined force kami sa ingay sa bus. Hehehe. Di lang ako masyadong makadaldal nun at paos na talaga ko. Pero nagkaayaan ng videoke. Haha! Kaya kahit paos eh bumirit pa din ako ng What's Up at Zombie. Nyahaha. Kapal talaga! Kaya natuwa ako dahil up to the last minute ay may nakilala akong tga-ibang unit. Thanks Papa Jesus! =)

Super inspired talaga ko dun sa ILC namin..hay..la akong masabi sa kung anong nararamdaman ko..

basta..

I LOVE GOD!!! waaahhh!!


Pero di pa dito natatapos ang araw na to..meron pang kasunod to..Hehehe..

Next post na un..=D


p.S.

Sayang di ko naivideo ung SFC ILC CHANT:

S.F.C. is the place to be!
I'm at home Coz Christ is with me!

Patikim Events noong Feb15

February 15, 2008.

Mas exciting ang araw na ito kaysa sa nung Feb14. Nyahaha! Tulad sa boxing, may mga ilang laban muna bago ang main event. At eto ang mga iyon:

-==ePLDT Ventus==-
As early as 7am ay nagpunta kami sa office nila Marian. May kailangan daw kasi siyang i-submit para sa ITR nya. Natuwa lang ako kasi nakilala ko ang ilan sa characters sa mga kuwento sakin ni Yayan. Hehehe. Mejo iba nga talaga ang aura ng call center companies.

-==DFA Journey==-
Pagkatapos sa Ventus ay naglakbay na kami ni Yayan papuntang Libertad or ROxas Blvd para pumuntang DFA at mag-apply ng passport. At waffles lang ang nagsilbing agahan namin ni Yayan. No choice, nagmamadali kc kami eh. Grabe sa MRT!!! Ang init!!!!!!!! Tapos kakaiba pa amoy nung babaeng katabi namin. Pinapanalangin ko talaga ng mga sandali na un na magbukas na ang pinto na katapat namin para makapasok naman ang sariwang hangin..baka sakali lang na mawala ang..hay..grabeng amoy.

Adeek tong si Marian. Sabi niya alam niya daw papunta..pero nanghuhula lang pala. Pero nakarating naman kami. Papicture muna kami sa digiprint ng passport ID. Ang chaka nung itsura ko. May kasamang pimple pa. Nagmamaganda kasi ung pimple ko nung araw na un. Ang chaka talaga!!!! hahaha!

As a first timer, siyempre ang hahanapin namin ay step 1. Ay nako..andami talagang manloloko sa mundo para lang kumita! Andami pala nilang best actor sa paligid ng DFA! Muntik na kaming madala nung mga fixers na un! SILA DAW ANG STEP 1! Adeeek! May nagpanggap na applicant na first time nya din daw. Tapos nakakapagtaka lang kasi hinihintay nya talaga kami habang nagfifil-out p lang kami ng form. Tapos lahat ng tao sa paligid namin nagmamadali..natataranta. Psychological effect, kami din tuloy ni Yayan natataranta kasi mejo tanghali na din kami nakarating sa DFA. So kung saan ung sabihin nilang pumunta kami, dun kami pupunta.

Step #2 na daw kami..sa gate 2 daw. Pero sa isang building kami isinama nung kasama naming applicant. Dun daw ung gate 2. Huwwaaatt?? E di naman gate ung pinasok namin eh..Magandang building siya at konti lang tao. Hanggang namalayan namin, travel agency na ang napasok namin. Nyeeekk! Andaming chuvaloo na cnabi. Tapos ang mahal nung bayad sa kanila..1.7k pesos daw. Ano to, lokohan??? e Php750 lang kya ung sa DFA. Hay talaga..pero i admit muntik na kong kumagat sa patibong nila. Sakit na kasi ng ulo ko noon. Buti na lang kasama ko si Yayan..gumana kasi ung pagkamakulit nya noon. Ayaw niyang pumayag na 1k+ ang gagastusin namin. Hanggang paglabas namin ng agency ay madami pa ding best actors. Todo sales talk talaga sila samin. But still, money talks..we have no money so don't talk to us. bwahaha!!

Tapos hinanap namin ung totoong DFA. Nung pabalik kami dun ay may best actor na naman. Nagturo na naman ng step1 na obvious na hindi naman iyon. Kainis talaga! Ay nako, don't talk to strangers na talaga pag ganun! Hahaha! Hanggang sa marating namin ang totoong step 1. Verification lang un. Totoo ung cnasabi nila na mahaba ung pila pero matulin naman ung pag-andar. As usual, ang susungit ng mga tao sa kawanihan ng gobyerno. Meron doong babae na sasabihin lang na wala na siyang number na maibibigay ay parang tulay na ung kilay nya sa sobrang pagkakunot ng noo niya. Buti na lang dun kami sa mabait nakapila. Sa Feb20 kami nai-sched. Hay.. nagkaliwanag ang buhay namin. Hahaha. Sabi nila kailangan daw ng NBI Clearance sa pagbalik namin. Naman........


-==CARRIEDO==-
Since kailangan ng NBI Clearance para maprocess ang aming passport at rumampa naman kami ni Yayan sa may Carriedo. O di ba? Past 11am na noong nakarating na kami sa carriedo. Nanginginig na tuhod ko sa gutom noon. Nakapag-apply na ko dati doon kaya mejo familiar na ung process sakin. Renewal na lang dapat ako kaya lang wala na sakin ung copy ko dati. Kya balik ako as new applicant. Hehehe. Naku naman! Labasan na naman ng pera!!! T_T

Dito ko naman nasalo si Yayan. Muntik na kasing Local lang ung nai-apply niya. E travel abroad ung kailangan namin. Dito namin naprove na saluhan lang talaga kami. Hehehe. Sa picture taking, ay nako, muka na naman akong adik. Kitang kita dun sa pic ko na ako'y tuliro na ng mga oras na un. Kitang-kita ang kagutuman sa aking mukha. Di pa nga ko nakatingin dun sa cam eh. Haha. Parang ewan talaga ung pic ko..chaka na naman!

Madali lang naming nakuha ung NBI Clearance namin. Buti naman kasi gutom na talaga ko. Kumain kami ni Yayan sa Chow King. Bandang 2pm n kami nakasakay pabalik sa Pasig.

Eto na..ang Main event na!!! Naligo muna ako ulit bago pumunta sa meeting place namin ni Cherry. Pero next post na un..Mejo mahaba-haba un eh..hehehe..=D

Balentaym Wik

February 14, 2008.

Ano-ano nga bang nangyari nitong Valentine week? Hmm..Eto..

February 11. Nameet ko si Brocha (long lost YFC Btother ko. Hehehe) nung Monday. In fairness nag-alangan pa kong iaapproach siya kasi baka mali lang ako ng pagkakakilala. Mejo groggy na ko nung nagkakita kami eh. Hehehe.

February 12. Fully packed naman ang araw na ito. Birthday ng aking anak sa YFC FEU na si Gerald. Birthday din ni Kuya Eduard..ang aking kuya sa NERDS. Tapos nagkatikoy party din sa bahay courtesy of Diane. Kasi tinapon niya ung totoong bigay ni Pin... T_T Pero masaya naman ung gabi na un. Pumunta sila Mp, Diane, GG Beth, at jL sa apartment namin. Si JL ang naging punong abala sa kusina. Bagay na bagay ang title..'Jey-eL in The Palace' hehehe. Tapos si Diane naman ang nagtiyaga at tiniis ang pagluluto ng tikoy. Di ko alam kung sino ang masuwerte samin kasi ako natatanggal ko pa sa kinakain kong tikoy ung plastic na nakadikit pa. Sila daw wala silang namamalayang plastic..baka nakain na nila or wala talaga. Anyway, nag-enjoy talaga ko nung gabi na yun. Kahit pagod na ko from work ay masaya naman kasi nakita ko sila. Namimiss ko talaga ang NERDS bonding!!!

February 13. Tulad ng nakuwento ko dun sa aking previous post, after office ay dumiretso ako sa The Podium. Ang mall na palagi ko lang tinitingnan dati dahil wala naman akong balak talagang pasukin. Parang ang sosyal kasi nung lugar. Di kaya ng kagandahan ko ung lugar na un. Hahaha. Dun lang kasi hindi out of stock ung book na kina-career kong hanapin. Ung 'For One More Day' by Mitch Albom. As in literal na nag-call brigade pa ko sa mga branch ng Powerbooks at National Bookstore para dun sa availability nung book. Nagbunga naman ang aking paghihirap at nakakita naman ako ng copy..ayun, sa The Podium nga. Malamig dun sa loob ng mall. Konti kasi ang tao..di kc talaga pang masa ung lugar. Hehe. Sakto para pa akong hinarana ng The Angelos. Kung di nyo sila kilala, alam ko lumalabas sila sa Unang Hirit. Gusto ko sana silang i-video kasi ganda nung OPM Medley nila. Kya lang..dyahe..so firm ung mga tao dun. Para namang ang labas ko ay first time kong makapanood ng mall tour pag vinideo ko sila..haha. Wag ganun, nakakahiya..=D

Pero bago un ay nagsend pa si mp sakin nito sa ym:
February 14, Valentines night, come to work wearing your heart on your sleeve…
Wear WHITE if you are SINGLE AND LOOKING
Wear GRAY if you are NOT INTERESTED IN RELATIONSHIPS/COMMITMENTS
Wear RED if you are COMMITTED AND HAPPY
Wear BROWN if you are COMMITTED BUT YOU WANT OUT
Wear BLUE if you are IN LOVE WITH YOUR FRIEND/LIKE SOMEONE IN THE OFFICE
Wear YELLOW if you are DATING/INLOVE BUT NOT IN A RELATIONSHIP
Wear GREEN if you are in a 3RD PARTY RELATIONSHIP
Wear BLACK if you are BROKENHEARTED
Wear STRIPES if you have MORE THAN ONE RELATIONSHIP
Wear PINK if you are in SAME SEX RELATIONSHIP
Wear ORANGE you DIDN'T HAVE ANY RELATIONSHIP SINCE BIRTH

Aba..marunong pa sakin..naguluhan tuloy ako kung anong isusuot ko sa Feb14. Hahaha. Di ko alam kung san ako belong. Alam kong sa white..pero I don't feel wearing white on vday. Lalong di naman gray, pink, green at orange. Di ko rin feel ang blue. Bihira kasi akong bumili ng damit na blue. Yellow? Nyahehe..Ehem..di bagay ung blouse ko na yellow na pang office attire eh. SO out na yun. Hehehe. Ayoko din ng black. Anu ba, love is in the air tapos ipangangalandakan kong broken hearted ako? no way ah! haha! Di ko din feel ang stripes.


February 14. Ang araw na sa tingin ko most of the guys ay problemado financially. Hehehe. Kung saan ang color red ay naglipana sa iba't ibang sulok ng mundo. Ang mga bulaklak ay nagkaroon ng extra decoration..kaya extrang bayad din siyempre pag binili mo. Hehehe. Uso din ang surprises ekek ng mga magsing-irog.

Bilang pakikiisa, binati ko naman ang aking mga minamahal sa buhay..either thru chikka, email, comment, ym or sa blog. Thanks nga din pala dun sa mga bumati sakin. =D Ito rin ang araw na madaming ayaw maniwala na wala akong date. Problema nyo? E sa wala nga. Hehe. Totoo. Promise! Maghapon din ang love songs sa playlist ko.

I wore a combination of Red and Brown.

Wear RED if you are COMMITTED AND HAPPY
Wear BROWN if you are COMMITTED BUT YOU WANT OUT

I wore red.. baka sakaling gawing black ni Papa Piolo ang damit ko at may gawin siyang partner ko. Haha! Joke lang! Make believe na naman! Actually kapamilya lang ng red ang suot ko..maroon. Hehe. Pero makintab na maroon..kaya upstaging pa din. Kamote. I'm committed in my service and I'm happy. Angal? Hehe. So swak na swak ung definition. Ung Brown..hmm..no choice lang talaga. Ito kc ung color ng slacks ko na bagay dun sa blouse ko. So tigilan na ang pamahiin. Konti lang naman ang nakakaalam nung cnend ni MP eh. Hehehe.

After work, uwi na ko sa apartment. Ayun, piktyur piktyur kami ni Yayan. Haha! Ganun talaga pag dateless! nyahaha! Tapos nag-impake na ko para sa three big days na susunod. Hehehe.

Wednesday, February 13, 2008

SARANGGOLA

February 13, 2008. Bisperas ng Valentines Day.Nagpunta ako sa The Podium para bumili ng Valentine Gift sa sarili ko. Uu, may ganong moment talaga ko. Hehehe. Mejo sapalaran ang nangyari kc first time kong pumasok sa The Podium..para lang bumili ng 'For One More Day' na book written by Mitch Albom. Tapos paglabas ko ay mall tour yata ng The Angelo's. Ung group of guys na pang broadway or orchestra ang level ng boses. Sakto naman, kumanta sila ng OPM Hits..pang harana ang dating. Kakiliiiiiiiig! I feel weak talaga pag kinakantahan. Hahaha! After that umuwi na ko para maglaba. Kinilig lang talaga ko dun sa mga kinanta nila. Hehehe. Pero hindi tungkol dito ung saranggola na title ng post ko..nakuwento ko lang ung kagabi. Hehehe..

Saranggola...


Di ko alam kung may nareceive kayong text na tungkol sa Saranggola dati. Na ung saranggola daw ay tulad nung pinakamahalagang tao sayo. Kailangan mong pangalagaan para di makawala..tinanong ko ung nagsend sakin nun kung isa ba kong saranggola sa kaniya..at oo naman ang isinagot..ako daw ang pinakamalaking saranggola niya..

Masarap pakinggan..masarap malaman na isa ako sa mahalagang tao sa buhay niya..Tulad lang nung nasa picture, di talaga pinapakawalan nung bata ung saranggola niya..kasi super halaga sa kaniya nun. Ayaw niyang mawala.

But still, ang buhay ay di umiikot sa picture lang. Be realistic. Magising tayo sa katotohanan. Di natin alam kung anong ginawa nung bata after nung picture taking na un...

Nakalimutan ko kasi..kinonsider ako na isang saranggola. Natuwa ako. Pero nakalimutan ko, di ko naisip na pwede nga din palang mapagod ung nagpapalipad ng saranggola..pwede ding magsawa..or palitan na lang ng basta-basta ung saranggola niya dahil madami pa namang ibang saranggola..

Ano pa nga bang magagawa ng isang saranggola pag bumitaw na ung nagpapalipad sa kanya? Wala na. As in wala. Matatangay na lang siya ng hangin sa kung saan. Pwede siyang masira..mawarak..mawala. Masuwerte pa kung may maiwang alaala ung saranggola dun sa nagpapalipad sa kanya.

Pero ok na un. Walang may kasalanan sa nangyari. Kapag may nasira, buuin. Kapag may nagulo, ayusin. Pag di na talaga alam kung pano ayusin, palitan ng bago..pero kasama sa pagpapalit ay ung requirements na dapat mas matibay na. Mas maayos. Sa ganong paraan ko inayos ang buhay ko ngayon. Minsan akong nadurog..nasaktan..nung hindi ko na alam kung pano makakaalis sa sakit, binitawan ko lahat. Kung ano mang galit at sakit ang naramdaman ko noon, binura ko na. Hindi ganong kadali..it really took time para magawa un. Tapos nung nagawa ko na, I started from scratch. Pero careful na sa mga dating mali..

And now, I formally close this chapter in my life. Time to move on. Enough for the heartaches brought by lovelife. Hehehe. I want to start something new..Mejo matagal din ung ginugol ko para buuin ulit ang puso ko. Ngayong buo na ulit.. I'll love like it's my first time to love. Love like it will never get hurt..


HAPPY VALENTINE'S DAY SA LAHAT!!! =)

Sunday, February 10, 2008

T_T... ^_^

Ahaha! Nagdaan na naman ang weekend! At xempre madami na naman akong kuwento..Hehehe..Pero para maiba naman, naka-categorize siya ngayon..

BAD NEWS T_T
Nung Saturday, hinatid ko si Nanay pauwi sa Malabon. On the way na kami papuntang Quiapo. Pero nung nakalagpas na kami ng Mendiola ay halos mabingi na kami sa tunog nung mga firetruck na dumadaan. Akala ko tuloy nagkatotoo na ung kumalat na text noong Friday na may papasabugin daw na mall ek-ek. Hehe. Pero mali hinala ko..isang squatters area pala ung nasusunog nung mga moment na un.

Mabalik tayo sa eksena sa jeep..Hehe. Since ung sunog ay malapit sa main road ay sinarado na ang dadaanan nung jeep na nasakyan namin. No choice kami kundi bumaba at lakarin na lang papuntang Recto. Pero di namin alam ni Nanay kung pano ang way papuntang Recto. Buti na lang at pinagpala pa rin kami ni Lord that time. Kasi ung kasama naming natira sa jeep ay sa Recto din ang punta..hay thank u Lord talaga!

Tapos naglakad na kami..pero sa paglalakad na un ay nadurog na naman ang puso ko. Nakaka-shock kasi ung mga eksena. Habang naglalakad nga kami ay nababasa pa kami nung tubig galing sa fire hose eh..tapos langhap na langhap mo tlaga ung usok. Nasa tabing-daan ung mga nasunugan. Meron pa kong nakitang buntis na duguan at namamaga ung mukha. Halos lahat sila ay umiiyak. Kitang-kita sa mga mukha nila ung lungkot. Pero pinaka-antig ang puso ko ay nung nakita ko ung dalawang bata.. isang babae at isang lalaki. Magkapatid yata sila..mas matanda ung babae. Tapos ang dala lang nila ay iisang kumot. Iyak ng iyak ung batang lalaki..ung batang babae naman ay nangingiyak na rin. Tapos palingon-lingon siya sa paligid na parang may hinahanap. Hayy... gusto kong mag-stay that time at tulungan sila sa kung ano mang hinahanap nila. Kya lang kasama ko si Nanay. Andami naming nakitang nagtatakbuhan..mga parang wala ng pakialam kung sino mang mababangga nila..kaya tumabi-tabi na lang kami at di na kami nakigulo sa eksena nila.

Ang weird lang talaga sa pakiramdam..gusto kong magpaiwan nung mga oras na un. Pkiramdam ko umiyak na naman ako ng pabaliktad. Hanggang pag-uwi namin sa Malabon at di ako makaget-over sa nasaksihan ko. All I can do is to pray for them.. Hay naman..='(


GOOD NEWS ^_^
Kung may bad, siyempre may good. Hehe. Kung ang Couples for Christ ay merong 150 in 1 at ang Gawad Kalinga ay meron GK777..ako naman ay merong '4 in 1'. Di yan kape ah..it stands for 'four items in one week'. Hehe.

Item#1: Tuesday evening nung bumili ako ng digicam. Yipee! Hehehe. Part un ng preparation ko para sa SFC ILC. Ika nga nila eh capture the moments! Kaya ayun, bili ang lola mo ng digicam.

Item#2: Rice Cooker. Nagbigay ako kay Nanay ng pera noon pambili ng rice cooker. Sa Malabon pa dapat siya bibili kasi mas mura doon. Pero isinama siya nung kapitbahay namin sa may palengke at ayun..dun na bumili si Nanay ng rice cooker ko. Nyahaha! Yipee! May sarili na kong rice cooker! (Actually magagamit lang un pag nasamin si Nanay. Kasi napapanis ang pagkain samin ni Marian. Hehe)

Item#3 and #4: Friday night, nagpasama kami sa Puregold ni Nanay dun sa naging kapit-bahay namin dati nung nasa Kapasigan pa ako. Bumili ako ng Washing Machine. bwahaha! Ung Sharp Babad-Magic. 5.5kg na may kasama ng dryer. Hahaha! May free n siyang plantsa. Un ung item#4. Kaya mejo sumikip na sa apartment namin ngayon.

Un nga lang simot na naman ang pera ko. Tapos may utang pa ko sa officemate ko. Hehe. Pero ang sarap sa pakiramdam kasi nakakapundar na ko.. Di pa ako mag-aasawa ah..trip ko lang talagang magpundar. Kaysa naman sa kung saan saan mapunta ang pera ko. Hehehe. Sabi ni Nanay isunod ko daw bilhin ay TV. Pero ang sunod ko tlagang balak bilin ay ref para kay Nanay. As a gift sa mother's day or sa Bday niya..=D

Ganda talaga ng pasok ng year of the rat sakin.. nung Saturday afternoon naman kasi ay nagpunta akong school. I'm so happy kc nakita ko ung new YFC babies ko na sila Monique, KC, at Kaye Anne. Andun din cla Jhem, Hazel, Mafe, Acey, Ced, at JOey. Natutuwa lang talaga ko pag nakikita ko ung mga YFC babies ko. Hehehe. Tapos unexpected din kaming nagkakita-kita sa NERDS. Andun c Diane, Mp, Cherry, Sir Mets, Gian, Jean, Albert, Ivy, Sheldon, Domz, at ako. Nagpatak-patak kami para makakain ng pizza together with the MIS pips na cla James, Paolo at Juvs. Ang saya talaga! Di ko na nga alam kung sino kakausapin ko..hihi..

After that ay sinama naman ako Binondo nila Mp at Diane. Imi-meet daw kasi nila si Jessie at ung bf niya (Clarke). Kasama namin c Nim..namiss ko talaga si Nim!!! Haha! Pero it seemed na wala siya sa totoong mood nya nung Sat night. Hehe. Sarap nung food na inorder nila..Buti na lang hindi meat ung mga pagkain..=D Nakakatuwa naman ung dinner..laglagan ang nangyari. Nyahaha! Super familiar din nung Street na nilakaran namin. Buenavidez St..feeling ko talaga napuntahan ko na siya dati. Un lang ung pakiramdam ko ah. Hehe.

Kasabay ko si Mp at Diane pauwi. Past 11pm n yata ako nakarating sa bahay. Super pagod pero super saya naman! Dami kong nakita at naexperience..Hay..sarap sa feeling!!!!!!!! Kinikilig ako sa saya! Haha!

Thursday, February 7, 2008

Pers Taym

Weeeeeeeeeeeeeeeeeeeee..............

Hehehe... Ala lang..saya ko lang today..Share ko lang ung mga first time kong ginawa or naexperience kahit turning 22 na ko sa May (haha..ang layo pa nagka-countdown na! =p)..

First time kong..

:: Mag-back ride

Yup! It's my first time na sumakay sa isang motorsiklo! Nanlalamig ako before sumakay..wala kasi akong tiwala sa talent ko pagdating sa pagbalanse ng katawan ko. Nyahaha! Kaya natatakot ako dahil baka mahulog na lang akong bigla sa motor nung officemate ko. Nyek! Haha! Kinailangan ko kasing pumunta sa Marikina at bisitahin si Ate Leny para kunin ung hinihiram ko sa kaniya.

Ok naman ung experience ko sa pagbackride...masarap pala.Haha! Nag-enjoy naman ang lola mo..kaya lang nahirapan sakin si Kuya Leo..ung officemate ko. Kasi kapag tumatagilid na ung motor, di ako sumusunod..parang pinipigilan ko siya sa pagtagilid..kasi ako naka-straight pa din ang pag-upo. Hehehe. Dapat pala pag tumagilid ung motor kahit papano susunod ka sa pagtagilid niya. Hek Hek. Malay ko ba na ganun dapat.. bwahaha!


:: Makita si Ella


Real Name niya is Eloisa Lynelle. Anak ni Ate Leny na officemate ko din. Di ko kasi nabisita si Ate Leny nung nanganak siya. Dami ko kasing appointment palagi. Nyahaha. Grabe ang cute ni Ella!!! One month na siya nung dumalaw kami sa kanya. Sayang nga lang tulog siya nung dumating kami. Pero grabeeeeeeeeeeee... sarap niyang halikan! Nakakagigil! Hahaha! Enjoy na enjoy talaga ko sa mga baby ngayon!


:: Manood ng sine with jL


Nagkaayaan lang..parehong stressed eh. Kya lang lalo akong na-stressed sa pinanood namin..The Mist. Haha! As in umatake migraine ko habang pinapanood ung movie. Nyahaha! Nkkshock kc ung ibang scenes. Di keber ng katauhan ko. Hahaha! Lalong nakakabadtrip ung ending..panoorin niyo na lang para malaman niyo kung bakit..parang kung ako ung bida mababaliw talaga ko..hehe

Pero nag-enjoy naman ako that night. Nkakatawa nga lang ung attire namin ni JL. Ako pormal na pormal..siya naman ragged kung ragged. Haha! At nung magkikita kami, ang naging palatandaan ko ay ung color green niyang rubber shoes. Ewan ko ba..nung hinahanap ko na siya eh sa paa ng mga dumadaan ako nakatingin..tapos ayun..nakita ko may green na sapatos..haha! Tamang-tama siya na nga un!

Thanks jL sa pagsama!!! hehehe...


:: Makapanood ng Live Dragon Dance!

Eto link: http://sakurakel.multiply.com/video/item/40/Dragon_Dance_Feb_7_2008

Haha! Natuwa lang ako nung papunta na kong Megamall..nakita kong nakasarado ung San Miguel Avenue at merong mahabang makulay na dragon. Wow!!! Nagpeprepare sila para sa Dragon Dance! Sakto naman, nung huminto na ko nag-start na sila sa presentation nila! Ang saya!!!!!!!!!!!!! Nai-video ko ung dragon dance at ung super fabulous nilang fireworks display. Hahaha! Ang saya talaga!

Nakakahiya nga eh..feeling ko nakanganga pa ko nung mga oras na un sa sobrang tuwa sa nakita ko..Hahaha! Pers Taym ko talagang makapanood ng live na dragon dance. Nung bata pa kasi ako takot ako sa kanila..Pakiramdam ko nangangain ung dragon ng nanonood na tao. Hahaha! Adeek! Nakakatawa lang kasi nung nagpaputok na sila, biglang takbuhan na ung mga tao..Nararamdaman na kasi namin ung mga tira ng paputok sa ulo namin na bumabagsak. nyahaha! visit my multiply site na lang for the video..=D

--------------------------------------------------

Ang nakakatuwa lang..lahat ng ito ay nangyari sa iisang araw lang! Yup, February 7, 2008! kasabay ng bday ng aking HS Friend na si Michelle Ronn Tagle. Har har har! Ang saya ko talaga ng araw na un! Start ng year of the rat sa mga Chinese ung araw na un..Hehe..Dun pa naman ako super takot..sa mga daga..hihi..pero ang ganda ng opening sakin ng year niya! =p

Anong connect nito sa mga love post ko? Hmm..Anu nga ba..hehehe..

Love everything that happened in ur life. Embrace each moment and appreciate the blessings that you received. hehe. Kahit masama or masaya..dapat naaapreciate natin un kasi we always learn from those experiences. Promise!

Wednesday, February 6, 2008

I Love my Family!

Love for family naman ang napagtripan kong ipost ngayon..ala lang..happy lang kasi ako to have them as my family. Hehehe. Kaya lang nung debut ko pa ung last na nakapagpa-pic kami ng kumpleto kami. La akong softcopy kaya di ko malagay dito. haha.

Name: Federico C. Galapon
Relation: Tatay
Birthday: February 5, 1949
Nickname sa bahay: Tatay, Papu


He is my beloved Tatay. He died last October 31, 2006..kaya sakto pag araw ng mga patay..isang puntahan na lang kami. Hehehe. =p Siya ang aking ama na ipinaramdam na prinsesa ako. Kaya nga laki ng selos ng mga kapatid ko sakin dati. Nyahaha! Nung bata pa ko, binubuhat niya pa ko papunta sa kuwarto ko pag nakakatulog ako sa sala namin. Binibilan niya din ako ng gown pag flower girl ako sa isang kasal. Palagi din akong may pasalubong noon na pretzel, yan-yan, lenggua, etc tuwing dumadating na siya ng bahay. Di rin pahirapang humingi ng pera sa kaniya (pag may pera siya). Nyahehe. Nung malaki na ko, na-touch ako nung dinamayan niya ko nung umiiyak ako dahil nagalit sakin si Nanay. Talagang di niya ko iniwan nung mga panahon na yun. Paborito ko ding maglambing sa kanya after school kasi super taba ng tatay ko..sarap akapin at higaan. Paborito niya din akong takutin at gulatin. I feel so secured pag kasama ko Tatay ko. Nung panahong nanghihina na siya dahil sa sakit, bandang October 2006 na ito..sakin niya hinabilin si Nanay. Naaalala ko pa nga nung pinanood namin ung kasal ng pinsan ko..

Tatay: Di ba bunso ihahatid pa kita pag kinasal ka na..ako maghahatid sayo di ba?
Rakz: Opo naman po..alangan naman pong iba maghatid sakin. Ipagpapatahi ko pa kayo ng damit nyo!

..Pero nung mga oras na to alam na naming iiwan na niya kami. Waahh!! Teka lang..naiiyak ang lola mo..(hingang malalim) ehem..go! Ayun..nung nasa ospital na siya, ako palagi nirerequest niyang makita. Dun niya sinabi sakin na gusto pa daw niya sanang maka-attend ng graduation ko. Kya lang di na daw talaga niya kaya. Gosh..naiiyak na talaga ko!!!!!! Ehem!

Pati nung time na naghihingalo na siya, pumikit lang siya nung kinausap ko na siya..Nung sinabi ko na pwede na siyang magpahinga..na kaya na namin at di ko papabayaan si Nanay. Haay..

Naging super galing na father samin ni Tatay. Never kaming nagutom noon. Di niya binigay lahat ng luho namin..ung tama lang. Para kahit sa simpleng bagay ay matuto kaming matuwa. Hehe. I love him so much..and now..I miss him so much..='(


Name: Nory S. Galapon
Relation: Nanay
Birthday: June 12, 1959

Nickname sa bahay: Nanay, Mamu


Siya naman ang aking super loveable na Nanay. Kahit pareho silang di nakatapos ng pag-aaral ni Tatay ay napagtapos naman nila kaming magkakapatid (ay..may one term pa pala ung isa kong kapatid.hehe). Si Nanay ang tagabili ng mga damit ko noon. Talagang sinusundo niya pa ko nun sa skul at ipinaghahanda ng baon. Pinagpapainit niya pa nga ako ng tubig noon pampaligo pag maaga pasok ko. Oo, beybibg beybi tlaga ko nun.. Hehehe. Kaming dalawa ang madalas magkasamang magsimba. Matindi din faith nitong si Nanay. Siya madalas ang nagreremind sakin na magdasal. At kapag nagagalit ako, siya din ung kumukumbinsi sakin n i-appreciate n lang ang blessings ko at wag ng magalit. Hanga ako sa kanya nung tinanggap niya p din ang ate ko kahit itinakwil na kami dati nun. Di daw kasi matitiis ng magulang ang anak. Wow naman!!! HEhehe.

Kahit ngayong malaki na ko ay malambing pa din si Nanay sakin. Inaakap at kinikiss niya pa din ako kapag natutulog ako..namamalayan ko to kasi nagigising ako pag ginagawa niya sakin un. Hehehe. Kasama ko pa din siya pag nagpapacheckup..la lang..naglalambing lang. Nyahehehehe.

Nun namang namatay si Tatay, super na-down si Nanay. Dun ako natutong magtago ng emosyon ko kasi kailangan kong magpakitang strong ako..para di na mangamba si Nanay. Pero eto pa rin si Nanay..kinaya ang lahat..standing strong pa din..

Ang kakaiba dito kay Nanay ay napakalakas ng pakiramdam. Wala akong mailihim! Kahit di ko sabihin napapanaginipan niya..kamusta naman un! haha..may gift of prophecy p nga yata tong c nanay eh. nagkakatotoo ung mga panaginip..o kya ung mga cnasabi niya. Haha!


Name: Rodelio S. Galapon
Relation: Kuya

Birthday: December 8, 1976

Nickname sa bahay: Delio, Nognog


Eto namang aking kuya..matindi sense of humor nito. Pag sumayaw pa eh..ay nako..wag na lang. haha! Sana tumayo na lang siya! =p Anyway, mabait tong kuya ko sakin. Kahit kelan di pa ko nasaktan nito. Subukan niya lang..=p Touched ako sa kanya nung graduation ko. Nagpumilit talaga siyang sumama. Nag-effort ang lolo mo. Saka nung nangailangan ako ng pera. Siya pa tumawag sakin para sumaklolo. Hehehe. Bait-bait pa nito pag nagpapasundo ako pag madami akong dalang gamit pauwi samin sa Malabon. Nakakalibre pa ko sa pagkain at pamasahe. Nyahaha!

Mahilig mangolekta ng action figures etong kuya ko. As in mga naka-istante pa. Dami nya ding collection ng movies saka ung mga baril na mukang totoo. Walang masamang bisyo ang kuya ko. Ung paglalaro ng video games na ung pinaka-bisyo nya. Sana nga may lalaki pang katulad niya..hehe..walang bisyo tapos stick to one pa. Clean living! Haha!


Name: Rosemarie S. Galapon
Relation: Ate
Birthday: August 27, 1978

Nickname sa bahay: Rose, Singkit


I admit ngaun lang kami nagkasundo ng ate ko. Dati kasi palagi kaming magkaaway. As in literal na di kami pwedeng magkatabi kasi away agad. Nyahaha. Minsan na kasi siyang nagrebelde samin. As in iniwan kami. Tapos nung nagka-problem na siya, biglang nagpasalo siya samin. Laki ng galit ko sa kaniya nun kasi sa kanya ko nakitang umiyak si Nanay at Tatay dahil sa sama ng loob tapos babalik siya ng ganun lang??? Pero di ko siya inaway that time. Walang verbal na away na nangyari..as in di siya nakarinig ng masasamang salita galing sakin. Galit na galit ako sa kniya pero pag kaharap ko siya, mabait ang pakikitungo ko sa kaniya. Natatameme na lang ako. Baka kasi sakaling sa ganung paraan siya magbago. Pag ipinadama mong mahal mo siya. Pero through prayers and repentance nawala ang galit ko sa kanya. Thank God for that..

Now I consider her as one of God's amazing gift kasi nagbago na siya..(tears of joy) Inaalagaan na niya si Nanay ngayon pag may sakit. Kinakamusta niya na din ako pag may sakit ako or pag alam niya na may problema ako. Naks naman! Haha! Lupeht di ba? Di niya ginagawa dati un! Hahaha! Di na rin kami nag-aaway ngayon. At kitang-kita ko na mahal na mahal niya ung mga anak niya. Sarap lang talaga sa pakiramdam na ok na kami ng ate ko..hehehe.

Mahilig din sa videoke tong si Ate. Saming magkakapatid alam ko siya ung pinakamatalino. Mahilig siya dati sa mga branded na damit at kung ano2 pa. Sa kanya ako nakaranas ng mga branded na regalo. Hehehe.

Name: Roly S. Galapon
Relation: Sangko

Birthday: February 21, 1984

Nickname sa bahay: Ole


Diko dapat ang tawag ko sa kaniya..kaya lang nakasanayan ko na ang maling tawag ko sa kaniya. Haha! Nung bata pa kami, siya taga-comfort sakin pag umiiyak ako. Kapag inaaway ko siya, di niya ko pinapatulan pag nakaharap si Tatay. Bawal kasi akong saktan ng mga kapatid kong lalaki. Nyahehe. Kaya asar-talo palagi sakin tong si Sangko. Hahaha!

Pero nag-iba sya nung na-inlab na..dati nararamdaman kong family first ang prinsipyo niya. Pero ngayon hindi na. Kung natapos ang trials namin kay ate, siya naman ang pumalit. Haha! Kamusta naman un???

Mahilig sa Anime tong si Sangko. Ang galing niya ding magdrawing!!!!!!! Ka-bisyo siya ni kuya sa paglalaro ng mga video games. Ay nako, mga adeek! Tulad ni kuya, stick to one din 'to kung magmahal. Super loyal sa kanyang minamahal! haha!



Name: John Gabriel L. Galapon
Relation: Pamangkin ko kay Kuya

Birthday: April 23, 2005

Nickname sa bahay: Gab, Gabo


Ang aking unang pamangkin! Ang cute2 niya ngaun.muka siyang kerubin! Haha! Ang taba-taba! Madalas ko siyang makausap sa phone pag tumatawag ako kay Nanay. Sarap sa pakiramdam pag sumisigaw siya ng 'tita!' tapos magkukuwento siya ng kung ano2 na di ko naman maintindihan kasi nga bulol pa siya. Nakakatuwa lang kasi alam n pala niya pangalan ko..hehe. Lalong masarap sa pakiramdam pag nagkikita kami..kasi aakap siya tapos ang tunog-tunog pa nung kiss niya. Ayaw niya nga akong pauwiin pag andun ako sa kanila. Hehe.

Kulot din ang buhok nitong c Gab. Mukha talaga silang mag-ama ng kuya ko pag nakatalikod sila. Parehong-pareho sila ng likod. Hehehe. Ubod din siya ng lambing. Kaya lang di ko na siya kayang buhatin ngayon. Grabe na kasi ung bigat. Napakahilig din niya sa mga cars. At san ka pa, halos kabisado na niya ang dialogue sa 'Cars' at 'Bee-Movie'. Mas serious ding manood ng movie to kaysa sakin. Mas matindi focus niya sa panonood. Hehehe.



Name: Stacey Athea Marie G. Buna
Relation: Pamangkin ko kay Ate

Birthday: November 2, 2006

Nickname sa bahay: Sam


Siya ang panganay ni Ate. Ang ganda ng mata nitong batang ito. Dati batang-bilog ang tawag ko sa kaniya. Kaya lang pumayat na siya eh. Ang cute ng name niya no? ang haba..kumbaga kapag may quiz cla nasa number 10 n ung classmates niya, siya sinusulat pa lang ung name niya. Hehehe.

Ang lambing din nitong si Sam. 'Tita' ang first word na nasabi niya. Oh di ba?!?!? Hindi mama or papa..kundi tita! hahaha! Nung last na uwi ko ng bahay, nagpabuhat siya sakin tapos kiniss niya ko 3x sa magkabilang pisngi..wow heaven!!!!!!!! Hahaha! Sarap na naman sa pakiramdam!



Name: Frederick Ross G. Buna
Relation: Pamangkin ko kay Ate

Birthday: October 4, 2007

Nickname sa bahay: Erick


Ako ang nagbigay ng pangalan dito kay Erick. Attractive Peaceful Ruler ang meaning ng Frederick Ross. arte no? haha! Ganun talaga..maarte ang tita eh. Nyahaha! Ang taba-taba din nitong beybi na to ngayon. Ngiti pa lang niya parang hihimatayin na ko sa tuwa. Hehehe. 4 months pa lang kasi siya..tapos monthly lang ako kung umuwi samin kaya la pa kong masyadong moments kasama siya. Basta ngayon pa lang, di ko na siya kayang buhatin ng matagal. Bumibigay ang braso ko. hehehe.