Monday, August 4, 2008

Pawis. Pagkain. Pagod. Ulan.

As usual, naging super hyperactive n nmn ang weekend ko.

Friday. Badminton Day.
Makaraan ang tatlong buwan ay sa wakas nakapag-badminton ulit ako. Akala ko di na naman ako makakatama ng bola pero ayun..ok naman. Nakakatawa lang talaga minsan kasi kung kelan 100% mo nang binigay ang puwersa mo saka naman..toinks! di ko matatamaan ung bola! Haha! Kulang pa rin ako sa timing. Minsan naman feeling ko nakakatulog ako sa laban. Hahaha! Nakakatuwa lang dahil nananalo naman kami ng ka-partner ko. Ang kailangan lang talaga..MAGALING ANG KA-PARTNER KO. Bwahahaha! Basta ang sarap talagang magpapawis! Ang gaan sa pakiramdam! Nakakawala pa ng stress kasi napupunta dun sa raketa ung stress ko. Hehehe. Un nga lang naulanan ako after magbadminton T_T


Saturday. Music Min Practice and Kuya Iking's Birthday Treat.
August 2, 2008.
Dapat aattend ako ng Poster Making for the Logistics pero sakit talaga ng katawan ko.Kaya di ko nagawang bumangon ng maaga. Kya sa first ever practice ng Music Min ako bumawi. Nakakatawa kasi minsan nagkakamali ako ng pasok sa kanta. Obvious na may lakad ako after nung practice. Nagmamadali. Haha!

After that ay sabay kaming pumunta ni GG Beth sa Skul para katagpuin ang aming mga ka-NERDS. Grabe namiss ko sila ng sobra! Ung kulitan, laglagan, asaran, lahat!

Kumain kami sa Dampa..sa may seaside. Sarap ng foods! Buti n lang seafoods at vegies lahat ng putahe! Hehe. Treat un ni Kuya Iking. At siyempre di pwedeng di kami makiusap na makikipanood kami ng PDA Gala night. Hehehe. Next stop namin ay sa Starbucks Thomas Morato. Dito kanya-kanyang bayad na. Di ako bumili. walang pwede sakin eh.Then final stop namin ay sa bahay nila Kuya Iking. Mukha na kaming mga bangag ng oras na ito. 3am na kasi nun. Pero nagawa pa nilang maglaro. Ang titibay talaga. Tinangka kong matulog kaya lang di nila mapigilan ang emosyon nila habang naglalaro. Sisigaw na nga masisiko pa ko. Kamusta, pano kaya ko makakatulog nun. Hehehe. In short, hinintay ko n lang ang ala-sais para umuwi na kami. Nabasa pa rin ako ng ulan pag-uwi. Haay.


Sunday. Evange Rally.
7am na ko nakauwi samin.Akala ko tuloy ung 8am na rally namin pero di naman pala. Kya un naglaba n lang ako tapos dumiretso na ko sa Fatima. Inulan ung Evange Rally. Di nagawa ung totoong plano. Pero ok lang. Namigay na lang kami ng leaflets at naglakad-lakad ung iba. Natuwa ako nung madaming pumunta. Nagkaroon din kami ng bonding sa waiting shed kami inuulan kami. Hehehe. Ang lamig nga lang talaga. Leeg n lang ung natirang tuyo sakin nung nakauwi ako samin. Kamusta naman un. Hehe.


Walang tulog + Pagod + Basang basa sa ulan = Absent ng Monday.

Hahaha!What do u expect?! Nanginginig buong katawan ko nung Monday morning. Di masaya sa pakiramdam. Mag-isa pa naman ako nun. At that time pa naubusan ng gamot sa bahay. Pagkakataon nga naman talaga. Hehehe.

This week..busy week ulit. Waaahh! Start na ng CLP! Dami ko pang di nagagawa na gagamitin sa Logistics for CLP! Double time!!!!!!!!! Hehehe.

No comments: