This is the purpose of my blog...to be my stress reliever! hehe... post muna habang pinapahinga ang utak.. *wink*
Sadyang mapuna ako sa paligid ko lalo na pag nasa jeep. Eto ang ilan sa mga common na eksena sa jeep na natutukan ng aking mata. Lagyan ko na rin ng title para masaya...
"Red Carpet"
Ung tipong lahat ng nasa loob ng jeep ay lilingon pag may pasakay na pasahero. Parang may pasakay na artista! Pustahan, hanggang pag-upo nung bagong sakay may nakatingin sa kanya. Kaya nag-aayos ako pag sumasakay ng jeep eh. Mahirap na. :p
"Aray ku po!"
Madalas sa mga nagmamadaling makaupo ay nakakatapak ng paa ng ibang pasahero. Ung iba deadma kung makaapak man sila ng paa. Ung iba clueless kung sinong natapakan nila. Kung clueless ka at gusto mong malaman kung sinong natapakan mo, lingon ka lang sa nadaanan mo. Kung sino may pinakamatalim na tingin sa'yo o kaya naman ay nang-irap sayo, malamang siya yun. Hehehe.
"Bayad"
Unang scenario. Ikaw nasa likod ng driver at ung nagpapaabot ng bayad ay nasa dulo naman. Pero ikaw pa ang inaasahan niyang aabot ng bayad niya. Ay grabeeee! Basta pag nasa first three passengers ka na nasa likod ng driver, asahan mo na dakilang taga-abot ka ng bayad.
Ikalawang scenario. Di mo naririnig na may nagpapaabot ng bayad. Pag di ka lumingon, kakalabitin ka at iaabot ang kanyang bayad sabay IIRAPAN KA dahil di mo agad naabot. Ay naku, sino kayang humihingi lang ng pabor. Badtrip.
"Model"
Sadyang pakiramdam talaga nung iba ay nasa shooting sila ng commercial ng shampoo. Ung feel na feel nilang ipatangay ang buhok nila sa hangin at wala ng pakialam kung natatamaan na ung mukha ng katabi nila or hindi.Pasintabi naman kasi. Wala naman sigurong gustong makakain ng buhok habang nasa byahe. Manners naman. Goodluck sa kanila pag nakatabi nila ang nanay ko. Kasi hinahawakan niya talaga ung buhok nung pasahero.
"Makiusog na nga"
Nakakabanas ung mga taong kung makaupo ay parang pang-dalawang tao ang binayaran. Ung naka-slant pa ung pagkakaupo at parang nasa drama with matching ulan pa. Anooooo baaaaaa. Ung mga lalaki naman ay parang dalawang tao din ang sakop sa laki ng pagkakabukaka niya.
Minsan naman may kasalanan din ang driver. Ung walang kakuntentuhan sa pasahero. Wala siyang pakialam kahit magkapalit-palit na ng parte ng katawan ang pasahero niya basta ang mahalaga sa kaniya ay 'sampuan' daw ang jeep niya. Grrr.
"Masa"
As in masandal tulog! Ok lang namang matulog sa biyahe. Pero sana naman wag gawin itong excuse para di magbayad ng pamasahe o kaya naman ay gawing kama ang katabing pasahero. Minsan naman nang-uuntog pa ung iba pag talagang bumigay na ang katawan nila sa sobrang lalim ng kanilang pagkakatulog. Wag ganun. Masakit kaya yun.Pero kung cute ung nakauntog, cge excuse na siya. Hehehe.
"Istorya ng Buhay"
Mga pasaherong kung magkuwentuhan ay tipong alam na ng ibang pasahero ang buhay nila dahil sa lakas ng kanilang kuwentuhan. Minsan nga parang ang sarap makisawsaw sa usapan nila at makigulo. Hehe. Nakakatuwa sila pag wala ka ng ibang mapaglilibangan sa jeep. Pero pag nagkataon na maganda ung tugtog sa jeep pero mas malakas pa ung kuwentuhan nila, ay nako mejo nwawala ako sa mood pag ganon. Nyahehe.
"Walang makakaagaw sa'yo"
Mga pasaherong magsyota na kung magpuluputan ay akala mong may aagaw sa syota nya. Haler, mga bagay lang ang nananakaw sa jeep. Hindi tao. Meron din namang akala mo'y nanonood ka ng R-18 na palabas pero for free. Konting hinay naman. Baka may mainggit. Hahaha.
"Para ho"
Merong mga pasaherong kung kelan bababa saka lang magbabayad. Tapos sila pa nagmamadali. Meron din namang kung pumara ay parang sa katabi lang sinabi. Kailangan tuloy ang effort ng buong pasahero para sabihin sa driver na huminto na. Meron ding pasahero na di makuntento at tutuktukin pa ang bubong ng jeep. Pero panalo para sakin ung super sakto kung pumara. Ung tipong ilang hakbang na lang ang layo dun sa huling pinaghintuan ay di pa dun bumaba. Hihintayin talagang tumapat ung jeep dun sa bababaan nya. Kamote ayaw labasan ng pawis!
Sa mga driver naman, kung minsan ay parang nakarating ka na sa ibang lugar dahil sa lakas ng impact ng pagpreno niya pag may pumara. Meron ding mga driver na parang kailangan mo ulit sumakay ng jeep pabalik dahil sa tagal ng pagpreno niya. Kamusta naman!
Panalo din ung imbis na 'para' ang sabihin ay ibang salita ang nasasabi. Biktima ako nito. Minsan kong nasabi na 'bayad po' imbis na 'para po'. Pero pinakamalupit pa rin nung nasabi kong 'babay po'. Haha! Close kay manong driver? hahaha! :D

No comments:
Post a Comment