Monday, August 4, 2008

"Pakawalan ung bagay na nakakasakit sa'yo"

"Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit na pinapasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit na lang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."

- quote galing kay Bading

"With patience wait" (Rom. 8:25)

Eto ang mga tumambad sa aking message when I opened my Multiply Inbox. Hay nako..ang sarap mo talagang mang-asar Lord. Bakit ba paborito mo akong asarin? Ang cute mo talaga Lord. Hihi. Tama ba namang ganyan ang ibungad sa akin ng umagang-umaga! Hahaha! Di ko alam kung bakit pero alam ko dapat magdamdam ako ng nabasa ko toh..pero naging kabaliktaran ang reaction ko..natawa lang ako. Nyahehe. Ang kulit kasi.

Di ko na rin maintindihan ang sarili ko. Alam ko sa mga panahong ito dapat nagseselos ako..dapat nasasaktan ako..dapat nagdadamdam ako..may reason ako para makaramdam ng lungkot. Pero ewan ko ba. Mas pinipili ng sarili kong maging masaya at tumawa. Ang labo ko. Sobrang labo na kahit ako di ko maintindihan ang sarili ko.


O baka naman nasanay na ako...na kung kelan nanjan na ung hinihiling mo..biglang pabibitawan sa'yo. Pinasabik lang ba in short. Hehehe. Ung tipong may gusto kang bilin na bagay, mejo rare dahil ang taas ng standards mo tapos pag nakita mo na at kaya mo namang makuha ay biglang nakalagay sa tag prize, "RESERVED" or "SOLD OUT" na. Toinks! Hahaha! Saya saya!

"Pakawalan ung bagay na nakakasakit sa'yo"..uu nga naman..pero ayoko pang pakawalan tong ganitong pakiramdam eh..na-miss ko kasi ung ganitong pakiramdam..haha! adeek! it's been...err..di ko na maalala kung gano na katagal nung huli kong maramdaman toh..haha! Kaya kahit masakit, cge lang..mapapagod din ako..FOR SURE. Wah! Masukista na ba ko? Di pa naman cguro. Hehehe. Enjoy the feeling ika nga ni GG Beth. Nyahehe. Speaking, c GG Beth lang ang cguradong makaka-relate sa entry na toh kung bakit ko nasulat toh. Hehehe.

"With patience wait"..nape-pressure ka na ba sakin Lord? Joke lang po un..Hehehe. Whatever Lord! Mahal pa rin kita kahit nag-aasaran tayo minsan. Tao vs Diyos. Obvious kung sinong panalo. Nyahaha! Mahilig lang akong magpasaway Lord...but still, the desire of my heart is to follow your will. . :)

No comments: