Friday, August 29, 2008

Eksena ng Pasahero sa Jeep

This is the purpose of my blog...to be my stress reliever! hehe... post muna habang pinapahinga ang utak.. *wink*

Sadyang mapuna ako sa paligid ko lalo na pag nasa jeep. Eto ang ilan sa mga common na eksena sa jeep na natutukan ng aking mata. Lagyan ko na rin ng title para masaya...

"Red Carpet"
Ung tipong lahat ng nasa loob ng jeep ay lilingon pag may pasakay na pasahero. Parang may pasakay na artista! Pustahan, hanggang pag-upo nung bagong sakay may nakatingin sa kanya. Kaya nag-aayos ako pag sumasakay ng jeep eh. Mahirap na. :p

"Aray ku po!"
Madalas sa mga nagmamadaling makaupo ay nakakatapak ng paa ng ibang pasahero. Ung iba deadma kung makaapak man sila ng paa. Ung iba clueless kung sinong natapakan nila. Kung clueless ka at gusto mong malaman kung sinong natapakan mo, lingon ka lang sa nadaanan mo. Kung sino may pinakamatalim na tingin sa'yo o kaya naman ay nang-irap sayo, malamang siya yun. Hehehe.

"Bayad"
Unang scenario. Ikaw nasa likod ng driver at ung nagpapaabot ng bayad ay nasa dulo naman. Pero ikaw pa ang inaasahan niyang aabot ng bayad niya. Ay grabeeee! Basta pag nasa first three passengers ka na nasa likod ng driver, asahan mo na dakilang taga-abot ka ng bayad.

Ikalawang scenario. Di mo naririnig na may nagpapaabot ng bayad. Pag di ka lumingon, kakalabitin ka at iaabot ang kanyang bayad sabay IIRAPAN KA dahil di mo agad naabot. Ay naku, sino kayang humihingi lang ng pabor. Badtrip.

"Model"
Sadyang pakiramdam talaga nung iba ay nasa shooting sila ng commercial ng shampoo. Ung feel na feel nilang ipatangay ang buhok nila sa hangin at wala ng pakialam kung natatamaan na ung mukha ng katabi nila or hindi.Pasintabi naman kasi. Wala naman sigurong gustong makakain ng buhok habang nasa byahe. Manners naman. Goodluck sa kanila pag nakatabi nila ang nanay ko. Kasi hinahawakan niya talaga ung buhok nung pasahero.

"Makiusog na nga"
Nakakabanas ung mga taong kung makaupo ay parang pang-dalawang tao ang binayaran. Ung naka-slant pa ung pagkakaupo at parang nasa drama with matching ulan pa. Anooooo baaaaaa. Ung mga lalaki naman ay parang dalawang tao din ang sakop sa laki ng pagkakabukaka niya.

Minsan naman may kasalanan din ang driver. Ung walang kakuntentuhan sa pasahero. Wala siyang pakialam kahit magkapalit-palit na ng parte ng katawan ang pasahero niya basta ang mahalaga sa kaniya ay 'sampuan' daw ang jeep niya. Grrr.

"Masa"
As in masandal tulog! Ok lang namang matulog sa biyahe. Pero sana naman wag gawin itong excuse para di magbayad ng pamasahe o kaya naman ay gawing kama ang katabing pasahero. Minsan naman nang-uuntog pa ung iba pag talagang bumigay na ang katawan nila sa sobrang lalim ng kanilang pagkakatulog. Wag ganun. Masakit kaya yun.Pero kung cute ung nakauntog, cge excuse na siya. Hehehe.

"Istorya ng Buhay"
Mga pasaherong kung magkuwentuhan ay tipong alam na ng ibang pasahero ang buhay nila dahil sa lakas ng kanilang kuwentuhan. Minsan nga parang ang sarap makisawsaw sa usapan nila at makigulo. Hehe. Nakakatuwa sila pag wala ka ng ibang mapaglilibangan sa jeep. Pero pag nagkataon na maganda ung tugtog sa jeep pero mas malakas pa ung kuwentuhan nila, ay nako mejo nwawala ako sa mood pag ganon. Nyahehe.

"Walang makakaagaw sa'yo"
Mga pasaherong magsyota na kung magpuluputan ay akala mong may aagaw sa syota nya. Haler, mga bagay lang ang nananakaw sa jeep. Hindi tao. Meron din namang akala mo'y nanonood ka ng R-18 na palabas pero for free. Konting hinay naman. Baka may mainggit. Hahaha.

"Para ho"
Merong mga pasaherong kung kelan bababa saka lang magbabayad. Tapos sila pa nagmamadali. Meron din namang kung pumara ay parang sa katabi lang sinabi. Kailangan tuloy ang effort ng buong pasahero para sabihin sa driver na huminto na. Meron ding pasahero na di makuntento at tutuktukin pa ang bubong ng jeep. Pero panalo para sakin ung super sakto kung pumara. Ung tipong ilang hakbang na lang ang layo dun sa huling pinaghintuan ay di pa dun bumaba. Hihintayin talagang tumapat ung jeep dun sa bababaan nya. Kamote ayaw labasan ng pawis!

Sa mga driver naman, kung minsan ay parang nakarating ka na sa ibang lugar dahil sa lakas ng impact ng pagpreno niya pag may pumara. Meron ding mga driver na parang kailangan mo ulit sumakay ng jeep pabalik dahil sa tagal ng pagpreno niya. Kamusta naman!

Panalo din ung imbis na 'para' ang sabihin ay ibang salita ang nasasabi. Biktima ako nito. Minsan kong nasabi na 'bayad po' imbis na 'para po'. Pero pinakamalupit pa rin nung nasabi kong 'babay po'. Haha! Close kay manong driver? hahaha! :D

Thursday, August 28, 2008

Nilaglag ako ng playlist ko!

Just to spice up my morning and to forget the feeling of being tired for a while, I did this survey. At kamote, nilaglag ako ng playlist ko..hihihi...

RULES:
1. Put your music player on shuffle.
2. For each question, press the next button to get your answer.
3. YOU MUST WRITE THAT SONG NAME DOWN NO MATTER HOW SILLY IT SOUNDS!



IF SOMEONE SAYS "IS THIS OKAY" YOU SAY?
- My Humps - Black Eyed Peas
wahaha..wala sa tamang sagot!


WHAT DO YOU LIKE IN A GUY/GIRL?
- Emotion - Destiny's Child
hmm..pwede..i like guys that are emotionally stable :D


HOW DO YOU FEEL TODAY?
- Umbrella - Mandy Moore
magpayong..un ang feel kong gawin? nyahehe..


WHAT IS YOUR LIFE'S PURPOSE?
- Bitiw - Sponge Cola
'wag kang bibitiw bigla.higpitan lang ang yong kapit.maglalayag patungong langit.'..tama nga naman..:p


WHAT IS YOUR MOTTO?
- Irreplaceable - Beyonce
yeah!!!! I'm irreplaceable! :P


WHAT DO YOUR FRIENDS THINK OF YOU?
- Buttons - PSD
Isa akong butones? tama ba un pwends.. T_T

WHAT DO YOU THINK OF YOUR PARENTS?
- Halaga - Parokya ni Edgar
they're important :)


WHAT DO YOU THINK ABOUT VERY OFTEN?
- Way Back into Love - Drew Barrymore
bwahahahahahahahaha..! nawalan lang ako pero di ako nawala.. hihi


WHAT DO YOU THINK OF YOUR BESTFRIEND?
- I don't wanna wait - Paula Cole
wag maging late comer..nyahaha


WHAT DO YOU THINK OF THE PERSON YOU LIKE?
- Tuyo na'ng Damdamin - Silent Sanctuary
aun un oh! manhid kasi eh..or di lang ako pahalata.. haha!


WHAT IS YOUR LIFE STORY?
- Let's Get it Started - Black Eyed Peas
life can't wait..let's get it started! :p


WHAT DO YOU WANT TO BE WHEN YOU GROW UP?
- Minsan Pa - Faith Cuneta
ang vague ng sagot...ewan...parang ako lang..ang labo..


WHAT DO YOU THINK WHEN YOU SEE THE PERSON YOU LIKE?
- Start of Something New - High School Musical
ahaha! ahahahaha! ano ba toh... ito pinaka-panalo sa lahat..hahaha...ang sablay! ;p


WHAT DO YOUR PARENTS THINK OF YOU?
- Beautiful Ones - Suede
aun oh! sakto na naman oh! sino pa nga bang makaka-appreciate sakin kundi sila..haha!


WHAT WILL YOU DANCE TO AT YOUR WEDDING?
- Love fool - The Cardigans
kaka-kasal lang fooling around agad? tsk tsk...


WHAT WILL THEY PLAY AT YOUR FUNERAL?
- Get the Party Started - Pink
ahahaha! mag-party ba sa funeral ko? ok lang..I'll allow it if ever :D


WHAT IS YOUR HOBBY/INTEREST?
- Bootylicious - Destiny's Child
nyaaa..interest ko ba toh??? I'm happy being chubby.. :D


WHAT IS YOUR BIGGEST FEAR?
- Everywhere - Michelle Branch
kasi everywhere may masamang loob..haha!


WHAT IS YOUR BIGGEST SECRET?
- Sway - PSD
sway? di alam ng karamihan na fave ko sumayaw? :p


WHAT DO YOU THINK OF YOUR FRIENDS?
- Don't Phunk With My Heart - Black Eyed Peas
di naman maiiwasan na masaktan ang aking puso because of friends.. ;)


WHAT WILL BE THE SUBJECT WHEN YOU REPOST?
- Beautiful Girl - Jojo
ayoko nga.. :p

Wednesday, August 27, 2008

And I don't want to be...a HYPOCRITE

Due to different emotions and concerns yesterday, I almost lost my self again.There was a battle within myself.At di ko gusto ung pakiramdam na un. Pakiramdam ko kasi pag ganun nasisikipan si Papa Jesus sa puso ko...nadudumihan...nasasaktan. And I felt so guilty pag alam kong nasasaktan ko ung mahal ko.

Akala ko controlling my emotions is enough...
Akala ko setting my focus on other things will make my mind at peace...
samantalang alam ko naman talaga ang dapat gawin. Which is to...
TRUST GOD.
Another truth na alam ko pero pansamantala ko na namang di nagawa. Sandali ko lang di nagawa pero ang laki agad ng epekto sa sarili ko.

Then GG Beth reminded me the topic for CLP this Saturday: What it means to be a Christian. And I think I feel that I'm a hypocrite when I lead our discussion group about what being a Christian means if I can't set myself as an example. Ayokong makipaglokohan. Sa dami ng pwede kong lokohin si God pa. Ayoko!

Hindi rin basta-basta ung lyrics nung mga kakantahin this sat sa clp. Actually all songs of praise and worship naman di basta-basta ang lyrics. And my principle in singing songs of praise is that I sing it not because I'm vocally capacitated but because that is what my heart wants to tell. Kaya with my emotions yesterday, parang nasabi ko sa sarili ko na di ako makakakanta sa Music Min sa Saturday.Parang nakikipaglokohan na naman kasi ako pag ganon. I sing songs of praise tapos ung puso ko andaming doubts. Kalokohan lang.Kaya sabi ko kay God di na ko magtataka kung sa Saturday wala akong boses.

Then I've read the verse last night, which came from Matthew 23:27-28:
"Woe to you, scribes and Pharisees, hypocrites! for you are like whitewashed tombs, which outwardly appear beautiful, but within they are full of dead men's bones and all uncleanness.So you also outwardly appear righteous to men, but within you are full of hypocrisy and iniquity."

Na-guilty ako...isang malaking patama sa naramdaman ko ng buong araw. But at the end of the day, napansin kong unti-unting naayos ung concerns ko. Naguilty na naman ako. I realized that I haven't trusted God enough. Hay...super sorry tuloy ako. Pero after that conversation with God ang gaan na ng pakiramdam ko. As if someone gave me a warm embrace. Lalo na ngayong umaga.

May lumilipad-lipad pa sa isip ko na concerns but I know that God's promise is more powerful. Right now I'm holding on to the promise that God will provide...

Tuesday, August 26, 2008

Happy 30th Birthday Ate!

Today is the birthday of my one and only Biological sister! Hehe. Sayang wala kaming pic together ng ate ko. Halatang di kami in good terms dati. Hihi.

Grabe we've been through a lot ng ate ko. Tipong himala na lang ang makakapagkasundo samin dati. Ni hindi kami pwedeng magtabi sa upuan dahil siguradong isa sa amin ang maoospital. Nyahaha. Ganong kalala. Pero makapangyarihan talaga si God and He placed us into situations that molded our hearts and attitudes. (Sino pa nga bang mkakagawa ng himala kundi si Lord. Hihi)

And right now I'm proud to say that we are now in good terms. And in some of her simple deeds natatouch talaga ang puso ko. Deeds that she never done before. Again, I felt super blessed by the Lord because of our story. Sayang lang di ko pwedeng ikuwento ng buo dito because it's too complicated and too confidential. Hihi. Basta isa siya sa bunga ng unconditional love. Ung tipong wala na kong pakialam kung masasaktan ako basta ako minamahal siya. Un na lang ang pinanghawakan ko...ung alam kong mahal ko siya. Akala ko walang patutunguhan pero meron pala. And worth it naman ung lahat ng naramdaman ko dati. :)



She is now blessed with two kids, Sam and Erick. Super lambing nung dalawa kaya kahit nahihirapan na ang ate ko ay kahit papano nawawala ang stress nya. But I can say di siya blessed sa husband nya ngayon. Haha! Bitter?? **Sorry Lord, opinion ko lang toh** :p

Basta, Happy Birthday to you Ate!!!

Monday, August 25, 2008

Haburdei Kambal! At thanks sa...


Wala akong balak magpost ng kahit ano this week kya lang di ako makatiis na di bigyan ng special page ang aking Kambal dito sa aking blog. (At may 2 celebrants kasi this week na malapit sa aking puso.)

It's his special day! His Birthday!

Sayang lang di naman nya mababasa toh. Di naman exposed sa world of Blogging un. Hehe. Pero gawin ko na rin.

Naging Kambal ko siya mula ng maging Senior Sister ako ng YFCEA. Sabi nga niya, kambal kami "by faith". Bukod sa kanya wala na kong ibang tinawag na Kambal. Hehe.

Masarap ka-bonding ang aking Kambal. Libre ako palagi sa food. Hehehe. Di niya rin ako masyadong bine-baby pero pinaparamdam niya sakin na I'm one of his special sisters. At kahit lalaki siya, I can share with him any topic na gusto kong sabihin na hindi nahihiya. Parang kakambal ko talaga.

At sa lahat yata ng guwapong lalaki ay kambal ko ang loyal sa gf! Dito ako hanga sa kambal ko. Anlakas ng pagtalikod sa mga temptations. Andami ng nagkakacrush sa kanya pero never naging issue ang third party sa kanila ng gf niya. Lupeht!

Haburdei Kambal ko!!! Miss na kita sobra!!!

---------------

Some acknowledgments

Thanks sa bday treat ni Sossy last Monday at sa lahat ng kasama namin. Nakakatuwa kasi nagkasama-sama na naman ang NERDS. Napagastos nga lang ako sa Timezone.

Thanks kay Tay Fello at Tito Edmar (sana masanay akong tawagin kang 'brother' during teacher of songs) sa pag-pray over sakin (during the CLP) nung panahong nag-iiba ang timpla ng utak ko.

Thanks din sa aking mga pamangkin na super sweet humalik at umakap lalo na pag sinasabi nilang "tita". Sobrang nkkwala ng pagod.

Thanks kay Nanay na super alaga sa akin pag nasa Malabon ako. Ang sarap niya talagang umakap lalo na pag matutulog na kami.

at higit sa lahat..

Thank you Lord sa mga bagay na ito... You never forget to put a smile in my heart...

Thursday, August 21, 2008

Pakiligin ang sarili :)

Wala lang..fave ko lang pakinggan ang kantang ito pag namimiss ko ung pakiramdam ng kinikilig. Adeek. Hehe. Sarap kasi sa pakiramdam ng kinikilig...masaya. Hehehe.

Ewan ko ba. Di pa nagagawan ng movie tong kantang toh kinikilig na agad ako sa kanya dati pa. May ganun? Haha. E di lalo na ngayong may movie n siya!



P.S.
To Diane, GG Beth, jL, and MP...Thanks for making my night happy kagabi! Sa uulitin! Hehehe! Muah muah muah!

Tuesday, August 19, 2008

Anong kapalit?

Dahil sa hindi ako nakasama pagpunta sa aking dream destination, sinulit ko talaga ang weekend ko up to the last second! But at the back of my mind, I'm having a conversation with my God.

Umiral n naman ang pagka-maldita ko, if that's the right term. I have sacrificed something because He wants me to do something. And I kept on saying to God that He should make me feel or show me that it was worth sacrificing for. Well, naglalambing lang. Hehe. And He kept His promise and showed it in a different way.

Saturday night was CLP night. I'm happy. I laugh. I smile. Pero expected ko na ung mga mangyayari. Kaya sabi ko kay Lord, "Eto na po ba un? Nothing special naman eh." Oo ang sama ng sinasabi ko. Pero ganyan lang talaga kaming mag-usap ng Diyos ko. Ganyan ako kakumportable sa kanya. Hehe. At ang sabi niya sakin, "Di pa ko tapos. Nagmamadali ka na naman. May dalawang araw pa."

So Sunday pumunta ako ng Sportsfest. Ang hintayan is 11:30am sa BK Rotonda. Buti na lang nakasabay ko sila ate Ellen papunta sa DAR Gym kahit di naman talaga sila dapat ung imi-meet ko. God the provider talaga. Nakakatuwa ung Sportsfest. Masaya. Madami akong nabitawang wish na naman kay Lord. Kung ano ung mga un, sakin na lang un. Hehehe.

Pero pinaka-ikinatuwa ng puso ko ay nung nag-household kami after Sportsfest...sa lugar na since college ko pa hinihiling na mapuntahan, sa Baywalk! haha! nakakahiya man ung naging unang reactions ko, ok lang..kasi super excited talaga kong mapunta dun. Haha! Ang ganda ng topic nung Household namin (headed by my GG Beth). I was so inspired. Napaamin ako sa mga kasablayan ko. At talagang ninamnam ko ung moment ng pag-share ko...sa dagat ako nakaharap, damang-dama ang hangin at dinig na dinig ung paghampas ng alon sa mga bato. Super gaan sa pakiramdam. Thankful pa ako dahil binantayan kami ni Lolo Mox. Andami kasing umaaligid na nilalang samin dun na feeling nila sila ang dahilan ng pag-stay namin dun. Duh?! Assuming!!! Haha! Gusto ko ulit bumalik sa baywalk!

Nag-overnight na ko kila GG Beth dahil madaling araw na nga kami nakauwi/natapos. Hanggang sa umalis ako sa kanila, wala pa rin sa aking plano ang pumunta sa CLP Rehab. Pero pagdating ko sa bahay, parang bigla akong nagkaroon ng interes pumunta. Sabi ko kay Lord, "Cge po punta ako pag matuling magregister ng Unlimited ngayon sa Globe at pag nagreply agad ung mga tatanungin ko." Ano pa nga ba ang nangyari, naregister agad ako sa Unli. Kaya, ok fine! Pupunta na po! Participant pa lang kasi ako sa CLP nung minsan kong masabi kay Lord na, "Lord gusto ko pong maranasan ung mag-faci sa Rehab or sa prison. I want to know their stories."

Andami kong first time nung pumunta kami sa Rehab sa may Bicutan.
First time kong marinig mag-share c Ate April (my idol) tungkol sa karanasan niya sa pagsali sa Pop Idol. Truly inspiring story.
First time kong nakilala c Ate Elaine.
First time kong nakasakay sa Ordinary Bus na sosyal ang ticketing system. Thermal paper ang gamit! Hanep! Big time! pero manual ung pagsara ng pinto nila. Hehehe
First time kong makasakay sa tricycle na good for 7 passengers.
First time kong mapunta sa Bicutan.
First time kong makapasok sa Rehab.
First time kong maging service team sa CLP Rehab.
At first time kong makipag-usap sa mga tao under rehab.
Eto na naman po ako sa desire ko na maging psych..ano ba..haha!

Sobrang sarap sa pakiramdam nung nangyari. Nung nasa bahay na ako, bigla n lang may narinig ako na, "Satisfied?". Haha! Si Lord nagtanong pa...alam naman Niya ang sagot. Sobra. I'm super satisfied! This weekend is more that what I have expected. I know na maganda kapalit pag nagsacrifice ako. Pero never thought na ung mga matagal ko ng hinihiling kay Lord ay this weekend niya tutuparin. Super surprised ako. Nakakatuwa din na wala na kong nadadamang panghihinayang ngayon. That I can ask them about the trip na walang halong inggit. Dahil siguro mas naniniwala ako sa promise ni Lord..and that promise is..secret! haha!

I believe, it will happen. Basta pag si Lord ang nangako sakin, no doubt na matutupad un. Ibibigay pa ng parang isang regalo na nakabalot sa very special package! Hay, soooo in love na naman.. :)

Wednesday, August 13, 2008

Heart, Don't Change My Mind

A song written by Diane Warren and sung by Diana Ross:

Heart, don't change my mind
Oh, heart be strong this time and try
To help me tell him goodbye
It'll only bring pain for us to stay
Oh, heart it's hard for you I know
Let me, let him go

First time ko siyang napakinggan sa ASAP 08 last Sunday. At obviously, tumatak siya sakin..

Hay, mahirap talaga pag magkaiba ang sinasabi ng puso at ng utak...

Hay...!!!!!!!!!!

Ang hirap pag ung nakakapagpapasaya sa'yo ung nakakapagpalungkot sa'yo!
Ang hirap kapag ung taong nagpapadama sa'yo ng pagmamahal ung nakakasakit sa'yo!
Ang hirap ipaglaban ng bagay na halata namang imposible!
Bibitaw ka ba? Susuko ka ba? Tatanggapin mo lang ba? Hahayaan mo na lang ba?
Ang hirap! Ang hirap! Ang hirap!!!
Magulo! Masakit sa ulo! Nakakapraning!!!!

Hay puso..alam na ni utak ang gagawin...may time din para sayo..ok? Ayos na lahat eh...basta wag ka na muna sanang magrereact...it will bring us pain pag nagreact ka..ok b un?

Sana minsan naman magkasundo sa sinasabi ang puso at ang utak...

Tuesday, August 12, 2008

I'll miss you Mommy Jinks! T_T

Si Mommy Jinky...

One of my SFC Moms...

At naiiyak ako sa tuwing nagsasabi siya samin ng "I will miss you"...

Wala pang one year mula ng makilala ko siya but she already made a big impact in my heart. She inspired me in a different way. Hanep din ang naging service niya.

Nakakatuwa kasi natupad na ung matagal niya ng pinapangarap...ung matagal niya ng hinihiling kay Lord. Di biro ang maghintay ng ten years(?). At the same time nakakalungkot...ewan ko, basta naiiyak ako...

Di ako nagrereply pag tinetext niya ko ngayon. Pakiramdam ko kasi maiiyak lang ako.Hay, basta naiiyak ako pag naiisip ko ung tungkol dito...

I'll miss you Mommy Jinks...may the Lord take care of you always (and I know He will). Sana maging maayos po ang takbo ng work mo. At sana matagpuan mo na ung guy na ihaharap mo samin sa December. Hehe. Alabshu Mommy Jinks...'til we see each other again...*tears*

Some of the Kulitan Moments with my Mommy Jinks:


Household @ Fort Santiago


Singles Weekend Retreat


Sisters' Conference: Princess Diaries


SFC Metro Manila Conference 08

Simple Story of True Love and True Care

A worth-sharing story...

Simple Story of True Love and True Care

I was born in a secluded village on a mountain.
Day by day, my parents plowed the yellow dry soil
with their backs towards the sky.

I have a brother who is 3 years younger than me.
I wanted to buy a handkerchief, which all girls around
me seemed to have. So, one day I stole 50 cents from
my father's drawer. Father had discovered about the
stolen money right away.

He made me and my younger brother kneel against the
wall as he held a bamboo stick in his hand. "Who stole
the money?" he asked. I was stunned, too afraid to talk.
Neither of us admitted to the fault, so he said, "Fine, if
nobody wants to admit, you two should be beaten!"
He lifted up the bamboo stick.

Suddenly, my younger brother gripped father's hand
and said," Dad, I was the one who did it!" The long
stick smacked my brother's back repeatedly.

Father was so angry that he kept on whipping my
brother until he lost his breath. After that, he sat
down on our stone bed and scolded my brother,
"You have learned to steal from your own house now.
What other embarrassing things will you be possibly
doing in the future? You should be beaten to death,
you shameless thief!"

That night, my mother and I hugged my brother. His
body was full of wounds from the beating but he never
shed a single tear.

In the middle of the night, all of sudden, I cried out loudly.
My brother covered my mouth with his little hand and said,
" Sis, now don't cry anymore. Everything has happened."
I still hate myself for not having enough courage to
admit what I did. Years gone by, but the incident still seemed
like it just happened yesterday. I will never forget my brother's
expression when he protected me.

That year, my brother was 8 years old and I was 11 years old.

When my brother was in his last year of secondary
school, he was accepted in an upper secondary school
in the central. At the same time, I was accepted into a
university in the province. That night, father squatted in
the yard, smoking, packet by packet.

I could hear him ask my mother, "Both of our
children, they have good results? very good results?"
Mother wiped off her tears and sighed," What is the
use? How can we possibly finance both of them?"
At that time, my brother walked out, he stood in
front of father and said,"Dad, I don't want to continue my
study anymore, I have read enough books."

Father swung his hand and slapped my brother on his
face. "Why do you have a spirit so damn weak? Even if it
means I have to beg for money on the streets, I will

send you two to school until you have both finished
your study!" And then, he started to knock on every house in the
village to borrow money.

I stuck out my hand as gently as I can to my brother's
swollen face, and told him, "A boy has to continue
his study; If not, he will not be able to overcome this
poverty we are experiencing. "

I, on the other hand, had decided not to further my
study at the university. Nobody knew that on the next day, before dawn, my brother left the house with a few pieces of worn-out
clothes and a few dry beans. He sneaked to my side
of the bed and left a note on my pillow; "Sis, getting
into a university is not easy. I will go find a job and I
will send money to you." I held the note while sitting
on my bed, and cried until I lost my voice.

That year, my brother was 17 years old; I was 20 years old.

With the money father borrowed from the whole village,
and the money my brother earned from carrying cement
on his back at a construction site,finally, I managed to get
to the third year of my study in the university.

One day, while I was studying in my room, my roommate
came in and told me,"There's a villager waiting for you outside!"
Why would there be a villager looking for me? I
walked out, and I saw my brother from afar. His whole body
was covered with dirt, dust, cement and sand. I
asked him, "Why did you not tell my roommate that you are
my brother?"

He replied with a smile," Look at my appearance. What will they
think if they would know that I am your brother? Won't they
laugh at you?"

I felt so touched, and tears filled my eyes. I swept
away dirt and dust from my brother's body. And told
him with a lump in my throat, " I don't care what
people would say! You are my brother no matter what
your appearance is?"

From his pocket, he took out a butterfly hair clip.
He put it on my hair and said, "I saw all the girls in
town are wearing it. So, I think you should also
have one."I could not hold back myself anymore.
I pulled my brother into my arms and cried.

That year, my brother was 20 years old; I was 23
years old.

I noticed that the broken window was repaired the
first time I brought my boyfriend home. The house
was scrubbed cleaned.

After my boyfriend left, I danced like a little girl
in front of my mother, "Mom, you didn't have to
spend so much time cleaning the house!" But she told me
with a smile," It was your brother who went home early to
clean the house. Didn't you see the wound on his hand?
He hurt his hand while he was replacing the window."

I went into my brother's bedroom. Looking at his
thin face, I felt like there are hundreds of needle
pricked in my heart.

I applied some ointment on his wound and put a
bandage on it, "Does it hurt? " I asked him.
"No, it doesn't hurt. You know, when at the
construction site, stones keep falling on my feet .
Even that could not stop me from working."
In the middle of the sentence, he stopped. I turned
my back on him and tears rolled down my face.

That year, my brother was 23 years old; I was 26
years old

After I got married, I lived in the city. Many times
my husband invited my parents to come and live with
us, but they didn't want.

They said, once they left the village,they wouldn't
know what to do. My brother agreed with them. He said,
"Sis, you just take care of your parents-in-law. I will take care
of mom and dad here."

My husband became the director of his factory. We
asked my brother to accept the offer of being the
manager in the maintenance department. But my
brother rejected the offer. He insisted on working as a
repairman instead for a start.

One day, my brother was on the top of a ladder
repairing a cable, when he got electrocuted, and was
sent to the hospital.

My husband and I visited him at the hospital.
Looking at the white gypsum on his leg, I grumbled, "Why did
you reject the offer of being a manager? Managers
won't do something dangerous like that. Now look at
you, You ar suffering a serious injury. Why didn't
you just listen to us?"

With a serious __expression on his face, he defended
his decision, "Think of brother-in-law. He just
became the director, and I being uneducated, and
would become a manager, what kind of rumors would fly
around?"

My husband's eyes filled up with tears, and then I
said, "But you lack in education only because of
me!"

"Why do you talk about the past?" he said and then
he held my hand.

That year, he was 26 years old and I was 29 years
old.

My brother was 30 years old when he married a farmer
girl from the village.

During the wedding reception, the master of
ceremonies asked him, "Who is the one person you respect and
love the most?"

Without even taking a time to think, he answered,"
My sister." He continued by telling a story I could not
even remember.

"When I was in primary school, the school was in a
different village. Everyday, my sister and I would
walk for 2 hours to school and back home. One day, I
lost the other pair of my gloves. My sister gave me
one of hers.

She wore only one glove and she had to walk far.
When we got home, her hands were trembling because of the
cold weather that she could not even hold her
chopsticks. From that day on, I swore that as long
as I live, I would take care of my sister and will
always be good to her."

Applause filled up the room. All guests turned their
attention to me. I found it hard to speak, "In my whole life, the one
I would like to thank most is my brother," And in this
happy occasion,in front of the crowd, tears were
rolling down my face again.

*****

Love and care for the one you love every single day
of your life. You may think what you did is just a
small deed, but to that someone, it may mean a lot.
Have a nice day everyone! May this story inspire you
in any way!

Monday, August 11, 2008

A VERY SPECIAL LOVE

Full of Love ang aking Sabado..

Nag-date muna kami ng aking Nanay sa Megamall. Nanood kami ng A Very Special Love. Some of the lines the tumatak sa isip ko:

"Pag mahal mo, mahal mo. Wala ng kasi, kasi. Wala ng pero, pero."

"Kapag nagmahal ka, kailangan gising ka. Dilat pareho ang dalawang mata." (In short, wag bulag sa pag-ibig. Hehe)

Ito pinakamatindi para sa akin:
"I didn't asked you to love me. Maawa ka nga sa sarili mo!Itigil mo na yan. MAPAPAGOD KA LANG!"

Ehem..Ayun.. Haha! Kinilig ako dun sa movie. Natuwa pa ko kay Sarah. Hehe. Gusto pa sana naming ulitin ni nanay ung movie kaya lang may practice pa kasi ako sa Music Min. Ulitin na lang namin ni Nanay sa susunod. Hihi.

Pero mas kinilig ako sa mga sumunod na nangyari..

Isinama ko si Nanay sa practice namin sa Music Min. Kaya nandun din siya nung nagkaroon kami ng household. At andun din siya buong CLP Orientation. Natuwa lang ako kasi natupad ung wish ko. Ung mapakita ko kay Nanay kung ano bang ginagawa sa SFC at makilala niya na rin ung mga madalas kong ikuwento. Natuwa ako dahil binigay niya talaga sa akin ung time niya para ma-explore ang aking SFC World. At di naman xa nagalit. Di na niya ko tinatanong kung anong ginagawa ko sa SFC..Thanks Lord.. :)

Nakakatuwa din nung Orientation. Feeling ko pati c Lord nagplano para sa CLP namin. Bigla kasing naiba ung venue. At nagkataon naman na ung nilipatan naming venue ay white na ung background sa may stage. Ang ganda tuloy nung plinay na ung video.At napaiyak ako dun sa video. Hihi. Ang colorful talaga ng SFC Life ko. :D

May kainitan din dun sa venue na nilipatan namin. Pero grabe, sobrang GOD WILL PROVIDE! Biglang bumuhos ang ulan, lumakas ang hangin at biglang lumamig ung hall. At everytime na umiinit na sa hall ay biglang lumalakas ang hangin. Kaya lumalamig ung place.

We were blessed with nine participants that night. Tatlo dun ay anak ko sa YFC. And I'm so proud of them! Nakakatuwa dahil andaming pumuntang Service Team. May mga SIGA pa from Don Manuel. Nagperform din ang Soul Movers. At andun din ang aking anak na si Mayla para maging part ng Service Team. Ang sarap lang sa pusong makita sila.

Next Saturday..Talk1 na..sana may mga dumating pang participants..Hay nakakaexcite!

Wednesday, August 6, 2008

A Special Request Turned Miracle!

As I've said from my previous post, humiling ako ng something na kakaiba kay Lord as my YFC Birthday Gift. Just to make my day something unusual. Never thought that it will be granted.

Tapos, tada!!! Kinausap ako bigla ng aking YFC Bebi na si Livy at nagkita din kami kahapon! Sinamahan niya ko hanggang sa paglalakbay ko sa Megamall. Ang saya lang kasi isa si Livy dun sa mga unang batch ng anak ko sa YFCEA. Sila ang bunga ng first ever kong pag-teamhead sa youthcamp. Kaya ang saya! Nakita ko siya kahapon and more than two months n yata kaming di nagkikita. :)

Akala ko un na un. Kaya nasabi ko na, "Lord pauwi na ko..wala ba talagang something more extraordinary?". Demanding na anak. Nyahaha! Tapos biglang naka-receive ako ng text..

"Pupunta ko sa bahay ninyo mamaya ah" -- Tay Russell

Wow!!! Nabigla ako dun! Matapos ang ilang buwan na di pagpapakita ay biglang nagtext ang tay rus ko na pupunta siya samin!ISA ITONG HIMALA!!!!!! hahaha!

Well, si Tay Russell kasi ung naging partner ko nung naging Senior Sister ako ng YFCEA. My 2nd year as YFC. That was school year 2005-2006.Di ko alam kung anong naisipan niya at bigla siyang pumunta ng araw na un sa amin..samantalang di naman niya alam na YFC Birthday ko kahapon.

O ha, hanep talagang magregalo si Lord! Kahit ung taong tipong ipagtitirik ko na sana ng kandila dahil di talaga nagpaparamdam ay biglang sumulpot para lang may surprise ako for that day! Haha! God loves surprises talaga!

I also bought my self an extra gift..pencils and sketchpad! Haha! Yehey magdo-drawing na ulit ako! Sana marunong pa ko...Taon na kasi ang lumipas nung huli akong magdrawing..T_T

Thanks po kahapon Lord ah.. :')

I wonder tuloy kung sinagot na rin ba ni Lord ung isang dasal ko...at di ko lang napapansin...wow, may ganon?? haha!

Tuesday, August 5, 2008

My 4th YFC Birthday

August 6-8, 2004..My YFC Birthday!

Siguro nga dapat di ko na sine-celebrate toh dahil SFC na ko...pero wala lang...masaya lang talaga tong araw na ito para sakin! Because this is the day na tumayo ako and I claimed Jesus as my Savior. Sabi ni Tatay Pakz dati, dapat daw August 7 ko i-celebrate. Dahil un ung araw ng Baptism. Pero ayoko. hehe. Para kasi sakin August 6 pa lang tumayo na ko..tinanggap ko na Siya.. :)

Ganito din ang weather noon..exactly 4 years ago...malamig, maulan. Kaya naging sign of blessing ko ang ulan. Mga taga-Ateneo ang facilitators ko noon. C Ate Ailish at Ate Jo. Pero di na nila ko naaalala. Hehehe. Dito din nabuhay sila Kuya Raki (Rakz), Kuya Mayo (Mei), Kuya Jerry (Cherry), at Kuya Machu (Mayz). Dito rin umusbong ang Champaka Girls. Friendster ung theme nung camp noon. Sosyal ang mga ID. Full Band pa. At ang ganda nung place..sa GSP Novaliches. "Now that You're Near" ung pakiramdam ko theme song ng camp ko. At tamang-tama naman ung lyrics. Basta..after nung camp high na high ako.

Si GG Beth ang nagtanong sakin noon kung gusto ko bang maging AVP for Finance kahit di pa ako officer. I answered YES. Kahit clueless ako kung anong gagawin. Second year college pa lang kami nun. Kaya na-force akong mag-youth camp.Required daw. Never thought na un na ung magiging start ng transition sa buhay ko. Super life-changing talaga. Grabe talaga ang God's plan!

Si GG Beth din ung bumati sakin pagpatak ng 12mn kanina. Na-tats ako. Hihi. Kahapon niya pa ko binabati. Sa iba kasi di big deal ung camp date nila. Pero para sakin big deal un. Hehehe. Gusto ko sanang makita ung mga anak ko sa YFC ngaun. Kaya lang andito ko sa work eh. Di ko alam kung pano ko gagawing special itong araw na ito. Sariling sikap na naman ito siyempre, hehehe. Basta..gusto kong gumawa ng something na kakaiba. Hehe. Waahh!!! Sana may mangyaring kakaiba naman today!!!

Lord, birthday ko..I want a gift..hihihi.. :P Basta Lord, thanks po for coming into my life. Everyday is a special day pag kasama kita.muah! :)

Monday, August 4, 2008

"Pakawalan ung bagay na nakakasakit sa'yo"

"Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit na pinapasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit na lang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."

- quote galing kay Bading

"With patience wait" (Rom. 8:25)

Eto ang mga tumambad sa aking message when I opened my Multiply Inbox. Hay nako..ang sarap mo talagang mang-asar Lord. Bakit ba paborito mo akong asarin? Ang cute mo talaga Lord. Hihi. Tama ba namang ganyan ang ibungad sa akin ng umagang-umaga! Hahaha! Di ko alam kung bakit pero alam ko dapat magdamdam ako ng nabasa ko toh..pero naging kabaliktaran ang reaction ko..natawa lang ako. Nyahehe. Ang kulit kasi.

Di ko na rin maintindihan ang sarili ko. Alam ko sa mga panahong ito dapat nagseselos ako..dapat nasasaktan ako..dapat nagdadamdam ako..may reason ako para makaramdam ng lungkot. Pero ewan ko ba. Mas pinipili ng sarili kong maging masaya at tumawa. Ang labo ko. Sobrang labo na kahit ako di ko maintindihan ang sarili ko.


O baka naman nasanay na ako...na kung kelan nanjan na ung hinihiling mo..biglang pabibitawan sa'yo. Pinasabik lang ba in short. Hehehe. Ung tipong may gusto kang bilin na bagay, mejo rare dahil ang taas ng standards mo tapos pag nakita mo na at kaya mo namang makuha ay biglang nakalagay sa tag prize, "RESERVED" or "SOLD OUT" na. Toinks! Hahaha! Saya saya!

"Pakawalan ung bagay na nakakasakit sa'yo"..uu nga naman..pero ayoko pang pakawalan tong ganitong pakiramdam eh..na-miss ko kasi ung ganitong pakiramdam..haha! adeek! it's been...err..di ko na maalala kung gano na katagal nung huli kong maramdaman toh..haha! Kaya kahit masakit, cge lang..mapapagod din ako..FOR SURE. Wah! Masukista na ba ko? Di pa naman cguro. Hehehe. Enjoy the feeling ika nga ni GG Beth. Nyahehe. Speaking, c GG Beth lang ang cguradong makaka-relate sa entry na toh kung bakit ko nasulat toh. Hehehe.

"With patience wait"..nape-pressure ka na ba sakin Lord? Joke lang po un..Hehehe. Whatever Lord! Mahal pa rin kita kahit nag-aasaran tayo minsan. Tao vs Diyos. Obvious kung sinong panalo. Nyahaha! Mahilig lang akong magpasaway Lord...but still, the desire of my heart is to follow your will. . :)

Pawis. Pagkain. Pagod. Ulan.

As usual, naging super hyperactive n nmn ang weekend ko.

Friday. Badminton Day.
Makaraan ang tatlong buwan ay sa wakas nakapag-badminton ulit ako. Akala ko di na naman ako makakatama ng bola pero ayun..ok naman. Nakakatawa lang talaga minsan kasi kung kelan 100% mo nang binigay ang puwersa mo saka naman..toinks! di ko matatamaan ung bola! Haha! Kulang pa rin ako sa timing. Minsan naman feeling ko nakakatulog ako sa laban. Hahaha! Nakakatuwa lang dahil nananalo naman kami ng ka-partner ko. Ang kailangan lang talaga..MAGALING ANG KA-PARTNER KO. Bwahahaha! Basta ang sarap talagang magpapawis! Ang gaan sa pakiramdam! Nakakawala pa ng stress kasi napupunta dun sa raketa ung stress ko. Hehehe. Un nga lang naulanan ako after magbadminton T_T


Saturday. Music Min Practice and Kuya Iking's Birthday Treat.
August 2, 2008.
Dapat aattend ako ng Poster Making for the Logistics pero sakit talaga ng katawan ko.Kaya di ko nagawang bumangon ng maaga. Kya sa first ever practice ng Music Min ako bumawi. Nakakatawa kasi minsan nagkakamali ako ng pasok sa kanta. Obvious na may lakad ako after nung practice. Nagmamadali. Haha!

After that ay sabay kaming pumunta ni GG Beth sa Skul para katagpuin ang aming mga ka-NERDS. Grabe namiss ko sila ng sobra! Ung kulitan, laglagan, asaran, lahat!

Kumain kami sa Dampa..sa may seaside. Sarap ng foods! Buti n lang seafoods at vegies lahat ng putahe! Hehe. Treat un ni Kuya Iking. At siyempre di pwedeng di kami makiusap na makikipanood kami ng PDA Gala night. Hehehe. Next stop namin ay sa Starbucks Thomas Morato. Dito kanya-kanyang bayad na. Di ako bumili. walang pwede sakin eh.Then final stop namin ay sa bahay nila Kuya Iking. Mukha na kaming mga bangag ng oras na ito. 3am na kasi nun. Pero nagawa pa nilang maglaro. Ang titibay talaga. Tinangka kong matulog kaya lang di nila mapigilan ang emosyon nila habang naglalaro. Sisigaw na nga masisiko pa ko. Kamusta, pano kaya ko makakatulog nun. Hehehe. In short, hinintay ko n lang ang ala-sais para umuwi na kami. Nabasa pa rin ako ng ulan pag-uwi. Haay.


Sunday. Evange Rally.
7am na ko nakauwi samin.Akala ko tuloy ung 8am na rally namin pero di naman pala. Kya un naglaba n lang ako tapos dumiretso na ko sa Fatima. Inulan ung Evange Rally. Di nagawa ung totoong plano. Pero ok lang. Namigay na lang kami ng leaflets at naglakad-lakad ung iba. Natuwa ako nung madaming pumunta. Nagkaroon din kami ng bonding sa waiting shed kami inuulan kami. Hehehe. Ang lamig nga lang talaga. Leeg n lang ung natirang tuyo sakin nung nakauwi ako samin. Kamusta naman un. Hehe.


Walang tulog + Pagod + Basang basa sa ulan = Absent ng Monday.

Hahaha!What do u expect?! Nanginginig buong katawan ko nung Monday morning. Di masaya sa pakiramdam. Mag-isa pa naman ako nun. At that time pa naubusan ng gamot sa bahay. Pagkakataon nga naman talaga. Hehehe.

This week..busy week ulit. Waaahh! Start na ng CLP! Dami ko pang di nagagawa na gagamitin sa Logistics for CLP! Double time!!!!!!!!! Hehehe.

Friday, August 1, 2008

I'm soooo in love! :)

Naeexcite ako..di ko na naman alam kung bakit. Cguro dahil magbabadminton na naman ako after how many months..mapapahiya na naman ako..hahaha! O kaya naman naeexcite ako dahil first practice ng music min bukas..o kaya naman naeexcite ako dahil makikita ko na naman ang mga ka-NERDS ko bukas..bonding moment na naman..o kya naeexcite din ako para sa magiging grand evange rally namin..

ay andami palang reason para makaramdam ako ng excitement..haha!

Pero ang pinaka-nagpaalab siguro ng puso ko ngayon ay ang text ng isa sa aking YFC Daughters:

"Kahit ano pa ung dahilan kung bakit kita naging Mommy basta ikaw ung pinakamamahal kong mommy!"

Na-tats ako..muntik n kong mag-cry cry..hihi. Out of nowhere kasi bigla n lang siyang nagtext sakin ng ganun. Hay sarap naman sa pakiramdam..Hay..thanks Lord for coming into my life..sinama mo pa sila nung dumating k s buhay ko..

Walang tutumbas talaga sa God's blessing...

And I consider them as God's blessing..kaya walang tutumbas sa kanila..

Ang sarap magmahal kahit masakit...
Ok lang masaktan kung para Sa'yo naman..

"You're the reason that I live, the reason that I sing..With All I Am"

"I can't stop falling in love with You..I'll never stop falling in love with You!"

Hay.. I'm soooo in love with you Lord! :)

Ask ko lang po, may lalaki pa po ba dito sa mundo na katulad mong magmahal Lord? Yun kasi standard ko..un nga lang baka tumanda akong dalaga kung hahanapin ko siya..hahaha!