Monday, May 5, 2008

Month-long Celebration Series Part 1: ITMS Outing @ Laguna

Start na ng Month of May! Yiheee!!! This is my month!! The start of my Month-long celebration!=D Most of the events nasa weekends as usual..hehe

To start it all, nag-outing ang aming Department sa Pansol, Laguna. Nagpatak-patak lang kami ng P300.00! kasama na dun ang food, transpo, everything! Sulit no? hehehe. Pero daytrip lang naman kasi dahil nga halos lahat may mga baby na.


As usual, lahat sila kabilang sa foodcom except me! har har! ano ginawa ko? entertainer! hek hek! as in di ko hinayaang lumapag ang mic! parang palagi akong may ready n kanta sa utak ko..may playlist ika nga! hahaha! hanggang motif nung private pool, di ako tinantanan ng color yellow! grabe naman!

grabe sarap ng foods! galing magluto ni Ate Aydz! Tapos ang laki pa nung mga tilapia na sponsored by ever talented Kuya Boy (na kayang kantahin ang My Way ng baliktad ang lyrics) at ung napakasarap na tahong sponsored by Sir Julius and Ma'am Aireen. Sarap din ng pagkakaihaw ni Kuya Ralp ng Liempo, talong, hotdog, at isda. At di rin papahuli ang siomai ni Kuya Eduard! Panalo talaga! Kaya matindi pagkabusog ko nung lunch. hihihi.


After kong magpahid ng sunblock ay kanta uleht ako sa videoke. Pasensya na, hobby ko na talga un eh. hahaha! Tapos ayun na..swim-swim na pool na keber ko ang lalim! Yup! un lang yata ang pool na di ako nasindak sa lalim! Hehehehe..at kahit nasa pool na ko, pakiramdam ko pinagpapawisan pa din ako..kasi ang alinsangan pa rin ng pakiramdam ko.

Siyempre di ko maikukuwento lahat ng naging kulitan namin during our outing..basta super saya siya! As usual, ung mga lalaki na naman kakulitan ko! haha!

Basta ang masaya sa lahat, di ako napainom ng alak! Nyahaha! Labanan talga ng prinsipyo ito! Ayun, kahit one day lang siya, super enjoy naman..


Saka part1 pa lang ito..may part 2 pa! Nyahaha! Nag-aaya boss ko sa Nasugbu Batangas..hihihi..

No comments: