Sunday, May 18, 2008

Rakz as Dancer???

Oh well, before ang outing namin sa Batangas ay matinding preparation muna ang pinagdaanan ko para sa Company Anniversary namin.

Sa maniwala kayo at sa hindi, ehem..kasama ang lola mo sa dance presentation! hihihi..one week din kaming nagpractice..minsan during office hours p kami kung magpractice!

Friday night, May 16, 2008 ang celebration ng company anniversary namin. nakakatuwa ang lahat! Retro na retro ang dating! As in lahat kami naka-costume ng 70's outfit. Pati stage at kung ano2 pa super 70's look talaga! Nangarir n naman kami! hihihi!

Feel n feel tuloy namin ung party lalo na nung sayawan na! As in kumonti ang KJ sa paligid at madami ang nagsayaw sa dance floor. Hehe. Siyempre pagkakataon ko ng ilaglag ang lahat ng stress ko sa katawan nun kaya itinodo ko na! Nyahaha!

Para akong nakainom ng flanax, lipovitan, revicon, at kung ano2 pa ng gabi n un. Akalain mo un, napasama ako sa showdown! hahaha! Kamote talaga! 11 pairs kaming nagkalat dun! i mean nagsayaw! haha! Tapos nasama pa kami sa top 3! hahaha! kakaiba talaga! hahaha! Kahit nalaglag ang dignidad ko, ok lang dahil may cash prize naman! haha!

Basta enjoy talaga ung gabi n un! Parang nasapian ako! Kamote talaga! Hanggang ngayon di p rin nkkmove-on itong mga officemates ko! Hahaha! Pag dito daw kasi sa office parang ang serious naming tingnan pero pag nasa dancefloor na parang nasapian na! hahaha!

(saka na ung mga pics..di ako gumamit ng cam noon eh..=D )

No comments: