Showing posts with label bingob. Show all posts
Showing posts with label bingob. Show all posts

Monday, May 5, 2008

Month-long Celebration Series Part 1: ITMS Outing @ Laguna

Start na ng Month of May! Yiheee!!! This is my month!! The start of my Month-long celebration!=D Most of the events nasa weekends as usual..hehe

To start it all, nag-outing ang aming Department sa Pansol, Laguna. Nagpatak-patak lang kami ng P300.00! kasama na dun ang food, transpo, everything! Sulit no? hehehe. Pero daytrip lang naman kasi dahil nga halos lahat may mga baby na.


As usual, lahat sila kabilang sa foodcom except me! har har! ano ginawa ko? entertainer! hek hek! as in di ko hinayaang lumapag ang mic! parang palagi akong may ready n kanta sa utak ko..may playlist ika nga! hahaha! hanggang motif nung private pool, di ako tinantanan ng color yellow! grabe naman!

grabe sarap ng foods! galing magluto ni Ate Aydz! Tapos ang laki pa nung mga tilapia na sponsored by ever talented Kuya Boy (na kayang kantahin ang My Way ng baliktad ang lyrics) at ung napakasarap na tahong sponsored by Sir Julius and Ma'am Aireen. Sarap din ng pagkakaihaw ni Kuya Ralp ng Liempo, talong, hotdog, at isda. At di rin papahuli ang siomai ni Kuya Eduard! Panalo talaga! Kaya matindi pagkabusog ko nung lunch. hihihi.


After kong magpahid ng sunblock ay kanta uleht ako sa videoke. Pasensya na, hobby ko na talga un eh. hahaha! Tapos ayun na..swim-swim na pool na keber ko ang lalim! Yup! un lang yata ang pool na di ako nasindak sa lalim! Hehehehe..at kahit nasa pool na ko, pakiramdam ko pinagpapawisan pa din ako..kasi ang alinsangan pa rin ng pakiramdam ko.

Siyempre di ko maikukuwento lahat ng naging kulitan namin during our outing..basta super saya siya! As usual, ung mga lalaki na naman kakulitan ko! haha!

Basta ang masaya sa lahat, di ako napainom ng alak! Nyahaha! Labanan talga ng prinsipyo ito! Ayun, kahit one day lang siya, super enjoy naman..


Saka part1 pa lang ito..may part 2 pa! Nyahaha! Nag-aaya boss ko sa Nasugbu Batangas..hihihi..

Sunday, April 27, 2008

I Won! I Won!!!

April 25, 2008. Friday.


May Chapter Prayer's Assembly kami sa SFC. Nalungkot ako kasi di ako makakapunta. May badminton tournament kasi kami. Eh un n lang ung participation ko sa team namin..ang attendance at moral support! Kaya nalungkot tlaga ko..

But God is really good..di niya pinatagal ang kalungkutan ko! Nanalo kami sa Mixed Doubles! Waaahh!! Akalain mo un?? ahaha! Kahit ako di ako makapaniwala! Kaya para akong batang nagtatatalon dun sa court nung nanalo kami ng 2 sets! hahaha! Kamote talaga!

After nun todo support ako sa ibang team mates ko. Samin ung pinaka-maingay na court! Wat do u expect? normal na salita pa lang maingay na ko..what more pag tumili ako? hahaha! Un nga lang natalo..haha!

Tapos it was my night yata talaga..nanalo ako sa raffle ng Badminton Bag! hihi..nakakatuwa talaga! Kaya umuwi akong parang sabog nung gabi n un kahit super pagod na ko..hehehe..


April 26, 2008. Saturday.


Late na ko nakauwi kagabi pero kinailangan kong gumising at bumyahe ng maaga para makipagkita sa High School Family ko sa Malabon. Waaahh!! Namiss ko sila sobra!!! Sayang lang di kumpleto pero ang mga pumunta ay sina:

Pinkylou (Roan)
Star (Kater)
Bading (Jayson)
Cris
Michi
Tsupapet (Raphael)
at ang aking mga kabarkada na sina
Bunny Gel (Angel)
Bed (Melissa)
at Manju (Emerlie)

..10 lang kami pero riot pa din..hihi..

Sa Wildlife kami tumungo at nagkalat ng lagim..dun lang kami kumain ng lunch, nagkulitan, at nagtrip with nature..in short, picture-picture! lagi naman eh! haha! ganito talaga kaming IV-1 family..kahit magkakaiba kami ng barkada, pag nagkasama-sama parang iisang barkada lang..walang nao-op..hehe!

Next naming ginulo ang Trinoma..ayun, kain kain na naman at Videoke!!! yipee!! Di ko na imemention kung anong kasalanan ang ginawa namin dun pero nakarma agad kami..haha!

Pero ang pinaka-panalo sa lahat..andun din pla sa Trinoma ang ultimate crush namin na si MicMic! hahaha! pagkakataon nga naman! saya!! Magi-stalker type nga dapat ako..as in kukuha ako ng stolen shot nya (uu..desperado na kami ni bading! kalimutan kung ano mang title ang hawak ko ngaun!haha!) kaya lang nanginginig talaga ko pag nakikita siya..haha! kya di ko nagawa..hihihi..

Ansayang makasama muli ang aking minamahal na IV-1..sana maulit ang ganitong events..=D

After this get together ay diretso ako sa CLP ng SFC Fatima 2 Unit 2..mejo windang na ko sa pagod..as in inaantok na ang lola mo..kaya habang nasa biyahe eh kumukuha na ko ng moment para makatulog..bwahaha!

Thursday, March 6, 2008

RAKZ AS BADMINTON PLAYER???

Ahahay! OO! As Badminton Player! Kamote! Nyahaha!

Si Sir Julius kasi (Boss ko) ipinalista pala ko sa list ng mga maglalaro ng Badminton para dito sa company namin. KAMUSTA NAMAN???? Wala akong kaalam-alam! At one of the fears ko talaga ung may lumilipad na bola! Ahaha! At kung sino man ang nakakakilala sakin since childhood, alam na hindi ako mahilig sa sports! As in iwas talaga ko sa sports. Kumbaga pag tinatanong sa slumbook ang fave sports, ang sagot ko palagi ay NONE. Kamote talaga!

Nwei, sige try ko lang..May magtuturo naman daw eh. Malay natin magustuhan ko. Saka para sa ikabubuti ko naman un physically. Para naman lumakas ang pangangatawan ko (Puro positive effects n lang talaga ang iniisip ko para lang maglaro ako. Un un! Haha!). Saka free naman ang pagtuturo at training. Haha!Gusto ko ngang magpiktyur-piktyur dun eh..kaya lang nakakahiya. Hahaha!

March 6, 2008. Thursday. This was my first training day. Dapat nung Tuesday pa ko nag-start kya lang di ako prepared nun. Ayun..first day of training..nagkalat ang lola mo. Hahaha! Pag-serve n lang di ko pa magawa! Nyahaha! Kamote talaga! Pero tinuruan naman ako ng pag-serve. Sinong trainor ko? Ung 2nd placer lang naman sa World Tournament noong taong 1990 something. Bwahahahaha! Big Time ang Trainor! Napressure ako! Nakalimutan ko name niya. Basta alam ko Indonesian siya. Itago n lang natin siya sa pangalang 'Ms. M' (alam ko kasi sa letter M nagi-start name niya.Hehehe). Oras yata ang inabot maturuan lang ako sa pag-serve! Ilang shuttlecock din yata ang natanggalan ng balahibo! Hahaha! Pero ambait ni Ms. M..naiintindihan niya na..andaming mangmang at walang alam sa mundo! Isa na ko dun! Hahaha! Ayun, di niya ko tinigilan hanggat di sunod-sunod na maganda ang lipad ng bola.

Next na itinuro ung smash b un? Ung pagtira. Un nga lang di ko nagawa ng maayos dahil sakit n talaga ng braso ko. Di naman kasi talaga sanay ang lola mo sa ganun! Pagbuhat nga ng mga pamangkin ko di ko matagalan eh! Hahaha! Pinapabalik nila ako next week. Napansin yata nilang matinding training ang kailangan ko! Hahaha! Cge go lang ako! After nilang umalis ay nakipaglaro ako dun sa ibang officemates ko (lakas ng loob!). Pero nakakatuwa naman at nakakapalo at nakakahabol ako sa shuttlecock. Hehehe. Sarap magpapawis!!

Anong lesson dito sa post ko? GET OUT OF YOUR COMFORT ZONE! Wala namang masama to experience new things..new challenges..basta alam mong ikakaimprove ng sarili mo. Hehehe. Tama na ang pagiging playing safe. Hehehe. Saka effective din pala talaga ang sports para matanggal ang stress sa katawan mo. Kung bitter ka, ipalo mo lang yan! Kung nanunuot ang stress sa katawan mo, hayaan mo lang lumabas sa pamamagitan ng pawis yan! Hehehe.

Answered prayer n rin siya para sakin..palagi ko kasing nirereklamo na ayokong nasa office lang at nakaupo. Kaya ayan..parang sinabi tuloy ni Papa Jesus na 'Ayan, maglaro ka!' Nyahaha! Masaya naman ung naging training..un nga lang sakit ng braso ko ngayon.paghawak lang ng ballpen nahihirapan pa ko. Hahahha! Pero ok lang..masaya naman.. =D

Thursday, January 24, 2008

This is the Moment! Regular na ko!! waahh!!

...This is the moment when all I’ve done
When all the dreamin’, schemin’ and screaming become one
This is the day, see it sparkle and shine
When all I’ve lived for becomes mine...

WaaahhH!! Korak!! This is my day! This is my moment! This is my week! Hahaha!

rakz: hi g
rakz:
gg beth: hello
gg beth: masaya ka ngaun ah..=)
rakz: di naman..
rakz: steady lang
rakz: haha

Napansin ni Beth ang aking kasiyahan this morning..kung ako tatanungin di ko din alam kung bakit. haha! Basta parang masaya lang pakiramdam ko..After kong magsasagot sa mga survey ng friendster ay biglang dumating ang letter of notice sakin.

Gosh! Personnel Action Notice!! Regular na ako!!!!!!!! waaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!!!! Kung pwede lang lagyan ng special effects ang moment na yun ay naku ang epeks ay ung tipong magfofocus ung camera dun sa papel at dahan-dahang hihinto sa pag-ikot ang mundo at laglag panga na lang ako! hahaha! Grabe nanlamig na naman ako that time! Pinirmahan ko ung receiving copy with matching panlalamig pa ng kamay! haha! Pero siyempre demure pa rin ang itsura ng lola mo..di dapat pahalata na excited at gustong magtatalon sa tuwa. Hahaha! January 19, 2008 kc tlaga ung araw na 6 months na ko dito sa office.

Ito ang araw na bawal ang mga senti at emo songs sa playlist ko! Puro dance, rock, praise and worship songs ang pinapatugtog ko! Nyahaha! Ang weird kc tlaga ng araw na to... nung sumasagot kasi ako ng friendster surveys knina, may question dun.. about latest concern or gumugulo sa isip ko ngayon..aba himala sa mga himala! wala akong naisagot! totoo ba to?!?!?! is this a dream?? hahaha! Pilit kong inisip kung ano mabigat kong problema ngayon..la talaga kong maisip! Kaya siguro nagkakasakit ako..kasi wala akong problema! Hahaha! O baka naman nasanay na ko sa mabibigat na problema kaya wala na kong pakiramdam ngayon. Or sanay na din ako sa single life kaya di ko na pinoproblema ang lablayp na yan! Kahit anong reasons p yan, saka ko na iisipin yan at basta ko masaya ko ngayon! yiheee! Kinikilig ako sa tuwa!

Nga pala, napadaan ako sa blog ni Kookoo..natuwa lang ako dun sa shinare niya na link..pampasaya talaga ng araw ung post na un kaya share ko na din..here's the link:

(top 10 ugali ng mga babae kapag inlove)
nakakatawa din ung kuwento niya tungkol sa mga search entries sa blog niya. haha!

una sa lahat..nadiskubre ko na babae pala ko kahit papano..hahaha! akala ko kasi bading ako eh..=p

pangalawa, nagpapakita pala ako ng 'signs' na inlove ako..well, yes i'm in love..but not romantic love. Marami lang talaga akong minamahal na pwends and babies sa yfc..at feel ko lang talagang magpaka-kikay ngayon..kumikita na eh.hahaha!