Sunday, April 27, 2008

The Royal Gathering


SFC She's All That: Princess Diaries

Honestly speaking..wala akong balak umattend ng event na ito..sabi ko nga sa SFC sis ko na si Mimi, pag nag-reg ako n walang kasamang lunch, di talaga pupunta..Ganun ako di ka-desperadong pumunta. Bad no? Pero may dramang 'I feel empty' n naman kasi ako ng mga panahong un.

Pero dahil sa aking pagpunta sa CLP last Saturday, nasabi nga sakin ni Mommy Aysa na binebenta niya ung slot nya. May kasama na daw lunch un. Nyeks! wala akong ligtas! Again, no reason na ako para di pumunta..God's plan na naman ito??

Sa Meriam College ang venue. Entrance pa lang sa Auditorium bonggacious agad! May bubble-effect! kaya tuwang-tuwa na naman ako..hihi!

Astehg nung mga speakers and sharers..nakakatuwa sila! At naidikdik talaga nila sa isip namin na we are God's Princesses! Nakakatuwa din ung mga presentations..pati kits nakakatuwa. Pink na pink! kaya lalong masaya ang spoiled brat ni Lord! haha!

Sobrang naremind lang sakin kung gaano ako ka-precious as God's daughter..para kasing nakakalimutan ko ng babae ako minsan eh..dahil sa sobrang pagka-comfortable ko s mga brothers. Basta..andami kong natutunan! I got to have a chance to dance with my King again! Super nakakakilig talaga ung event na un! Parang pinaka-point kasi nung Conference is let yourself be romanced by God.

At dito ko pinaka-kinilig..

Meron kasing kasama sa kit namin na diary..Before matapos ung Conference (Talk4 na ata nun)..sinagutan ko ung diary. Tapos may tanong dun na:

The most romantic thing I would like done to me is ___________________

Then I answered: BY SURPRISING ME.

After I wrote that, as in matatapos na din kasi ung conference, biglang dumating ung mga Coordinators..Lahat kami may free crown! waaahhh!!! Sabay ng paglaki ng mata ko ay ang panlalamig ko at pagtalon ng puso ko!

Bakit ganun ako kasaya?

Eversince kasi..as in mula childhood, I want to be a princess! Hanggang College ganun ako..at talagang gusto kong makapagsuot ng crown..pero parang di ko feel suotin ung crown na ako ang bumili..gusto ko may magbibigay sakin..Tapos ilang beses akong nagself-confessed na God's princess ako..aun..pakiramdam ko binigay siya sakin ni God..hihi!


Grabe..God really knows every desires of my heart! As in feeling ko prinsesa talaga ako nun..uu tunog-pambata ang sinasabi ko ngaun pero ang saya ko talaga that time! Ang sarap sa pakiramdam na lahat ng nakikita mo ay may crown tapos all of u are worshipping God! Saya di b?? Grabe ang sarap sa pakiramdam! Parang royal gathering of God's Princesses! What a surprise talaga! And I hear Jesus laughed again..saya-saya!!!

After that, nagpunta kaming mga prinsesa (Beth, Mommy Jinky, Ate Mith, Ate Pau, Ate Lyka, at Mimi) sa UP Diliman para kumain ng ISAW. bwahahahaha! Balik kami sa totoong buhay..hihi..Mejo nakadami kami ng isaw..at kakaiba din ang kapangyarihan ni Ate Lyka ng mga oras na un..parang adeek lang. hahaha! Actually pare-parehong kaming mga adeek nun..parang sabog..pero iba tlaga ung kay Ate Lyka at Ate Mith! Mga bigla kung mag-aya! Pero super saya nung gabi na un..Bonding time with my fellow princesses..=D



P.S.

God surprised me again this morning..akalain mo un, nakita ko dito sa building namin ang aking ultimate crush?!?!? Grabee ang saya!!!!!!! Kahit na sa kabilang elevator dapat ako sasakay ay dun ako sa elevator kung san siya sasakay sumakay (ano daw?puro sakay..!haha!basta uN!)..kaya nakatabi ko siya sa elevator at napagmasdan ang mukhang gift sa kanya ni God. hihihi. Ayun nanginig at nanlamig na naman ang prinsesa! haha! Ang dandang start ng week at araw! yiheee!!!

I Won! I Won!!!

April 25, 2008. Friday.


May Chapter Prayer's Assembly kami sa SFC. Nalungkot ako kasi di ako makakapunta. May badminton tournament kasi kami. Eh un n lang ung participation ko sa team namin..ang attendance at moral support! Kaya nalungkot tlaga ko..

But God is really good..di niya pinatagal ang kalungkutan ko! Nanalo kami sa Mixed Doubles! Waaahh!! Akalain mo un?? ahaha! Kahit ako di ako makapaniwala! Kaya para akong batang nagtatatalon dun sa court nung nanalo kami ng 2 sets! hahaha! Kamote talaga!

After nun todo support ako sa ibang team mates ko. Samin ung pinaka-maingay na court! Wat do u expect? normal na salita pa lang maingay na ko..what more pag tumili ako? hahaha! Un nga lang natalo..haha!

Tapos it was my night yata talaga..nanalo ako sa raffle ng Badminton Bag! hihi..nakakatuwa talaga! Kaya umuwi akong parang sabog nung gabi n un kahit super pagod na ko..hehehe..


April 26, 2008. Saturday.


Late na ko nakauwi kagabi pero kinailangan kong gumising at bumyahe ng maaga para makipagkita sa High School Family ko sa Malabon. Waaahh!! Namiss ko sila sobra!!! Sayang lang di kumpleto pero ang mga pumunta ay sina:

Pinkylou (Roan)
Star (Kater)
Bading (Jayson)
Cris
Michi
Tsupapet (Raphael)
at ang aking mga kabarkada na sina
Bunny Gel (Angel)
Bed (Melissa)
at Manju (Emerlie)

..10 lang kami pero riot pa din..hihi..

Sa Wildlife kami tumungo at nagkalat ng lagim..dun lang kami kumain ng lunch, nagkulitan, at nagtrip with nature..in short, picture-picture! lagi naman eh! haha! ganito talaga kaming IV-1 family..kahit magkakaiba kami ng barkada, pag nagkasama-sama parang iisang barkada lang..walang nao-op..hehe!

Next naming ginulo ang Trinoma..ayun, kain kain na naman at Videoke!!! yipee!! Di ko na imemention kung anong kasalanan ang ginawa namin dun pero nakarma agad kami..haha!

Pero ang pinaka-panalo sa lahat..andun din pla sa Trinoma ang ultimate crush namin na si MicMic! hahaha! pagkakataon nga naman! saya!! Magi-stalker type nga dapat ako..as in kukuha ako ng stolen shot nya (uu..desperado na kami ni bading! kalimutan kung ano mang title ang hawak ko ngaun!haha!) kaya lang nanginginig talaga ko pag nakikita siya..haha! kya di ko nagawa..hihihi..

Ansayang makasama muli ang aking minamahal na IV-1..sana maulit ang ganitong events..=D

After this get together ay diretso ako sa CLP ng SFC Fatima 2 Unit 2..mejo windang na ko sa pagod..as in inaantok na ang lola mo..kaya habang nasa biyahe eh kumukuha na ko ng moment para makatulog..bwahaha!

Friday, April 25, 2008

Sino ako?!?!

Napansin ko lang..unti-unti ng umiigsi ang blog posts ko..at di n ganong kadalas..ako ba toh???ahahaha..

nwei..

ang isheshare ko ay tungkol sa iba't ibang papel ko sa buhay ngaun..

sa bahay, i'm the precious daughter
-the breadwinner of the family ang drama! the ultimate tita sa mga minamahal kong pamangkin!

sa YFC, i'm the mama!
- as in parang kadugtong na ng name ko ung salitang 'mama'..hihihi..pero ok lang, I love them naman with all my heart!

sa SFC,i'm a bro!
- korek! i'm a bro pag nasa SFC ako! ewan ko ba dun s mga un..bro ang tawag sakin nung mga bro..ahaha! ang kuleht! pero ok lang un..sarap naman silang kakulitan eh..pero siyempre labs ko din ang mga sis ko dun =)

sa office, i'm a baby!
- baby bro! ahaha! uu hanggang dito s office considered as one of the guys pa rin ako..hmp! pero nakakatuwa lang kasi pampered na pampered ako..hihihi! mejo spoiled n nga ata ako eh..ako paboritong asarin ng mga kuya ko dito..nyahehe

pero siyempre, all the time, i'm a CERTIFIED GOD'S PRINCESS!
-haha! dito talagang palagi akong spoiled kay God! yihee! well..ganun talaga..hahaha!

aun lang..la pa din ako sa mood magkuwento ng matindi ngaun eh..hehe..

have a happy weekend!!!

Pamatay Oras

Yihee!!! Weekend na naman! Grabe fully packed na naman ang aking weekend..hanggang next week di ko mawari kung anong uunahin kong puntahan..ahihi..

help me to decide Lord..=D

Mga nakahilerang gagawin/pupuntahan dapat:
April 26 - High School picnic (Whole day)
April 26 - c01 swimming (Whole day)
April 26 - Worship Workshop (4pm)
April 26 - SFC Fatima Unit 2 CLP Talk 3 (7pm)
April 27 - SFC She's All That (Whole day)

yan na lang muna..ibang post n lang ung para sa May 3 at 4..nagkakagulo din sked dun eh.hahaha! Grabeeeeee.....

anu nga bang nangyari sakin dis week??

ayun nakipag-date sa aking mga anak..badminton tournament..nagpresent ng system dito sa office..

mejo exhausting..nakakanerbiyos..nakakagulo ng isip..pero ok p naman..exciting nga eh! ahaha! mas nawiwindang ako pag normal ang takbo ng araw ko..nyahehe!

nakakatuwa pero mejo kakaiba sa pakiramdam..andaming bumebeybi sakin ngaun..lalo na dito sa office..ahihi..

Eto pamatay-oras lang:
1.Have you ever said, you'll never love again?
- yup. before I became YFC..

2.Is there anything bothering you right now?
- yes..

3.Is there something you wanna let go of?
- yup..and that is thinking too much!

4.Do the old songs you had in your past really remind you of the memories?
- of course!

5.How important is trust??
- SUPER IMPORTANT

6.How do you forget someone?
- I believe that I'll never forget someone by keeping myself busy..it's kinda fool to do..because u know that after all, you'll end up thinking about that person again. I think the better way is to ACCEPT AND FORGIVE?

7.Is crying a sign of weakness?
- of course not!

8.Do you always regret?
- nope..and never will I..

9.What will you do if you're stuck in the elevator with someone you don't like?
- nothing

10.Have you ever wanted someone but you can’t have him/her?
- yes..

11.Have you ever said 'I love you' but you lied?
- never!

12.Would you ever want to go back in the past?
- no..pero kung keber..y not? ahaha!

14.Is waiting ever okay?
- it depends..if the person or thing is worth waiting for..y not? =D

14.Right now, where do you wanna be?
- in our home..play with my nephews and sleep!

15. When is enough, enough?
- when you know you've done ur part..

16. What are you so sick and tired of?
- programming..? hahaha!

17.What made you smile today?
- those things that touched my heart =)

18.Is looking good important?
- maybe..but for me the best term is 'presentable' =D

19. Do you listen to love songs when you’re down?
- no..it depends on my mood..

20.What are you thankful for?
- God's love. I felt that I'm very precious because of His everlasting, unfailing, and pure love!

21. Do you believe in forever?
- yes

22. What are your plans for the weekend?
- attend all the gatherings that I can afford to attend! =P

23.Do you say sorry first?
- if I know that I'm the one with greater fault..yes..

24.Do you believe that married couples should still go out on a date?
- yup..I think it's important..=P

25.Has someone promised you something and broke it?
- yes.. many times!

Tuesday, April 22, 2008

So Long YFCEA..T_T

Tapos na ang Step Up Youth camp!

Super saya..
Super inspiring..
super memorable..
super nakakatouch ng puso..

Support from other school:
Nick,Otep,Xena, Jason

Service Team:
Champ,Acey,Monic,Jhem,Ellie,KC,Emman Tangkad,King,Ced,Istiben,Livy,Harris,Emman trauma,Sir cris,Kaye Anne,Owen,Jhec,Meymey,Dax,Renz,Beth,Tay Fello,Kambal,Maylabz

New Babies:
Charmaine,Carol,Joyce,TJ,Jep,Win,Tiamps,Titz,Glenn

I saw how my babies grow in serving God..super kakaiba sila nung camp..tingnan ko pa lang sila naiiyak na ko..I witnessed how they let God conquered their heart.

When I delivered my talk, I saw and felt that the new babies will stand for God..nadama ko na they're ready to serve God whole-heartedly..may ilan nga lang mukhang magla-lilo..

Naka-1to1 ko din si kambal at sir cris..dun pa lang sumaya na ang puso ko..bihira ko n kasi silang makausap..spoiled tlga ko kay God..tinupad n naman niya hiling ko in an instant..

Dumating n ang third day..ang huling araw ng camp..ganap na YFC na ang 9 na bibong participants namin. After talk5 ay nilaro namin ulit ung tatak-yfcea na game namin..ung "who's who" (di talaga namin alam kung anong title ng game na ito) basta aun..ung ibibgay mo ung paper na may definition na sa tingin mong siya ung angkop dun sa definition na nasa paper. Nabigla lang ako nung andami kong nakuha na "YFC"..akalain mo un..nakainspire pala ko ng tao..ahaha!

Pero seriously..natouch ako..naiyak..at kinuha ko n din ung time n un para magpaalam sa kanila..

part na ng buhay ko ang YFC..di ko na nga tinuturing na org ang YFC..pamilya na ang turing ko sa kanila..ang aking mga anak at kapatid..kaya ganun n lang kahirap para sakin ang bitawan sila..

pagbitaw na hindi ibig sabihin ay pag-iwan..kundi pagbawas lamang ng oras at atensyon..para mas matutong tumayo sa sarili nilang mga paa ang mga anak ko..mas matuto silang lumaban na si Kristo ang kinakapitan..at panahon na rin para SFC naman ang bigyan ko ng atensyon..kailangan ko na ding mag-STEP UP.Naging comfort zone ko na din kasi ang YFC..and I need to go out of my comfort zone para mag-grow at mas matuto..

Salamat sa lahat ng nagmahal at nagtiwala sakin..
Salamat dahil kahit madami akong nasaktan sa inyo ipinadama niyo pa din ung respeto niyo sakin..
salamat sa pagtayo para kay Kristo..
salamat dahil isa kayo sa dahilan para maramdaman ko ung purpose ko sa buhay..
salamat sa di pag-iwan..
salamat...
salamat...

I will be ur forever mama rakz..andito lang ako palagi..I'll always be ur prayer warrior..

Mamimiss ko kayong lahat ng babies ko..T_T

For me, the difference of "so long" and "goodbye" is..sa goodbye,paalam na talaga..sa so long, pansamantala lang akong mawawala pero babalik pa..may pag-asa pang muling magkita at magkasama..

kaya..

SO LONG YFCEA! Mahal ko kayo sobra!! Hanggang sa muli!!!

Friday, April 18, 2008

sana bumalik na si rakz..

nitong mga nakaraang araw..andaming gumugulo sa isip ko..

deadline..talk sa youth camp..badminton tournament..financial problem..

pero siyempre I still manage to SMILE and PRETEND that everything's ok. I need to focus my mind on what I'm doing and take one at a time..

tanggap ko na ung mga pressure na pinili kong idagdag sa buhay ko..

but still andun p din ung feeling n malungkot. ewan ko. basta nalulungkot ako.alam ko naman sa sarili ko na masaya ako pero..wala naman akong reason para maging malungkot. pero ang lungkot ng pakiramdam ko..ambigat sa puso..

Repentance, Faith, Healing, Forgiveness - yan ang ito-talk ko sa youthcamp this weekend. napagdaanan ko naman ito. sabi ng iba baka kinakabahan lang daw ako..di ko alam..di ko sure..I'm just praying na sana GOd will use me to say His message to the participants.

Hay parang nasasapian n naman ako..naiiyak na naman ako..

nawawala si rakz..si rakz n kayang pagsabayin ang pagiging tough-lover at pagiging tender-lover..last week ko p nararamdaman toh..as in parang napagod akong maglambing..parang ayokong maglambing kahit kanino ngayon. naglalambing ako pero sa pangungulit lang. Hindi ung lambing talaga na gusto kong ipakilala ung sarili ko. Parang gusto kong ilayo ung sarili ko sa mga tao na hindi halata..

am I spiritually dry? baka nga..

kung kelan gusto kong mapag-isa saka naman ihaharap ako sa pagkakataon na kailangan kong makihalubilo sa maraming tao..oo sa youth camp un..I've decided na it will be the last activity in YFC that I will be active..tapos sa SFC na talaga ko magfofocus..I want these coming days to be special, meaningful and memorable..

Sana malaman ko na kung saan nanggagaling tong kalungkutan ko na to..Sure akong di ko nasasagap ang aura ng ibang tao ngaun. Sure akong sakin to..sakin nanggagaling tong kalungkutan n nararamdaman ko na kailangan kong alamin kung bakit..

iko-consider ko ba ang sarili kong isang emo ngaun? ayoko..parang hindi naman..nahihiya ako kay Papa Jesus pag nagpaka-emo ako..kasi nga wala naman akong reason para maging malungkot..He gave me overflowing blessings everyday..

but i just felt that I'm so weak..ang gusto ko n lang gawin ay kumapit s Kaniya at mahiga sa kandungan niya..umiyak sa kandungan niya pansamantala..

tama..kailangan ko lang sigurong irestart ang sarili ko with Christ..

pero promise..naiiyak na ko..bakit ba wala man lang nagtatangkang umalok sakin ng 1-to-1..hay..

Sunday, April 13, 2008

"God will provide!"

Bago ang main event/story..eto muna ang mga panimulang kuwento. Hehehe

Friday night, after magbadminton training ay pumunta kami sa Pelangi. Treat daw ni Ate Nova, our former Sys Admin sa office. Na-shock ako dun sa sinabi nilang 'Wet&Wild'..ang sarap dagdagan ng damit nung mga babae! Hehehe. Ung mga kanta pa naman ay ung mga kantang karaniwang pinapatugtog ko dito sa office. Feeling ko nasalaula ung mga kanta. Hahaha! Kaya lumantak n lang ako ng mga pagkain at nagpakalunod sa ICED TEA. Hehehe.

Sa CLP naman ng Unit 2 nasabi sakin ni Mommy Mich na naurong ang SWR. Yipeeee!!! One down! Hahaha! Super natuwa ako sa balita na un ni Mommy! Tapos ang ganda pa nung talk nung speaker..about God's Love. Super na-emphasize para sakin ung Tender-loving God at Tough Lover God. Basta ang saya!!!

Eto na main story..ang Household-Fellowship namin sa Danara Hotel. Di ko alam kung bakit apat na lang kaming natirang pumunta dun pero super ok pa rin!

GOD WILL PROVIDE.

Yan ang motto namin for the day. Haha! Nung dumating kasi kami dun nila Karen at Chantelle, di namin napaghandaan ang food. Super mahal kasi nung nasa menu nila. Coke in can lang 40 pesos agad. Ano un may kasamang bracelet???ahaha. Kaya dasal kami ng dasal para sa grasya na abot-kaya naman namin. Inom muna kami ng tubig..and it's free. Tapos naglakad-lakad si Karen. Ayun, nakakita siya ng Sari-sari store type na tindahan n may mga murang foods! Yehey!!! In just 109 pesos meron n kaming 3 rice, 1 order ng pinakbet, 1 embutido, at 1 giniling with 1 C2! O da ba?!?


Nakakatuwa pa ung story nung sunblock. Kasi isang sachet lang ung binili ko. Naghati-hati pa kaming tatlo dun! Pero nakapagtataka lang. Parang andami na naming nailagay sa katawan namin pero parang di pa rin nauubos ung laman nun. May natira pa nga para kay Bjoy eh. haha. Lupeht talaga!

Lumangoy langoy muna kami habang hinihintay si Mommy Mich. As usual, taong sagigilid ako..Di ko naman kasi keber ang lumangoy. Hehehe. Pero tinuruan naman ako ni Karenina kung pano lumangoy ng umaandar..un bang umaalis sa puwesto? ahaha! Tapos ayan na dumating na si Bjoy! Na ang kuya ay lifeguard pero siya di marunong lumangoy! ahaha! Magkakaiba talaga ang talent ng magkakapatid!

3pm na pero wala pa din si Mommy. Kaya kami-kami na lang ang nag-hh. I got to know them more and deeper than before. Nakakatuwa!!! Daming concerns pero ok pa rin naman. I really saw that they let God work in their life. Ayun..ang saya =)


After ng hh ay swimming ulit kami. NO GUTS NO GLORY! NO PAIN NO GAIN! yan naman ang motto namin pag nasa pool para matutong lumangoy. Personally I've learned to conquer my fear in opening my eyes sa water. Haha! At natuto din akong kumalma pag nasa tubig na. C Chants namin na-conquer n niya ung fear niya sa paglangoy sa malalim na part. O di ba? Pool-centered at Christ-centered ang fellowship namin! ahaha!


Magvi-videoke pa dapat kami after magswimming. Naglakad-lakad..Kaya lang sarado pa ung mga place. o Kya naman super mahal. Kaya kumain na lang kami (Na naman???). Sa Mister Kabab dapat kya lang daming tao. Ayun, sa chubby na bubuyog (Jolibee) pa rin ang bagsak namin. Hehehe.

Nakakatuwa talaga ung experience namin! Nkabuo nga kami ng execom eh:
Finance - Karenina
Docu - Cherry
Evange - rakz
Special Project (Logistics) - Bjoy
at
Medic(Kapalit ng socpol) - Chants

ala lang..dun lumabas ung mga talent namin eh. ahaha! Next target namin ay ang La Mesa Ecopark! Nature trip naman! Kung sino man ang gustong sumama..sabihin nyo lang. Ung mga madaming dahilan, e di wag! ahaha! Basta kami tuloy kami! sa Mayo naman ung trip namin dun. Hehehe.

God bless!!!

Tuesday, April 8, 2008

Dito ba?..oh..Dito ba??

Hayun nga..di ako nakasama sa ILC..pero astehg lang talagang bumawi ni God..hehe..

Puro SFC activities kasi ang ipinalit niya..ansaya sa puso!!! Ewan ko ba pero parang ang saya-saya ng puso ko pag nakakasama ko ung mga ka-sfc ko. Hehehe. Nakakatuwa pa nung Sunday kasi natalo na ung record namin sa YFC sa pinakamatagal na HH. Inabot kasi kami ng whole day nung Household namin kila Karen. Ang sasarap p ng food namin. Ahihi! Kahit nosebleed ung topic ay kinaya naman namin..mas nakilala din namin ang isa't isa dahil sa mga nakakabaliw naming sharing. Hehehe.

Basta naging masaya ang weekend ko. Monday kasi nagpahinga lang ako sa apartment.

Un nga lang ng dumating na ang araw ng Tuesday..ayan na..sumakit na ang ulo ko..5 events na sabay-sabay ba naman ang kailangan kong pag-isipang puntahan:

High School Reunion/Outing: April 19
Youth Camp: April 18-20
Single Weekend Retreat: April 19-20
Company Outing: April 19-20
Family Outing: April 20

oha,san k p??Shocking Moment!Siyempre lahat yan importante sa buhay ko..pero..kailangan ko talagang bitawan ung iba..di ko naman kasi pwedeng puntahan lahat at di kakayanin ng oras at bulsa ko! Hehehe..

Kaya..bahala na..hayz..
Lead Me Lord!!!

Friday, April 4, 2008

KAKAIBA TALAGA SI LORD!..ILC

Nakakatuwa lang..

Di ako nakasama ng ILC..masakit sa loob..pero masaya sa pakiramdam..Kasi pakiramdam ko nakatulong ako dun sa mga YFC na gustong makasama sa ILC..

Parang God's plan talaga..natapat ung araw ng sahod ko sa araw ng ILC..so mejo nakatulong ako financially..pero utang un ah..hehe..

Mejo malungkot sa pakiramdam ung paggive-up ko dun sa pagpunta sa event n un..but still, agad pinalitan ni God..may event kami sa Saturday sa SFC..na alam ni God na masaya akong makasama cla..at sa Sunday naman makikipagkita ako sa ka-YFC ko na kumare ko pa na matagal ko ng di nakikita...pag nagkataon Household din namin..tapos dahil sa di ko pagsama ay nakapagpa-reserve ako ng ticket para sa concert ng Hillsong United. Mejo nagkakaubusan na kasi..

hay..kinikilig tuloy ako sa love ni God..puro blessing..palagi Niya kong tinuturuan n maglet-go..tapos pinapalitan Niya din agad kahit di ko naman hinihiling..sweet di ba?

naiiyak tuloy ako..thank u po Papa Jesus..

may sariling version tuloy ako ng ILC..

In Love with Christ

pwede ding

I Love you Christ!

hehehe..ang mushy...alabshu po!!!!

Wednesday, April 2, 2008

Ano na???

Antagal n walang update nung blog ko ah..hayz..ano2 n nga bang nangyari sakin?

Nung friday(March28) nakipagkita ulit ako kay clint para sabay kaming lumantak ng aking fave na Chocolate Temptation sa Crepes and Cream. Yummy!

Sat(March29) Biglaan akong nagpunta s skul. HH daw kasi na ako lang naman ang sumipot..tama ba naman un??? Nwei, at least nakita at nakausap ko ang mga anak ko sa YFC. Mejo masama na pakiramdam ko ng mga araw na ito.

Sunday(March30) wala akong tulog. Di kasi ako makatulog sa di malamang kadahilanan. Kaya ayun, pumunta ako sa evange rally ng SFC Fatima Unit 2 n mejo sabog. Pero umalis din ako agad. Talk2 kasi ako sa YFCEA Covenant sa may CCP daw. Ayun..ok naman..mas nakilala ko ung new babies. Tapos back to Fatima ulit ako. Dun kasi ang meeting place para sa pagpunta sa Revolt Concert. Pero sabay muna kaming nagsimba ng sis ko sa SFC na si Mimi. Nkktuwa ung misa. Children's mass pala un. ahaha. sarap nilang pakinggan! Tapos ayun..nakipagkita na kami sa ibang ka-sfc namin. Diretso na kaming revolt.

REVOLT. Ang ganda nung concert! As in damang-dama mo na they're doing it for God's Glory! Sharing the talents! Ahahay! Dami ding umattend na taga-unit namin. Ang saya! Andun din c Kuya Eduard at JM..mga bisita namin ni GG Beth. Hehe. Pero nanginginig n tlaga katawan ko dito. Dahil siguro sa pagod at sa panahon. Tapos madaling araw na ko nakauwi sa bahay. Hayz. Pero masaya pakiramdam ko. Physically tired but spiritually and emotionally fulfilled. Hehehe.

Monday(March 31) umabsent ako sa work. Sakit talaga ng buong katawan ko. Sakit pa ng puso ko dahil nababalitaan kong di pa rin ok ung mga anak ko sa YFC. Kya nung nahawakan ko ung In His Steps biglang text ng text ung daliri ko. Nakapagsend ako s knila ng messages n d ko alam kung mauunawaan nila o hindi. Basta after kong magtext napagod ako..kaya nakatulog ako. Hehe. Nagpa-emergency hh pala cla nun. No idea kung may tampo sila sakin. Sabi nila wala. Pero pakiramdam ko meron ung iba. Iba kasi ang pakiramdam ng ina. Hehehe. Balita ko naresolve ung issue. Buti naman. Pero ito din ung araw na I decided i-give up ang pagpunta sa ILC. Dami pa kasing gustong sumama. Pero ayun..di ko alam..may kurot sa puso dahil siyempre gusto ko ding sumama. Pero may nagsasabi kasi sakin n wag n lang. Paghandaan ko n lang daw ung sa Cebu. nyahehehe.

Tuesday(April 1) di na naman ako nkpasok. Masama talaga pakiramdam ko. Hayz. Nasa loob kasi ako kung magkalagnat. This day dapat ako magpopost ng tungkol kay Sakura kasi ngayon din ang bday niya (Ka-bday niya sila Tay pakz, Bebi Owen at Corrie). Hehe. Pero ayun, di ako nkpasok. Nkktuwa kasi dinalaw ako ni Tay Fello sa bahay. Nasurprise naman ako..muntik pa kong maiyak sa cr (naliligo kasi ako nung dumating siya). Hehe. Di ko akalaing may dadalaw sakin. Nyahehe. Ayun may food pa! Sarap talagang magmahal ng tatay Fello ko! Hehehe.

Tapos eto..Wednesday na (April 2)..ngarag dito sa office. May hinahabol kasing project sa Friday. Hayz. Sabay announce pa na Badminton Tournament na dito sa company namin sa April 17. Ay kamusta naman?!! Nagsukat na din ako ng uniform. Yellow Team ako. Ganda nung uniform..sayang nga lang ung ganda niya kasi ako magsusuot. ahaha! Kinakabahan talaga ko promise!! pero siyempre..Trust in my Lord lang lagi. Basta ako mangangarir..bahala na si Papa Jesus. Hehehe.

That's it for now! Bka next week n ulit ako makapagpost..hayz..