Sunday, April 13, 2008

"God will provide!"

Bago ang main event/story..eto muna ang mga panimulang kuwento. Hehehe

Friday night, after magbadminton training ay pumunta kami sa Pelangi. Treat daw ni Ate Nova, our former Sys Admin sa office. Na-shock ako dun sa sinabi nilang 'Wet&Wild'..ang sarap dagdagan ng damit nung mga babae! Hehehe. Ung mga kanta pa naman ay ung mga kantang karaniwang pinapatugtog ko dito sa office. Feeling ko nasalaula ung mga kanta. Hahaha! Kaya lumantak n lang ako ng mga pagkain at nagpakalunod sa ICED TEA. Hehehe.

Sa CLP naman ng Unit 2 nasabi sakin ni Mommy Mich na naurong ang SWR. Yipeeee!!! One down! Hahaha! Super natuwa ako sa balita na un ni Mommy! Tapos ang ganda pa nung talk nung speaker..about God's Love. Super na-emphasize para sakin ung Tender-loving God at Tough Lover God. Basta ang saya!!!

Eto na main story..ang Household-Fellowship namin sa Danara Hotel. Di ko alam kung bakit apat na lang kaming natirang pumunta dun pero super ok pa rin!

GOD WILL PROVIDE.

Yan ang motto namin for the day. Haha! Nung dumating kasi kami dun nila Karen at Chantelle, di namin napaghandaan ang food. Super mahal kasi nung nasa menu nila. Coke in can lang 40 pesos agad. Ano un may kasamang bracelet???ahaha. Kaya dasal kami ng dasal para sa grasya na abot-kaya naman namin. Inom muna kami ng tubig..and it's free. Tapos naglakad-lakad si Karen. Ayun, nakakita siya ng Sari-sari store type na tindahan n may mga murang foods! Yehey!!! In just 109 pesos meron n kaming 3 rice, 1 order ng pinakbet, 1 embutido, at 1 giniling with 1 C2! O da ba?!?


Nakakatuwa pa ung story nung sunblock. Kasi isang sachet lang ung binili ko. Naghati-hati pa kaming tatlo dun! Pero nakapagtataka lang. Parang andami na naming nailagay sa katawan namin pero parang di pa rin nauubos ung laman nun. May natira pa nga para kay Bjoy eh. haha. Lupeht talaga!

Lumangoy langoy muna kami habang hinihintay si Mommy Mich. As usual, taong sagigilid ako..Di ko naman kasi keber ang lumangoy. Hehehe. Pero tinuruan naman ako ni Karenina kung pano lumangoy ng umaandar..un bang umaalis sa puwesto? ahaha! Tapos ayan na dumating na si Bjoy! Na ang kuya ay lifeguard pero siya di marunong lumangoy! ahaha! Magkakaiba talaga ang talent ng magkakapatid!

3pm na pero wala pa din si Mommy. Kaya kami-kami na lang ang nag-hh. I got to know them more and deeper than before. Nakakatuwa!!! Daming concerns pero ok pa rin naman. I really saw that they let God work in their life. Ayun..ang saya =)


After ng hh ay swimming ulit kami. NO GUTS NO GLORY! NO PAIN NO GAIN! yan naman ang motto namin pag nasa pool para matutong lumangoy. Personally I've learned to conquer my fear in opening my eyes sa water. Haha! At natuto din akong kumalma pag nasa tubig na. C Chants namin na-conquer n niya ung fear niya sa paglangoy sa malalim na part. O di ba? Pool-centered at Christ-centered ang fellowship namin! ahaha!


Magvi-videoke pa dapat kami after magswimming. Naglakad-lakad..Kaya lang sarado pa ung mga place. o Kya naman super mahal. Kaya kumain na lang kami (Na naman???). Sa Mister Kabab dapat kya lang daming tao. Ayun, sa chubby na bubuyog (Jolibee) pa rin ang bagsak namin. Hehehe.

Nakakatuwa talaga ung experience namin! Nkabuo nga kami ng execom eh:
Finance - Karenina
Docu - Cherry
Evange - rakz
Special Project (Logistics) - Bjoy
at
Medic(Kapalit ng socpol) - Chants

ala lang..dun lumabas ung mga talent namin eh. ahaha! Next target namin ay ang La Mesa Ecopark! Nature trip naman! Kung sino man ang gustong sumama..sabihin nyo lang. Ung mga madaming dahilan, e di wag! ahaha! Basta kami tuloy kami! sa Mayo naman ung trip namin dun. Hehehe.

God bless!!!

3 comments:

Just My Thoughts - c",) NEIL said...

wahehe..coke na may kasamang bracelet...panalo!

JL said...

mister kebab's the BOMB!

Rakz said...

@neil:
kapatid! ahaha! kasi naman super mahal talaga nung nasa menu nila. di namin kinaya!

@jL:
masarap nga daw sa Mister Kebab. Sayang lang di kami nakakain. super haba kasi ng pila. E pagod na kami nun..hehehe..