Sunday, March 16, 2008

Past Meets Present: Pasasalamat

Siyempre may special space sa blog ko ang mga taong nais kong pasalamatan sa event na ito! In behalf of the whole Service Team, thank you po to:

Dadi Pao - (unit head namin sa SFC) Sobrang salamat po sa pagsuporta at sa mga binigay nyong advice. Saka sa tulong pinansyal na rin po. Thank you din at naging maunawain kayo!!!

Mommy Mich - (unit head din namin sa SFC) sobrang salamat din po sa pag-unawa! Thanks din po sa financial help! Grabe nakakaiyak po ung pagtulong nyo!

Mommy Ysa - (Chapter head namin sa SFC) sori po kung naistorbo din kita. Salamat po sa pagtulong sa paghanap ng venue. Sobrang nadama ko po ung concern nyo. Thanks po!!!

Officemates - sa officemates namin ni Tay Fello na nagbigay ng kandila, salamat po!!!


Lolo Mox - thanks po sa pagbigay ng talk! Mejo biglaan pero di niyo talaga inurungan! Salamat din po sa paghugas ng plato nung unang gabi at sa tulong pinansyal na din! Salamat po talaga!!

Ate Lyka, Ate Claricel, Kuya Abe - our precious alumni! hehehe. Sobrang salamat po sa pagpunta at pagbigay ng time samin! Thank you din po sa pagtulong sa pagluto ng food namin nung unang gabi..saka sa tulong pinansyal na din po. Salamat!!!


Sti - namiss kita nak! Kahit sa ilang oras mo lang na pagstay dun sa venue ang laki na agad ng naitulong mo! Sobrang salamat talaga! Thanks din sa pagtulong financially! Grabe!!!

Yayan - salamat sa pagsunod pag inuutusan kita at sa pagbibigay ng mga suggestions! thanks din at pinatuloy mo sila sa bahay natin at salamat sa pagtulong sa paglilinis ng mga INIWAN NILANG KALAT (grrr). Hehehe. Thanks at palagi kang nanjan kahit emo ka. Hehehe. Muah!


jL and Diane - thanks sa pagsunod or paghabol!!! alam kong pagod na din kayo nun pero humabol pa din kayo..at may pasalubong pa! hahaha! Thanks din sa financial support! Ang lufet lang talaga! Thanks din sa pagsabay saming magsimba at sa muling pagkain ng hapunan. Hihihi..salamat talaga!! NERDS Outing naman jan!!!


Participants (acey, champ, ced, kaye anne, edcha, monic, kc, jhec, jhem, steven, emily, jona, kevin, king, jayson) - ahahay! ang hard ba namin sa inyo? pasensiya na ah..kailangan lang. Hehehe. Pero super salamat sa pagiging sport at sa pakikinig during the training. Sana may natutunan kayo. hehehe. Sobrang salamat lang talaga dahil kahit masakit ung katawan nyo ay go pa din kayo sa kahit anong ipagawa namin. Salamat din at nanatili pa rin kayong malambing kahit na napahirapan at nadurog namin kayo. Super thanks talaga sa pagpunta!!! Mahalin nyo na din sana ang gulay! Hahaha!


ETO NAMAN AY PASASALAMAT KO PARA SA MGA KASAMA KONG NAG-FULL TIME BILANG SERVICE TEAM:


Tay Fello - Itay!!! We survived! Hehehe. Aside from financial help, super thanks po sa care. Lalo n nung sinubukan mong imasahe ung hita ko nung masakit na dahil sa pumpings samantalang masakit din ung braso mo. Sobrang nadama ko lang ung pag-aalaga nyo. Thank you po talaga! Thanks din po for the free food! Belated Haburdei po!! Hehehe


Mayz - Maylabz!! Mahal kong anak!!! Super salamat sa mga naitulong mo! Akala mo lang wala pero meron! meron! meron! hehehe. Salamat sa inspiring talks at sa pagpapaliwanag sa participants. Pasensya na kung nadagdagan pa trabaho mo at nahati pa ung oras mo sa Siga. Mahal kita nak!!! Salamat sa palaging pagpapasaya sakin!!! Markz (Mayz - Rakz! hahaha!)


GG Beth - Finance na Food Com pa! San ka pa?! Pwede na..pwede ka ng maging food com ulit sa ibang event! Hahaha! Joke lang! Salamat sa mga masarap na pagkakaluto sa pagkain. Pati na din sa effort at financial support! Muah! Muah! Muah! Sarap talaga nung mga food!!


Emman Trauma - Mahal kong anak! Kahit na kino-consider mo pa rin ung sarili mo na participant, ok lang un! Basta salamat sa pagtulong lalo na sa Food Com. Kitang kita ang kasipagan mo sa kusina! Hehehe. Thanks din kasi kahit mag-isa ka sa Music Min ay di ka sumuko. Nakakatuwa lang kasi kahit saan ka namin tawagin at kung anong ipagawa namin sayo nung event ay di ka tumatanggi. Tapos on time ka pa. Sobrang salamat!!!


Livy - nakakapressure ba ako? Hahaha! I'm just training you to be on time! Salamat sa pagiging masunurin all throughout the training! Saka nung Open FOrum..salamat naman at nagsalita ka na! Hehehe.. Basta sobrang salamat sa mga tulong!!!


Nunoy - wahaha! Sobrang salamat dahil di mo kami iniwan! Na kahit plano mo na talagang umalis ng Sunday morning pa lang ay di ka pa rin umalis. Hehehe. Salamat din sa pagtulong sa Food Com! Sobrang kailangan kc ng manpower dun. Salamat din nung di mo ko hinayaang lamigin nung natulog tayo sa labas. Sobrang salamat talaga!!! Mag-SFC ka na! Sama-sama tayo dun! Hehehe..


MULI, SALAMAT PO TALAGA SA LAHAT-LAHAT!!! SI GOD NA PO BAHALANG GUMANTI SA INYO! GOD BLESS!!!

Past Meets Present: An Event Worth Sacrificing For

Siyempre, after ng Paghahanda ay ang mismong event na. Friday night pa lang ay pinanindigan ko ng lahat ng kailangan sa Logistics ay ok na. Kya inabot ako ng madaling araw kkgwa ng video (actually pers taym ko ung gumawa ng video). Tapos nung Saturday ay todo prepare ung inupahan namin dun sa taas. Inpeyrnes ang ganda nung color combination nila. Hehe.


March 15, 2008. Saturday.


Maagang dumating si Sti. Grabe ang saya ko nung nakita kong muli ang aking anak! Tinulungan nya kami sa pagprepare nung mga gamit. Pero maaga din siyang umalis. Dumating din that night cla Ate Lyka, Ate Claricel, Lolo Mox, at Kuya Abe. Waahh!! Our precious alumni! Nakakatuwa talaga cla. Tumulong cla sa food com nung dumating na ung mga participants.

Late dumating ung mga participants. AS IN LATE. 9pm na kami nakapagstart. Buti n lang ang nilagay namin sa sched ay naka-per minute. At hindi naka-specify ung time. Hehehe. Execom Forum ang topic ng day 1 ng Reunion namin. Diniscuss ang functional side ng execom.

Pero ang exciting at inspiring part ng gabing ito ay ang OPEN FORUM. Tama ang hinala namin na never pa silang nag-open forum. Siyempre di ako mkktulog pag di ako nag-open doon. Kaya sinabi ko ung mga tampo ko at ung mga napansin kong kulang sa kanila. Ganun din ung ginawa ng iba. Kapag open forum talaga di maiiwasang may maghalong sipon at luha sa bibig ng nagsasalita. Hehehe. Nakakatuwa lang kasi nasabi ang mga dapat masabi..na-settle ang mga dapat ma-settle. Madaming nasaktan..madaming tinamaan..pero sa kabila ng lahat, natutong tanggapin ang mga kamalian. At natutong buksan ang isip at puso para unawain ang iba. After nung open forum gumaan ang pakiramdam ko. Pero di maaalis na kabahan ako dahil laging either negative or positive ung magiging outcome nung naging forum. Basta dasal lang ako ng dasal na sana di nila mamisinterpret ung pinapakita naming concern sa kanila.

Inabot kami ng Sunday sa Open Forum. 3:30am na kami natapos. Ahaha! Kamusta naman! Balak kong di matulog nun kya lang di kakayanin ng powers ko pag di natulog. Tabi-tabi kami nila Nunoy, Tay Fello, Trauma at Maylabz na nahiga sa labas. Ganda ng panahon nung gabi na un. Andaming stars sa langit. Star gazing muna kami. Buti pa sila nakita ung 2 falling star! Di ko kc suot salamin ko nun kaya di ko nakita. Hehehe. Pero meron kaming nakita na parang UFO (hinala lang naman namin). Iba kasi ung lipad nya. Hindi diretso. Pazigzag ung lipad nya..tapos..basta kakaiba. Anyway, inaantok na talaga ko nun kaya natulog na ko. Ang lamig-lamig nga lang ng gabi na un kaya gumitgit ako kay Nunoy. Hihihi.


March 16, 2008. Sunday.


Youth Camp Training naman ang nakahanda sa araw na to.Pinanindigan din namin na dapat on time lahat. Hehehe. Breakfast pa lang may challenge na agad ang participants. Limited lang ang binigay namin na food. It's up to them kung pano nila hahatiin un na masasatisfy ang lahat. Di namin intention na gutumin cla. Basta ang target namin dun is: Less for self, more for others, enough for all. In short, service-related naman un. Heheh.

At bago kami magstart sa mga talks ay PUNISHMENT muna.Grinoup kasi namin sila tapos may assigned areas sila na dapat linisin. Before every talk ay iiinspect namin ung areas na un at pag di maayos ay may katumbas na parusa: 20 pumpings for sisters at 20 push-ups for brothers. Pero doble ang balik nun sa Service Team. Kaya grabe...nanakit ang katawan ko dun!

Nakakatuwa kasi sobrang nasusunod ung time na nakalagay dun sa programme flow namin. Kahit food com on time magluto at maghain ng food. As in walang nasayang na oras. Di na namin kinailangang magpa-games dahil gising na gising naman cla. Hihihi.

Nagsimula na ang Youth Camp Training. After every talk ay binibigyan namin cla ng time para makapag-meeting or mkpagprepare para sa ggwin nilang Mock Youth Camp sa afternoon. Nakakatuwa clang panoorin nung nagmimeeting cla. Parang nag-mature clang bigla! Haha! Given a limited time ay nakapagdeliver at nakapagpresent naman cla ng maayos na output nung umaga.

Next challenge ay ang Lunch. Nagluto ang food com ng Sinabawang gulay. Madami kasi sa participants ang di kumakain ng gulay. Pinakuha namin sila ng food. Pero PASS IT TO THE RIGHT. Nyahehe. Di napunta sa kanila ung pinili nilang food. Natawa ko dun sa reactions ng ilan. May mga naiyak pa. Ung iba naman enjoy pa. Hehehe. Ang purpose ng challenge na un ay to tell them na sa service, di pwedeng kung ano lang ang gusto natin, un lang ang gagawin natin. Kung ano man ang ibinigay na blessing or challenge na ibinigay sayo ni God, tanggapin lang. Gulay pa lang un..what more kung higher level challenge pa ung ipagkakatiwala ni God? Kakahiya naman kay Lord God pag tinanggihan..

Afternoon, may punishment ulit. Meron kasing di nakaubos nung gulay. Lahat ay naparusahan except sa kanila. Kasi nga in a team,ang mali ng isa, mali ng lahat. Para walang sisihan. Tapos tuloy ang pagbibigay ng talks. Shinare na rin namin kung ano ung mga naging experiences namin dati.

Dito ko natuwa..sa Mock Youth Camp. Given only one hour, dapat maiconduct nila ung buong Youth Camp Proper. Kami namang Service Team ang participant sa pagkakataon na to. Sinadya naming magpasaway. Tulad ng sinasabi namin palagi, dapat may plan para sa mga worst-case scenarios..at kami ung worst-case sa pagkakataon na un. Kami ang mga pasaway-kuno na participants. Nyahaha! Nagulat cla sa mga ginagawa at cnasabi namin. Pero nung nagpapanggap ako na di ko pa feel c Christ sa puso ko, at the back of my mind nakikipag-usap ako kay Papa Jesus. Haha! Kahit ako di ko na maatim ung mga pinagsasabi ko sa group discussion nmin noon. It's all for the sake of the challenge! Pero sa Mock Youth Camp namin na un nakita ung mga potential leaders..kung sino ung kayang mag-inspire ng ibang tao at kung sino ung kayang mag-lead. Astehg talaga nung experience na un!

Tapos nag-group dynamics kami. Ung lighting the candle. This activity came from the SFC Getting To Know namin. Nakakatuwa ung mga naging reactions nila at kung pano nila diniskartehan na di mamatay ung sindi ng kandila nila. Kaya talaga nilang dumiskarte pag sama-sama at pag si Kristo ang iniisip nila. Ugaling YFC talaga!

Tapos ayun na..uwian na. Hehehe. Pero humabol si Diane at jL..nakakain tuloy kami ng donuts! Sarap!

Nagsimba pa kami nila jL, Diane, at Yayan after ng event na un. Palm Sunday kya bumili n din kami ng palaspas. Mejo sabog na nga lang ako nung nasa misa ako. Talagang kalahati n lang ng mata ko ung dilat. Sorry naman! Tapos kain uli kami pagdating sa bahay. At siyempre di maaalis ang kuwentuhan. Nyahehe.

Ngayon, Monday na. Ngaun ko naramdaman ung sakit ng katawan ko at ang pagkasabik kong matulog pa at magpahinga. Grabe halos di ako makalakad! sakit talaga ng hita ko!!!! Pero kahit pagod ako physically, Spiritually nag-grow ako. Ang sarap sa pakiramdam..ang saya...=) Sulit ung mga sacrifice namin..

Thursday, March 13, 2008

PAGHAHANDA


Friday na! waaahhh!!! Tomorrow is the Big Day! Past Meets Present na! Waahh!! Ninenerbyos ako na naeexcite! Haha!

Di kc naging biro ung preparation for this event..daming naging trials! Eto ung ilan sa mga na-encounter na problems..

Una..Time.
Two weeks preparation for a major event! Saktong March 1 kasi naisipang gumawa ng event na ganito. Tapos lahat pa ng service team ay mga alumni. kamusta naman! Laking challenge! Kaya most of our meetings at planning ay through chat lang. O kya naman nagmi-meeting kami after work..kya mukha kaming mga sabog! haha! At nagmeeting din kami after ng events namin sa SFC. Laking challenge talaga..buti n lang God always gives us enough strength!


Pangalawa..Pondo.
Shocks! This is my first time to solicit a fund from other people! Naging Senior Sis at team head na ko dati pero never kong naranasan na magsolicit ng pera just to conduct an event! Hehehe. Dati kc kung kulang, kanya-kanyang labas talaga kami ng pera. O kya naman we make sure na enough ung regfee for the 3-day camp. As in di kami humihingi ng tulong sa mga alumni except n lang pag kusa silang nagbibigay siyempre. Hehehe.

Nanlalamig talaga ko habang tinatype ang message para sa mga taong target kong hingan ng tulong para magkapondo kami. Alam ko naman kasing di ganong kadaling magbigay ng pera lalo na pag biglaan..I know the feeling! Hehehe. Pero super thankful ako dahil andaming sugo ni God sa mundong ito at di ako pinahirapan sa paghingi sa kanila ng pera. Hehe. Walang halong paninindak..purong pakiusap at paliwanag lang ang ginawa ko..nagbigay naman sila. Super salamat talaga!!! Though madaming nagsabi na magbibigay cla, di ko na din ineexpect na ibibigay talaga nila. Siyempre, ALWAYS HAVE A PLAN B.

Pangatlo..Service Team.
Since alumni nga ang service team, si Tay Fello ang taga-contact sa mga alumni kc di n ko nakakapagload. sa chikka lang ako umaariba! Mabuti naman at nagpaparamdam ung iba. Most of them ay susunod lang. Kaya iilang lang kaming makakapag-full time para dun sa event. kamusta naman talaga! Haha! Pero nakakatuwa pa rin kc pupunta sila..matapos ang mahabang pilitan, sindakan, takutan..hehe. Joke lang!

Basta kahit konti kaming mkkpag-full time ay ok lang. God will provide!


Pang-apat..Venue.
Nung YFC pa ako ay di ako ang tagahanap ng venue namin pag may camp kami. Kaya ito talaga ang first time kong mag-occular visit chuva sa mga possible na retreat house.

Lahat ng Retreat House under ng Diocese of Cubao ay tinawagan ko na! O d b?? Call brigade ang lola mo during office hours! haha! Sablay! Super effort na to!! waaahhh!! Natawagan ko na din ang ilang venue sa Rizal. Pero either super mahal, fully booked or super layo nung venue kaya di namin pinatos. Nakakafrustrate talaga ung week na 'to dahil Wednesday na wala p din kaming final venue..hanggang sa ang maging bagsak nga namin ay sa apartment din namin dito sa Pasig. hehehe. Akalain mo un? Dun na ko nakatira pero di ko pa alam n pwede pala ung place namin..hihihi..maganda kasi ung 4th floor nung apartment. Ang lawak nung space. Ang lamig pa ng hangin.

Pero thanks po dun sa mga ka-SFC ko na nag-offer ng kanilang mga lugar. At tumulong sa paghahanap ng venue. Super salamat po talaga!!! T_T


Panglima..Friends and Service.
May EA Outing kasi dis March15-16 din. Actually nauna itong magsched..nag-oo na din ako sa outing na ito. Ako pa nga ang namilit na swimming na lang. First East Asia Alumni Batch 07 Reunion sana iyon..sobrang miss ko na din talaga kasi ung iba naming ka-batch. Tagal ko ng di nakikita ung iba. Pero pinili kong igive-up ung kagustuhan ko na makita at makasama sila para sa Past Meets Present. Nanlalamig din ako nung sinabi ko kila Diane at JL ung situation ko..may outing ulit kc sa april5..e kamusta naman, ILC un! Kahit ung bonding moment ko with my besti sa Manila Ocean Park ginive-up ko din. Di n kc kasya pera ko for other events. Gipit din ang lola mo. Kya un..todo explain tuloy ako sa besti. Buti na lang super understanding nila..or siguro nasanay na din..na palagi akong nawawala pag nagtawag na Papa Jesus. Pero di bale..alam ko namang magbibigay ulit si Papa Jesus ng time para makasama ko sila.

Ginive-up ko din ung sa Telon. Theater Guild ang katumbas niya sa skul. Parang Theater Guild ng SFC West B un para sa gaganaping concert sa March 30. Kasali DAPAT ako dun. E kailangan talaga ng focus dun sa event namin. Di tuloy ako nakakaattend ng mga practice etc. Sorry po kung nagpaasa ako..T_T

Pero di lang ako ang may ginive-up for this event. Kahit c Tay fello..bday niya un eh. Pero he chose to serve kaysa magsaya. Tapos Sat naka-sched ang Upper Household nila sa SFC. Pero na-move dis Friday para lang di magkaconflict sa event namin. Touchness naman!!

Ganun din c Mayla..sa SIGA na kc talaga siya nagseserve ngaun. Pero panandalian muna siyang mawawala doon para makapag-fulltime sa Past Meets Present. Ganun din c Livy. May pupuntahan din dapat siyang ibang event. Debut yata nung friend niya. As well with GG Beth.

May event din kami sa SFC this Sunday. pero malabo naming mapuntahan. Sayang support sana kami kay Lolo Mox nun kasi Faci Training nila un para sa Unit nila.

Daming ginive-up..daming sinacrifice..pero ok lang..all for God!



It's obvious na inalis na naman ako ni Papa Jesus sa comfort zone ko..Wala pa ung mismong event pero andami ko na kaagad na natutunan. Rule ko na sa sarili ko na dapat lahat ng gagamitin the day before the event. Now everything is settled. Bahala na kung anong mangyayari sa susunod na dalawang araw..pinapasa-Diyos ko na lang lahat..lakas, decision, sasabihin, gagawin..

please Lord..guide us..

Sunday, March 9, 2008

So Happy Together!

Ahahay! Napakasayang weekend na naman ang nagdaan! So blessed talaga!

March 8, 2008. Saturday.
2nd YFCEA Alumni HH

Napakasaya namannnnnn!!! Umattend ang aking bebi mare khaei kasama ang kanyang ever cuteness na beybi/inaanak ko na si AC.Andun din c Tay Fello, Botchog (Jeremy) at Chad. Grabeee!!! I miss my bro's!!!!! Nakakatuwa lang talaga silang makita at makasama sa ulit sa Household! Ang saya-saya sa pakiramdam nung nagshesharing na kami! The topic: pinakamasayang YFC experience mo at kung anong natutunan mo doon.

Itong araw din na 'to ung Amazing Grace ng YFCEA.Ayun..hehe..

Nakakatuwa din kasi nakita ko ung Pare ko (Jumar) sa skul. Di ko kasi ineexpect na magkikita kami dahil alam ko hapon pa ung class niya. Namiss ko pare ko!!! waahh!!

Nagkita din kami ng Nanay ko. Ayun, may problem pala ate ko..hay sana maging matatag siya..T_T

After HH ay nagpunta kami sa Oblates para occular inspection sana sa event namin sa 15-16. Sayang lang kasi may iba ng nakapag-pareserve nung venue sa date n un. Sayang talaga. Pero nakakatuwa kasi youth camp pala ng UE doon that day. Nakita ko si beybi Maya ko at si Sweetheart Kates ko.


YFC Campus Year-end Party 2008
After ng kung ano-anong pangyayari bago gumabi ay napagdesisyunan ko din na sumama sa yearend party.Buti n lang at sumama din si Nunoy at Mayla..at least di lang ako ang elder dun. Hehehe. Ahahay! Ang saya lang talaga ng pakiramdam ko noon! Nakita ko ulit cla Kates, Yammie, Guia, Carmz, Ace, MJ, Lery, Tay Pakz, at Von! Waaahhh!! Ang mga ka-SHOUT ko!!! Namiss ko talaga cla!!! Nagbago sila physically..at damang-dama ko ang pag-grow nila spiritually. Nakakatuwa lang talaga. Di ko na alam kung ano na mga service nila ngaun..basta ako masaya na ako sa SFC. Hehehe. Basta..MASAYA ako nung gabi na un. Tapos! Hehehe

Un nga lang nadagdagan na naman ang listahan ko ng mga taong di ako nakilala.

Rakz: Von! kamusta na? Naaalala mo pa ko?
Von: Elow po! Hmm.. u look familiar..
Rakz: Wahaha! C rakz ako! kamote ka!
Von: Rakz?!?! Ikaw na pala yan! Ibang-iba ka na ah!

Oh di ba naalala ko usapan namin.Feeling ko tuloy dapat may name tag ako palagi pag aattend ako ng reunion sa YFC para marecognize nila ko. Hahaha! ANO BA!!! Di naman ako nagparetoke para di ako makilala..Nag-ayos lang ako di na nila ko makilala. Hahaha! Kamote talaga! Eto naman birit ni Carmz: "Rakz! Nagulat ako nung nabasa ko name mo dun sa list! Kamusta ka na? May nag-iba sayo ah..blooming ka ata ngayon? May bf k n noh??"..siyempre ang sagot, "WALA NO"! ahaha! at least nakilala ako ni Carmz! Masaya na ko dun!

Natutuwa din ako dahil nakita ko sila Kookoo, Gerald, at Pyords. Pauwi n nga ko nung nakita ko si Pyords.Through God's plan buti na lang nagkasalubong kami. Hehehe.

So masaya talaga ang gabi ko! Super blessed!!! Pagdating ko nga lang sa bahay ay lagpak na ko. As in la ng bihis-bihis or hilamos man lang. Tulog agad! Super pagod na din kasi ako physically talaga..



March 9, 2008. Sunday.
Household@Fort Santiago
Mejo na-late ako ng gising this day. Kaya late din ako nakarating..my bad. Hehehe. Sa Mcdo P.campa ang meeting place namin. Pero c Karen nasa Mcdo Morayta. Hehehe. Nung kumpleto na kami ay diretso na kami sa Intramuros nila Mommy Mich, Mommy Jinks, GG Beth at Karen.

Honestly speaking first time kong makapasok sa Fort Santiago. Hahaha! Kamusta naman! Dami ko talagang pers taym na naeexperience sa SFC! Hahah! P50 ang entrance fee sa Fort Santiago. Mejo masakit sa loob para sa gipit na tao. Hehe. P50 din un..T_T Buti na lang at always ready ang cam ko to capture the moments! Kaya ayun, kakalakad pa lang namin ng konti ay piktyur-piktyur agad! Nagsama-sama ba naman ang mga adeek! What do u ekspek?? Ahaha!

Pero after ginawa namin ang dapat gawin. Nag-hh kami. Mejo nosebleed ung topic: How real is God's Resurrection to you? (Not sure kung tama ung naalala kong guide question ah.hehe) Basta about resurrection. Sana nga kumpleto kami para mas mahaba ang usapan. Pero super inspiring ung mga naging sharing nila..Mejo iba-iba kami ng idea..kaya mas madami akong natutunan..=)

After ng HH ay nilibot namin muli ang Fort Santiago. Aba nakaka bente pesos pa lang kami sa singkwenta pesos namin no! hehehe..kaya pasyal-pasyal ulit..=D piktyur-piktyur sa kahit saang lugar na bagay ang beauty namin. Hehehe. SUper saya ng experience! HH tuloy Fellowship! O di ba??? Panalo!!!


Covenant Orientation
O di ba walang kapaguran?? Another event na naman! Kung ang Saturday ay YFC day, Sunday naman ay SFC Day. Nyahehe. Sa Fatima Multipurpose Hall ang venue. Ang aming hometown..echos! hehehe. Inaantok na talaga kami. Di ko din alam kung bakit ganun n lang ung pagod na nadama namin. Parang naubos ang kapangyarihan namin. Hehehe. Kaya sabi namin bigla na lang kaming sisigaw during the talk pag inaantok na kami..para umalis ang mga bad spirits! Hehehe.

Namiss ko silang lahat! My SFC Family! Feeling ko kulang ang week ko pag di ko sila nakikita. Hehehe. Wala doon si Dadi Pao at Cherry..may practice kasi sila for REVOLT. Waaahh!! Namiss ko tuloy lalo sila! Umattend si Kuya JR..nakakatuwa kasi kumukulit na din si Kuya. Ahaha! Natutuwa din ako kay Kuya Jay. Sabi ko nga sa kanya mukhang magkakasundo kami..halos pareho kasi kami ng mga trip sa buhay. Hehehe.

Basta ang saya! No words can describe kung ano mang kasiyahan ang naramdaman ko ng weekend na to..

BUT WAIT! THERE'S MORE!

Panindigan ang pagiging restless na tao! After ng Covenant Orientation ay nagsimba naman kami - Tay Fello, Lolo Mox, Mommy Jinks, Mommy Mich, GG Beth, at ako. One big happy family ulit. hehe.

After magsimba ay nagmeeting kami nila GG Beth, Tay Fello at Lo Mox para sa event sa 15-16. Na-finalize naman namin ang mga dapat dalin, gawin, at gagamitin. Un nga lang talaga we are still looking for a venue..T_T I'm so excited! Goshness!!!!!

Thursday, March 6, 2008

RAKZ AS BADMINTON PLAYER???

Ahahay! OO! As Badminton Player! Kamote! Nyahaha!

Si Sir Julius kasi (Boss ko) ipinalista pala ko sa list ng mga maglalaro ng Badminton para dito sa company namin. KAMUSTA NAMAN???? Wala akong kaalam-alam! At one of the fears ko talaga ung may lumilipad na bola! Ahaha! At kung sino man ang nakakakilala sakin since childhood, alam na hindi ako mahilig sa sports! As in iwas talaga ko sa sports. Kumbaga pag tinatanong sa slumbook ang fave sports, ang sagot ko palagi ay NONE. Kamote talaga!

Nwei, sige try ko lang..May magtuturo naman daw eh. Malay natin magustuhan ko. Saka para sa ikabubuti ko naman un physically. Para naman lumakas ang pangangatawan ko (Puro positive effects n lang talaga ang iniisip ko para lang maglaro ako. Un un! Haha!). Saka free naman ang pagtuturo at training. Haha!Gusto ko ngang magpiktyur-piktyur dun eh..kaya lang nakakahiya. Hahaha!

March 6, 2008. Thursday. This was my first training day. Dapat nung Tuesday pa ko nag-start kya lang di ako prepared nun. Ayun..first day of training..nagkalat ang lola mo. Hahaha! Pag-serve n lang di ko pa magawa! Nyahaha! Kamote talaga! Pero tinuruan naman ako ng pag-serve. Sinong trainor ko? Ung 2nd placer lang naman sa World Tournament noong taong 1990 something. Bwahahahaha! Big Time ang Trainor! Napressure ako! Nakalimutan ko name niya. Basta alam ko Indonesian siya. Itago n lang natin siya sa pangalang 'Ms. M' (alam ko kasi sa letter M nagi-start name niya.Hehehe). Oras yata ang inabot maturuan lang ako sa pag-serve! Ilang shuttlecock din yata ang natanggalan ng balahibo! Hahaha! Pero ambait ni Ms. M..naiintindihan niya na..andaming mangmang at walang alam sa mundo! Isa na ko dun! Hahaha! Ayun, di niya ko tinigilan hanggat di sunod-sunod na maganda ang lipad ng bola.

Next na itinuro ung smash b un? Ung pagtira. Un nga lang di ko nagawa ng maayos dahil sakit n talaga ng braso ko. Di naman kasi talaga sanay ang lola mo sa ganun! Pagbuhat nga ng mga pamangkin ko di ko matagalan eh! Hahaha! Pinapabalik nila ako next week. Napansin yata nilang matinding training ang kailangan ko! Hahaha! Cge go lang ako! After nilang umalis ay nakipaglaro ako dun sa ibang officemates ko (lakas ng loob!). Pero nakakatuwa naman at nakakapalo at nakakahabol ako sa shuttlecock. Hehehe. Sarap magpapawis!!

Anong lesson dito sa post ko? GET OUT OF YOUR COMFORT ZONE! Wala namang masama to experience new things..new challenges..basta alam mong ikakaimprove ng sarili mo. Hehehe. Tama na ang pagiging playing safe. Hehehe. Saka effective din pala talaga ang sports para matanggal ang stress sa katawan mo. Kung bitter ka, ipalo mo lang yan! Kung nanunuot ang stress sa katawan mo, hayaan mo lang lumabas sa pamamagitan ng pawis yan! Hehehe.

Answered prayer n rin siya para sakin..palagi ko kasing nirereklamo na ayokong nasa office lang at nakaupo. Kaya ayan..parang sinabi tuloy ni Papa Jesus na 'Ayan, maglaro ka!' Nyahaha! Masaya naman ung naging training..un nga lang sakit ng braso ko ngayon.paghawak lang ng ballpen nahihirapan pa ko. Hahahha! Pero ok lang..masaya naman.. =D

Sunday, March 2, 2008

GIVE TIME TO THE GIVER OF LIFE.

I've had a very inspiring weekend. Friday pa lang bigla akong natawag para mag-talk sa Chapter Prayers Assembly namin sa SFC. First time ko ung mag-talk sa SFC. Inecho kasi namin ung mga naging talk sa SFC ILC. Inabot ako ng madaling araw sa pag-uwi. Nag-household muna kami nila Mommy Michelle before umuwi. 4am na ko nakatulog. Di pa nga ko nakatulog agad. Tapos gising din agad kc may household naman ako sa YFC with tay Fello, GG beth ang Maylabs. Maghapong kuwentuhan..na-reminisce din ang past. Gabi na naman ako nakauwi sa bahay. Tapos Sunday, may Getting TO Know kami sa SFC Chapter namin. Whole day activity. Ang saya! SUper inspiring! Nakakatuwa clang kasama! Feel na feel mo pa ung presence ni God sa buhay nila. See the pics n lang sa multiply album ko.

Lakas nga lang talaga ng call ng service sakin this whole month of March. Tumatak sa puso at isipin ko ung cnabi ni Lolo Mox sa CPA nung Friday:

GIVE TIME TO THE GIVER OF LIFE.

Madami akong nakalinyang bonding moments with my college friends this March. Swimming, bowling, malling, at punta sa ocean park. As in every weekend may bonding moment. Kya lang ibang tumawag si God. Andaming events sa SFC na kailangang andun ako. Lalo na nung naramdaman na namin ung mga naiwan naming mali sa YFC..mas tumindi ung calling na ayusin muna namin ang lahat. Parang iniremind sakin ung 'God's Plan'. It's a big challenge din kung pano i-gather lahat ng YFCEA Alumni to help the new ones.

Tinanggap ko ung calling na un. Di ko nga lang maalis sa isip ko ung reaction nung mga napangakuan ko na. Pakiramdam ko ang sama ko sa kanila. Pero mas lalo kasing di tanggap ng puso ko pag ung invitation to serve ung tinanggihan ko. Hay..pasensya na talaga..

Wednesday, February 27, 2008

CHRISTIAN WAYS TO REDUCE STRESS

(Thanks to Angela Arta for this email! amishu friend!!! muah muah muah!)

An Angel says, "Never borrow from the future. If you worry about what may happen tomorrow and it doesn't happen, you have worried in vain. Even if it does happen, you have to worry twice."

1. Pray.

2. Go to bed on time.

3. Get up on time so you can start the day unrushed.

4. Say No to projects that won't fit into your time schedule, or that will compromise your mental health.

5. Delegate tasks to capable others.

6. Simplify and unclutter your life.

7. Less is more. (Although one is often not enough, two are often too many.)

8. Allow extra time to do things and to get to places.

9. Pace yourself. Spread out big changes and difficult projects over time; don't lump the hard things all together.

10. Take one day at a time.

11. Separate worries from concerns . If a situation is a concern, find out what God would have you do and let go of the anxiety . If you can't do anything about a situation, forget it.

12. Live within your budget; don't use credit cards for ordinary purchases.

13. Have backups; an extra car key in your wallet, an extra house key buried in the garden, extra stamps, etc.

14. K.M.S. (Keep Mouth Shut). This single piece of advice can prevent an enormous amount of trouble.

15. Do something for the Kid in You everyday.

16. Carry a Bible with you to read while waiting in line.

17. Get enough rest.

18. Eat right.

19 Get organized so everything has its place.

20. Listen to a tape while driving that can help improve your quality of life.

21. Write down thoughts and inspirations.

22. Every day, find time to be alone.

23. Having problems? Talk to God on the spot. Try to nip small problems in the bud. Don't wait until it's time to go to bed to try and pray.

24. Make friends with Godly people.

25. Keep a folder of favorite scriptures on hand.

26. Remember that the shortest bridge between despair and hope is often a good "Thank you Jesus."

27. Laugh.

28. Laugh some more!

29. Take your work seriously, but not yourself at all.

30. Develop a forgiving attitude (most people are doing the best they can).

31. Be kind to unkind people (they probably need it the most).

32. Sit on your ego.

33 Talk less; listen more.

34. Slow down.

35. Remind yourself that you are not the general manager of the universe.

36 . Every night before bed, think of one thing you're grateful for that you've never been grateful for before. GOD HAS A WAY OF TURNING THINGS AROUND FOR YOU.
"If God is for us, who can be against us?"
(Romans 8:31)

MaguL0ng Pag-iisip

February 27, 2008. Wednesday.

Maghapong magulo ang isip ko. I often caught my self na nakatitig lang sa monitor pero at di nagpoprogram. Sobrang confused lang talaga cguro ang utak ko ngayon. Nagiging thought-full. Hehehe. Kahit ang gumawa ng tamang desisyon parang di ko magawa. Basta..ang gulo2 ng isip ko. Kung sino man ang nakabasa ng post ko last year entitled "Seryosong Problema Ko", ayun pa din ang iniisip ko till now. Di ko talaga alam gagawin ko! Hayz!

Kaya after kong hintayin ang 6pm ng buong maghapon (di talaga ko makapagprogram kahit anong pilit ko sa sarili ko), ay nagkita ulit kami ni Clint sa Podium. Kain na naman ng paborito kong crepe doon. Sumaya naman ako..pero panandalian lang. Nung naubos na ung kinakain ko ay natigil na din ung kasiyahan ko.

Tapos naglakad-lakad ako sa St. Francis Square. Tumingin ng mga tatargetin kong bilhin balang araw. Nagpamper-ur-self na naman ako. pero after kong mabili ang ilang bagay, di pa rin ako masaya. Nagsisi pa nga ako. Wrong move n naman! Huli na kasi nung nabasa ko ung text ni Cherry tungkol dun sa regfee ng YFC ILC. Shocks...super mali talaga! Wrong move talaga!!!!!! Hayz...

Na-share ko kay Yayan ung depression na nararamdaman ko. As usual, kuwentuhan kami to the max. Siya topic niya is lablayp..ako naman gusto talagang gawin sa buhay. Hanggang sa makarating sa panaginip ung topic namin. Tapos tungkol naman sa aming mga ama. Pareho na kasi kaming ulila sa ama. Pareho pang bunso at masyadong na-pamper ng aming mga dakilang ama. Hehehe.

Para mawala ang depression ay nagplay ng DVD si Marian. Dance tutorial ni Carmen Electra!!! Hahaha! Sayaw daw kami para matanggal ang stress at maalis lahat ng iniisip naming problema! Ayos ah! Hahaha! As in tinanggal pa namin ung carpet para makasayaw kami ng todo. Nyahaha! As usual naguguluhan ako sa left at right pag nakaharap sakin ung nagtuturo ng sayaw. Kamote! Hehe. Pero sa bawat steps na tinuturo ay sinasabayan talaga namin ni Yayan ng buong giting..buong lakas..at buong emosyon. Haha. Para kaming eng eng. Pero masaya naman. Tuwang tuwa kami nung nabuo namin ung sayaw. Parang ang laking accomplishment! Hahaha! Tagaktak ang pawis ko! Pero masarap sa pakiramdam..sana ginagawa namin un pag weekends..hindi bago matulog di ba? Hahaha! Ung hiphop dance ang kinarir namin..hindi ung strip dance. Hehehe.

Tapos nagbasa na ko ng In His Steps. "I can do all things through Christ who strengthens us." Panalo! Parang sinampal ako! Ang guide question pa is: To whom do you credit your successess? Whom do you blame for your failures? Grabe tagos sa puso. That time ayoko ng mag-isip. Sumuko na ko sa pag-iisip. Nakakapagod na din kasi. Tapos ayun..I prayed and prayed. Ang bilis ng heartbeat ko. Halos maiyak na ko. Basta ayoko ng mag-isip that time. I'm always asking the Lord to never let go of me. To continue holding my hands..kahit na feeling ko duguan na ung braso niya or kamay niya dahil sa mga sins na unintentionally nagagawa ko. But still, He loves me so much..di pa rin niya ko binibitawan. At never daw Niyang gagawin un...

All I need to do is to TRUST HIM..

Eto kanta ko ngayon:
Jesus take the wheel
Take it from my hands
'Cause I can't do this on my own
I'm letting go
So give me one more chance
Save me from this road I'm on
Jesus take the wheel

Hay..madrama lang ako ngayon..pero keber ko 'to. Naging God's Princess pa ko kung di ko kakayanin to. Hehehe.

Di Kita Nakilala...T_T

February 27, 2008. Wednesday.

Nagpunta ako sa SM Megamall kagabi. Wala lang.. kaysa naman magmukmok ako sa bahay at magbuhay emo na naman ay naglakad-lakad n lang ako sa Megamall. Bakit ako malungkot? Dahil dito: http://rsgalapon.blogspot.com/2007/11/seryos0ng-problema-ko.html last year pa yan pero till now damang-dama ko pa din ang impact sa puso ko. Hehehe.

Hanggang sa makakita ako ng sangkaterbang tao sa may Movie World. Nacurious ang lola mo kaya pasok ako at nagtanong kung anong meron. Nyahaha! Premiere Night daw ng My Big Love. Ung new movie nila Sam, Toni at Kristine. Nakihintay na rin ako. La naman akong gagawin sa bahay eh. hehe. Nang-nenok na din ako ng heart-shaped balloon nila. Natatawa ako dun sa mga tao. Tili ng tili pag nakakakita ng artista. Meron namang feeling niya mas guwapo pa siya sa artista..at insecure pa sa ibang mas cute sa kanya. Lalaki b tlaga un? Wala sa ugali niya eh. Hehehe. Almost 9pm n ko nakaalis sa Megamall.

Pero di talaga tungkol jan ung kuwento ko..

Nagtataka lang kasi ako..bakit andami ng di ako nakikilala?

Nagsimula ito nung magkita kami ni Boris sa SFC ILC. Matagal na kaming di nagkakakita. Youth camp pa yata nila Cedrick nung huli kaming magkita. After that wala na. Nag-iba din ang itsura ni boris. Mejo pumayat ang mukha..dahil cguro nagpabrace na siya. Pero di ko makakalimutan ung facial expression niya. Bakas na bakas kasi sa mukha niya na di niya ko maalala. Napansin kong tinitingnan niya ung ID ko nung kinakausap ko siya. Di niya ba talaga ko maalala?? T_T I know di ako naging ganong ka-active sa external noon. Pero nagkasama naman kami ng mejo matagal..

Next..sa skul. Nagkakita kami ni Hannah. Anak ko din sa YFC. YFC FEU tlga siya. Pero samin siya nagcamp. Hehe. Kung di pa ko sumigaw ng malakas di niya ko mapapansin. Sabi niya 'Di kita nakilala Mama Rakz'. Huwaat??? Naman...T_T

Pati si Bading di ko akalaing di ako makikilala dun sa mga ILC pics namin. Talagang sinabi niya pa na wala naman ako dun sa pic! E nandun kaya ako! Sabi niya parang hindi daw ako.. Hala..

Sunod ung pinsan ko sa Malabon. Sabi niya sa nanay ko muntik na daw di niya ko nakilala! Bakit?

Ngaun naman nakita ko si Ate Kristine. Ung employee dati sa intern site ko. Di niya din ako nakilala. Kung di ko pa siya inapproach at sinabi ung pangalan ko di niya ko makikilala. Pero alam niya pa din naman ung mga ginawa ko dati sa ex-company niya. Nag-iba lang daw talaga itsura ko. I'm so girlaloo na daw..saka talagang office gurl na ang itsura. May ganun???

Hayy..nalulungkot ako pag naririnig ko ang statement na 'Di kita nakilala'..feeling ko panandalian akong nabura sa isip nila..T_T

Monday, February 25, 2008

God Really Knows How to Make Me Happy! =)

The long weekend is over! Mejo matagal na naman before magkaroon ulit ng non-working holiday! Hehehe.. But I really had a very joyful weekend!

February 22, 2008. Friday.
Crepes and Creme with Clint!


-Nagmeet kami ni Clint sa The Podium. Grabe ang sarap nung kinain namin!! Sayang lang di ko maalala ung name nung food na un. Pero super sarap talaga! Nyahaha! Till now di ko makalimutan ung lasa. Lalong masarap kasi treat ni Clint un..siyempre, basta libre, MASARAP! Hahaha!


February 23, 2008. Saturday.
Napadpad sa Skul


- Nagpunta ako sa skul para magpapalit ng TOR ko. After that ay nag-stay muna ko sa MIS. Tumatanaw sa bintana at umaasang masisilayan kahit sino sa aking mga anak sa YFC. Di naman ako nabigo..una kong nakita si Livy. Haha! Paalis na yata siya nun pero hinabol ko talaga ang beybi ko. Hehehe. Na-meet ko din nun sila Kaye, Jen, at iba pang IT pips. Tapos may booth pala ang YFC FEU that day. So na-meet ko din sila Istiben at Eman. Pati na rin si Kookoo at iba pang YFC FEU. Nag-jamming muna kami panandalian doon. Hehe. Ang saya ko talaga nun! Sana nga andun si Gerald at Pyords ng araw na un. Kaya lang nasa Bulacan daw ang aking anak na si Pyords..si Gerald..unknown. Hehehe. La kasi ko load nun. Di ko sila matext. Sayang.

Tapos sinamahan ko si Livy para magpapicture. Sakto naman, God really knows how to make me happy, nakita ko si Beybi Hannah ko! Haha! Maganda pa din siya as usual. Kasama niya nun si Kristel. hehe. Natuwa talaga ko noon kasi antagal na naming di nagkita ni Hannah. Tumatalon ang puso ko sa tuwa ko that time. Hahaha!

Since 20 minutes before makuha ni Livy ung pic nya ay nag-food trip muna kami. Ang definition ni Livy ng food trip ay 5 pirasong kalamares at 2 pirasong chicken skin. Well, ang definition ko ng food trip ay: 5 kwek-kwek, 7 kalamares, 5 kikiam at 5 hotdog. Nyahaha! Pero ang inumin ko ay Tropicana Twisters! Haha! Biglang pasosyal daw ba?!?!?

Anyway, back to skul kami. Pauwi na rin si Livy noon at natagpuan namin si Istiben na nag-iisa sa Freedom Park. Kaya dun na din kami tumambay. Tapos sakto labasan na din nila Ace at Ced. Yehey! Nakita ko ung beybi ko!!! Nagulat ako kay Ced..all black ang lolo mo! Tinamaan ni Papa P? Hehehe..

Nung nag-alisan na sila ay pabalik na sana ako sa MIS noon. Pero nakasalubong ko ang anak ko na si Edcha. ANg sarap i-hug! Nagiging chubby kasi siya. Hehehe. Nakita ko din c Gian at Kevin pati si AJ. Nagpasama ako papunta sa 4th floor para hanapin si Bading. Pero ang una kong nakita ay si Mafeyat. Kagandahan non si Mafe! Nyahaha! Bagay niya ang color green! Tapos si Kuya Iks ung next kong nakita. Nung nakita ko si Bading, pinilit ko siyang wag ng mag-comlab. Wala na kong kasama eh. Hehehe.

Di kumpleto ang pagbisita ko sa skul pag di ko nakita ang aking Mama Bong. SO sugod kami sa IT Department. Ayun, IT Director na siya. Hihi. Kuwentuhan kami to the max. Namiss ko talaga ang aking Mama Bong! Pero di din kami masyadong nagtagal dahil may meeting pa siya.

Pero ang statement for the day ay: "Di kita nakilala!".. Huwaaattt??? Di ko alam kung bakit pero karamihan sa kanila sinabing di nila ko nakilala..T_T Kahit nga si Bading di ako nakilala dun sa ILC pic namin na wallpaper ni Cherry sa desktop niya.

After a long time ay ngayon lang kami ulit nagkasabay-sabay umuwi nila Bading at Cherry. Inaantok na ko nung pauwi na kaya di ako masyadong nakadaldal sa Jeep. Hehehe. Sa Malabon kasi ako umuwi ng araw na ito kaya..hay..nakita ko na naman ang aking mga ever cuteness na pamangkin!!


February 24, 2008. Sunday. Congratz Touch!!!

Nag-invite si Touch (Michelle Tagle) sa kanilang bahay para sa isang salo-salo para ipagbunyi ang kanyang pagpasa sa Nursing Board Exam! Hehe. Pero bago ako pumunta dun ay natulog muna ako maghapon sa bahay. Nyahehe.

Sa Letre na kami nagkita ni Bading para sabay pumunta sa kanila. Mejo naligaw kami ng konti pero nakarating naman.

Madali naming natunton ung lugar dahil sa isa sa trademarks ng IV-1..ang pagiging maingay. Hehehe. Makita pa lang sila masaya na! Ano pa kaya pag nagkakuwentuhan na! Haha! Kahit wala pa sa kalahati ng IV-1 ung nandoon ay maingay pa din kami.

Itsura lang yata ang nagbago sa IV-1..di p nga halos eh. Hehe. Pero ung kakulitan at kaingayan ganun pa din. May iba pa palang nagbago..mapera na ung iba. Sosyal! Haha! Patak-patak ung iba para sa additional food like ice cream and pizza. Pati pala softdrinks. Pero kung ano ung ugali namin dati, halos ganun pa din. Di maiwasang mapagkuwentuhan ang High School life. Ang pagkabaliw sa A1 at iba pang boybands, ang mga ex-love teams, mga taglines ng teachers namin noon, at kung ano ano pa! May work na din ung iba..ung iba naman students pa din. Active pa rin sa service ung iba..nice to know! Hehehe. Sana lang andun ung ibang kabarkada ko nung High School. Hehehe. Ako lang representative ng grupo namin nung gabi na un eh! Hehe.

Pero un ang nakakatuwa sa IV-1..kahit nanggaling kami sa magkakaibang barkada o grupo ay walang nao-op pag nagkita kita na. As in we are one big happy family pag nagsama-sama na. At kahit magkakalayo ay dadamayan ka pa rin kahit good times man yan o bad times. Napatunayan ko yan noong burol ng Tatay ko. Kulang na lang kasi ay may magtawag ng attendance. Andami nilang pumunta. Nagmukhang reunion ung burol ng Tatay ko. Hehehe. Pero it was very nice to know na andun pa rin sila kahit di kami madalas nagkikita. May mga nag-overnight pa nga. Hehehe.

Sana matuloy ung planong pamamasyal sa Star City. O di ba, feeling bagets? Star City pa din. Hahaha! Dapat nitong March kami rarampa sa Star City. Kaya lang di magkatagpo ang mga sked. Kaya nausod hanggang April. Pag-uusapan ulit ung tungkol dito sa birthday ni Pinkylou ko (Roan). Sana mas madami nang makasama nun!


At..

ang isa pa sa mga dahilan kung bakit ang saya ko dis weekend..

ay dahil nakita ko na naman ung mga pamangkin ko!!! waahhh!!!