Siyempre, after ng Paghahanda ay ang mismong event na. Friday night pa lang ay pinanindigan ko ng lahat ng kailangan sa Logistics ay ok na. Kya inabot ako ng madaling araw kkgwa ng video (actually pers taym ko ung gumawa ng video). Tapos nung Saturday ay todo prepare ung inupahan namin dun sa taas. Inpeyrnes ang ganda nung color combination nila. Hehe.
March 15, 2008. Saturday.
Maagang dumating si Sti. Grabe ang saya ko nung nakita kong muli ang aking anak! Tinulungan nya kami sa pagprepare nung mga gamit. Pero maaga din siyang umalis. Dumating din that night cla Ate Lyka, Ate Claricel, Lolo Mox, at Kuya Abe. Waahh!! Our precious alumni! Nakakatuwa talaga cla. Tumulong cla sa food com nung dumating na ung mga participants.
Late dumating ung mga participants. AS IN LATE. 9pm na kami nakapagstart. Buti n lang ang nilagay namin sa sched ay naka-per minute. At hindi naka-specify ung time. Hehehe. Execom Forum ang topic ng day 1 ng Reunion namin. Diniscuss ang functional side ng execom.
Pero ang exciting at inspiring part ng gabing ito ay ang OPEN FORUM. Tama ang hinala namin na never pa silang nag-open forum. Siyempre di ako mkktulog pag di ako nag-open doon. Kaya sinabi ko ung mga tampo ko at ung mga napansin kong kulang sa kanila. Ganun din ung ginawa ng iba. Kapag open forum talaga di maiiwasang may maghalong sipon at luha sa bibig ng nagsasalita. Hehehe. Nakakatuwa lang kasi nasabi ang mga dapat masabi..na-settle ang mga dapat ma-settle. Madaming nasaktan..madaming tinamaan..pero sa kabila ng lahat, natutong tanggapin ang mga kamalian. At natutong buksan ang isip at puso para unawain ang iba. After nung open forum gumaan ang pakiramdam ko. Pero di maaalis na kabahan ako dahil laging either negative or positive ung magiging outcome nung naging forum. Basta dasal lang ako ng dasal na sana di nila mamisinterpret ung pinapakita naming concern sa kanila.
Inabot kami ng Sunday sa Open Forum. 3:30am na kami natapos. Ahaha! Kamusta naman! Balak kong di matulog nun kya lang di kakayanin ng powers ko pag di natulog. Tabi-tabi kami nila Nunoy, Tay Fello, Trauma at Maylabz na nahiga sa labas. Ganda ng panahon nung gabi na un. Andaming stars sa langit. Star gazing muna kami. Buti pa sila nakita ung 2 falling star! Di ko kc suot salamin ko nun kaya di ko nakita. Hehehe. Pero meron kaming nakita na parang UFO (hinala lang naman namin). Iba kasi ung lipad nya. Hindi diretso. Pazigzag ung lipad nya..tapos..basta kakaiba. Anyway, inaantok na talaga ko nun kaya natulog na ko. Ang lamig-lamig nga lang ng gabi na un kaya gumitgit ako kay Nunoy. Hihihi.
March 16, 2008. Sunday.
Youth Camp Training naman ang nakahanda sa araw na to.Pinanindigan din namin na dapat on time lahat. Hehehe. Breakfast pa lang may challenge na agad ang participants. Limited lang ang binigay namin na food. It's up to them kung pano nila hahatiin un na masasatisfy ang lahat. Di namin intention na gutumin cla. Basta ang target namin dun is: Less for self, more for others, enough for all. In short, service-related naman un. Heheh.
At bago kami magstart sa mga talks ay PUNISHMENT muna.Grinoup kasi namin sila tapos may assigned areas sila na dapat linisin. Before every talk ay iiinspect namin ung areas na un at pag di maayos ay may katumbas na parusa: 20 pumpings for sisters at 20 push-ups for brothers. Pero doble ang balik nun sa Service Team. Kaya grabe...nanakit ang katawan ko dun!
Nakakatuwa kasi sobrang nasusunod ung time na nakalagay dun sa programme flow namin. Kahit food com on time magluto at maghain ng food. As in walang nasayang na oras. Di na namin kinailangang magpa-games dahil gising na gising naman cla. Hihihi.
Nagsimula na ang Youth Camp Training. After every talk ay binibigyan namin cla ng time para makapag-meeting or mkpagprepare para sa ggwin nilang Mock Youth Camp sa afternoon. Nakakatuwa clang panoorin nung nagmimeeting cla. Parang nag-mature clang bigla! Haha! Given a limited time ay nakapagdeliver at nakapagpresent naman cla ng maayos na output nung umaga.
Next challenge ay ang Lunch. Nagluto ang food com ng Sinabawang gulay. Madami kasi sa participants ang di kumakain ng gulay. Pinakuha namin sila ng food. Pero PASS IT TO THE RIGHT. Nyahehe. Di napunta sa kanila ung pinili nilang food. Natawa ko dun sa reactions ng ilan. May mga naiyak pa. Ung iba naman enjoy pa. Hehehe. Ang purpose ng challenge na un ay to tell them na sa service, di pwedeng kung ano lang ang gusto natin, un lang ang gagawin natin. Kung ano man ang ibinigay na blessing or challenge na ibinigay sayo ni God, tanggapin lang. Gulay pa lang un..what more kung higher level challenge pa ung ipagkakatiwala ni God? Kakahiya naman kay Lord God pag tinanggihan..
Afternoon, may punishment ulit. Meron kasing di nakaubos nung gulay. Lahat ay naparusahan except sa kanila. Kasi nga in a team,ang mali ng isa, mali ng lahat. Para walang sisihan. Tapos tuloy ang pagbibigay ng talks. Shinare na rin namin kung ano ung mga naging experiences namin dati.
Dito ko natuwa..sa Mock Youth Camp. Given only one hour, dapat maiconduct nila ung buong Youth Camp Proper. Kami namang Service Team ang participant sa pagkakataon na to. Sinadya naming magpasaway. Tulad ng sinasabi namin palagi, dapat may plan para sa mga worst-case scenarios..at kami ung worst-case sa pagkakataon na un. Kami ang mga pasaway-kuno na participants. Nyahaha! Nagulat cla sa mga ginagawa at cnasabi namin. Pero nung nagpapanggap ako na di ko pa feel c Christ sa puso ko, at the back of my mind nakikipag-usap ako kay Papa Jesus. Haha! Kahit ako di ko na maatim ung mga pinagsasabi ko sa group discussion nmin noon. It's all for the sake of the challenge! Pero sa Mock Youth Camp namin na un nakita ung mga potential leaders..kung sino ung kayang mag-inspire ng ibang tao at kung sino ung kayang mag-lead. Astehg talaga nung experience na un!
Tapos nag-group dynamics kami. Ung lighting the candle. This activity came from the SFC Getting To Know namin. Nakakatuwa ung mga naging reactions nila at kung pano nila diniskartehan na di mamatay ung sindi ng kandila nila. Kaya talaga nilang dumiskarte pag sama-sama at pag si Kristo ang iniisip nila. Ugaling YFC talaga!
Tapos ayun na..uwian na. Hehehe. Pero humabol si Diane at jL..nakakain tuloy kami ng donuts! Sarap!
Nagsimba pa kami nila jL, Diane, at Yayan after ng event na un. Palm Sunday kya bumili n din kami ng palaspas. Mejo sabog na nga lang ako nung nasa misa ako. Talagang kalahati n lang ng mata ko ung dilat. Sorry naman! Tapos kain uli kami pagdating sa bahay. At siyempre di maaalis ang kuwentuhan. Nyahehe.
Ngayon, Monday na. Ngaun ko naramdaman ung sakit ng katawan ko at ang pagkasabik kong matulog pa at magpahinga. Grabe halos di ako makalakad! sakit talaga ng hita ko!!!! Pero kahit pagod ako physically, Spiritually nag-grow ako. Ang sarap sa pakiramdam..ang saya...=) Sulit ung mga sacrifice namin..

No comments:
Post a Comment