Tuesday, March 18, 2008

Holy Week = ???

It's Holy Wednesday already! Hehehe.. Madaming nagtatanong sakin kung anong gagawin ko sa Holy Week Vacation. Honestly speaking di ko din alam. Wala akong plano..tipong come what may muna..hehe.

Mula nung Monday hanggang ngayon ubod ng sakit ng hita ko dahil sa pumpings. As in namaga talaga. Kamusta naman. Kaya todo tapal ako ng salonpas at pahid ng omega (kung pwede lang laklakin n un!)..with matching inom p ng alaxan. Highest level na to! Hehehe. Tapos nung Tuesday naman bday ng kapitbahay namin. Dun naman na-todo kain ko. ahahaha! Sarap talagang kumain pag libre siyempre! Wala lang nakuwento ko lang tong mga to. Hehehe.

Ang totoo gusto kong sumama sa Unit 5 sa thurs to sat..pero gusto ko ding manatili sa bahay. ang gulo ko! ahaha! kasi naman..hay..punta kasing Laguna nun. Ewan ko..naguguluhan ako!!!

Tapos next week tapos na ang abstinence ko..ung no meat for 40 days. Tagumpay naman ako! ahaha! Grabe andaming temptation! As in feeling ko nagniningning ung fried chicken, porkchop, beef steak, etc. Pero ayun..pinanindigan ko pa din ang no meat policy ko. Hehehe. Masarap din sa pakiramdam lalo n sa tiyan saka sa puso pag purong fish, bread at vegies lang kinakain. Akala ko nga di ko kakayanin kasi meat lover talaga ko..pero ayun..sa tulong ni God kinaya ko. Hahaha!

Hay long weekend na naman.. andaming nasa bakasyunan. Pero feeling ko nawawala ung essence ng Holy Week. Para kasing

Holy Week = Vacation = Party!

Ayun..nakakalungkot lang. Bihira na ung mga taong nagninilay-nilay. Ok lang naman magpakasaya pero ung iba kasi ibang kasiyahan ang ginagawa..as in inuman to d max, etc. Di naman sa nagpapaka-kj ako..pero..di ba..asan ang essence ng Holy Week kung ganun pa rin ang ginagawa? Nakakalungkot lang..Proud to be a Catholic country pa naman tayo tapos most of the Catholics ay numero unong pasaway din naman..naging proud pa! hehehe..

Anyway, ingatz n lang po kayong lahat this Holy Week! God bless!!!! =)

2 comments:

napunding alitaptap... said...

mama, e kung mag no meat for life ka na kaya, keri yan!! ΓΌ parang hanggang may choice, avoid meat..

gusto ko rin puro fish at veggies nalang sana... SANA.

Rakz said...

ahehe..sinusubukan ko n nga din nak eh..ineextend ko ung no meat policy ko pag may choice.enjoy naman kasi..=D

bakit nga pala.."SANA"?