Sunday, March 23, 2008

My Holy Week '08

Holy Monday
-wala naman akong ginawang something special... Hehehe. Nilinis ang dapat linisin. Super sakit pa din ng hita ko kaya wala akong masyadong nagawa. Kulang n lang gumapang na ako dahil di talaga ko makalakad!

Holy Tuesday
-Bday ng aming butihin na kapitbahay na si Mang Ruben. Pero naglaba muna ako noon (wala na kasi akong susuotin pag di p ko naglaba). kaya kahit masakit pa rin ang aking hita ay naglaba pa din ako. After nun saka ako pumunta sa 4th floor ng apartment namin para makikain. Daming pagkain! Pero since no meat policy pa din ako nun, ung mga gulay lang nung afritada at kare-kare ang kinuha ko. Waahh!!! Pero ok lang..mas masarap naman ang pumalit. Nagbigay kasi sila ng halaya (ube) at ang ubod ng sarap na tuna! Yummy! napadami kain ko nun! Inabot kami ng madaling araw kakuwentuhan ung mga tauhan sa apartment namin. Sarap nilang kausap. Hehehe.

Holy Wednesday


- Dapat may date kami ng kambal ko nito. Kaya lang la pa daw siya tulog kaya di natuloy. E half day lang ako ng araw na ito. Buti na lang nakausap ko Besti ko! Ayun, nagkita-kita kami nila Yayan at Besti sa Megamall. I miss my Besti soooo mucchh!! As in bihira lang kasi kami magkita. Mejo conflict kc kami sa sched. Hehehe. Kaya yun..as usual, todo kuwento c Yayan tapos todo kain kami sa Chef Donatello at todo kanta naman sa World of Fun. Saya talaga ng gabi na un! Parang Girl's night out na din! Hihi! Sna tlaga maulit un!!! amishu besti ko!!! Sana next time Autumn Sonata or Geminis naman magkakasama. Hehehehe..

Maundy Thursday


- Umuwi ako samin sa Malabon. Grabee!! Nakita ko na naman ang ever cuteness kong mga pamangkin! Ngiti pa lang nila masaya na agad ako! Hihi.. Ang totoo may problema sa bahay ngayon..pero we chose na wag magpadala sa problema. Kami ang magdadala sa problema! Tsugush! Hehe.. Nagkataon naman na nasa Malabon din ang aking HS friend na si Arnel (Yamazaki-Sakura ang tawagan namin). Kaya pumunta siya samin at nanood kami ng movie sa bahay. It was nice to see him again! Super miss ko na din kasi talaga mga HS family ko. Haayy..

Good Friday


- Tanghali na ko nagising. Usual lang naman sakin un pag walang pasok. Hehe. After lunch pumunta na ko sa Concepcion. Makiki-prusisyon. Hmm..parang panata na din kasi ng family namin un na maki-prusisyon kapag Biyernes-Santo. Ayun..nakita ko si Gab (unang pamangkin ko)! Super cute talaga ng pamangkin ko na un! Ang laki na niya! Hehe. Ang totoo alangan akong maki-prusisyon non kasi masakit pa din hita ko..o di ba ang tagal ng recovery ko?? Hehe. Pero ayun..kinaya ko naman. Di ko na lang inisip na may masakit sakin. Effective naman. Natapos ko ung napakahabang lakaran. Hehe.

Black Saturday
- GM (Group Message) Day! Grabe nalunod cp ko sa mga gm ng YFC Bebis ko! Ahaha! Pero sarap sa pakiramdam pag sinasabi nilang 'Amishu' at 'Alabshoo Mami Rakz'! Haayy..pag wala ako sa mood ung mga text n lang nila iniisip ko. Hehe. Sweetness kasi nila..kinikilig ako! Hihi..Sa bahay lang ako ng araw nito. Kakatamad lumabas eh..ang init sa labas. Hehe.

Easter Sunday
- I started my day and my week right..nagsimba kami together ng aking Ina. Nakakatuwa ung bata na nasa harapan ko nung misa. Ngiti ng ngiti sakin..feeling ko ako pa ung mauusog niya! Haha! La pa siyang ngipin kaya ang cute niyang ngumiti talaga! Hihi! Eto rin ang araw ng pag-uwi ko sa Pasig. Waaahh it means may pasok na naman sa work kinabukasan..T_T

Pero aside sa pagtulog at pagkain during the vacation, ay nagmovie marathon din ako..napanood ko ung:
-Spring Breeze (Korean)
-The Legend (Episode 1-6 pa lang)
-100 Days with Mr. Arrogant (korean)
-Miracle on First Street (korean)
-Marrying the Mafia (korean)
-200 Pound Beauty (korean)
-The Guy was Gorgeous (korean)

Puro pala korean movie pinanood ko. Ahihi.. Kinikilig kasi ko dun sa mga leading man..ang kukyut kasi nila..Nyayks! Pero seriously, danda kasi ng story nila..may pagka-unique! Tapos malalaman mo pa ung culture ng ibang country. (Daming excuses! Ang bottom line lang naman dun ay kinikilig ako sa mga leading man nila! Haha!) Napanood ko na kasi ung mga pinalabas na movie sa GMA at ABS-CBN. Kamusta naman ung barbie?! Suki ng ipalabas yun pag Holy Week! Haha!

Pero di lang naman puro saya ang ginawa ko nitong Holy Week. Siyempre I always find a time to reflect...=)

Sana naging masaya din ang Holy week niyo! Siguro boring ung Holy week ko para sa iba.. pero para sakin naging super saya ng vacation ko! As in tumatagos at tumatatak sa puso! Hehehe. Thank you Papa Jesus!!! muah!

No comments: