May 22 eve (bisperas ng birthday ko hihi), ininvite ko ang aking mga kabatchmates na NERDS na magdinner ng sama-sama..Sa megamall lang dapat kami kakain nun kaya lang nagpumilit ung iba na sa may Timog na lang daw. Sa Marina restaurant kami kumain. Mejo malaki ang nagastos pero ung sayang naramdaman ko..it's priceless! Ang saya ko kasi halos kumpleto kami ng gabi na un na mejo bihirang mangyari dahil sa conflicts sa sked tapos may pasok pa kinabukasan. Kaya super saya ko na nagbigay sila ng time..one of the best gifts for me..=)
(Marina - name nung pink pig na bigay nila diane. hehehe. Kasama na sa dabarkads nila Penpen at Ash)Then, it's my birthday! Naglunch out kami ng officemates ko (ka-department lang) then kumain kami sa Tokyo-Tokyo. As usual, treat ko n naman. Hehehe. Pero super saya din dahil kulitan to the max na naman kami!
Ang totoo since nagstart ang May binabati n nila ko..hehehe. Tapos nagpatugtog pa ng birthday song nung umaga..natuwa naman ako..hihihi..
After that, bumili ako ng Promac midi-dvd. Not sure kung ano ung exact na model at tawag sa kaniya..basta un ung pwede kang magvideoke! Nyahaha! Another birthday gift ko na naman sa sarili ko??? Well, di naman masyado..kasi matagal na ring gusto ng nanay ko na magkavideoke kami sa bahay.kaya ayun, pagkauwi ko sa bahay, umabot kami ng kapatid ko hanggang umaga ng may24 kakabirit ng mga kanta! bwahaha!
Pero pinakamakuleht na ginawa ko yata nung bday ko ay ung sariling sikap akong bumili ng cake ko! Hahaha! Natatawa nga ako nung bumili ako sa Goldilocks ng cake..kasi pinalagyan ko pa talga ng lettering na 'HAPPY BIRTHDAY BUNSO!' as in sariling sikap ung greetings! Hahaha! parang baliw lang! in short, ayun sinurprise ko ung sarili ko =P Pero ipinaghanda din ako ng aking mother sa bahay ng pansit, etc.
Pero ang saya ko talaga that night kasama sila Nanay!
Nakakatuwa lang isipin..last April pa dapat ung SWR (SFC Singles Weekend Retreat) pero sa dinami-dami ng dates na pwede siyang i-resched ay natapat pa sa May24-25 which is right after my birthday. Saya no?? Kaya imbis na ako'y nasa bahay lang ay punta kong Manresa Retreat House para sa retreat namin.
(SWR1 May 2008 batch) Wala naman akong pinagsisihan! Damang-dama ko ang God's love all throughout the retreat! Ang laking kalaban ko nga lang ang antok..kya minsan ay naduduling na ko sa pagpupumilit na magising ako. Ayun, buti naman di ako nakatulog..hehehe. ganda ng message sa mga talks. The retreat is all about EMOTIONS. Mga misconceptions, pano ihahandle, etc. All I need to do is i-apply un sa buhay ko. Hehehe. Naiapply ko naman na ung iba. Sa tingin ko sa Fears ung pinakadapat kong pagtuunan. Hehehe. Dami ko kasing physical and social fears =D
Un nga lang narealize ko after the retreat na meron p palang part ko na di p nbabalik..ung pagiging affectionate sa new friends. Nung YFC days kasi bigyan mo lang ako ng konting oras magagawa ko ng makipaglambingan sa mga ka-participants ko. Pero nung retreat parang di ako masyadong nakiki-mingle. Himala nga kasi di ko din sinulatan lahat ng participants at service which is gawain ko dati pa. Nu bang nangyari sakin? Di ko rin nakuha ung mga contact numbers nila..hayz..kaya nung pauwi dun ako nagsisisi..ang slow ng realization ko..hehehe..
Basta ayun..saya ng retreat namin..I'm looking forward na magkita-kita kami ng mga ka-batch ko sa R1 sa R2 =)
Eto pinaka-intangible sa lahat..Monday morning nakita at nakasabay ko na naman sa elevator si Micmic na ultimate crush ko! Hahaha! On the way pa lang ako sa office kinakausap ko na agad si God na di pa niya ko pinagbibigyan sa isang wish ko..ung makita ung crush ko..Tapos..tapos..kkpasok ko p lang ng building..naaninag ko na agad si Micmic (in fairness ang layo ng main entrance ng building namin sa may elevator pero nakita ko agad siya haha)! Grabe talaga! Kaya ayun..hihihi..ganda na naman ng ngiti ng lola mo..=D