Tuesday, October 9, 2007

WeiRd B?? Di NaMan aHh...



WEIRD THINGS ABOUT ME

Wala lang..feel ko lang ilista lahat ng nasabi nilang weird tungkol sakin..pero sa tingin ko normal lang naman..hehehe

- ayokong sumasakay sa MRT : di ko din alam kung bakit.parang natatakot ako sa MRT unless my kasama ako.

- di ako makatulog ng walang nakapatong sa tiyan : haha!madali kasi akong kabagan.kaya kung ayaw niyong magrelease ako ng toxic air, kailangan may unan ako sa tiyan pag natulog!

- kailangan lamigin ang paa ko para maramdamang malamig : pag natutulog ako, dapat paa ko ang nahahanginan.para masabi kong hindi mainit. at lumalamig ang paa ko pag umuulan. haha! may weather forecast power ang paa ko!

- ayokong nagdadiet! : kahit i have a chubby/fat body, ayoko talagang magdiet. ayoko kasi ng payat n katawan. excuse po sa mga payat, pero sa tingin ko kasi hindi huggable pag payat..di masarap lambingin.hehehe

- sinasaktan ko ang taong namimiss ko : di ko din alam kung bakit. pero pag namiss ko ung isang tao at nakita ko, di ko maiwasang manggigil. kinakagat ko talaga sila..at pag lalaki sinasampal ko talaga..hehehe.kaya wag kayong magpapamiss!hihi

- inaantok sa milo at champorado : haha! kamote! inaantok ako pag umiinom ng milo kahit umagang umaga p lang! kahit champorado!

- di ko alam ang size ko : pag bumibili ako ng blouse or pants, dapat kasama ko ang nanay ko. mas alam niya kung kasya sakin ung damit o hindi. ewan ko ba..hehe..

- walang poise matulog : hihi..para daw akong orasan kung matulog. nakataas pa kamay. kaya ngawit ako paggising. lahat ng side ng kama napupuntahan ko.pero pag may katabi biglang behave ako.hehe..

- hidden wild side daw : haha! nabibigla sila pag nakikita nila kong galawgaw, maingay, magulo, makulit! normal mode ko kaya un!

- ghosts : i have seen ghosts since nung bata pa ko..pero mas natatakot ako pag napapanood ko sa tv kaysa sa normal na buhay..hihi..

- super tipid, super gastos: iba akong magtipid..ibang klase din kasi ako kung gumastos..hehehe..every sahod, di mo ko makikitang magbibibili ng kung ano ano unless kailangan talaga. di ko daw pinapamper ang sarili ko..hehe..un ang akala nila! pag pinamper ko na sarili ko, libo na ang usapan! niyahaha!

- nakakunot ang noo kahit comedy ang pinapanood : kapatid ko ang nakapansin nito. kahit comedy ang pinapanood, i looked serious daw sa isang tabi na nakakunot pa ang noo! haha! binabago ko n tong mannerism n to..:p

- takot sa clowns at ati-atihan : natatakot talaga ko sa kanila..kaya umiiwas n lang ako sa kanila..baka masampal ko pa e work lang naman nila un..wawa naman..hehe

- manhid type daw ako : nanliligaw na daw ung tao, di ko pa alam! e bakit ba, di ako assuming type of gurlaloo eh! di ko malalaman hanggat di sinasabi. normal na sakin ung may naglalambing.hehehe..

- masipag sa ibang bagay pero hindi sa bahay : - inaamin ko ang bagay na ito. mas masipag ako sa work at pag-aaral noon. ipagawa mo sakin kahit ano basta wag lang gawaing bahay noon. hehehe. pero nung lumipat n ko ng bahay, nagbago naman na ko..ayoko naman ng makalat na bahay.hehehe

- lahat ng toys ko may pangalan : nakagawian ko na siguro..na lahat ng stuff toy ko or kahit simpleng toy ko may pangalan..iba pa ung real name nila sa screen name nila ah..o di ba, artistahin!haha!

- sobrang pagkatakot sa daga : takot talaga ko sa daga. kahit iniisip ko pa lang ung buntot niya kinikilabutan na ko..kahit pic lang makita ko di ko kaya! hayz! naiiskandalo ang bahay namin noon pag nakakakita ako ng daga. kaya nung may nagregalo sakin ng stuff toy na daga (kahit cute ung toy) tinanggihan ko nung una.hehe..pero siyempre tinanggap ko din..special gift un eh..

- creamer addict : nadiskubre ko to nung nasa ps.org ako noon. antakaw ko sa creamer..un ang tinitimpla ko kaysa sa kape.hehehe

- childhood foods : till now favorite ko pa din ung mga kinakain o binabaon ko nung bata ako..like hi-ro, pretzel, sunshine, happy, halo-halo (ung mga greenpeas, etc.), chippy, chocnut, at flattops..un ang bakas ng kabataan ko..hahaha

- may tinatawag na tatay everywhere : since wala na akong tinatawag na tatay sa bahay (kasi patay na), ngayon ko lang din napansin na ang dami kong tinatawag na tatay. sa skul c daddy(Sir Vic), si amain (Sir Jarvy), at c tay sabino (mike sabino). Sa YFC si Tay Felo, Tay Pakz at c Tay Russell.hehehe..lahat naman sila pinanindigan ang pagiging ama-amahan sakin.suwerte ko!

- super late bloomer daw : eto totoo to..hehhe..di ko feel n babae ako noon eh.haha! joke lang! ngayon lang daw kasi ako nag-aayos..pero may pagkakilos lalaki pa din..hihi..

aba at may mga nagreact! eto po dagdag..

- super biter : hehe..lupeht ko daw mangagat..haha!baka madaming magreact dito!mejo pansin ko ngaun..hehehe

- ayoko sa malaking simbahan : dapat maalis ko n tong kakaibang ugali n to..kundi baka sa chapel lang ako ikasal..wahaha!ewan ko b,ayoko tlaga s malalaking simbahan

- tabinging paa : kaya ayoko ng high-heeled shoes dahil bukod sa masakit sa paa, halatang-halata n di ako pantay maglakad or tagilid paa ko pag naglalakad..hehehe..kitang kita kasi sa takong na pa-slant ung pagkaupod..hahaha!


...ano, weird ba? di naman di ba? :D

4 comments:

Unknown said...

yeba!

Anonymous said...

ang weird nga... hehehe...

JL said...

biter!!! [bItur]
biter nga yan, lakas... dami ko bitemarks diyan dati...

Rakz said...

hahaha!uu cge jL idadagdag ko yan..hihi..