Di ko din alam kung bakit pero bigla kong naisipang magreminisce sa mga pinapanood at kinahuhumalingan kong mga anime dati. As in nakikipag-away pa ko sa tatay ko para lang mapanood ang mga ito! hahaha! Eto ung mga pinapanood ko noong 90's pa..nung panahong ang alam pa lang gawin ng mga bata ay maglaro sa kalye, magtatsing..langit-lupa..teks..pog..at kung ano2 pa..tapos maagang gigising para manood ng mga anime na ito. Ahaha!
SAILORMOON
- may 3gp file ako ng Tagalog Opening theme nito. Send ko na lang upon request. Ahihi..Isa rin yata ito sa longest running anime sa history ng telebisyon. Sino ba naman ang di makakaalala kila Bunny at ang ever crushness niyang si Tuksedo Mask. Tapos bigla silang dumami at halos lahat ng planeta ay meron na silang representative! Isama pa dun ang mga kalaban nilang mukhang bading! Ahaha! Di ko sila kinakaya minsan! Sangkatutak na din ang naging season nito..merong Star, S, R, etc.. Sa channel 5 ko siya napanood, every Saturday evening 7pm yata.=D
Tagalog Opening Theme:
ikaw ang lagi kong hinahanap
kasama kang lagi sa pangarap
nais koy lagi kang nakikita
marahil nga ay mahal kita
liwanag ng buwan sa kalawakan
hinahatid ka saking isipan
paano ba kita makakausap
ikaw sa akin ang lahat
sana bawat saglit laging kapiling ka
pagibig ko sana'y madama
kasa-kasama kita sa pangarap
nadarama'y wala ng katulad
ligayang dulot nito sa'king puso
sana ay di na magwakas
sana ay di na magwakas
MAGIC KNIGHT RAYEARTH
- Sila Luce (Hikaru), Anemone(Fuu) at Marina(Umi)..ahaha! Pero si Marina ang pinaka-fave ko sa tatlo na 'to..ang cute kasi nung pagkamataray niya. Andito din si Ascot na dating maliit tapos biglang tumangkad (ibig sabihin kaya nun may pag-asa pa ko?ahaha! asa!!!). Guru Clif (maliit din tas may gusto kay Marina), Caldina (ung maitim na daring na babae dun. hihi), Prinsesa Emeraude (kamoteng prinsesa..maganda pa naman sana..ayun pala lover niya ung may bihag sa kanya. hayz), Zagato (ung inlab kay Emeraude), Lafarga, Ferio (bf ni Anemone), Lantis (loveteam naman ni Hikaru), at Mokona (parang ang sarap niyang akapin palagi.hihi). Siyempre di ko na matandaan ung ibang characters! =D Sa ABS ko naman unang napanood ito. Bandang hapon..di ko na maalala ung time. (1996)
Tagalog Opening Theme
kami'y narito, asahan niyong magtatanggol
makikipaglaban para sa kapayapaan
ang lahat ng nilalang dito ay may karapatan
sa magandang bukas
kung mayroong gumugulo ay 'wag mag-alala
kami ang dakilang taga-pagtanggol nyo
sa lahat ng oras
handa kaming tumulong
ang aming mga kapangyarihan.....
alay sa karapatan
kami'y narito, asahan niyong magtatanggol
makikipaglaban para sa kapayapaan...
...at kaayusan
kami'y asahan nyo
hanggang sa dulo ng mundo...
AKAZUKIN CHACHA
- Eto naman ang tatlong cute na bata na sila Shiine, Liya (Riiya), at Chacha. Isama pa natin si Gurong Seravi na palaging napapadaan lang at isa daw siyang pagong at kung ano mang hayop ang maisipan at si Gurong Dorothy na may crushness kay Seravi since childhood nila. Haha! Nakalimutan ko n ung name nung ibang ninja dun..ung naka-kulay pink at ung violet ang buhok. Basta ang kuleht kasi ng anime na to..nakakatuwa kaya natandaan ko talaga siya! Mahiwagang Prinsesa Holy Up! Hehehe.. Sa ABS ko din napanood..panghapon din siya.
Tagalog Opening Theme
Tibay ng loob, tiwala sa sarili
mga katangiang taglay
pag-asa at katatagan
para sa kapayapaan ng sandaigdigan
chorus:
Busilak ang kalooban
lahat ng bagay makakamtan
basta't ito'y para sa kabutihan (kabutihan)
Busilak ang kalooban
lahat ng bagay makakamtan
basta't itoy para sa kabutihan...
SI MARY AT ANG LIHIM NA HARDIN
- ang istorya ng batang may blonde na buhok na aphro style! Either color blue, black or white lang ang damit niya. Hihi. Friendships niya sila Martha at Peter..kung di niyo sila maalala, sila ung maitim na magkapatid. Actually 12 silang magkakapatid..pero siyempre di ko na kilala (at wala akong balak) ung iba. Ganda din ng story nito. Ganda pa nung song..hehe. Nagmula pa din sa ABS, pang-umaga naman ito. Bandang 10am pa siya noon. =D
Opening Theme Song
Pawiin mo na ang iyong luha.
Limutin, tawanan ang problema.
Habang bata ay magsaya,
makulay and mundo basta't mangarap ka.
Sa bawat pagsubok na makikita.
Huwag mong hayaang madapa ka.
Tibayan mo ang loob,
pagkatapos ng unos, ligaya ang dulot.
Sadyang ganyan ang buhay kailangang magsanay.
Mapaglarong tadhana, susubukin ang tibay.
Kaya't kumilos ka, magisip, mag-aral.
Magandang bukas sayo ay nakalaan.
Hay..buhay sa mundo..
Hay..buhay sa mundo..
GEORGIE
- Ang batang nagsimula sa age ni Heidi pero nung nagdalaga na ay..biglang haba ng hair niya! Daming niyang papabols! Hehehe. Ang cute kasi nitong si Georgie..pero di talaga siya pambatang anime talaga. Kasi mejo maypagka-sensual na ung scenes nung nagdalaga siya. Nagkagusto sa kaniya ang mga dati niyang Kuya na sina Kain at Abel. Tapos umeksena pa si Lowell na palaging isang mata lang kita..natatakpan kasi palagi nung blonde niyang bangs! Tama ba naman un?? ahaha..ayun..sa hinaba-haba ng story wala din siyang nakatuluyan kahit sino dun sa tatlo. Hahaha! Sa ABS din pinalabas..sa umaga din rumarampa ang beauty nya.
Opening Theme SOng:
Nakita ko ang larawan mo
at muling nagbalik sa akin ang lahat.
Ang malambing na bulong mo ako
"ang nagbibigay musika sa mundo."
Sinabi mo ako ang himig ng iyong byolin,
mga labi ko'y rosas na ginto.
At ikaw, ang pintor ng aking daigdig.
Kulayan natin ang mundo, parang bahaghari,
at ang kagandahan nito ay naging makislap pa sa araw.
Ika'y lubos na marikit, mula sa'yo mahal
REMI
- Nobody's Girl. Lalaki ung unang version na napanood ko. Pero mas tumatak sakin 'tong girl version. Pero as usual, di pa rin mawawala sa eksena sila Ginoong Vitalis, ang unggoy na si Joulicour, at ang mga doggies nila (di ko na maalala ung mga names). Pero most of their doggies ay namatay. Ung unggoy at isang aso n lang ung natira. Kinilig ako dun sa tandem nila ni Matias..kahit na mejo kakaiba ung punto ni Matias. Di ko mawari minsan kung anong dialect niya talaga. Hihi.. Basta sa ABS ko din napanood ito. Pang-umaga pa din..actually never siyang naipalabas sa hapon. Hehe. (1999)
Theme Song:
Aking ina, mahal kong ina
Pagmamahal mo aking ina
Yakap mo sa akin hinahanap ko
Init ng pag-ibig, kumot ng bunso
Sa gitna ng pagkakahimbing
Yakap mo ang gigising
JULIO AT JULIA: KAMBAL NG TADHANA
- sino ba naman ang makakalimot sa Kambal na ito! Isama pa natin sila Reyna Dowayger (mali ata spelling) at sila Pudong at ang mahiwaga niyang palakol! Ahaha! Ang cute talaga ng anime na to..wala ba nito sa DVD?? hay naman.. o kaya gawan nila ng Fantaserye! Ang cute kasi pag naghahawak-kamay sila..umiilaw!!! Nagmula pa din siya sa ABS at sa morning session din siya.
Opening Theme Song:
*gong*
Kapag uminog na ang mundo
Iikot din ang buhay ng tao
May saya at mayroong dusa
Huwag lang tayong magpapatalo
Kung ikaw ay nag-iisa
Sa landas na iyong tinatahak
Huwag mawawalan ng pag-asa
Sa mithiing pakikibaka
Si Julio at Julia, kambal ng tadhana
Di susuko sa pagsubok...
Kapag sumikat na ang buwan
Bago pa sumikat ang araw
Bagong pag-asa'y matatanaw
Tadhana na ang siyang pupukaw
Bagong pag-asa'y matatanaw
Tadhana na ang siyang pupukaw...
TRAPP FAMILY SINGERS
- Si Maria at ang Trapp Family. Ganda din ng istorya. Pero kamusta naman, tuwing manonood ako ay ung scene na nahulog siya sa hagdan ang napapanood ko. Sa pagkakaalam ko may pagka-true to life story itong anime na ito. Nakalimutan ko na din ung pangalan nung mga bata..alam ko lang sila Rupert, Agatha, Maria, Werner, Hedwig, Joanna, at Martina..ay..nakumpleto ko na pala. Ahaha! Basta the best ung story nito! Pure kapamilya ang Trapp..sa morning shows siya nakahilera.
B'TX
- di ko naman masyadong kinaadikan pero gusto ko pa rin. Crush ko kasi dito si Faust..ung may long blonde hair. Ahaha! Tapos ang kuleht kuleht pa ni TP. Tigas ulo!!! Eto naman sa afternoon show nakahilera. But still sa ABS pa din siya ipinalabas. (1997)
WEDDING PEACH
- ang weird ng dating sakin nung una kasi makipaglaban ba naman ng naka-wedding gown??? hirap nun ah! hahaha! Nakalimutan ko na dn ung mga name nila..Basta leading man dito si Yosuke. Ung may brown na buhok. Hihi. Sa ABS din inere, pang hapon na palabas din. (2000)
CINDERELLA
- Richard yata ung name nung prinsipe dito..Ganda din ng hairstyle ni cinderella dito..kakaiba! Pero mukang nauuso na siya in real life. Hehehe. Nababanas lang ako minsan sa pagka-shunga ni Cinderella sa version na to. Hehe. Mas maganda din ung pagkaka-dub sa ABS-CBN kaysa sa GMA. =D Eto lang naaalala ko sa kanta niya:
Hanggang kailan, hanggang kailan
Ko malalaman ang itatawag sa
Isang mukhang walang pangalan
Sabik na akong ikaw ay makilala ko..
NADIA
- Ang Mahiwagang Kuwintas yata ung totoong title nito..tapos ang bida si Nadia. Sa pagkakatanda ko nabanggit dito ung tungkol sa story ng Babylon tower. Interesting din tong anime na to. P.S. Bigla kong naalala ung name nung Tiger na napagkakamalang pusa..King ung name niya. Hihi. Sa ABS din inere..sa umaga din.
TICO
- ung balyenang friendly. Haha! Sayang di ko siya masyadong nasubaybayan noon pero enjoy ako sa mga episodes niya. Parang ang sarap makipaglaro sa balyena!! Konti lang yata nakapanood nito, pero nagmula din siya sa morning shows ng ABS noon.
TIME QUEST
- "Lilipad..lilipad..Takure!!!"..ahaha! Naalala ko pa ang naging habulan nila Mayumi, Henry, ang palaging kalmado na si Prinsesa Sheila, ang super inlab kay Prinsesa Sheila na si Prinsipe Daniel, Aladdin at si Abdullah. hehehe. kakapraning din itong anime na 'to. Lalo na pag umeksena na ung genie! ahaha! Nakakatuwa siyang panoorin! Sa channel 13 ko siya unang napanood. Actually dun ko lang siya napanood. Hehehe. Ganda ng pagkaka-dub noon!
HUCK FINN AT TOM SAWYER
- di ko alam kung bakit pinag-ibang serye pa sila. E pareho lang naman silang character dun sa serye ng bawat isa. Hihi. Paimportante! Anyway, may gusto ko ung serye ni Huck. Mas nakakaaliw. Ung kay Tom kasi karamihan usapang babae! haha! Nakahilera din sa morning shows ng ABS..pero parang minsan siyang ipinalabas sa hapon..
ANG MGA MUNTING PANGARAP NI ROMEO
- isa sa mga anime na nagpaluha sa akin! Haha! Nung namatay si Alfred as in naiyak kami ng Nanay ko. Ahahaha! Kamote! Nakukyutan ko din dito ung nakatuluyan ni Romeo..si Bianca. Ung kapatid ni Alfred. Hehe. Basta danda ng story na ito..masyado nga lang emo. Nyahehe. One of the morning animes din ng ABS! (1997)
PETER PAN
- Pinakatumatak sa memorya ko na karakter nito ay si Luna. Ang unique kasi ng personality niya. Hihi. Sa pagkakatanda ko sa hapon ko siya napanood. ABS-CBN pa rin siyempre!
SNOW WHITE
- nakakabanas din minsan si Snow White. Tigas ulo din. Haha! Pero ok naman ung series niya..normal story ng isang fairy tale. Hehe. Una ko ding napanood sa ABS. Tapos nalipat yata siya sa GMA. Pero mas maganda talaga dubbing sa ABS. =D
CEDIE ANG MUNTING PRINSIPE
- Cedie..ang ever cuteness na prinsipe! Haha! Tuwang tuwa ako pag tinutugtog niya ung Annie Laurie. Nakakaiyak pero masarap sa pakiramdam..nakakarelax. Basta ang cute ni Cedie! Ganda pa ng story! Sa ABS ko lang siya napanood at mukhang ayaw pakawalan ng ABS itong anime na ito. Haha! One of the morning animes din.
HEIDI
- Hinahanda ko tenga ko dati pag pinapanood ko to. Mejo masakit kasi sa tenga ung boses ni Heidi lalo na pag sumigaw siya ng "Lolo Alp!! Joseph!! Peter!!"..ay kamusta naman! Pero siya ung nanatiling walang muwang..si Heidi kasi nagdalaga e..siya hindi. Hehe. Ipinalabas siya sa umaga tapos naging hapon sa ABS. Tapos napunta siyang GMA..naging pang-umaga ulit. Gala talaga si Heidi! Haha!
Heidi..Heidi..anak pawis ka sa kabundukan..
Heidi..Heidi..
Yan lang naaalala ko sa theme song niya. =D
DOG OF FLANDERS (NELLO AT PATRASCHE)
- Makadurog puso din ang story nito. Namatay yata sila nung winter dahil sa gutom..kung tama pagkakatanda ko sa ending. Hay grabe..ayoko ng i-reminisce ito! Basta sa ABS ko siya napanood. Pang-umaga din.
SARA ANG MUNTING PRINSESA
- Hanggang ngayon umeere pa din ito sa ch2. Mejo kabisado ko na din ung story niya. Hihi. Dati nga bumibili pa ko ng paperdolls nito..pinag-aaway ko sila ni Lavinia! Haha! Nwei, naging pang-umaga at panghapon din sa ABS itong si sarah.
ZENKI
- di ko rin makakalimutan sila Cherry at Zenki lalo na pag ginagawa niya na ung spell. Tapos lumalaki na si Zenki..or should I say back to his original form. Saka si Apo Jukai na matanda na nga, napakahilig pa din sa mga babae! Haha! Kamote! Sa hapon lang siya pinalabas noon. Sa ABS pa rin. (1997)
DRAGON BALL
- isa sa pinakamatibay na anime! Nagkaroon na ang kuya ko ng Son Gohan at lahat ay naka-ere pa din tong anime na ito! San ka pa di ba?? Pero never naman siyang natapos..hayz..Di ko maalala kung san ko siya unang napanood. Basta hindi sa GMA. hehe.
TEENAGE MUTANT NINJA TURTLES
- ung apat na pagong! Donatello, Michael Angelo, Raphael, at Leonardo. Tapos ang master nila ung daga..si Master Splinter. Kalaban naman nila baboy..sila Bebop at Rocksteddy na ang Boss ay si Shredder. Ahaha! Sa channel 9 or 13 ko yata napanood ito. Di ko na din maalala.=D
GHOSTBUSTERS
- palumain pa natin lalo! Haha! Natuwa ako sa panghigop nila sa mga mumu! Actually panakot sakin ito noon eh..haha! Un nga lang di nila tinagalog to. Kaya more on pictures ang natandaan ko. Lalong di ko na maalala kung kelan ko pinanood ito. Super early 90's pa noon nung napanood ko to.
POLLYANNA
- ung batang merong chipmunks. hehe. Tapos laging may tirintas sa harap. Naaalala ko ung Auntie niya (i forgot the name)..mejo masungit nung simula pero at the end bumait din sa kaniya. =D Sa ABS ko siya first na napanood. Tapos napadpad din siya sa GMA.
BLUE BLINK
- Eto sa ABS ko lang napanood. Bandang hapon siya. Ang cute kasi nung boses niya lalo na pag sinasabi niya ung "Kakeru!". Hehehe. Nai-feature pa nga sa news ung nagboboses kay Blink. Hihi. Eto lang din naaalala ko sa song niya:
Ako si Blink!
Sa bawat oras nariyan
Tutulong sa nangangailangan
Ako'y maaasahan..
ayun lang. di naman nila binubuo ung opening song eh. Hehehe.
YAIBA
- sa channel 5 ko napanood ito. Di ko siya masyadong nasubaybayan pero nakakatawa din siya.
RANMA 1/2
- sa channel 9 ko siya first na napanood. May pagka-naughty kasi kaya di siya masyadong pambata. Ahaha! Pero ang kuleht din ng mga punchline dito! Unique pa ng concept!
GHOST FIGHTER
- Patay na patay ako kay Dennis dati! Ahaha! Wala akong pakialam kesyo nililink siya kay Vincent at kung sino pa man! Basta ako natutuwa sa kanya! Hehe. Sa channel 13 ko naman unang napanood ito. Panggabi pa siya non. =D
LITTLE WOMEN 2
- Natuwa din ako sa story nito. Istorya siya ng teacher na si Jo at ng estudyanteng si Nan. Ang cute ng pagkapasway ni Nan. Hehehe. Little WOmen 2 na ung naappreciate ko. Ung Little Women 1 kasi story naman nila Jo. (1997)
PASKO NI SANTA
(walang pic.hehe)
- eto naman ang paboritong ipalabas na anime ng ABS noon! Mas naaalala ko ung kanta niya kaysa sa istorya..hihiTheme song:
Sino nga ba siyang nakasuot pula
Hila ng mga usa
Puti ang balbas niya
Siya'y mataba
Lahat ng bata'y naghihintay sa kaniya
Namimigay siya ng mga regalo
Tuwing sasapit ang araw ng Pasko
Kaya sa araw na ito
Maghihintay kami sayo
Saan ka ba nagmumula
Sana doon kami'y isama mo
Nais naming makita
Kung pano ginagawa
Mga regalong pinamimigay mo
Nais namin..
Laruan! Libro! Damit na pampasko!
Sa mga nakakakilala sakin, malamang nagtataka kayo kung bakit wala si Cardcaptor Sakura..di pa kasi siya oldie para sakin eh. Hehehe. Idagdag pa natin ang Samurai X (1999), Tenchi Muyo, Slam Dunk, Neon Genesis Evangelion (1999), at Magic Girls (2000, si Tomomi at Mikage!!!). Haha! Saya!!!
Nawa'y naremisce niyo din ang kabataan niyo! That's it for now!!!