Monday, January 5, 2009

NERDS 1/2 Potipot Escapade

Yeah, 1/2 lang. Dahil ang bilang naming pumunta ay kalahati lang ng usual na bilang namin pag naga-outing. May commitments kasi ung iba (di nga???). Kasi ba naman weekend bago magpasukan kami pumunta (Jan2-4). Alangan talaga pero masaya kasi konti lang ng tao. Kami lang nila Beth, Sossy, at jL ang nakapunta---ang matatatag na natira haha. Plus Lolo Mox. Matagal na tong plano ng Nerds na pumunta sa place nila Kuya Iks (kahit di niya kami iinvite, iniinvite namin ang sarili namin haha). Since college pa yata. Pero ngayon lang natuloy..or should I say, pinilit matuloy. Haha.

Anyway, ayun..we took a bus to go to Zambales. Sa Victory Liner Sampaloc Terminal (harap ng UST na wala akong idea kung sang banda dati hehe) kami sumakay. Byaheng Sta. Cruz Zambales. Departure time for this trip are: 11am, 2pm, 6pm, and 11pm. Nakalimutan ko kung may mas maaga pa sa 11am. Then the Bus fare is Php446.00. It was a 6-hour ride. Kapraning pero masaya. Di ako nakatulog sa byahe (mas nakakapraning) kaka-sight seeing sa mga palayan, bundok, cute na puno (alam ni jL ang deifinition ko ng cute na puno), at marami pang iba.


We stayed at Dawal Beach Resort. Affordable naman ung room rates. Di nga lang kagandahan ung sand dun sa resort (or sa pananaw ko lang). Color gray kasi. Hehehe. Pero enjoy namang lakarin ung kalahati nung lugar na un. Todo bantay din ako sa antok ko dahil nagiging cause siya ng pagsumpong muli ng vertigo ko. Kaya naging Serc-dependent n naman ako. Hehehe. Impeyrnes nakakasira siya ng eksena. Haha!



Sunday morning kami pumunta sa Potipot Island. Super thank You Lord! dahil hindi maalon..at ang ganda pa ng weather! Nakatulong din ung pag-upo ni sossy at jL malapit sakin. Kung tumaob man ung bangka for sure may marunong lumangoy malapit sakin. Hehehe.Nakakatuwa pa dahil konti lang ung tao. Walang masyadong istorbo kung gusto mong mag-moment dun sa island. Basta ang ganda nung island na un! Di ko tuloy napigilang lumusong sa dagat..siyempre dun lang sa mababaw na part. Hehehe.



After that langoy naman sa pool sa resort. Tapos kain ng lunch kila Kuya Iks then uwi na. 5 hours lang byahe pabalik sa Manila. Umabot kami ng 6 hours dahil kumain pa kami. Hehe. Sabi ng nanay ko nabalita daw na matraffic that day ayon sa news. Pero ung byahe naman parang walang ganun.

All in all, we had a nice time dun sa place nila Kuya Iks. Sana sa susunod na outing ng NERDS mas madami na kami. The more the merrier. Hehehe.

P.S.
Thanks for being super generous Kuya Iks! Hehehe!

No comments: