Wednesday, January 28, 2009

Naipong kuwento at kuro-kuro tungkol sa Recession

Kung ibabase sa record ng Pilipinas, parang wala namang epekto satin sa Pilipinas. Matagal na kayang pahirapan ang employment dito?! Hehe joke lang.

Bawat gabi kasi nababalitaan ko na lang sa TV Patrol na ilang companies ang nagsasara at ilang libong tao ang mawawalan ng trabaho. As in libo-libo-libo. Ang nasabi ko na lang, "Sounds alarming."

Before sumulpot ang recession issue n yan, ilang Pilipino na ba ang unemployed? Ilang Pilipino na ang nawalan ng trabaho dahil nagka-recession? at ilang estudyante ang gagraduate this summer at maghahanap ng work? Siyempre ang prefer nung mga employers ay ung may experience na sa job. So ayun..suwertihan talaga para sa mga gagraduate ngayon ang pagkuha ng work.isang malaking GUDLAK. Font 36, Bold, Arial, color Red. Parang ganito:
GUDLAK

Gosh. Dadami ang tambay. Lalaki ang bilang ng krimen. Siyempre ang karaniwang dahilan? Kahirapan! Kanya-kanyang gawa na naman ng paraan ito para magkapera! Sana nawala na ang karisma ko sa mga holdaper at snatcher! wah!!!

May pinsan akong nagtatrabaho sa ibang bansa. May iniaalok sa kapatid ko na trabaho. Ok naman, marangal ung trabaho. Aba at ang magaling kong kapatid, nagiging choosy pa! Ang linya pa ay "parang gusto nyo kong paalisin talaga ah!" Gusto kong sagutin ng "OO, obvious ba?" We should be practical! Saka na ang family ties! Joke. Hehehe :p

Eto naman istorya ng officemate ko. Sa kumpanya daw ng asawa niya, pag di ka nakalog-on sa PC mo, ibig sabihin tanggal ka na. Walang memo, walang pasabi, wala lahat. Hindi sa technical pips lalapit ung employee kundi sa HR nila. At pag-inquire, aun sabay bigay ng backpay at kung ano man ang mga ibinibigay sa natatanggal na empleyado. Kaya kada umaga ay may halong dasal ang mga empleyado sa kanila kapag naglalog-in cla sa kani-kanilang PC. Kasi pag di ka nakapasok sa system, ibig sabihin tanggal ka na, tinanggal na ang account mo before ka pa masabihan. Bongga! So bye-bye personal files na. Whew! Parang Expulsion Day palagi! Parang di ko kaya pag dito samin nangyari un! Pano na ang mga mp3 ko! Joke. Hihi.

So sa mga nagbabalak mag-resign sa kani-kanilang work ngayon, better think a million times. Di naman masamang maghangad ng higher salary. Pero baka sa sobrang paghahangad ng malaki ay ang kabagsakan mo ay wala. Siyempre kung sure naman n may lilipatan ka, y not d b? hehehe. :D

4 comments:

Anonymous said...

oh my...that's sad...pag di ako maka-log-in, ibig sabihin tanggal na ako?! wala man lang warning?! katakot naman!!!

Lilibeth Macugay said...

had to think a million times talaga... grabe naman ung company, di sila tinuruan ng human rights... bad...

Rakz said...

@ate monette:
kaya nga po ang usapan daw sa kanila pag morning: "nakalogin ka?" "Oo, ok p naman" grabeeeee!

@lilibeth:
khit ung sa accenture biglaan din nung nagtanggal. dami kong nasasagap n balita noh? haha!

Unknown said...

"So sa mga nagbabalak mag-resign sa kani-kanilang work ngayon, better think a million times. Di naman masamang maghangad ng higher salary. Pero baka sa sobrang paghahangad ng malaki ay ang kabagsakan mo ay wala. Siyempre kung sure naman n may lilipatan ka, y not d b? hehehe. :D"

ouch.. ako yata ito ah.. hahaha.. pero napag-isip-isip ko na rin na mabuti na yung sigurado kaysa mag-risk tapos mawalan pa ng tuluyan.. hehehe.. yan din kasi sabi ng lahat ng tao, pati mga pinsan ko.. hahaha.. kaso nakakainis talaga eh.. wala nang bonus wala pang increase!