Sunday, November 9, 2008

Na-miss kita Ice Cream!

Waah! Tapos na ang Fatima1 CLP! Thanks sa matinding guidance at pagmamahal ni Lord sa buong service team ng Fatima at sa mga new family members namin--Acey, Khaye, Jhong, Zhen, Cris, Fraus, Livy, Tine, Emy, Elv's, Ced, Chester, Von, at Normann. Welcome to the Family!!!

Hay..ganun lang pla talaga kabilis ang three months. Tapos biglang magbabago n naman ang takbo ng weekends ko. Nakakapanibago. Hehe.

Mamimiss ko ung weekly na..
..pagpiprint ng song sheet dito sa office
..pagmemorize ng mga kanta (na hanggang mga officemates ko halos makabisado n ung kanta kasi un lang pineplay ko dito sa office.lalo na ung mga Chris Tomlin songs.hehehe)
..war emails namin ni papa edmar (kumbaga sa 10 concerns,isa lng dun ung magksundo tlga kami. haha joke lang!)
..pagpunta kila dadi pao ng 1pm SHARP (dito ko lang nakitang ontym ang SFC. hahaha =p )
..jamming with the rest of the musicmin (tatlo n nga lang pala kaming natira.hehe)
..pa-merienda ni dadi pao at papa edmar (either late si papa edmar kya siya taya sa merienda or walang late s musicmin kaya si dadi naman ang taya. hehe. masaya ang hapon ko!)
..pagdadasal para sa maayos na boses (uu linggo-linggo toh! bait mo Lord! hehe)
..pag-ubos sa isang pack ng strepsils (ilang linggo akong naging strepsils-adeek huhu)
..pagkakalat during teaching of songs (either wala kami s timing ng pagpasok, wala sa tono, o kya naman nakakalimutan namin ung lyrics hehehe)
..pagsasabi ng 'mas matino performance natin nung practice' (hahaha!)
..pagtatanong ng 'ok po ba ung kanta namin?' (haha parang naging habit n naming itanong toh just to know kung naging maayos ba pagkanta namin.hihi)
..piktyur-piktyur during practice and CLP
..paggawa ng videos at pagconvert ng mp3s from youtube.hehehe
..discussions with my group
..overnights either at jolibee or BK rotonda (as in para kaming mga walang tahanan n uuwian dahil sunday morning n tlga kmi umuuwi.hehe)
..kulitan with the rest of the service team! though di ako maxadong makapaglambing sa iba dahil parang ang busy ko during sessions, mamimiss ko sila!

It's obvious in my list na most ng mamimiss ko ay part ng musicmin life ko..hehe. Kahit na andaming naging issues samin ay yey! we survived! hehehe.

Never thought din na matatapos ko ang CLP ng walang absent. Uu,isa ito sa himala ng buhay ko dahil talagang palagi akong may absent in any series of events. Hihi. Absingera talaga! Pero thank you kay Lord..sobra!

Ang kuwento ko masyado..nakalimutan ko ng i-mention kung bakit Ice Cream title ng post ko. Hehe. Ice Cream kasi..ito talaga ung hiling ko na right after Lord's day gusto kong kumain ng Ice Cream! Aba, plinastik ko ang sarili ko at 3 months akong kunwaring di nagkcrave sa ice cream! haha! Ang sakit kasi sa lalamunan eh. Kaya nasa module 2 pa lang yata kinukulit ko na si papa edmar (siya kasi musicmin head) na manlibre siya ng ice cream right after Lord's day. Hihihi. Di naman ako nabigo. Ayun naka-ice cream naman ako. At hanggang ngayon dama ko ung epekto nung ice cream. Ang sakit ng lalamunan ko! Masama yata loob niya nung nanlibre siya, joke! hihi. Di na yata ako sanay kumain ng ice cream! waahhh!!!

No comments: