Grabe, first time kong nagbasa ng novel series! At ebook pa! Alam ko kasi sa sarili ko na naiirita akong magbasa ng mga ebooks dahil nakakapagod sa mata. Pero this time, kinaya kong magbasa ng four ebooks! Haha! I got curious sa Twilight. At nung nasimulan ko na, di ko na alam kung pano bumackout sa pagbabasa. I got hooked! Haha! Siguro dahil nagising nya ung side ko na mahilig sa mga fictional things. Though the story is a bit..common?
Habang binabasa ko ung novel ay palaging nakaagapay ang dictionary.com or MS Word (pag nasa bahay ako). Why? Sabi nga nila, prevention is better than cure. Baka kasi maubusan ako ng dugo sa sobrang pagka-nosebleed sa ilang terms or words na ginamit sa novel. Hahaha! Maganda na ung tignan agad ang meaning ng word bago magproceed sa pagbabasa at bumuha ng dugo sa kinauupuan ko. Hehehe.
Matinding mood swing ang binigay sakin nung story. Minsan ang sarap sampalin nung bidang babae. Haha. Basta ayoko nung 2nd (new moon) at 3rd book (eclipse).Ayoko nung 2nd kasi ang konti ng part ni Edward Cullen. Na-bore ako. Haha. Ung 3rd naman, hmm..cguro dahil nainis lang ako kay Bella Swan. Nyahehe. Pinakanatuwa ako dun sa 4th book (breaking dawn). Wala lang..nakakatawa lang ung ilang scenes. Though di ko rin masyadong naapreciate ung ending at supposed to be climax. Nang-okray na naman ako. Haha.
Pero nasa first book pa lang ako, napaisip agad ako. The novel is under Fiction category. Siguro nga..dahil about vampires and werewolves ung mga nandun. Pero parang mas naniniwala pa kong may vampire at werewolf dito sa earth kaysa sa existence ng character ni Edward Cullen.
Si Edward Cullen kasi..almost perfect. Guwapo, mayaman, may soothing voice, maalaga, mapagmahal, at higit sa lahat..loyal. hahaha! Parang un ung fiction sa pananaw ko..a man as perfect as he is tapos loyal! Bwahahahaha! Parang mas maniniwala pa talaga akong may bampira dito sa mundo kaysa maniwalang may lalaki pang katulad ni Edward Cullen. Haha! At si Bella pa ung nagawang maguluhan. Grabe na itoh..ang ganda mo gurl! Hahaha! Ang ayaw ko lang sa character ni Edward Cullen..hmm..super protective (sa buhay ng tao kailangan talaga minsang masaktan para matuto) at minsan..emo. Hehehehe. Di ako maisip ang sarili ko na may emo na bf..parang di kaya ng kapangyarihan ko. Ubos lakas. Pag-explain pa lang parang huhugutin na ang lahat ng lakas mo para pumanatag lang ang kalooban niya. Grabe..hehehe
Nwei,nakakatuwa kasi may exhibit ung Twilight movie kagabi sa Megamall. Andun ung ilang captured scenes from the movie. Nakakatuwa dahil narecognize ko ung mga characters.At nadissapoint ako dun sa itsura ng iba.Di man lang umabot dun sa inimagine kong itsura nila as described dun sa story.hihi.Can't wait to watch the movie tuloy. Halos ung thoughts kasi ni Bella Swan ung nakahaba dun sa story eh..naku-curious tuloy ako kung pano nila ginawang movie. Nakaka-curious din kung pano nila ippreserve ung itsura nila since di dapat tumatanda ang itsura nung mga cast. At mukhang kailangan talaga nilang tipunin ang mga angelic faces sa hollywood dahil padami ng padami ang vampire characters. Baka kailanganin na nila ang presence ko. Haha! Echos lang..asa!
Hay..sa wakas natapos ko ng basahin ung series..makakatulog na ko ng maaga. After office kasi nagbabasa pa ko hanggang umaga. At unhealthy siya. Haha. Kahit sila Diyosa at Betty La Fea ay pansamantala kong ipinagpalit matapos ko lang ung four books ng series na un. Hihihi. Adeek!

1 comment:
mamarkaz.. sinisimulang basahin ko palang po yung entry mo hindi ko na po tinuloy hahaha baka kasi hindi ko na mapanood yung movie hahaha!! excited pa man din ako.. woohooo!!
pasend naman po ako ng ebook niyo ng twilight hehehhee..
fjordz.allego.hiraya@gmail.com
thanks po! mwah!
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
Post a Comment