Friday, November 21, 2008

Ano ba ko??!

Tao ako. Sure un. Ang tumutol at magbigay ng ibang sagot lagot kay Papa Jesus ko. Hehehe.

Gusto ko lang ilabas ang kaguluhan sa isip ko through this post. Di ko kasi alam kung anong fantasy character ang ipoportray ko sa Christmas Party namin.

Sounds excited noh???

Di rin. Konti na nga lang kaming wala pang idea kung anong isusuot sa Christmas party namin dito sa office. Ganun kabangis ang mga officemates ko pagdating sa costume. Gastos kung gastos. Prepare kung prepare. Hehehe.

Minsan gusto kong ipahigop ang lahat ng taba ko para marami akong maging options sa costume. Pero minsan nahihimasmasan ako. Ok na ung ganito katawan ko..at least di ako matetempt magsuot ng sablay. Mapapanatili ko ang imaheng Kristiyano ko. hahaha! =D

Patuloy kong brinowse ang malawak na mundo ng websites para sa idea. Ayun..lalo lang gumulo ang isip ko..

Elf, Faun, Fairy, Warrior, Queen..

Ilan lang yan sa natitipuhan ko.

Hay..ako mismo nahihirapan sa criteria ko!
- ayoko ng masyadong pacute (sawa na ko sa mga pics kong ganun). Gusto ko mejo mataray o salbahe ang itsura
- ayoko ng masyadong ma-prosthetics. my goodness wala akong sapat n budget para dun.
- gusto ko ung madadaan lang sa make up..ung di na kailangan ng surgery. hahaha!
- at higit sa lahat..kahit papano agaw-pansin! ('kahit papano' lang..ayoko ng todo agaw-pansin)

o di ba ang arte ko..kahit ako nahihirapan sa sobrang kaartehan ko. hahaha!

hay..kahit saan akong pumuntang site ay under ng Halloween costume ung mga hinahanap ko.Hahaha! mUkhang halloween party na naman ung Christmas party namin just like last year. Na magkamali lang ako ng lingon eh siguradong bibilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot sa itsura ng iba. Hihihi. Sana may medic ng nakaabang this year. Haha.

Tapos kasama na naman ako sa production number this year. Shaks ambenta! hahaha! anong klaseng pagkakalat na naman kaya ang gagawin ko dun! Ganito kasi dito eh. Kunwari lang na tatanungin ka kung kasama ka pa sa presentation. Either oo or hindi ang sagot mo, considered as 'oo' un. Di ka na makakatanggi. Nasan ang tinatawag nilang kalayaan?? Haha! Ang drama! di bagay! :p

Hmm..basta punta n lang ako sa divisoria para maghanap ng costume. kung ano available un na un. Sasakit lang ulo ko kakaisip eh. Hehehe. Feel ko lang guluhin tong blog ko ngayon. Hehe.

Yun lang..simpleng praning na din kasi ako..i need time to relax and release my stress.Hehehe.

3 comments:

Dear Hiraya said...

ano po kayag magiging costume nyo??? hmmm.. buti kami sa office sa xmas party namin walang costume costume hehe yun nga lang may theme.. kaya lang di ako susunod.. galing pa kasi ako ng school nun tsk tsk... KJ na naman ako hahaha..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Fortune Optics said...

blog hop ! cheap eyeglasses @ fortuneoptics.blogspot.com

Rakz said...

@fjordz:

pasaway k din nak noh..kj nga..hehehe..
Faun/Satyr ung magiging costume ko. Materials pa lang nabibili ko. Di ko alam kung pano ko gagawin. Hahaha!