Wednesday, November 26, 2008

Disappointed sa Twilight Movie! Wah!

Waaahhh!! Di ko gusto ung movie!!!
Bakit ganun, anong nangyari??!! Haha..tama na ang OA na.. =P

Ayun nga,di ako nasiyahan.Bakit? Dami kasing natanggal na kilig scenes..Parang di napakita kung pano nadevelop ng tuluyan si Bella kay Edward.Wala ung hinimatay si Bella sa Biology class nila. Un pa naman ung part na binuhat siya ni Edward. Wala din ung kinantahan ni Edward si Bella ng lullaby song para makatulog c Bella. Nawala din ung getting to know stage nila lalo n ung puro tanong c Edward saka ung palaging pumupunta c Edward sa room ni Bella para..wala lang. Wala din ung moment nila sa canteen. Di rin naipakita ung eagerness ni Edward na ipakilala siya ni Bella sa Daddy nya ng formal. Arrrgh! Nakakafrustrate!!!

Tapos wala din ung scene na ikinuwento ni Edward kay Bella kung pano nabuo ang Cullen family. As in parang nawala sa eksena ung ibang Cullen member! Nwei, maikukuwento din naman un sa ibang books eh. Hehe. Pero nasa book kasi na toh ung story ni Alice eh..

Speaking of Alice..alam ko maliit lang xa..based dun sa nabasa ko nasa 4'10 lng dapat height. Pero dun kasi sa movie ang tangkad nya. Di nga maxadong napakita sa movie kung pano naging close si Alice at Bella eh.

Mas natawa pa ako dun sa audience nung nanood ako. Napapagitnaan ako ng 2 magkasintahan. Ung sa left side ko boy-girl. Ung sa right side ko boy-boy. Hihihi.Wala lang. Nakakailang lang. Feeling ko ang loner ko. Hahaha!

Tapos nakakatawa pa dahil sabay2 magtilian ung tao..
-nung start ng movie
-nung dumating ung Cullens sa cafeteria
-nung ngumiti si Edward (that crooked smile)
-nung pinakita si Carlisle
..yan ung mga eksenang nagpatili sa mga manonood. Parang choreographed ung tili nila..sabay2 kasi. Haha! Ako, ayun simpleng ngiti. Dun ko napatunayan na ang hirap matawa ng mag-isa kasi kailangang pigilan para di magmukhang eng-eng. Hehehe.

Basta di masyadong napakita kung gano ka-sweet c Edward Cullen dun sa movie. Si Bella naman dun sa movie parang di in love kay Edward. Walang spark sa mata nya pag nakatingin kay Edward. Haha. Nu b yan!!!

May mga imbentong scenes din. Mga scenes na di nag-exist dun sa novel. Hehehe. Ang aga ng exposure ng coven nila James. Sa may baseball part pa lang talaga un eh. Anyway, un na un eh. Hehe.

Hay..sana 4th movie na agad. ayoko nung book 2 at 3 eh..hahaha!

For my Beyond Special Friends.. =)

Just want to dedicate this post for the two birthday celebrators..my..hmm..beyond special friends! hehehe

Di ko sila matatawag na bestfriend..dahil pare-pareho kaming may ibang besti's..

Di ko rin sila pwedeng iconsider na close friends lang..dahil it's obvious na di sila ganong level lang sa buhay ko..

Basta ang tawag ko sa kanila ay special friends..God's Gift, Heaven Sent friends..=)

Diane..


Hate na hate nya pag tinatawag ko siyang Diana (too girly daw) lalo n pag tinatawag ko siyang Nova! Parang maglalabas siya agad ng armalite! Hahaha! Natawag ko siya dating "Sigang Iyakin". Ang tapang kasi ng dating pero mababa naman pala ang luha. Hehe.

Saming tatlo parang siya palagi ang tumatayong "ate". Technically kasi siya naman talaga ang ate namin. Hehehe. Parang reyna din ng daan itong si Diane. Lahat ng kakulangan ko sa sense of direction ay napunta yata sa kanya. Haha!


Pero pano naging special sakin si Diane? Simply because she also makes me feel that I'm special (Di special child ah! hehe)..and she never failed to do that. Madali akong nakakapagshift sa asal bata at asal matanda pag kasama ko si Diane. Keri niya kasi. Hehehe. Never pa siyang nang-iwan sa ere kahit na nung times na napasama ko ung loob nya (the Pagudpud issue). Ang bigat sa pakiramdam ng mga panahon na un. At honest nya namang sinabi sakin na nagtampo siya..pero kahit ganun di niya ko inaway (waaahh alabshu diane!!) kaya lalong matindi ang tawag ng konsensiya sakin. Haha!


GG Beth..


Si GG Beth..ang taong sayang ang effort ko pag nilayuan ko. Haha. Dahil parang palaging may divine intervention na kahit lumayo ako ay babalik at babalik pa din ako sa kanya. We've been through a lot kasi dati. as in A LOT. Idagdag pa natin ang fact dati na ayaw niya sa mga bunso (bunso ako eh T_T)..ewan ko lang ngayon kung ganun pa din. Hehe.

She's one of the gifts that I'm so thankful na palaging binibigay sakin ni God.Lalo na nung drama-dramahan ako dahil sa mawawala na ang Tatay ko sa earth. Kahit na andun pa din ung damage na naidulot namin sa isa't isa ay siya pa rin ung palaging nasa tabi ko. Nakakatuwa din dahil alam na namin ang good and bad side ng isa't isa kaya mas madali ng kumilos. Hehe.


Para rin siyang genie.. Haha! Palagi niyang tinutupad ung mga hiling ko like: makapunta sa ecopark, makapunta sa baywalk, makantahan ng 'hawak-kamay' dati, videoke moments, etc. Mga simpleng bagay pero malaki impact sa puso ko.Kaya siya palagi binibigyan ko ng 'Biggest Adventure' paper dun sa laro na "Who's who" dahil alam kong kaya niyang patulan ung mga kabaliwan ko. Hehe.


Magkakaibang personality kami..magkakaiba din minsan ang pananaw..aside sa pagiging member ng NERDS, ang alam kong pagkakapareho naming tatlo ay ang pagkakaroon ng crush kay Atenistang cute..si..nabanggit ko na un dati. Hehe.


Ayun..I'm just happy to have them in my life! Kaya super chinecherish ko din ang bday nila. Hehehe.

Thanks to both of you Diane and GG! You simply make my life more special! May we have more bonding moments to come! Hehehe!

HAPPY BIRTHDAY!!!! :-*


Nga pala, may cinecelebrate nga din pala ako pag Nov24. Bday ko din. It's my SFC Birthday! hihi! Kaya sa aking mga ka-batch.. Bjoy, Karen, Chantelle, Cherry, Ate Jan, Ate Thess, Ate Ellen, Ate Totsy, Kerks, Kuya NiƱo, Kuya JR, Marvin, Marc, Nick, Bruce, at Kuya Joey..


Happy 1st SFC ANNIV!!!

Friday, November 21, 2008

Ano ba ko??!

Tao ako. Sure un. Ang tumutol at magbigay ng ibang sagot lagot kay Papa Jesus ko. Hehehe.

Gusto ko lang ilabas ang kaguluhan sa isip ko through this post. Di ko kasi alam kung anong fantasy character ang ipoportray ko sa Christmas Party namin.

Sounds excited noh???

Di rin. Konti na nga lang kaming wala pang idea kung anong isusuot sa Christmas party namin dito sa office. Ganun kabangis ang mga officemates ko pagdating sa costume. Gastos kung gastos. Prepare kung prepare. Hehehe.

Minsan gusto kong ipahigop ang lahat ng taba ko para marami akong maging options sa costume. Pero minsan nahihimasmasan ako. Ok na ung ganito katawan ko..at least di ako matetempt magsuot ng sablay. Mapapanatili ko ang imaheng Kristiyano ko. hahaha! =D

Patuloy kong brinowse ang malawak na mundo ng websites para sa idea. Ayun..lalo lang gumulo ang isip ko..

Elf, Faun, Fairy, Warrior, Queen..

Ilan lang yan sa natitipuhan ko.

Hay..ako mismo nahihirapan sa criteria ko!
- ayoko ng masyadong pacute (sawa na ko sa mga pics kong ganun). Gusto ko mejo mataray o salbahe ang itsura
- ayoko ng masyadong ma-prosthetics. my goodness wala akong sapat n budget para dun.
- gusto ko ung madadaan lang sa make up..ung di na kailangan ng surgery. hahaha!
- at higit sa lahat..kahit papano agaw-pansin! ('kahit papano' lang..ayoko ng todo agaw-pansin)

o di ba ang arte ko..kahit ako nahihirapan sa sobrang kaartehan ko. hahaha!

hay..kahit saan akong pumuntang site ay under ng Halloween costume ung mga hinahanap ko.Hahaha! mUkhang halloween party na naman ung Christmas party namin just like last year. Na magkamali lang ako ng lingon eh siguradong bibilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot sa itsura ng iba. Hihihi. Sana may medic ng nakaabang this year. Haha.

Tapos kasama na naman ako sa production number this year. Shaks ambenta! hahaha! anong klaseng pagkakalat na naman kaya ang gagawin ko dun! Ganito kasi dito eh. Kunwari lang na tatanungin ka kung kasama ka pa sa presentation. Either oo or hindi ang sagot mo, considered as 'oo' un. Di ka na makakatanggi. Nasan ang tinatawag nilang kalayaan?? Haha! Ang drama! di bagay! :p

Hmm..basta punta n lang ako sa divisoria para maghanap ng costume. kung ano available un na un. Sasakit lang ulo ko kakaisip eh. Hehehe. Feel ko lang guluhin tong blog ko ngayon. Hehe.

Yun lang..simpleng praning na din kasi ako..i need time to relax and release my stress.Hehehe.

Monday, November 17, 2008

Anong part ung fiction dun sa Twilight?

Grabe, first time kong nagbasa ng novel series! At ebook pa! Alam ko kasi sa sarili ko na naiirita akong magbasa ng mga ebooks dahil nakakapagod sa mata. Pero this time, kinaya kong magbasa ng four ebooks! Haha! I got curious sa Twilight. At nung nasimulan ko na, di ko na alam kung pano bumackout sa pagbabasa. I got hooked! Haha! Siguro dahil nagising nya ung side ko na mahilig sa mga fictional things. Though the story is a bit..common?

Habang binabasa ko ung novel ay palaging nakaagapay ang dictionary.com or MS Word (pag nasa bahay ako). Why? Sabi nga nila, prevention is better than cure. Baka kasi maubusan ako ng dugo sa sobrang pagka-nosebleed sa ilang terms or words na ginamit sa novel. Hahaha! Maganda na ung tignan agad ang meaning ng word bago magproceed sa pagbabasa at bumuha ng dugo sa kinauupuan ko. Hehehe.

Matinding mood swing ang binigay sakin nung story. Minsan ang sarap sampalin nung bidang babae. Haha. Basta ayoko nung 2nd (new moon) at 3rd book (eclipse).Ayoko nung 2nd kasi ang konti ng part ni Edward Cullen. Na-bore ako. Haha. Ung 3rd naman, hmm..cguro dahil nainis lang ako kay Bella Swan. Nyahehe. Pinakanatuwa ako dun sa 4th book (breaking dawn). Wala lang..nakakatawa lang ung ilang scenes. Though di ko rin masyadong naapreciate ung ending at supposed to be climax. Nang-okray na naman ako. Haha.

Pero nasa first book pa lang ako, napaisip agad ako. The novel is under Fiction category. Siguro nga..dahil about vampires and werewolves ung mga nandun. Pero parang mas naniniwala pa kong may vampire at werewolf dito sa earth kaysa sa existence ng character ni Edward Cullen.

Si Edward Cullen kasi..almost perfect. Guwapo, mayaman, may soothing voice, maalaga, mapagmahal, at higit sa lahat..loyal. hahaha! Parang un ung fiction sa pananaw ko..a man as perfect as he is tapos loyal! Bwahahahaha! Parang mas maniniwala pa talaga akong may bampira dito sa mundo kaysa maniwalang may lalaki pang katulad ni Edward Cullen. Haha! At si Bella pa ung nagawang maguluhan. Grabe na itoh..ang ganda mo gurl! Hahaha! Ang ayaw ko lang sa character ni Edward Cullen..hmm..super protective (sa buhay ng tao kailangan talaga minsang masaktan para matuto) at minsan..emo. Hehehehe. Di ako maisip ang sarili ko na may emo na bf..parang di kaya ng kapangyarihan ko. Ubos lakas. Pag-explain pa lang parang huhugutin na ang lahat ng lakas mo para pumanatag lang ang kalooban niya. Grabe..hehehe

Nwei,nakakatuwa kasi may exhibit ung Twilight movie kagabi sa Megamall. Andun ung ilang captured scenes from the movie. Nakakatuwa dahil narecognize ko ung mga characters.At nadissapoint ako dun sa itsura ng iba.Di man lang umabot dun sa inimagine kong itsura nila as described dun sa story.hihi.Can't wait to watch the movie tuloy. Halos ung thoughts kasi ni Bella Swan ung nakahaba dun sa story eh..naku-curious tuloy ako kung pano nila ginawang movie. Nakaka-curious din kung pano nila ippreserve ung itsura nila since di dapat tumatanda ang itsura nung mga cast. At mukhang kailangan talaga nilang tipunin ang mga angelic faces sa hollywood dahil padami ng padami ang vampire characters. Baka kailanganin na nila ang presence ko. Haha! Echos lang..asa!

Hay..sa wakas natapos ko ng basahin ung series..makakatulog na ko ng maaga. After office kasi nagbabasa pa ko hanggang umaga. At unhealthy siya. Haha. Kahit sila Diyosa at Betty La Fea ay pansamantala kong ipinagpalit matapos ko lang ung four books ng series na un. Hihihi. Adeek!

After being numb...

Just want to thank my Lord for bringing my self back.Hehehe.
After Lord's Day kasi, parang biglang nag-down ung system ko..nag-iba akong bigla..gumagawa ako ng mga bagay na di ko naman ginagawa dati
..parang naging loner ako
..walang emosyon, walang nararamdaman (nagrereply ako ng mga usual reply ko sa mga kausap ko pero deep inside blanko ang lahat)
..may overnight pero nakalimutan kong magdala ng toothbrush,towel,sabon,etc (sa mga nakasama ko na sa overnight,alam nilang dala ko halos buong bahay kahit overnight lang yan.this time di ko alam kung anong nangyari)
..di ko nakalimutang magdala ng cam pero nakalimutan ko namang dalin ung memory card! (wala tuloy picture picture nung fellowship namin..huhuhu T_T)
..di ako naga-update ng blog/multiply account ko (ngayon na lang ulit)

hayz..akala ko di na ko babalik sa dati. Di ako kumportable sa sitwasyon na un dahil I'm praying pero parang wala akong heartbeat. Kamote talaga. Thanks for that confrontation/household na ginawa ng unit namin last Sat. Nabalik ako sa ulirat ko. It brought back all my senses! Hehehe. Naremind sakin ung new responsibilities ko. I think I need to be stronger..especially now that I have new daughters, I mean SFC daughters. waaaaahhhh!!!!

Andaming concerns..andaming issues. Pero keri lang. As long as our decision is Christ-centered, everything will be alright. Naeexcite ako! Feeling ko new journey na naman ito...another chapter in my life.

"The greater things are yet to come,
And greater things are still to be done here."
- God of this City by Chris Tomlin

Well,never lose hope.. Laban lang ng laban.. =)

Sunday, November 9, 2008

Na-miss kita Ice Cream!

Waah! Tapos na ang Fatima1 CLP! Thanks sa matinding guidance at pagmamahal ni Lord sa buong service team ng Fatima at sa mga new family members namin--Acey, Khaye, Jhong, Zhen, Cris, Fraus, Livy, Tine, Emy, Elv's, Ced, Chester, Von, at Normann. Welcome to the Family!!!

Hay..ganun lang pla talaga kabilis ang three months. Tapos biglang magbabago n naman ang takbo ng weekends ko. Nakakapanibago. Hehe.

Mamimiss ko ung weekly na..
..pagpiprint ng song sheet dito sa office
..pagmemorize ng mga kanta (na hanggang mga officemates ko halos makabisado n ung kanta kasi un lang pineplay ko dito sa office.lalo na ung mga Chris Tomlin songs.hehehe)
..war emails namin ni papa edmar (kumbaga sa 10 concerns,isa lng dun ung magksundo tlga kami. haha joke lang!)
..pagpunta kila dadi pao ng 1pm SHARP (dito ko lang nakitang ontym ang SFC. hahaha =p )
..jamming with the rest of the musicmin (tatlo n nga lang pala kaming natira.hehe)
..pa-merienda ni dadi pao at papa edmar (either late si papa edmar kya siya taya sa merienda or walang late s musicmin kaya si dadi naman ang taya. hehe. masaya ang hapon ko!)
..pagdadasal para sa maayos na boses (uu linggo-linggo toh! bait mo Lord! hehe)
..pag-ubos sa isang pack ng strepsils (ilang linggo akong naging strepsils-adeek huhu)
..pagkakalat during teaching of songs (either wala kami s timing ng pagpasok, wala sa tono, o kya naman nakakalimutan namin ung lyrics hehehe)
..pagsasabi ng 'mas matino performance natin nung practice' (hahaha!)
..pagtatanong ng 'ok po ba ung kanta namin?' (haha parang naging habit n naming itanong toh just to know kung naging maayos ba pagkanta namin.hihi)
..piktyur-piktyur during practice and CLP
..paggawa ng videos at pagconvert ng mp3s from youtube.hehehe
..discussions with my group
..overnights either at jolibee or BK rotonda (as in para kaming mga walang tahanan n uuwian dahil sunday morning n tlga kmi umuuwi.hehe)
..kulitan with the rest of the service team! though di ako maxadong makapaglambing sa iba dahil parang ang busy ko during sessions, mamimiss ko sila!

It's obvious in my list na most ng mamimiss ko ay part ng musicmin life ko..hehe. Kahit na andaming naging issues samin ay yey! we survived! hehehe.

Never thought din na matatapos ko ang CLP ng walang absent. Uu,isa ito sa himala ng buhay ko dahil talagang palagi akong may absent in any series of events. Hihi. Absingera talaga! Pero thank you kay Lord..sobra!

Ang kuwento ko masyado..nakalimutan ko ng i-mention kung bakit Ice Cream title ng post ko. Hehe. Ice Cream kasi..ito talaga ung hiling ko na right after Lord's day gusto kong kumain ng Ice Cream! Aba, plinastik ko ang sarili ko at 3 months akong kunwaring di nagkcrave sa ice cream! haha! Ang sakit kasi sa lalamunan eh. Kaya nasa module 2 pa lang yata kinukulit ko na si papa edmar (siya kasi musicmin head) na manlibre siya ng ice cream right after Lord's day. Hihihi. Di naman ako nabigo. Ayun naka-ice cream naman ako. At hanggang ngayon dama ko ung epekto nung ice cream. Ang sakit ng lalamunan ko! Masama yata loob niya nung nanlibre siya, joke! hihi. Di na yata ako sanay kumain ng ice cream! waahhh!!!

Monday, November 3, 2008

1..4..10..??

Hindi yan ung tipong huhulaan mo kung ano ung sunod na number at pag nahulaan mo ay mataas 'daw' ang IQ mo..duh..whatever! w..(^_^)..w

Walang trend yang numbers na yan. Kaya wag ng pag-isipan maxado kung ano ung next number.Yan ung bilang ng buwan na itinagal ko sa mga inuupahan kong bahay.gosh..!

1..
First time kong umupa ng matitirhan. At ayun, one month lang ang itinagal namin dun sa bahay sa may Greenhills. Tatlo pa kami nung mga panahon na un.The house was endorsed by Yayan. Ang motif ng bahay, creepy type. Hehe. 6k/month ang rent, up&down ang bahay. Walang kaayos-ayos ang bahay na un. Masyadong komplikado ang naging dahilan ng pag-alis namin sa bahay na un. Basta ang alam ko, may mumu sa bahay na un. Bad mumu. Hehe. Umupa pa ako ng truck para lang mailipat ko ang gamit ko. As if naman ang dami kong gamit noon. Hehehe.


4..
Somewhere in Kapasigan ang sunod kong hide-out. Ang motif ng bahay, color light blue. Ok naman except sa landlady. Masyadong masungit. Hehe. 4k/month naman ang rent dito. Four months lang ako nakapag-stay dito.

10..
Nakalipat ako dito sa tulong ng aking mga junakis sa YFC. 5k/month ang rent.10 months akong nag-stay sa magandang bahay na un. motif: yellow and brown. maliit lang ung bahay na un. Bagong gawa nga lang kaya mahal pa ang upa. Pero maganda talaga at higit sa lahat malaya ako. As in kanya2ng buhay.Kahati ko pa sa upa dati si Yayan. Di ko kayang mag-isa ang upa nung umalis na si Yayan kaya I have to move to another house!

My goodness! Ano ito house-hopping sa Pasig??? Ayokong gawing hobby ang paglipat ng bahay pero parang iyon na ang nangyayari. Bukod sa nakakapagod maglipat ng gamit ay magastos din. Ang sakit pa sa katawan buhatin ung ibang gamit. Nakakahinayang naman iwanan ung iba. Hehe.

Ang kagandahan lang pag naglilipat ay sumusulpot ang mga bagay na matagal ko ng ibinaon sa mga envelope at napapa-reminisce ako pag nakikita ang mga un. Hehehe. At bigla ko ring napapansin na ang dami ko palang damit na di sinusuot. At in fairness, dami ko na palang naipundar! Hahaha!

Haay..eto bagong bahay na naman. Mejo na-demote nga lang ang itsura nung nilipatan ko ngayon compared dun sa recent kong tinirhan. Ang maganda lang sa bahay ngayon ay mas maluwag ung sala at kuwarto. Ang di ko naman nagustuhan ay lumabo ulit ang Channel2 ko! Kamote! mabubuhay ako ng wala ang Channel7 wag lang ang channel2! waahh!

Buhay mag-isa na talaga ko starting mmayang gabi. Sana walang magparamdam na kung anik-anik sa bahay habang mag-isa ko. hehehe. Pero nararamdaman ko di din ako masyadong magtatagal dun..hahaha!

Isa akong certified no permanent address person! :D