Thursday, January 10, 2008

Before I Let You Go

Before I Let You Go by Freestyle

I can still remember like yesterday
We were so in love in a special way
And knowing that your love will
make me feel oh so right
But now I feel lost, don't know what to do
Each and every day I think of you
Holdin' back the tears, I'm trying with all my might

Refrain:
Because you've gone and left me standing All alone
And I know I've got to face tomorrow On my own....
But baby....

Chorus:

Before I let you go
I want to say I love you
I hope that you're listenin' 'Coz it's true,baby
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will do,
yeah So before I let you go
I want to say .....
I love you

Interlude:
I wish that it could be just like before
I know I could've given you so much more
Even though you know I'd given you all my love
I miss your smile, I miss your kiss
Each and every day I reminisce
'Coz baby it's you That I'm always dreaming of...

Repeat Refrain
Repeat Chorus (except last 3 words)

Bridge:
Coz Letting love go is never easy
But I love you so That's why I set you free And I know
Someday
Somehow
I'll find a way To leave it all behind me
Guess it wasn't meant to be But baby.........

Repeat chorus (except last 3 words)
So before I let you go I want to say.......I love you .


--> The song speaks it all..=(

Wednesday, January 9, 2008

THE ULTIMATE NERDS OUTING AT MONTREAL GARDEN RESORT PILA, LAGUNA


January 5-6, 2008 THE ULTIMATE NERDS OUTING AT MONTREAL GARDEN RESORT PILA, LAGUNA


Enough for the emotional post! Haha! Eto ung naging outing/reunion ng NERDS last weekend. It has been our tradition na kasi na mag-outing pag holiday season..mejo na-delay nga ngayon kasi..di ko alam.hehe. Tinatapat talaga namin ang outing pag December or January para walang masyadong tao sa resort. Ikaw ba naman ang mag-night swimming sa malamig na panahon. Keber ba ng iba un?? Hindi!! Hehe.

Public Resort ung Montreal Garden Resort pero nagmukhang private kasi walang ibang tao kundi kami. Gabi kami dumating. Entrance fee: Php90.00.

The Room

Jacuzzi room ang tawag dun sa room namin. 10 pax ang kasya. Isa sa requirement na dapat may TV ung room..as requested by JL pra daw mapanood ang 'THE BIG NIGHT'. Habang nanonood sila, naglaro naman kami ng bingo. As usual, the big winner ang lola mo! Haha! Di ako nakapag-jacuzzi. Antagal kasi nung iba..sinulit kumbaga..e inantok na ko, kaya un..hehe.


The Pool

Parang natunaw na yelo ung tubig ng pool. Kamote ang lamig!!!!!!!! Tapos humahangin pa! Haha! Kaya matinding lakas ng loob ang kailangan bago mo malusong ung pool! Kamote talaga! As usual, lumipat ako sa kiddie pool..un lang kasi talaga ang level ko. Haha! Feeling ko kasi malulunod ako dun sa adult pool. At as usual din, si Michael at Cherry ang palaging nalalaglag sa usapan. Hehe.


The Videoke Hut

Kulang ang outing pag di ako nakapagvideoke! Hehe.. Kya bumira muna kami nila Bading, Cherry, Michael, JL at Beth kahit sandali lang. Wala na kasi kaming 5-peso coins. Ung napanalunan ko sa bingo ung ginamit namin. Hehe.


The Bilyaran

Wala akong kaalam-alam sa bilyar. Alam ko lang dapat ma-shoot ung bola sa mga butas. Haha! Nanggulo kami sa paglalaro nila JL, Sossy, at Rex. Salingkit muna kami. Ayun, tinuruan kaming magbilyar ni JL. HEhe. Basta magalaw ko ung next ball na dapat tirahin masaya na ko. Hehehe..


The Butterfly Garden

Nasa loob ng private pool ung Butterfly Garden. Grabe ang ganda!!!!!!! Nakakatuwang maglakad tapos may mga sumasalubong sayong mga butterfly! Para kong prinsesa nun! Siyempre parang lang..hindi totoo. Hehe. Tinour kami ni kuya dun sa breeding house ng butterfly. Pati mga pupa pinakita niya samin. Baka daw kasi maisipan naming magbreed ng butterfly balang araw. Hehe.


Mga ADEEEEKKK na piktyur

Eto ang mga adik na piktyur ko habang nasa Montreal:

Masyado kong nag-enjoy sa place kaya yan ang epekto sakin..biglang sulpot sa likod ng puno..hehe..


Nakikibasa kay Santa..weird lang..wala namang nakasulat eh..ano kayang binabasa ni santa???


May effort pang tumuntong sa upuan para abutin si santa e abot ko naman talaga siya..haha!


Wahaha! Kunwari umaakyat ng makulay na bundok! Pero joke lang yan..posing lang yan! As if kya kong umakyat sa ganyan! wahaha!

Sabi ni Diane hawig daw kami nung lion..haha! Well he's the lion king and I'm the lion queen! raarr!!

Kunwari bouquet ng flowers..kung ganyan kalaki ang ibibigay sakin pwede na! haha! Sabi ng officemate ko ang ganda daw nung halaman..nadala daw ako! Haha!

Nakikiduwende ako sa pic na to..inagawan ko ng eksena ung isa sa mga dwarf kasi..wala lang..hehehe..

Ito ung isa sa pinakamalupet..pati estatwa pinatulan ko! Haha! Laban kami kunwari!
eto matindi..hehe..sadako sa wishing well! naka-pajama pa! nyahehe...naalarma mga officemates ko nung nakita nila to..adik daw talaga ko! hehehe..

just visit my multiply site for more pics: http://sakurakel.multiply.com/photos/album/19/NERDS_Outing_Montreal_Garden_Resort_Laguna

and for more info about Montreal Garden Resort visit:
http://www.montrealgardenresort.com/

Emote to the Max!!!

Sa wari ko'y
Lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na

Muntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
Kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko

CHORUS:
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

Kung minsan ay hinahanap
Pang alaala ng iyong halik (alaala ng 'yong halik)
Inaamin ko na kay tagal pa
Bago malilimutan ito

Kay hirap nang maulit muli
Ang naiwan nating pag-ibig (alam ko na 'yan)
Tanggap na at natututo pang
Harapin ang katotohanang ito

CHORUS:
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

Muntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
Kaya nang iwanan
Ang bakas ng kahapon ko

CHORUS:
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko (tuloy pa rin)
Nagbago man ang hugis ng puso mo (hugis ng mundo mo)
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo (hamunin)
'Pagkat tuloy pa rin (tuloy pa rin)
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko (tuloy pa rin)
Nagbago man ang hugis ng puso mo (oh..hoh..)
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo (handang harapin ang mundo)
'Pagkat tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

..The song speaks it all. Hehe. Obviously, ito ang theme song ng blog ko.

Ilang araw n rin kasi since nung last post ko..Bakit?Hmm..Ganito..

May minahal akong guy (malamang.hehe)..I admit, first love ko..
Siyempre naging sweetness..mushy..eklabu..
Tapos nagbreak for some acceptable(?) reason..

Bakit nga ba ko pumayag na kumalas? Kasi..pakiramdam ko dun siya mas sasaya..para di siya mahirapan sa situation namin..saka..nakakapagod na rin for a girl na mag-isang lumaban sa gitna ng laban. Maiwan sa ere in short. Masarap ipaglaban ang pag-ibig kung sabay kayo ng partner mo di ba? Kya un..

Since then, nasanay na kong di ko siya kausap tulad ng dati..

Kaya lang I always find myself looking for him..super uncomfortable ako pag di ko siya nakikitang online. Parang ok n sakin makita ko lang siyang online..kahit di kami mag-usap ok lang basta online siya. Basta alam kong nanjan siya pag kailangan ko ng technical na tulong..

Parang paranoid din ako kasi siyempre namimiss ko ung paglalambing niya. Aba bihirang maglambing un no..ni hindi mo nga maiisip na naglalambing pla un eh..hehe..I just missed him so much..

Matagal din bago kami nagkita ulit. Nung nagkita ulit kami, hay..ang totoo gusto ko siyang akapin. Opkors di pwede..bakit, kami b??? hehehe.

Nung kinakalikot ko ung phone ko, bigla akong napadpad sa inbox2. Nakasave p rin pala lahat ng sweet PERSONAL text messages niya. Hay, nakakaiyak na ewan..ang sarap ibalik ng nakaraan..ang sarap iforward sa kaniya at iremind na un ung mga promise niya dati. Siyempre di ko ginawa. Kasi..wala lang..sa tingin ko kasi masaya na siya sa buhay niya..

Hay bakit ba ko nanlalamig ngayon habang tinatype to..naiiyak na naman ba ako..nooooo!! ayoko na! anyway, tuloy ang kuwento...

Tapang-tapangan ang lola mo. Sinasabi sa buong mundo na 'I moved on' pero sa tuwi namang naiisip ko na iba na ang girl na kasama niya ay nadudurog naman ang puso ko..hay, tawag dun plastic! Plastikin ba sarili?? Kamote.. That time feeling ko na kaya ko na pag umalis siya..Never thought na feeling ko lang un..

Nag-outing ang grupo namin before siya bumalik sa kaniyang sinilangang bansa.. paranoid na naman ako..di ko alam kung itotodo ko ang paglalambing or just be normal..ika nga, steady lang..bakit, kami b para maglambing ako??di naman eh..kaya un..pero honestly i want to hug him at sabihing wag siyang umalis..na I still love him..pero if ever gawin ko un..if ever sabihin ko un, may magbabago ba? wala..as in wala..aalis pa din siya..tuloy pa din plano niya sa buhay. Kaya nagpakasaya na lang ako sa outing..enjoy every moment na kasama siya pero malayo nga lang..

After ng outing pumunta p kami nila Cherry sa kanila pra kunin ung mga ibibigay niya na gamit..Nagpapatawa pa ko nun. Feeling wow looking wow ako nun eh.

Pagkauwi ko sa pagod, nagpapakuwento si Marian kung anong nangyari. Di ako makapagsalita..di ko alam sasabihin. Ang alam ko lang nalulungkot ako..because that's the last time siguro na makikita ko siya na single pa? ewan ko..di ko alam..basta nangingilid na luha ko nun. Buti na lang umalis si Yayan. Naiwan akong mag-isa sa bahay. Sinuot ko ung tshirt na bigay niya. With matching backgroud music, naiyak ako. Umiyak..ng umiyak..hanggang mapagod ako. Kahit rock n ung tugtog umiiyak pa rin ako. Di ko din alam kung bakit ganun na lang ang iyak ko..as if may magbabago.. Kinomfort ko na lang ng mag-isa ang sarili ko.

Di ako nakapasok ng Monday. Ayokong pumasok sa office ng 1/4 lang ng mata ko ang dilat at muka akong sabog at lutang. Nagpakabusy ako sa bahay. But I still find myself crying..badtrip!ayaw maubos ng luha ko! Magang maga na nga mata ko eh! Himala nga di nagsasalita si Marian, madaldal kasi un..pero that time tahimik lang siya. Baka nashock sa itsura ko. Hehe.

Tuesday..araw ng pag-alis niya..pumasok na ko sa office. Mukang madaming nakahula kung bakit ako absent nung Monday. Well, they guessed it right. Hehe. Mind vs. heart stat ko nun kc may deadline ako na kailangang i-meet that time. No room for emo. Hehe. Un nga lang bigla tlagang sumasagi sa isip ko ang mga pangyayari. Kainis! Pero may nagawa naman ako..kahit papano ok naman ung gawa ko. Hehe. Puro dance song ang pinapatugtog ko para di makapag-emote! Haha!

Kahit mga officemates ko napansin ung kakaibang mood ko that day..Gosh! I'm becoming too obvious n yata sa mga nararamdaman ko! Kaya ayun, sinamahan naman nila kong magvideoke that day. Un na yata ang pinakamaayos kong pagkanta sa buong buhay ko! Akalain mo un, Bring Me to Life walang sabit kong nakanta! Haha! Puno ng emosyon ang pagkanta ko..with matching dance pa..Pilit pinapasaya ang sarili..panandaliang saya lang. Tapos pumunta kong Appliance Center pra i-canvass ang price ng mga pangarap ko. Digicam..washing machine na may dryer..2 ref..1 water purifier..at 1 air cooler. Hay, kaysa magmukmok, tutuparin ko na lang ang mga pangarap ko no!

Sa ngayon mejo bumabalik na ko sa ulirat ko..mejo paranoid nga lang pag nakakakita ng mga chinese..prang hinuhugot puso ko..haha! Pero more or less ok na ko..

Sa mga nabulabog ko ang buhay at nakidamay sakin..

MARAMING SALAMAT!!!!!!!!!!!

Lalo na sa aking mga sisters na cla GG Beth, Diane, Yayan, Rose Ann at Cherry..
Sa aking mga boy na friends na cla Tay Rus, Tay Felo, Joseph, MP, Krispin, at Jess..

nkktuwa ung mga text nyo. Nakakabaliw. Hehe. pasensiya na, ganito talaga magdrama ang babae..hahaha! Basta paninindigan ko ung song na nakapost sa taas..
TULOY PA DIN ANG AWIT NG BUHAY KO!=)

Thursday, January 3, 2008

Full House Part 2!

Eto ang nakuwento kong 4th floor from my previous post..


Sa mga upuan na yun kami tumatambay ni Yayan..nag-eemote minsan at minsan naman..la lang..hehe. Di lang kita pero sa bandang likod ung sampayan ng mga damit. Ganda diyan pag gabi kasi ang ganda ng ilaw. Hehe..


Eto naman ung other side nung 4th floor. Kagandahan din. Pag nakita mo ung lugar na to, party agad ang maiisip mo. Hehe. Pero sabi nila may bayad pag gagamitin mo ung place n un.


At eto naman ang vicinity sa may rehas..kitang kita ang mga bahay sa Pasig..echos! =p Kitang kita din ang maduming hangin! Ganda ding tingnan niyan pag gabi..Nakakatuwa kasi ung mga ilaw..makulay!

Ayun lang..hehehe..Yan po ang aming bahay..SA NGAYON.wahahahaha!

Wednesday, January 2, 2008

Full House =p

December 16, 2007 kami lumipat dito sa bahay na ito. Pangatlong bahay na namin ito ni Yayan and I can say that our home is getting better and better! Hehehe. Sa 3rd floor kami located (3C). Sayang di ko napiktyuran ung 4th floor. Dun kasi kami nag-eemote ni Marian minsan. Hihi. Ganda kasi dun. Ang hangin. Ganda pa ng ilaw pag gabi at may mga halaman pa. Picturan ko minsan un at ipopost ko dito. Hehehe.

Address: 3C 111 Dr. Pilapil St. Sagad Pasig City
Rent: 5k/month exclusive of water and electric bill

Eto ang aming sala:

Korean/Japanese style..in short, nakaupo kami sa sahig. Personal kong pinili at binili ang mga gamit namin diyan. Hehehe. Lumabas tuloy na maarte ako sa bahay. Super relaxing sa sala kaya pag dumadating ako after work, diyan na ko nakakatulog. Hehe. Sana lang pwede kaming magpako sa dingding para makapagsabit kami ng kung anik-anik. =D

Eto naman ang aming kusina:

Si Marian naman ang madalas maglinis ng kusina namin. Siya ang nag-ayos hanggang sa pinakataas nung cabinet namin. Hehe. Yun nga lang madalas kaming mapanisan ng pagkain. Binabalak kong bumili ng personal ref kaya lang malakas daw sa kuryente yun. Kya I can't decide tuloy. Hehehe.

Ang aming beautiful CR:

Si Marian ang bumili nung curtain rod. Kay Tay Rus naman galing ung shower curtain. Buti na lang di niya pa kinukuha samin. Hehe. Ang sarap maligo sa cr namin. Feel na feel ko ang tubig! Yun nga lang ang lamig pag umaga. Dito na din kami sa cr naglalaba. Minsan nga dito na din kami nagsasampay. Haha! Kitang kita din ung mga ritual namin sa paliligo. Next month daw bibili Nanay ko ng mini basket para dun nakalagay lahat ng eklabu namin ni Yayan. Hehe.

At ang aming private room:

Private room kasi bawal ang kahit sinong lalaki dito. For girls only! Hehe. Floor mat lang ang higaan namin kasi di kasya ung air bed ko sa loob. Si Yayan din ang naglilinis ng kuwarto. Maaliwalas din ung kuwarto. Sarap matulog! Kasama namin sa kuwarto sila Pen Pen (bigay ni Pin dati) at Ash (bigay naman ni Tay Rus) . I'm planning to buy a comforter din..para naman mejo lumambot higaan namin. Hehe. Un nga lang nasa 1k+ un eh. Saka na. Hehehe.

First Tagged Post for 2008

Another tagged post from Reyn. Hehehe.

-------

Here's the rule: Remove 1 question from below, and add in your personal question, make it a total of 20 questions, then tag 8 people in your list, list them out at the end of this post. Notify them in their chat box that he/she has been tagged. Whoever does the tag will have blessings from all.

1. At what age do you wish to marry? 25-28

2. What color do you like most? Pink.

3. If you have the chance, what would you probably say to your beloved one? Wala.***

4. Where is the place that you want to go the most? As of now sa Palawan.

5. Which part of you that you hate the most? La naman.

6. When you encounter a sad moment, what would you do? E di mag-eemote muna.Tapos try to be optimistic.Hehe

7. What are you afraid to lose the most? God.

8. If you win $1 million, what would you do? Bibili ng house and lot.

9. If you meet someone that you love, would you confess to him/her? Or would you keep it to yourself and observe from afar? Haha. Sometimes ganun =D

10. List out 3 good points of the person who tagged you. mukang mabait, certified blogger, responsible.=D

11. Given the chance to meet a popular person, who'd that be (living or dead)? Pope John Paul II.--same here Reyn!

12. Till now, what is the moment that you regret the most? Wala naman.

13. Which type of person do you hate the most? Maangas.

14. What is your ambition? To serve.

15. Have you been into a difficult lovelife situation? Yes. When I started to fall with a guy and then I figured out that he is in love with another guy. damn! buti na lang napigilan ko puso ko nun! Haha!

16. If you had one wish what would you wish for? secret.hehe.

17. How would you celebrate new year? Tapos na eh.Read my previous post.

18. Name one of your body part your hubby or boyfriend tells you he adores. Brain.haha!Echos!

19. It would be 2008 in a few days, do you have a new year’s resolution? None.I believe more in repentance than in resolutions.

20. If your better half is cheating on you, will you forgive him or her? Yes.But I can't give my trust that easy now.


Now I tag Tay Mike, Jen, Gian, Michael, Dan, Gerald, Champ, and Hazel :D

Tuesday, January 1, 2008

Heypi New Year!!!

Ganito ko cinelebrate ang New Year Vacation ko:

Coffee Prince Marathon


Bumili ako ng DVD ng Coffee Prince nung Friday. Mula nung pagdating ko sa bahay ay pinanood ko siya till Saturday morning and evening.This Korean Drama has a twist! I mean super kakaiba nung love story. Super napaglaruan din ung emotion ko kasi di ko alam kung kikiligin ba ako or hindi because it seems na nafo-fall ung lalaki sa isa pang lalaki (kasi ang alam niya is lalaki si Eun Chan dun). Kaya ayun..nakakakilig sa part ni Eun Chan. Hehe. Merong boring scenes lalo n ung sa love story ng Nanay ni Eun Chan. Sana wala na ung part na un. Hehe. Ang bad! Pero galing ni Eun Chan dun! Mukha talaga siyang guy! Ang cute!!! Saka mas maganda talaga siyang panoorin in Korean kaysa sa GMA. Pangit talaga magdub ng GMA! Anyway, basta maganda tong drama na to. Pero mas maganda pa din ung Princess Hours. Hehe. Mas masaya kasi un. Hay na-low blood ako kakapanood nito!


Binisita si Rose Ann sa bahay nila


May plano naman talaga kaming magkita-kita nila Rose Ann nung weekend na un. Unfortunately, na-ospital siya. Madali din siyang nakauwi sa kanila kaya dun na lang namin siya dinalaw sa bahay nila. Medyo ginabi kami kasi hinintay pa namin si Angel. Hay I miss my College barkada! Graduation pa kasi nung huli kaming magkasama-sama. Kaya ayun, kuwentuhan kami kila Rose Ann. May mga nagbago din samin. Si Cherry lang yata di nagbago samin. Nakasimangot pa din. Hehe. Sarap nung ice cream na pinakain ni Rose Ann! I really missed my Besti! MEjo mas lumusog siya kaysa sa dati. Hehehe.

Nagshopping sa Divisoria at PureGold Caloocan

Nagpunta kami ng Nanay ko sa Divisoria nung Sunday Morning. Gosh! Nagkalat ang tao pati basura! Super init pa! Bumili ako ng 6 throw pillows (Php200.00), 1 dozen pillow cases (Php400.00) whole-body mirror (Php75.00), and queen size floor carpet (Php300.00). Mura no? Hehehe. Para yan sa inuupahan ko sa Pasig. Para gumanda naman. Akala ko Divisoria lang ang pupuntahan namin that day. Kaya nakitulog muna ko sa bahay ng Kuya ko at pagkagising ko ay rumampa naman kami ng Nanay ko Puregold sa may Monumento. Dun kami nag-grocery para sa kakainin namin sa Medya Noche. Ang sarap din pala ng feeling pag sayo nanggagaling ung handa niyo for special occassions. Hehe. Basta kain lang kasi ako dati eh. =p


Bumisita sa Ninang ko

Matapos ang kalahating araw na kain-tulog ay pumunta kami ng Nanay ko sa bagong bahay ng galante kong Ninang. Hehehe. Yehey! may gift na naman ako from her! Isang white blouse na..err..can't describe. Basta may gift siya. Hehehe. Pero mas gusto ko nung pinakain niya kami ng Buko Salad. Hay! It's my favorite! Kung di lang nakakahiya hihingin ko ung buong lalagyan at kakainin ko sa bahay! Hehehe. Ang ganda ng bahay ng Ninang ko. Sabi ni Nanay pagawan ko daw siya ng ganong bahay. Kamusta naman?! Milyon kaya yun! Nanay ko talaga.


Medya Noche


Ayan na, kainan na naman! Halata n nga sa katawan ko nag-enjoy ako sa mga kainan this Holiday Season. Hahaha! Samin nag-spend ng New Year's eve si Tay Rus ko. Di ko alam kung anong dumapo sa isipan niya. Hehehe. Anyway, before kumain ay nag-movie marathon muna kami... I mean sila. Kasi nakatulog ako. Hehe. Nakagawian na naming di nagpapaputok pag New Year. Nanonood lang kami ng colorful fireworks. Hehe. Ang saya kasi gising ung 2 kong cute n pamangkin that night. Sila ung nagpasaya ng gabi ko! Cute kasi ng reactions nila sa mga paputok. Hehehe. Tapos ayun, kainan na kaming pamilya. Carbonara, fried chicken, ham, spag, at fruits ung handa namin. Di ganoong kadami pero enough naman para mabusog kami.


Back to Pasig

Dahil sa may pasok ako ng Jan2, balik agad ako sa Pasig ng Jan1. Di na kami nakapunta sa Bulacan dahil sa dami ng dalahin ko. Buti n lang talaga ay kasama namin si Tay Rus that time. May katulong kaming nagbitbit ng gamit ko. Hehehe. After we ate lunch, umidlip muna kami sandali. Then nagsimba kami ni Nanay sa Pasig Church. Ang ganda na ng sala namin ngayon! Match na match ung colors nung mga binili ko dun sa bahay namin! Danda - danda talaga! Pag naayos na naming mabuti ung bahay ipopost ko dito ung pics ng bahay namin. Hehehe. Unti-unti kaming umaasenso! Mejo magastos nga lang.. =D Grabe I'm so blessed talaga!


HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT!!! Kayo, kamusta New Year nyo? Masaya din ba?? =)

Tuesday, December 25, 2007

MaLaMiG NgA Ba anG PaSk0 ko???





Sabi nila, malamig daw ang Pasko mo kapag wala kang GG, syotaerz, jowakerz o kung ano mang tawag sa special someone n un!hehe..All I can say is..I don't think so!

La akong 'the one' this Christmas pero super saya ng puso ko! Madami pa ding trials at gumugulo sa isip ko but still, I'm happy! Pa'no ba naman lalamig ang Pasko ko kung sa ngiti at kiss pa lang ng mga pamangkin ko solved na ko! Ang cute nila uber!!! Dinalaw din ako ng High School friend ko sa bahay..i miss them sobra! Tapos nagka-Christmas Party din ung unit namin sa SFC sa bahay nila Papa Bo. Dahil dun nagkaroon ako ng time to get bonded sa aking fellow bros and sis sa SFC. Siyempre, lambingan chuva ever kami dun!!! Hay sarap sa pakiramdam! Hugz p lang nila solved ulit!

Pero ang pinaka nagpainit ng Pasko ko ay ang kiss and hug ng aking Nanay...nung isang gabi kasi habang natutulog kami bigla niya kong hinalikan sa noo at pisngi at inakap..hay, super priceless ng pkiramdam ko nun..super sarap! Super blessed ko talaga! Eto na naman ako..hihihi..

Andami kong natanggap na gifts galing kay God! from my YFC Family to SFC Family to my Biological Family and super duper friends, I have my lifetime gifts na!!! Super blessed ko talaga!!! Plus ung pagkakapanalo ko pa ng 1k sa raffle ng boss ko. Yup, 1k lang un compared sa napanalunan ng iba kong kakilala and friends. But it really means a lot to me. It means a lifetime commitment and God's love to me! Parang sinabi sakin ni God na 'Akong Bahala Sa'yo Mahal Kong Anak'..yan ung meaning sakin nung 1k n un.Hay.. =)

Thursday, December 20, 2007

Certified God's Princess =)

Honestly, muka lang masaya ang mga nakaraang araw ko..dahil puro parties and everything ang ipinopost ko..hehehe..Pero ang totoo, super dami ng trials ko that time. Madalas kong masabi un kay Jess, Tay Fello, etc. As in gusto kong umiyak every day and every night kaya lang di ako makaiyak.Kaya pray n lang ako ng pray...minsan nga parang naka-hang n lang ung utak ko para di ko maalala ung mga problema.Hehe. But all of a sudden,biglang umayos ang lahat..

Nawalan kc ko ng 2.2k..malaking pera un para sakin dahil nakadepend sakin family ko..tapos lots of deadlines p sa office..tapos dami pang problema sa bahay..tapos may problem din ako s isang friend. Hay buhay talaga..parang naipukol sakin lahat. Buti n lang walang problema sa lovelife kc wala naman ako nun. Haha! Basta nung down n down n ako, together with Yayan we went to church and pray.And after that, i think miracles happened..hehe..

How God helped me to solve my problem? Here's how:

2.2k issue - i won a raffle in our department worth 1k..binyaran sakin ni tay rus ung utang niya n 200 sakin at my special person n nagbigay sakin ng 1k(not sure kc kung gusto niyang iannounce ko eh).hehe..all in all, 2.2k! yehey!!! Thanks to my boss, tay rus, and *toot* for helping me.

deadlines s office - sabay ng mga problema ko buhay ay may binigay saking mga deadlines.nagawa ko naman sila with all my might and time. haha! isang system at isang presentation before our Company Christmas Party ang pinagawa sakin. Thanks to Jess for the moral support and Toblerone. Sobrang nakatulong sakin un para mbwasan ang depression ko. Hehehe.

problema sa bahay - matinding problema ang meron ngayon s bahay. anyway, i have a way to solve ung problem. ang mahalaga sakin ay mapasaya ko ang nanay ko. hehe.

problem sa isang friend - i have trusted this friend so much but she broke it. hay..di ko kc pwedeng ikuwento kasi kasiraan niya un. Ang ginawa n lang namin ay to let go of her para di tuluyang mawala ung trust namin sa kanya at somehow ma-retain ung relationship.anyway, thanks to tay Russ at Yayan..never nila kong iniwan at pinabayaan..

Ayun..in just one week nangyari ang lahat ng to..hay..ang sarap sa pakiramdam!!!!!!!! Mejo maluwag n pakiramdam ko ngayon. May mga problem p rin pero di na ganong katindi ang effect sakin. Baka nasanay na din ako n may problema. wahaha! Grabe I've learned a lot sa mga naging problem ko at super duper na-feel ko ung love ni God! hay nakakaiyak!Kinikilig ako sa God's love! hahaha! totoo nga ung sabi nila..

ALL I HAVE TO DO IS TO TRUST IN HIM AND TOGETHER WE WILL FIGHT..

I'm a certified God's Princess! nyahaha! Merry Christmas sa lahat!!!!!!!

Christmas Wish List Update: toy dog wish was also granted by Tay Rus. Money was granted by *toot* and a book by Bo Sanchez was granted by me! hehehe..yahey! may natutupad sa wish list ko!! =)

Sunday, December 16, 2007

Weekend Christmas PArty!!!

Hayz..till now pagod na pagod pa din ako..at first time kong makita ang sarili ko na may eyebag! Eto ang dahilan:

Saturday, December 15, 2007:
My YFC FAMILY CHRISTMAS PARTY!!!
11am n kami nagising ni Joy. Kaya brunch ang nangyari sa pagkain namin. After that naglinis ako ng buong bahay. Then naggrocery kami ng kakainin ni Tay Rus sa Robinson's Galleria (grr..3 hours kmi nghintay s kanya!). Kamusta naman ang nagastos namin sa grocery, Php1103! hayz! buti n lang andun c tay Fello. Pagdating sa bahay, as usual ung mga lalaki ang nagluto! Baliktad kasi samin, mas magaling magluto ung mga lalaki.hihi..Ang mga handa namin: Tuna Flakes in Pita, Spaghetti, Roasted Chicken, Hotdog, at Iced Tea for our drinks.May bumili din pala ng Pepsi at Sprite. Ang sagot ni Yayan ay ung ice cream.Yummy! Sarap kumain that night! Dumating dun ay sila: Acey, Ced, Champ, Edcha, Jayson, Tatay Fello, Edz, Livy at kami nila Rus, Yayan, Ryan, at Joy.

Tapos nag-exchange gift na kami. Something rare ung theme namin. Ang may malupeht na eksena dun ay si Yayan. Naibigay na lahat ng gift saka lang nagreact na sa kanya napunta ung binigay nyang gift. nyahaha! kaya nagpalit n lang cla ni Edcha. Then nagovernight samin cla Livy, Bading, Edcha, at Edz.Kaya pito kami sa kama ko. Kamusta naman! hehehe..


Sunday, December 16, 2007
LIPAT BAHAY at SFC WESTB1 CHRISTMAS PARTY!!!
Because of that overnight ay 15min p lang ang naging tulog ko.Then kailangan na naming hakutin lahat ng gamit namin sa bahay dahil we need to move to another house due to some reasons. Buti n lang kasama pa namin cla Livy at Edcha that time.Mganda ung bahay. Sayang lang di ko pa napipicturan kaya la ko maipost dito.

Di ko sure kung ano tawag sa Chapter namin.hihihi..basta andun ang mga unit na: Fatima1(kami un!), Fatima2, at STP (Sta. Teresita). Nkktuwa ung party na un! Khit di mo kakilala ung ibang tao ang saya saya pa rin nung party. Hehehe..Nagkagasgas ako sa tuhod dahil dun sa isang game. Ung unahan sa pag-ihip ng bulak. Andaming games at talagang bawat unit may presentation! At halos lahat ng pumunta ang motif ng suot ay green, white, at red. O di ba? Astig! Hihihi..

Kaya pagkauwi n pagkauwi ko sa bahay, wala ng bihis bihis! tulog agad! wahaha!

For the videos and pics ng mga events na ito, visit my multiply site n lang..=)