Thursday, January 24, 2008

This is the Moment! Regular na ko!! waahh!!

...This is the moment when all I’ve done
When all the dreamin’, schemin’ and screaming become one
This is the day, see it sparkle and shine
When all I’ve lived for becomes mine...

WaaahhH!! Korak!! This is my day! This is my moment! This is my week! Hahaha!

rakz: hi g
rakz:
gg beth: hello
gg beth: masaya ka ngaun ah..=)
rakz: di naman..
rakz: steady lang
rakz: haha

Napansin ni Beth ang aking kasiyahan this morning..kung ako tatanungin di ko din alam kung bakit. haha! Basta parang masaya lang pakiramdam ko..After kong magsasagot sa mga survey ng friendster ay biglang dumating ang letter of notice sakin.

Gosh! Personnel Action Notice!! Regular na ako!!!!!!!! waaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!!!! Kung pwede lang lagyan ng special effects ang moment na yun ay naku ang epeks ay ung tipong magfofocus ung camera dun sa papel at dahan-dahang hihinto sa pag-ikot ang mundo at laglag panga na lang ako! hahaha! Grabe nanlamig na naman ako that time! Pinirmahan ko ung receiving copy with matching panlalamig pa ng kamay! haha! Pero siyempre demure pa rin ang itsura ng lola mo..di dapat pahalata na excited at gustong magtatalon sa tuwa. Hahaha! January 19, 2008 kc tlaga ung araw na 6 months na ko dito sa office.

Ito ang araw na bawal ang mga senti at emo songs sa playlist ko! Puro dance, rock, praise and worship songs ang pinapatugtog ko! Nyahaha! Ang weird kc tlaga ng araw na to... nung sumasagot kasi ako ng friendster surveys knina, may question dun.. about latest concern or gumugulo sa isip ko ngayon..aba himala sa mga himala! wala akong naisagot! totoo ba to?!?!?! is this a dream?? hahaha! Pilit kong inisip kung ano mabigat kong problema ngayon..la talaga kong maisip! Kaya siguro nagkakasakit ako..kasi wala akong problema! Hahaha! O baka naman nasanay na ko sa mabibigat na problema kaya wala na kong pakiramdam ngayon. Or sanay na din ako sa single life kaya di ko na pinoproblema ang lablayp na yan! Kahit anong reasons p yan, saka ko na iisipin yan at basta ko masaya ko ngayon! yiheee! Kinikilig ako sa tuwa!

Nga pala, napadaan ako sa blog ni Kookoo..natuwa lang ako dun sa shinare niya na link..pampasaya talaga ng araw ung post na un kaya share ko na din..here's the link:

(top 10 ugali ng mga babae kapag inlove)
nakakatawa din ung kuwento niya tungkol sa mga search entries sa blog niya. haha!

una sa lahat..nadiskubre ko na babae pala ko kahit papano..hahaha! akala ko kasi bading ako eh..=p

pangalawa, nagpapakita pala ako ng 'signs' na inlove ako..well, yes i'm in love..but not romantic love. Marami lang talaga akong minamahal na pwends and babies sa yfc..at feel ko lang talagang magpaka-kikay ngayon..kumikita na eh.hahaha!

Wednesday, January 23, 2008

Mga Pagkikita sa Megamall =)

Share ko lang ung mga naging activities ko sa SM Megamall kahapon...hehe

Lunch Out with my kapatid..Neil!

This is the 2nd time na nag-lunch out kmi ni kapatid (ung una ung kasama si Jessmark). This time sa Tokyo Tokyo naman. Buti na lang meron siya nung discount coupon kaya kahit papano nabawasan ang gastos namin sa pagkain..hays buti naman dahil super tight na talaga ang budget ko ngayon! As in bawal akong mahulugan kahit piso sa sobrang sakto minsan ng pera ko! Hahaha! Parang di buhay ng may trabaho..hahaha!

Mejo napareminisce na naman ako that time..napagsabihan na naman tuloy ako ng aking kapatid..dapat daw minsan mauntog ako para tumigil na ko sa kabaliwan ko at maisip ko na tumigil na! Duh!! Feeling ko ilang beses na kong nauntog! Ang kailangan na yata saking mangyari ay mabundol, mahulog, mabaril, or magka-amnesia para maitigil na ang lahat ng ito! Hahaha! Gosh, it's more than one year naman na kasi..emo pa rin ako! Badtrip!!! Itinigil na lang namin ang usapan na to..hihi..

Nung kumakain na kami, hayz eto na naman ang nakalipas na di na maaaring balikan..naghahanap ako ng ilalagay na wasabi dun sa sauce para sa California Maki. Nasanay na siguro ako kasi ganun ang palaging ginagawa ni 'pers lab' sa sauce namin dati..hayz..anu ba!!!! Feeling ko tinutugtog ang 'It only reminds me of you' na kanta non kahit hindi naman! tawag dun adeeeekkk! hahaha! Kaya un..patay malisya..feeling normal na lang kahit hindi.hihihi..

Pero nag-enjoy ako sa lunch out namin ni kapatid..bakit kami naglunch out?wala lang..para maiba lang..hahaha


Eyeball with Arne

Pagkagaling sa office ay diretso ako ulit ako sa SM Megamall to meet Arne (Anyway, thanks to my officemate Joseph sa pagsama!! hehehe). Bibilin ko kasi ung books niya na I Kissed Dating Goodbye at Boy Meets Girl. Diyan malapit sa Skating Rink ung meeting place namin. Hehehe. Sa sulit.com.ph ko lang kasi nalaman na binebenta niya ung book niya. It's my first time na makipagkita sa taong di ko naman kilala sa personal. Mejo exciting pala.. Hahaha!

Finally may book na ko ng I Kissed Dating Goodbye at Boy Meets Girl! yipeee!!!! Kahit antok na antok na ko that night ay binasa ko pa rin ung book. Kahit ung first chapter lang.. after reading the first chapter naguluhan ako bigla..conflict kasi sila ng sinasabi ni Bo Sanchez dun sa book niya na How to Find Ur One True Love..hahaha! Kamusta naman un?! Sabi sakin nung friend ko mas bagay daw sakin ung I Kissed Dating Goodbye. Ganon??? Grabe super endorsed na sakin tong book na to ah..kaya sige ipagpapatuloy ko ang aking pagbabasa sa book na yun..Hehehe..

Tuesday, January 22, 2008

Joke! Joke! Joke!

Some jokes to brighten up your mood.. Hehehe.. (Thanks Ate Leah for sending the email to me!!!)

-----------------------------------------------

Kodigo

Nahuling may kodigo ang estudyante.. .
Guro: Ano 'to?
Estudyante: Prayer ko po, ma'am!
Guro: At bakit answers ang nakasulat?
Estudyante: Naku! Sinagot na ang prayers ko!


Alimasag


Nakaamoy si Ngongo ng pabango sa isang store.
Sabi ni Ngongo, "Ale, mango!"
Sabi naman ng saleslady, "Pabango 'yan, hindi alimango!"
Ulit ni Ngongo, "Ale, mango!"
Nag-agawan si Ngongo at ang saleslady sa pabango. Nahulog ang pabango
at nabasag.
Sabi ni Ngongo, "Ale, masag!"


GMA


Dumalaw si GMA sa mental hospital...
Dok: Let's welcome President Arroyo!
Pumalakpak lahat ng pasyente maliban sa isa na nasa sulok...
GMA: O, dok, bakit 'yung isa, hindi pumalakpak?
Dok: Ma'am, magaling na po siya!


Plantsa

Dok: Anong nangyari sa mga tenga mo?
Joshue: Nagpaplantsa kasi ako nang kumiriring ang telepono.
Aksidenteng na-pick up ko 'yung plantsa.
Dok: Eh bakit dalawang tenga mo ang nagkaganyan?
Joshue: Ang gago, tumawag uli!

PALIMOS

Pulubi: Boss, palimos po.
Tonyo: Iinom ka o magyoyosi?
Pulubi: Wala po akong bisyo.
Tonyo: Okey. Sumama ka sa akin para malaman ng nanay ko ang nangyayari
sa taong walang bisyo


ALITAPTAP
Anak: Tatay, hindi ako makatulog, kasi, maraming lamok!
Tatay: Papatayin natin ang ilaw para hindi tayo makita.
(Pagpatay sa ilaw, dumating ang mga alitaptap... )
Anak: Hala ka, Tatay, nagdala sila ng flashlight!

SIOPAO

Kulas: Miss, isa ngang siopao, 'yung babae.
Waitress: Babaeng siopao???
Kulas: Oo. 'Yung may papel na sapin. Kumbaga, napkin.
Waitress: Ahh, ganun po ba? Lalaki po ang nandito.
Kulas: Lalaki??????
Waitress: May itlog po sa loob.

MRS: sa palagay mo, mahal, ilang taon na ako?
MR : kung titignan kita sa buhok 18 ka lang; kung
nakatalikod 16 lang, kung sa kutis 22 lang. Bale
total ay 56 sweetheart.


Spanish teacher: Class use 'fuera' in a sentence.
Student: Mis maestras son bonitas (my teachers are beautiful).
Teacher: Oh, that's very flattering but where's 'fuera'?
Student: Fuera ka!


PERFECT HEAVEN: Having American salary,
British home, German car, Chinese food, and Pinoy
wife!


PERFECT HELL: Having Korean car, British wife,
German food, American home and Pinoy salary!


Bobo: pare hulaan mo ugali ko, nagsisimula ng letter A
Pare: approachable?
Bobo: mali
Pare: amiable
Bobo: mali pa rin
Pare: o sige, sirit na nga
Bobo: Anest

1 binatilyo pumasok sa isang gay bar. Nalaman ng nanay niya at nagalit
Nanay: ano naman ang nakita mo dun na di mo dapat makita?
Binatilyo: si Tatang po gumigiling.


Bush: What are the pollutants in your country?
Jingoy: We have lots of pollutants.. ..we have sisig, kilawin,
chicharon,mani
Erap: Anak, may nakalimutan ka, Boy Bawang (cornik).


Tindero: Hoy, bili ka gatas ng baka? P10 piso lang isang baso
Manong: Ang mahal naman, may tig piso lang nyan?
Tindero: Meron po, pero kayo na po ang dumede sa baka.


Pasyente: Dok, bakit po ganito ang operasyon sa ulo ko? Halos kita na
utak ko
Doctor: Ok lang yan, yan ang tinatawag na open minded.


A naked girl rode on a taxi
"Bakit" asked the girl at the driver na nakatitig sa katawan nya
"Ngayon ka lang ba nakakita ng hubad?"
Driver: "Hindi po miss, iniisip ko lang kung saan nakatago pamasahe mo"


Wife shouting.... . "Honey mag-impake ka na, nanalo ako sa lotto"
Husband: "Wow, anong dadalhin ko?"
Wife: "Wala akong pakialam basta lumayas ka na"


Pare 1: 'Pare, magkaiba medyas mo, isang pula at isang azul'
Pare 2: 'Ewan ko nga kung saan nabili ng misis ko ito. May isa pa nga
akong
pares na ganito rin and kulay sa bahay'


Beauty contest.....
Emcee: What's the big problem facing the country today?
Contestant: Drugs
Emcee: Very good, why do you say that?
Contestant: Ang mahal kasi eh!


Doc: Ano trabaho mo hija?
Girl: Substitute po
Doc: Hindi kaya prostitute?
Girl: Hindi po, mama ko po ang prostitute at kung may sakit siya ako
po yung substitute.. ..


Guro: Sino si Jose Rizal?
Juan: ' Di ko po kilala.
Ikaw, Pepe, sino si Jose Rizal?
Pepe: Di ko rin po kilala.
Guro: Di niyo kilala si Jose Rizal?!
Pedro: Ma'm, baka po sa kabilang section siya!

Monday, January 21, 2008

Question ng Guys sa Girls..

1. baket ang babae ang dame tanong?
- kasi minsan di kami satisfied sa sagot niyo..o kya naman we smell that there's something fishy na gusto namin kayong mahuli in your own words..

2. ano pinag-uusapan niyo sa loob ng comfort room?
- kahit ano..AS IN KAHIT ANO.hehehe

3. ano meron sa kikay bag?
- hmm..comb, powder, lip balm, hair polish..and other girl stuff.=D

4. nakapasok na ba kayo sa guy's cr?
- ako uu..hahaha!

5. pumupunta lang ba kayo sa starbucks dahil sa poging barista?
- di naman..masarap naman talaga kape dun eh..pero ibang drinks nila iniinom ko dun kc bawal sakin kape..hehe

6. hindi ba kayo nagsasawa sa "iced tea?"
- hindi!

7. ano feeling ng tinititigan kayo?
- normal lang naman un..anong bago??wahaha! jowk! we feel flattered of course..pero minsan kkaiba s pkiramdam kc bka may mali sa amin (ex. dumi s mukha, nkbukas ung damit, etc..)

8. eh yung may ibang klaseng titig?
- uncomfortable siyempre..

9. do you really keep "secrets"?
- opkors! kahit sino naman eh...

10. baket galet kayo kay kris aquino?
- ako di ako galit kay kris..natutuwa nga ako sa kanya eh..hehe

11. baket gustong-gusto niyo yung "a walk to remember?"
- so romantic kasi!!! at ung bidang lalaki dun..super ideal! if you will notice gustong gusto nung mga girls ung mga movie n nagpapakita ng TRUE LOVE ung mga guys..kc BIHIRA na lang ung mga lalaking ganun.hehehe

12. baket pag-sinabi namin maganda ang isang gurl, either bola or bola lang yun....
- normal naman na kasi sa lalaki ung nambobola..haha! pero depende kung sino nagsasabi eh..kapag manliligaw, malaki ung possibility n bola lang un. pag friendship lang, ayan..mejo totoo yan..hehe

13. baket pag tumingin kame sa emailed nude pics, malaswa na kame?
- kasi naman kitang-kita sa mga mata nyo na enjoy na enjoy kayo sa nakikita niyo..wahaha! o d b malaswa un??

14. ano pa ba?
- haha..naubusan ng tanong..

15. baket mataray kayo minsan?
- kasi moody kami..natural na emotional..

16. baket kayo nagpupuyat?
- either my hinihintay p n text..or my sinusubaybayan sa tv..or masyado pang hyper ang pakiramdam namin at di p kmi nkkdma ng antok. un un!

17. ano gusto niyo sagot ng guy pag tinatanong niyo kung "payat ba or tumaba ako"
- siyempre ung honest answer..minsan kc alam n nmin ung sagot eh..tinatanong lang ulit namin sa inyo para malaman kung nagsasabi b kyo ng totoo..hehe

18-a bakit ang tagal ng mga babae kapag pumupunta sa banyo?
- talagang inoorasan kami ah..haha! anyway, kasi minsan chika-chika pa..o kaya naman retouch..o kya naman may monthly period.kailangang magpalit! satisfied?

18-b bakit kelangan na in groups?
- hmm..just in case na may red alert or any girl's 'emergency' at least may sasaklolo agad. o kaya naman it's our time pra mkpagkuwentuhan.hehe

19 bakit mahilig kayo sa pink?
- kasi relaxing sa mata..cute pa..hehe

20 bakit ang hilig tumili ng mga babae?
- self-expression un ok??it's also a way to catch attention..

21 bakit kayo moody?
- because we're emotional by nature..matuling naaapektuhan ang emotion namin by any circumstances..

19. batet kayo nangungurot! masakit yun ah...:(
- ahaha! for me way of paglalambing ko un..or nanggigigil ako. suwerte mo pag kinurot ka ng girl kc it means comfortable n siya sayo..(pero minsan ung ibang girls feel lang tlagang mangurot.hehe)

20. mahilig kayo magpalibre..
- para malaman namin kung hanggang saan ang maio-offer niyo! joke! hahaha! ang sweet kc ng dating samin pag nililibre kami..=D

21. ano ang definition niyo ng "makulet"?
- paulet-ulet. meron kasing nakakakilig na kulet at merong nakakairitang kulet.

22. aminin niyo kayo nag-pauso ng "me" na text lingo i.e. inaantok na me eh.
- di ako guilty dito..pero may mga guys na nagtetext din ng ganyan. so di ko masasabi kung sino nagpauso.hehe

23. sama mo na rin *** "smiles" na letter u / ,
- haha! para naman malaman niyo emotion namin..for me it means i'm happy or touched..

24. tsaka :hmp:? kayo nagpauso nun ryt?
- i dunno..uso pa funny komiks noon nbbsa ko n ung 'hmp' e.hehehe.but for me it means tampo na ko..

25. hindi talaga kayo nagsasawa sa iced tea? promise?
- minsan..pag-araw2 iniinom.hehehe

26. kayo lang ba may karapatan gumamit ng lip balm?
- opkors nat! wala namang nakalagay na 'for girls only' dun sa label nya di b? hehehe

27. mabango ba talaga ang clinuque happy?
- di ko alam yan..haha!

28. do you really keep secrets? ganun?
- uu naman..lalo na ung 'girl things'..

29. baket defensive kayo madalas.
- kc minsan ang hirap nyong makaintindi. o kya naman ang hilig nyong maghinala na di niyo sinasabi kung ano ung hinala niyo.

30. ano ibig sabihin ng "di masyadoh" (honest answers pls.)
- ok na pero parang may malaking kulang na di mawari kung ano ung kulang..hehe

31. eh, "ewan ko sa yo" ?
- mejo irritated na..

32. "bahala ka"
- sometimes it means 'ikaw n ang bhala kasi wala na kong maisip'..o kaya naman 'nakakainis ka,labo mong kausap'

33. "k" lang
- ok. tapos na usapan. understood. next topic! haha!

34. "huwag mo ko kausapin"
- may konting galit/tampo effect n yan pag sinabi namin yan..mtkot k n..o kaya naman dahil busy lang kami..

35. "wala lang"
- for me it means 'may sasabihin ako kaya lang di ko pwedeng sabihin o kaya di ko masabi'..hehehe..

36. basta..
- 'There's something that I can't explain..'

Girls tama ba sagot ko???hahaha!

DO I.. (Sarbey..hehehe)

DO I..

1. Do you like to talk a lot?
depende kung sino kausap at kung nasaang lugar ako...hehehe..pag comfortable ako dun sa taong kausap ko madaldal talaga ko..=D

2. Do you love anyone now?
uu naman..c God..family ko, at prends..

3. Do you hate being scolded in public?
Pag biruan lang ok lang..sanay akong makipagbaragan..hehe..pero pag ung serious na..ayoko..feeling ko napapahiya ako..

4. Do you hate school?
Hindi ah..mabuting mag-aaral ako nun =p

5. Do you hate yourself?
Hindi naman..sino n lang ang magmamahal sakin kundi ako di ba?joke..=p

6. Do you find yourself cute?
Minsan..hahaha!bangis talaga!

7. Do you feel like having a gf/bf?
minsan uu minsan hindi..hehe..bka kc another heartbreak na naman..T_T

8. Do you smoke or drink?
Both na hindi..napapanatili ko pa ang aking pagka-100% PURE!

9. Do you like your teachers?
Yung iba lang..ung iba kasi favoritism eh!hayz!

10. Do you take drugs?
Pag prohibited at nakakalason hindi..hehe..

11. Do you like going to the movies?
Hindi masyado..depende kasi sa movie un eh.mga comedy at sci-fi ung type ko..pag love story naman dapat ung mejo unique ang story =D

12. Do you have a pet?
ung sariling pet wala na..=( sana nga meron eh..

13. Do you prefer calling or sms?
SMS.pero nata-touch ako pag tinatawagan ako.may kilig factor..wahaha!

14. Do you eat every morning?
yes!nanghihina ako pag hindi!

15. Do you go on line everyday?
pag weekends hindi..wala ako sa office eh.minsan naman invi lang..nagpapamiss lang ng konti..hehe

16. Do you want to cry now?
DEFINITELY YES

17. What are you doing now?
eto sinasagutan to..

18. What are you thinking of now?
kung anong isasagot ko dito sa survey na to. hihi..hmm..i'm concerned with my health. sana ok lang health ko..hehe

19. What are you listening to now?
Quit Playing Games by BSB..bagong-bago no??hahaha

20. Last person messaged you?
c Sugat..ung bagong bebi ko sa YFC..parang di nauubusan ng load tong batang to..hahaha

21. Last time you got lonely?
Ngaun! hayz..

22. Last time someone made you happy?
kanina lang..nung kausap ko si Clint..nkkbaliw tlgang kausap un..

23. Are you angry at someone?
wala naman akong kinagagalitan ngayon..mabuti naman..hehe

24. Guitar or Drums?
Both.pareho ko silang di alam tugtugin e..bwahaha!

27. Do you love the people who make you happy?
uu naman..

28. Do you believe in those people?
siyempre naman..sinabi mo pang mahal mo sila kung di mo naman papaniwalaan di ba?

29. What is your target for this year?
hmm..it's between me and my God..naks naman!

30. Do you rather shop alone or with people?
kahit ano basta may pera!..haha!

31. Who do you hate now?
ikaw!ang kuleht mo eh..sabi ng wla..=p

32. Who are your friends?
naku po madami..

33. Who are you missing now?
family..yfc family..ka-nerds..gemini's..autumn sonata..saka si pers lab??hehehe

34. How are you feeling now?
mejo masama pakiramdam..malungkot..tapos..basta..

35. What can you say about your ex?
It's worth all the pain. I learned naman kasi.naks! ako ba talaga toh?!??! hahaha!

36. Do you think your ex really loved you?
Siguro..di ko sure..sana..wahahha!ex naman na eh!ok n un!tama na emo mode!

37. Message to your enemy?
You give a little love and it all comes back to you.lalala lalalala..You will always be remembered on what you say and do! lala lalalala..

AnG DALANDAN... bow!!


Since magkasakit ako last week ay dalandan na ang naging besti ko sa liga ng mga fruits. Dahil sa di ako makapagpacheckup sa doktor ay ito na lang muna ang kinakain ko..may psychological effect kasi sakin. Feeling ko lumalakas ako pag kumakain ako nito..Hahaha! Abnormal! Pero un talaga pakiramdam ko... Pero after ko siyang kainin ay balik ako sa hilo mode ko.

Hayz.. di ko alam kung bakit madali akong mahilo ngayon.. at pagkagaling dito sa office ay parang pagod na pagod ako.. Sumasakit pa likod ko! Sa Feb pa kc ako mkkpagpacheckup... uwi p kc ako sa Malabon..so steady lang muna ko ng ilang linggo pa..Haha! Konting tiis pa! wahaha! Pero sa nagbabasa nito.. DI AKO BUNTIS! OK?!? Second coming n b? ano to, Holy Spirit ulit?? Magtigil sa iniisip ha.. bwahaha!

Iba naman ang sabi LOVE SICK lang daw ako..oh c'mon!!! Di naman cguro... keber naman ng powers ko ang depression na nararamdaman ko... Madrama lang talga ko minsan.. hehehe...

Pero right now..uu malungkot ako..di ko kasi alam kung bakit it hurts pa rin..kuleht din kc ng heart ko eh..sabi ng tama na eh! tigas ng ulo! (as if may ulo ang puso..haha!) eto nga mga linya ko ngayon:
- Tears fall behind my eyes but I do not cry
- It's so hard to smile when you really want to cry
- etc..eklabu..

tama na nga..hay..sana gumaling na ko at maging ok na health ko..sana kayanin pa ng katawan ko til feb..

sa usapang puso naman..RAKEL UMAYOS KA!!!! TIGILAN MO NA YANG PAG-EEMOTE MO! LOKA KA! DAMI-DAMI MONG BLESSINGS NAG-EEMOTE K P! UMAYOS KA!!!!!!!! hindi kaya ng dalandan ang problemang puso ok???? hayz..hirap pagsabihan!!!

Monday, January 14, 2008

Nakiki-Gryffindor Student..nyahehe..


Mejo late na tong post ko na to (1 month delayed. Haha!)..Ngayon ko lang kasi nahanap ung mukha ko sa mga official pics nung party namin dito sa AB Leisure..hehehe..


Kasama ako sa finalists para sa Couple Category. Partner ko si Mr. Marcelo. Sayang lang di kami nanalo..hehehe..


Nagpiktyur-piktyur kami ni Kuya Maynard sa labas ng venue. Wala lang feel lang namin magpiktyur sa labas. Hehehe..Ayan ang kinalabasan..Character na, attitude pa!!!!


Si Ginny Weasley tlga ung pinoportray kong character dun..pero sabi nila Hermione Granger daw. Ok fine! Di na ko nakipagtalo para matapos lang usapan. Hehehe. After that party Hermione na ang tawag sakin nung taga-ibang department. Kamote....yoko nga! hehehe..






For more pics of our Christmas party, nasa multiply site ko pa rin..as usual..=D Dun makikita ung iba pang costumes ng mga employee samin.

How to Find Your One True Love


In This Life-Saving Book…

  • You'll learn the 8 Steps to Attract Your One True Love
  • You'll discover the 7 Keys of Discerning God’s Will
  • You'll find out how to meet 3 New Single Men (Or Women) A Week
  • You'll learn the Top 10 Attraction Secrets of a Woman — And 1 Attraction Secret of a Man
  • You'll discover the Myths That Destroy Your Love Life
  • You'll find out why “Waiting Only” Won’t Work For Many Singles

    And Here Are the Questions that this Book Will Answer:

  • Is there really just one person for me out there?
  • Can the woman make the first move?
  • Is it okay to flirt?
  • How will I know if this man is really for me?
  • How will I know if he wants more than just friendship?
  • And so much more!

I've bought this book last December 2007 pa. Hindi naman dahil sa desperation na gusto kong magkaroon ng bagong BF kundi dahil wala lang..siguro dahil takot akong ma-mislead ulit? magkamali ulit? Anyway, kahit ano pang reason ko at binili ko ang book na ito, I can say na it's all worth it!

Nung friday ko lang siya natapos basahin..at gosh! Makalaglag panga ang mga principle or pananaw ni Bo Sanchez! Di ko alam kung nag-eexist pa ba ung mga lalaking nabanggit niya dun sa book! Kung nag-eexist man, siguro taken na! Haha!

Pero super ganda nung book..nakakatuwa..sarap basahin..for me naexplain mabuti kung pano pagsasabayin ang practicality at religion in choosing 'the one'. Nagustuhan ko ung sinabi dun sa book na para san at binigyan tayo ng utak ni Lord kung sa kanya lang natin iaasa lahat ng desisyon natin? Most of us kasi takot na bka di God's will ang mapili natin or ung magawa nating desisyon..pero sabi dun sa book..madami tayong option..isa lang naman ang not under God's will eh..un ay ang evil things. The rest, under God's will pa. SO why limit urself in two or three options only?? Hehehe..

Super striking nung book..sampal nga sakin eh..Haha! Mas maganda kung babasahin personally ung book..Nasabi din dun na the best gift that you can gift to your husband is yourself..so kung pure p ung girl before she gets married, it means na nireserve nya talaga ung sarili niya para sa kanyang husband. Wow!!! Nagkaroon ako ng linya para sa magiging hubby ko.."I saved my self for you"..Naks! nangarap na naman ang lola! GG nga wala eh! Hahaha!

Un nga lang, sobrang striking nung book may kakilala ako na gusto ng makipag-break sa bf nya after mabasa ung book. Haha! Panalo talaga! Ibang level!!! Basta ako, I will be Ms. Right for my Mr. Right! Maharot lang akong tingnan..pasaway..baklang kumilos..pero clean living naman ako no! Nyahaha! Un lang yata maipagmamalaki ko! Anu b yan! =))

Eto link nung network para dun sa book: http://onetruelovenetwork.com/

Sunday, January 13, 2008

YFCEA's Heroes Camp..I'm back to being happy!


Nag-undertime ako sa work para umattend ng HEROES camp sa Antipolo Rizal. Since hihiramin nila Champ ung kalan sa bahay, umuwi muna ako at nagpahinga. Matutulog dapat ako kaya lang mas prinefer kong tapusin ung pagbabasa ng 'How to find your one true love' by bo sanchez. At di naman ako nagsisi. Hehe. Buti na lang talaga tinapos ko munang basahin ung book before umattend ng camp..kasi nagkaroon ako ng reason para hindi mag-emote! Wahaha!

Kami nila Champ, Eman, at Acey ung first na nakarating sa venue. First time na mag-held ng camp sa retreat house na un. May pagka-creepy nga lang ung place pag gabi kasi mapuno at tahimik pa. Kahit apat lang kami ay sinimulan naman ang binding and casting dun s place. Kamote!!! nung naghiwa-hiwalay na kami para dasalan ung buong place, biglang nagtaasan ung mga balahibo ko sa katawan! Ang lamig at tumataas talaga balahibo ko..haha!After nung binding and casting, we went to the market place para bumili ng food for dinner and breakfast.

Nang bumalik na kami, andun na ung participants sa venue. We have 5 participants and 12(?) service team that night. Hay that night pa lang naglaro agad ung mga participants with the service team. Ang ha-hyper! hehehe.

Role#1: Team Leader - naging teamleader ako sa simula. Mejo naguguluhan pa kasi sila Champ sa gagawin.

Role#2: Camp Servant - injury kc si Cedrick na dumating dun sa camp. At napatulong din siya sa kusina kaya ako na lang muna nag-assign ng rooms, etc during the first night.,pero sandali lang naman un. Hehehe.

Role#3: Speaker - eto talaga ang role ko sa camp. Ang maging speaker sa Talk1. God's love and His plans for us. Sa maniwala ka man at sa hindi, 3 years akong naging member ng YFC pero this is my first time to deliver a talk! wahaha! Anyway, di ko na maalala kung anong mga sinabi ko during my talk. Hehehe.

After the talk, natulog na kami. Kasama ko sa kuwarto si Bebi Acey at Bebi Mayz. Mejo nkktakot nga lang talga sa kuwarto kasi..ala lang..madaming 'others'. Hehehe. Kya nagpumilit ako na wag na lang naming patayin ang ilaw.

Naging masaya at inspiring din ang day 2 ng camp. Ulan ng ulan kaya super lamig. Parang may naka-open na aircon sa lamig! Dito ko din first time maging part ng foodcom!


Role#4: Food Com - as I've said knina, mejo kulang sa service team. Kya kung san k kailangan dun ka! haha! E kailangang linisin nung isda para sa lunch, kaya un..kahit walang alam ang lola mo sa paglinis ng isda ay rumampa ako sa kusina. Tinuruan ako ni Harris kung pano linisin ung isda (imagine, lalaki pa ang nagturo kung pano! haha! nakakahiya!) Tuwang-tuwa ako nung nakapaglinis ako ng isda..sabi nga nila un daw ang greatest achievement ko nung camp! Haha! Pang-asar!

During the siesta, natulog kami ni Mayz (actually 2 hours lang ung siesta kc 4pm n kami nakapaglunch). Nakakatuwa lang dahil nung paggising ko, pagkadilat ng mata ko, ay si Tatay Fello at Dadi Pao agad ang nakita ko. Ang aking mga minamahal na ama! Haha! Ayun, tinatakot nila ko pag mag-isa ako sa kuwarto..hmp!

Before the talk4, naglaro muna ang mga participants. Palagi naman eh. Hehe. Dun din dumating cla Gerald and Fjordz.


Nakilala ko rin sa wakas personally cla Gerald at Fjordz!!! - natatawa lang kasi ako sa reaction ko that sat night..di ko kc alam kung anong gagawin kong approach sa knila. Napangiti na lang ako at ang nasabi ko na lang is "Ikaw pala un". Haha! Kilala ko lang kc c Gerald at Fjordz dahil nababasa ko sila sa blog ni Champ at nababasa ko din ung mga post nila sa personal blog nila. So sa pics ko lang sila kilala. Kaya nagulat ako nung malaman kong matangkad pala si Gerald at malaki pala boses niya. Hehehe.

Role#5: Music Min - After the talk4, balik music min ang lola mo. Buti na lang may boses pa ko that night. Sabi nila Hiraya(?) ung name nung magaling kumanta that night. Di ko kc siya masyadong nakausap. Hehehe. Un nga lang mejo wala n tuloy boses ko ngayon.

After that, we prepared for the entertainment night. Dahil masyado akong na-touch dun sa ginawa ng SFC family ko nung Lord's day namin ay kinanta din namin ung Welcome to the Family na song with matching lights off effect. After that ay hinarana namin ang new baby sisters. Kinarir naman nung mag bros. Haha! Then nag-dating game din kami. Tapos..nagpresent na ung mga participants together with their facilitators. It was the first time na may ginawang choreo ang mga participants! Todo sayaw talaga sila! Nakakatuwa! Siyempre papatalo ba ang service team?? Opkors Nat! Ginawa namin ung traditional..ritual..at makasaysayang ng skit na 'Kwek-kwek sa Kalye Onse'. Natuwa naman sila. Dapat lang kasi natodo laglag ang dangal namin dun eh! Haha! 3am n natapos ung e-night.

Day 3, dumating c Livy! E kakagaling lang niya sa bulutong nun. kaya kahit miss na miss ko siya di talaga ko lumalapit sa kanya. Haha! This day ko naman na-meet si KooKoo at GJ (Talk5 speaker). Mga fellow YFC Bloggers din. Kaya natuwa talaga ko nung camp. Na-meet ko sila! Hehe.



Inabot kami ng 6pm dun sa camp site..first time un na umuwi kami ng gabi galing sa camp! Hay..nakakapagod pero ang saya sa puso..Naulanan at nadulas ako during the camp pero iba pa din ung saya na naramdaman ko nun..Ibang klase talaga! Na-touch pa ko dun sa mga naging sharing nila Acey, Ced, at Mayz sakin nun. Sobra akong na-inspire sa shinare nila. Hehe. Natouch din ako dun sa letter nung mga participants. Kinikilig ako sa letter nila..sa mga sinabi nila. Hihi. I feel loved talaga pag kasama ko mga babies ko sa YFC..hehehe.

Eto naman ang special part para sa mga new babies:


Monique - Angelica ang real name niya. Pero Monique ang twag namin sa kaniya dahil kamukha niya si Monique dun sa Princess Hours. Hehehe. Sobra akong natutuwa sa kanya from the very start. Di ko alam kung bakit. May mga nabibitawan siyang mga inspiring words..na kahit kaming service team ay naiinspire. Sabi ko nga kay Mayla, may possibility din siyang maging Senior sis. =D

Sugat - Ellie ang name talaga. Tuwing makikita kasi namin siya palagi na lang siyang may sugat or injury. Hehehe. I admit na siya ang napupusuan kong sumunod na Senior Sis ng YFCEA. Nagulat nga ung ibang taga-campus na di pa siya member. Kasi madalas na siyang nakikita sa mga YFC events. Makulit din tong c Sugat. Natutuwa ako sa kaniya. Touching pa ung letter na binigay niya sakin.

Kaye Anne - si Kambal 1! Hyper#1! Hehehe. Natutuwa lang ako sa pagka-hyper niya. Ang tinis pa ng boses. Sa kaniya nauso ung "Guuuuurrrlll!!!" na tawagan..ung matinis ung pagkakasabi. Haha! Kitang kita mo sa kaniya na nakikinig siya at super willing siyang makilala si God during the camp.

KC - si Kambal 2! Dancer ang beauty nitong si KC. Super hyper talaga. Laging nanghahamon ng kagat-labi na sayaw. Kahit si champ hinahamon niya! Pnalo talaga! Haha! Super game din sa kahit anong ipagawa namin.

Steven - the only boy sa participants. Kaya ayun, tawag na din sa kanya is "Guuuurrrlll!!!". Haha! Buti nga di siya napipikon! Mejo tahimik kaya mukha siyang mysterious sa paningin ng iba. Pero mukhang hindi din. Gulo no??hehehe..

Hay..God really knows how to make me happy..=)

For more pics, as usual nasa multiply site ko un.Hehehe.

Thursday, January 10, 2008

Nakiki-Gryffindor Student..nyahehe


Mejo late na tong post ko na to (1 month delayed. Haha!)..Ngayon ko lang kasi nahanap ung mukha ko sa mga official pics nung party namin dito sa AB Leisure..hehehe..


Kasama ako sa finalists para sa Couple Category. Partner ko si Mr. Marcelo. Sayang lang di kami nanalo..hehehe..


Nagpiktyur-piktyur kami ni Kuya Maynard sa labas ng venue. Wala lang feel lang namin magpiktyur sa labas. Hehehe..Ayan ang kinalabasan..Character na, attitude pa!!!!


Si Ginny Weasley tlga ung pinoportray kong character dun..pero sabi nila Hermione Granger daw. Ok fine! Di na ko nakipagtalo para matapos lang usapan. Hehehe. After that party Hermione na ang tawag sakin nung taga-ibang department. Kamote....yoko nga! hehehe..






For more pics of our Christmas party, nasa multiply site ko pa rin..as usual..=D Dun makikita ung iba pang costumes ng mga employee samin.