Friday, October 10, 2008

Three Dads with One Mommy

I just finished watching Three Dads with One Mommy Korean Series dito sa office(holiday eh..wala ang mga boss sa office). Ahaha. Sablay eh noh :D Todo control tuloy ako sa emotions ko. Akala nga nung iba serious ako sa pinoprogram ko. Di lang nila alam madamdamin lang talaga ung scene dun s pinapanood ko. Hahaha! At pag di ko n keber itago ang pagtawa ko kunwari makikipag-usap ako dun sa katabi ko at sa kanya ko hahalakhak. Hehe.

Kinilig ako dun sa tatlong guys.Ganda din ng storyline. Hanging nga lang ung ending. Ahaha! Basta natuwa ako. Dahil dito naging crush ko ung 2 dun sa Dads. Haha!

Na Hwang Kyeong Tae (Shin Sung Rok)

- the policeman. di siya ung crush ko. Ahaha! Masyado kasing impulsive ung personality ng role niya. May pagka-emo pa.Ahaha! Pero sa kanilang tatlo during the series, ung role niya ung unang nagpakita ng father-attitude. Bagay sa itsura niya ung role niya.

Choi Kwang Hee (Jae Hee)

- the cartoonist. After this series crush ko na siya!!! Hahaha! Di ko siya masyadong nagustuhan noon sa Sassy Girl Chun Yang eh. Ang galing niya kasing umarte in this series. Nakakatawa talaga ung facial reactions niya.Crush ko din ung role niya...thoughtful, caring, sweet..un nga lang..Mama's boy saka BABAERO!!!! Nataob tuloy lahat ng positive attitudes nya. Haha! I like the way he dressed up din. Bagay sa personality niya. Ang cute niya lalong tingnan. Haha!

Han Soo Hyeon (Jo Hyun Jae)

- the Stock Jobber. Grabe Love Letter Series pa lang crushness ko na itong si Jo Hyun Jae. Ahaha! Kaya di ko pa napapanood ung series crush ko na xa. Hahaha! Nakita ko ung sarili ko dun sa role niya..Istriktong Kuripot! Haha! Pag nabasa ni Yayan toh 4 sure maga-agree un! Pero di naman ako papakasal sa isang tao dahil lang sa pera. Hehe. At sa role niya ako most probable magkakagusto. Kung pagiging practical and future-wise ang pag-uusapan. Hehe. Basta sa tatlo, sa love story ni Na Yeong with Soo Hyeon ako kinilig. Haha! Iba kasi ung chemistry sa pagitan nila.


Madaming nadismaya sa ending nung series. Pero ako di masyado..nabasa ko na kasi sa ibang review na di nga daw kagandahan ung ending kaya napaghandaan ko na siya psychologically.

Gusto kong part ung nagkakalabasan na ng nararamdaman para kay Na Yeong. I really like how they showed their reactions pag nkakalamang na ung isa. Hahaha!

Anyway, it is really a good series.Cute pa ni Ha Seon (the baby). Uulitin kong panoorin toh!!!

No comments: