Monday, October 13, 2008

Short Sharings + Jokes

Ilang araw din akong di nakapag-post..kung ano-ano tuloy nasa isip ko..ayan na..hehe

Karat Gold $_$
- wala lang. feelingera lang. feeling mayaman at sa Karat Gold pa ko tumingin ng kung anik-anik. Ayun, itinigil ko n lang ang kakatanong dun s sales lady. Bumababa na tingin ko sa sarili ko sa bawat sagot niya eh. Nagmumukha akong dukha. Haha! Buti na lang keber ng attire ko ang eksena ng gabing un. Hahaha.

Payong, bakit ngayon ka nang-iwan!!!
- wah kung kelan kalakasan ng ulan saka ako iniwan sa ere ng aking payong. Bumigay na siyang tuluyan. I need to move on. I need to buy for another umbrella. Buti na lang di ako sa the fort or sa eastwood nagtatrabaho dahil di ko maatim ang itsura ng payong ko kanina. Mas maganda pa payong nung mga taga-mmda. Haha. Naku naman talaga. Tulin ko tuloy maglakad para maisara ung payong ko. Hihi.

Walkathon Maghapon
- naglakad kami ng aking nanay sa kahabaan ng Barangay Sagad at Kapasigan sa Pasig para humanap ng..oh well..another bahay. Na naman???! Masakit pala talaga sa buong katawan.Ayun sumatotal,wala kaming nahanap. Kung meron man, super out of our preference n ung bahay. Tapos todo lakad din nung hapon na hanggang gabi dahil sa GK Expo. Kaya Sunday to Monday parang disabled ang lola mo dahil sa sakit ng katawan. Huhu.

Bonifacio High Street
- First time ko dun sa lugar na un. Parang taob ang Eastwood in terms of the attire ng mga taong 'common' na naglalakad dun. Parang may cocktail party sa lahat ng dako nung high street. Nagmukha akong 'Nene' sa attire ko. Di ko maatim, mukha akong jalalay pag nagtagal ako sa lugar na un. "Whatever Yaya!" Hahaha. Kamusta naman. Siyempre super duper enjoy dun ang mata ng mga lalaki. Oh well, wala talaga akong laban sa mga babae dun. Accepted ko na un. Kung suntukan ang laban baka may laban pa ako dun. Haha!

Bowling
- Matapos ang Badminton ay pilit na naman akong isinasali ng officemates ko sa Bowling. This time di n talaga ko pumayag. Hanaku naman..ayoko namang kahihiyan ang maiwan kong legacy dito sa company namin if ever aalis ako dito di ba? Lalamunin ako ng buong buo ng pangangantiyaw ng mga officemates ko kaya goodluck sakin pag nakatira ako dun. Hehe. Piktyuran ko na lang sila. Ayun, pwede pa. Hehe.

Naiinip
- Eto na naman..naiinip na naman ako sa takbo ng buhay ko. Last week is a super normal week. As in office-bahay lang ang takbo ng buhay ko. oh my gas! ako b un? Hehehe. Wala man lang bang mag-aaya ng bonding moment diyan??? Hay naiinip talaga ko!

November 1
- Naisip ko lang kagabi kung san ako magpapalipas ng Undas (aba malapit na un ah). Kung sa apartment ba na mag-isa lang ako o sa bahay namin sa Malabon na sangkatutak ang nagpaparamdam? Hahaha! Anyway, it's all in the mind. =P

mga kasabihan ng officemates ko:
-aanhin mo pa ang gwapo kung mas malandi pa sayo.
-matalino man ang bading... napeperahan pa rin...
-bago kumapal ang bulsa,pakapalin muna ang mukha
-di bale ng tamad, wag lang pagod.
magaling, magaling, magaling...hahaha!

Some jokes that made me laugh this day:
DRAMA SA RADYO:
'huwag mo akong hawakan berting, nasasaktan ako!! magulo na ang buhok ko at pumapalag ako ngayon!!'
'magtapat ka loren, habang lalong humihigpit ang hawak ko sayo!'
'tama na berting! may nakikita ako ngaung kutsilyo sa mesa, kukunin ko ito at bigla kong isasaksak sayo. ayan.. nkuha ko na... sinasaksak na kita!'
'aaahhhh... sinaksak mo ako sa tiyan, ito ngayon ay nagdurugo at mamamatay na ako.. ayan patay na ko.

*******************************
tinext ni anak si dad: "LOL"
tinawagan ni dad si anak: "anu tong tinext mo?"
anak: dad, lol means laughing out loud! hehe. ur so s2pid dad! duh!? everybody knows that! ur so t*nga! t*ng ina ka tlga dad! p*kyu!
dad: ah ok. haha. kala ko minumura mo ko e. geh nak. love you.

*******************************
*nagmimisa ang pari*
pari: ihahagis ko tong bola na to.. kung sino ang tatamaan ay siya ang pinakamakasalanan..
(hinagis ng pari ang bola at tumalbog sa kanya)
pari: oh ha! ulit praktis lang un

*******************************
ANAK: Tay mag-ingat kayo sa DANKTRAK!.
TATAY: ano ung danktrak?
ANAK: Yunn pong trak na 10 ang gulong na karga buhangin?
TATAY: t*nga. inde danktrak un...TEN MILLER!!!

*******************************
ahehe..un lang =D

No comments: