Thursday, October 30, 2008

Quotable Quotes from Bob Ong

Got this from other blog...wala pa kong nababasang book niya (naman! tao ba ko inay??? hahaha!) pero natutuwa ako sa mga kumakalat niyang kasabihan. Lalo na ung sa pag-ibig. Hehehe.

-----------------------------------------------

PAG-IBIG
"Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung
walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..Dapat lumandi ka din."

"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi
pagkukusa."

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag
natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na
sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

PAG-AARAL
"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka
pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."

"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan..."

"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang
paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga
taong literado pero hindi nagbabasa."

"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang
dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

BUHAY
"nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito
multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-
blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya,
palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may
pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"

"Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."


HALO-HALO
"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

"ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."

"hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

"hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "

"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong
sa'yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro
namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."

"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."

"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao,
tulad ko."

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa
paggawa ng wala."

"iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala."

"iba ang informal gramar sa mali !!!"

" Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay yun, dapat matagal na kong patay."

"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In
English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"

Thursday, October 23, 2008

I Gotta Go My Own Way / Iisa Pa Lamang

Di ko alam kung bakit feel na feel ko tong song na toh..e wala naman akong sasabihan nito kung sakali. Haha. Feelingera! Di ko alam kung anong part ng utak ko ang natitrigger ng kantang toh basta sobrang gusto ko siya..hehe :D Alam ko kasi feel na feel ko lang ung kanta pag nakakarelate ako eh..di ko alam kung anong nangyari sa pagkakataon na toh.. :p

I Gotta Go My Own Way

I gotta say what’s on my mind.
Something about us, doesn’t seem right… these days.
Life keeps getting in the way.
Whenever we try, somehow the plan is always rearranged.

It’s so hard to say,
But I gotta do what’s best for me.
You’ll be okay…

Chorus:
I’ve got to move on, and be who I am.
I just don’t belong here,
I hope you understand.
We might find a place in this world someday, but at least for now
I gotta go my own way.

Don’t wanna leave it all behind.
But I get my hopes up and I watch them fall every time.
Another color turns to grey.
And it’s just too hard… to watch it all… slowly fade away.

I’m leaving today
Cause I gotta do what’s best for me.
You’ll be okay…

Repeat Chorus except last word

…way

Bridge:
What about us?
What about everything we’ve been through?
What about trust?
You know I never wanted to hurt you.
What about me?
What am I supposed to do?

I gotta leave but I’ll miss you

Repeat Chorus 2x

Coda:
I gotta go my own way,
I gotta go my own way


********************************

Iisa Pa Lamang

Oops..di ung song ung gusto ko ah..hehe..

I'm talking about the teleserye sa dos. wala lang..na-amaze lang ako sa episode nila kagabi especially sa acting nila. Hehehe..

Di na ko masyadong nakakapanood nun kasi ang antukiz n ko ng ganong oras.
Pero kagabi..as in wow! nagising ako sa galing nilang umarte. Hehehe. Lalo na si Scarlet (Angelica Panganiban). Kasi magaling na by default sa acting cla Claudine at Diether. Basta..kakaiba kagabi. Hehe. Ang labong mag-share :p

Uu na..baduy na kung baduy..korni na kung korni..eh sa ang galing nila eh! Hehehe. Sobrang di ko mapigilan ang paghanga ko at nilagay ko pa dito..hihi :D

Monday, October 13, 2008

Short Sharings + Jokes

Ilang araw din akong di nakapag-post..kung ano-ano tuloy nasa isip ko..ayan na..hehe

Karat Gold $_$
- wala lang. feelingera lang. feeling mayaman at sa Karat Gold pa ko tumingin ng kung anik-anik. Ayun, itinigil ko n lang ang kakatanong dun s sales lady. Bumababa na tingin ko sa sarili ko sa bawat sagot niya eh. Nagmumukha akong dukha. Haha! Buti na lang keber ng attire ko ang eksena ng gabing un. Hahaha.

Payong, bakit ngayon ka nang-iwan!!!
- wah kung kelan kalakasan ng ulan saka ako iniwan sa ere ng aking payong. Bumigay na siyang tuluyan. I need to move on. I need to buy for another umbrella. Buti na lang di ako sa the fort or sa eastwood nagtatrabaho dahil di ko maatim ang itsura ng payong ko kanina. Mas maganda pa payong nung mga taga-mmda. Haha. Naku naman talaga. Tulin ko tuloy maglakad para maisara ung payong ko. Hihi.

Walkathon Maghapon
- naglakad kami ng aking nanay sa kahabaan ng Barangay Sagad at Kapasigan sa Pasig para humanap ng..oh well..another bahay. Na naman???! Masakit pala talaga sa buong katawan.Ayun sumatotal,wala kaming nahanap. Kung meron man, super out of our preference n ung bahay. Tapos todo lakad din nung hapon na hanggang gabi dahil sa GK Expo. Kaya Sunday to Monday parang disabled ang lola mo dahil sa sakit ng katawan. Huhu.

Bonifacio High Street
- First time ko dun sa lugar na un. Parang taob ang Eastwood in terms of the attire ng mga taong 'common' na naglalakad dun. Parang may cocktail party sa lahat ng dako nung high street. Nagmukha akong 'Nene' sa attire ko. Di ko maatim, mukha akong jalalay pag nagtagal ako sa lugar na un. "Whatever Yaya!" Hahaha. Kamusta naman. Siyempre super duper enjoy dun ang mata ng mga lalaki. Oh well, wala talaga akong laban sa mga babae dun. Accepted ko na un. Kung suntukan ang laban baka may laban pa ako dun. Haha!

Bowling
- Matapos ang Badminton ay pilit na naman akong isinasali ng officemates ko sa Bowling. This time di n talaga ko pumayag. Hanaku naman..ayoko namang kahihiyan ang maiwan kong legacy dito sa company namin if ever aalis ako dito di ba? Lalamunin ako ng buong buo ng pangangantiyaw ng mga officemates ko kaya goodluck sakin pag nakatira ako dun. Hehe. Piktyuran ko na lang sila. Ayun, pwede pa. Hehe.

Naiinip
- Eto na naman..naiinip na naman ako sa takbo ng buhay ko. Last week is a super normal week. As in office-bahay lang ang takbo ng buhay ko. oh my gas! ako b un? Hehehe. Wala man lang bang mag-aaya ng bonding moment diyan??? Hay naiinip talaga ko!

November 1
- Naisip ko lang kagabi kung san ako magpapalipas ng Undas (aba malapit na un ah). Kung sa apartment ba na mag-isa lang ako o sa bahay namin sa Malabon na sangkatutak ang nagpaparamdam? Hahaha! Anyway, it's all in the mind. =P

mga kasabihan ng officemates ko:
-aanhin mo pa ang gwapo kung mas malandi pa sayo.
-matalino man ang bading... napeperahan pa rin...
-bago kumapal ang bulsa,pakapalin muna ang mukha
-di bale ng tamad, wag lang pagod.
magaling, magaling, magaling...hahaha!

Some jokes that made me laugh this day:
DRAMA SA RADYO:
'huwag mo akong hawakan berting, nasasaktan ako!! magulo na ang buhok ko at pumapalag ako ngayon!!'
'magtapat ka loren, habang lalong humihigpit ang hawak ko sayo!'
'tama na berting! may nakikita ako ngaung kutsilyo sa mesa, kukunin ko ito at bigla kong isasaksak sayo. ayan.. nkuha ko na... sinasaksak na kita!'
'aaahhhh... sinaksak mo ako sa tiyan, ito ngayon ay nagdurugo at mamamatay na ako.. ayan patay na ko.

*******************************
tinext ni anak si dad: "LOL"
tinawagan ni dad si anak: "anu tong tinext mo?"
anak: dad, lol means laughing out loud! hehe. ur so s2pid dad! duh!? everybody knows that! ur so t*nga! t*ng ina ka tlga dad! p*kyu!
dad: ah ok. haha. kala ko minumura mo ko e. geh nak. love you.

*******************************
*nagmimisa ang pari*
pari: ihahagis ko tong bola na to.. kung sino ang tatamaan ay siya ang pinakamakasalanan..
(hinagis ng pari ang bola at tumalbog sa kanya)
pari: oh ha! ulit praktis lang un

*******************************
ANAK: Tay mag-ingat kayo sa DANKTRAK!.
TATAY: ano ung danktrak?
ANAK: Yunn pong trak na 10 ang gulong na karga buhangin?
TATAY: t*nga. inde danktrak un...TEN MILLER!!!

*******************************
ahehe..un lang =D

Friday, October 10, 2008

Three Dads with One Mommy

I just finished watching Three Dads with One Mommy Korean Series dito sa office(holiday eh..wala ang mga boss sa office). Ahaha. Sablay eh noh :D Todo control tuloy ako sa emotions ko. Akala nga nung iba serious ako sa pinoprogram ko. Di lang nila alam madamdamin lang talaga ung scene dun s pinapanood ko. Hahaha! At pag di ko n keber itago ang pagtawa ko kunwari makikipag-usap ako dun sa katabi ko at sa kanya ko hahalakhak. Hehe.

Kinilig ako dun sa tatlong guys.Ganda din ng storyline. Hanging nga lang ung ending. Ahaha! Basta natuwa ako. Dahil dito naging crush ko ung 2 dun sa Dads. Haha!

Na Hwang Kyeong Tae (Shin Sung Rok)

- the policeman. di siya ung crush ko. Ahaha! Masyado kasing impulsive ung personality ng role niya. May pagka-emo pa.Ahaha! Pero sa kanilang tatlo during the series, ung role niya ung unang nagpakita ng father-attitude. Bagay sa itsura niya ung role niya.

Choi Kwang Hee (Jae Hee)

- the cartoonist. After this series crush ko na siya!!! Hahaha! Di ko siya masyadong nagustuhan noon sa Sassy Girl Chun Yang eh. Ang galing niya kasing umarte in this series. Nakakatawa talaga ung facial reactions niya.Crush ko din ung role niya...thoughtful, caring, sweet..un nga lang..Mama's boy saka BABAERO!!!! Nataob tuloy lahat ng positive attitudes nya. Haha! I like the way he dressed up din. Bagay sa personality niya. Ang cute niya lalong tingnan. Haha!

Han Soo Hyeon (Jo Hyun Jae)

- the Stock Jobber. Grabe Love Letter Series pa lang crushness ko na itong si Jo Hyun Jae. Ahaha! Kaya di ko pa napapanood ung series crush ko na xa. Hahaha! Nakita ko ung sarili ko dun sa role niya..Istriktong Kuripot! Haha! Pag nabasa ni Yayan toh 4 sure maga-agree un! Pero di naman ako papakasal sa isang tao dahil lang sa pera. Hehe. At sa role niya ako most probable magkakagusto. Kung pagiging practical and future-wise ang pag-uusapan. Hehe. Basta sa tatlo, sa love story ni Na Yeong with Soo Hyeon ako kinilig. Haha! Iba kasi ung chemistry sa pagitan nila.


Madaming nadismaya sa ending nung series. Pero ako di masyado..nabasa ko na kasi sa ibang review na di nga daw kagandahan ung ending kaya napaghandaan ko na siya psychologically.

Gusto kong part ung nagkakalabasan na ng nararamdaman para kay Na Yeong. I really like how they showed their reactions pag nkakalamang na ung isa. Hahaha!

Anyway, it is really a good series.Cute pa ni Ha Seon (the baby). Uulitin kong panoorin toh!!!

Monday, October 6, 2008

Laban ng mga Gifts!

Nanay with her Gift! Wah!

Nanay: Bunso,pano pag nanligaw sayo si *toot1* tapos nakipagbalikan si *toot2*..sinong pipiliin mo?
Rakz: Po??? Bakit nyo naman po naisip na manliligaw si *toot1*?
Nanay: Wala lang..Ewan ko nga eh.Bigla lang pumasok sa isip ko. Eh pano nga pag ganun?
Rakz: Di ko po iniisip yan dahil parehong imposibleng mangyari. Pag imposible di na dapat iniisip. Saka wala po kong gustong piliin. Pareho lang akong masasaktan dun e. Hehehe..

Naku po..eto na naman tayo..never ko namang nabanggit kay Nanay na SJ ko si *toot1*.Hanep talaga ang aking mader! Lupeht! Kilala ko ang aking Nanay sa pagkakaroon ng gift of Prophecy. As in kahit di ko sabihin nalalaman niya either by vision or by dreams. O kaya naman isang salita lang nagkakatotoo na. Oh no mader, not this time..wag yang ganyang sitwasyon! Hehehe. Sa ganito talaga ko kinakabahan kay Nanay eh. Pwede ko bang ipanglaban ang gift of faith ko sa gift of prophecy ni Nanay??? Hahaha! Anyway, natatawa lang ako sa reaksyon ko nun. Napapangiting ewan...parang natata* lang. Hahaha.



OverTime: Gift of Miracle???

Nakakatawa lang kagabi nung nag-OT ako sa office. I consider this as gift of miracle! Hahaha! As in di talaga ko nago-OT sa office. 1 hour lang naman ung isinobra ko sa normal na out ko pero matinding paghihinala agad ang kantiyaw sakin ng officemates ko.
"Oh may date ka?"
"May hinihintay ka yata eh. Nu b yan pinaghihintay ka"
"Uy baka matagal ng naghihintay ung kakatagpuin mo"
"ano, magkikita ba kayo sa megamall?"

Hahaha! Duhhh!! Whatever!!! w..(-_-)..w
Imposible ba kong mag-OT dahil sa trabaho?? Hmm..oo, mejo nga. Hahaha! Pero swear, due to work kung bakit ako nag-OT kagabi! Para mabawasan na din ang muni-muni times ko sa bahay. Saka..date,ano un? Hahaha!Di ko nga maalalang nagkaroon ako ng Romantic date sa buhay ko. Puro group at friendly date lang. Mga bros and sis ko p un from YFC and SFC. Pati pala NERDS. Hehehe. Pero sa ganito ako natutuwa sa mga ka-department ko. Grabe kung mangantiyaw. Pero it just means na may paki sila sakin at nag-eexist ako sa paningin nila. Hehehe. Ay nako, reresbak talaga ko sa mga toh! Nilaglag ako kagabi..hahaha!

Thursday, October 2, 2008

The Warrior and the Child

"At that time the disciples came to Jesus and asked, "Who is the greatest in the kingdom of heaven?" He called a little child and had him stand among them. And he said: "I tell you the truth, unless you change and become like little children, you will never enter the kingdom of heaven. Therefore, whoever humbles himself like this child is the greatest in the kingdom of heaven."And whoever welcomes a little child like this in my name welcomes me."
- Matthew 18:1-5

Wala lang..sometimes I miss being a child..

clean heart..
dahil after ng away with other kids, bati agad..parang walang nangyari..
bagay na di madali pag malaki ka na..

inosente..
because the more we get older, the more truths ang malalaman..
truths that when not obeyed become a sin..
a burdened heart again..

full trust in his parents..
di ko maalalang nagkaroon ako ng doubts sa mga desisyong gagawin ng parents ko nung super bata pa ako.
dahil habang lumalaki na, ayaw ng pa-control sa parents..

I wish I am just like a child when serving God..
madaling makalimot pag nasaktan..
trusting God in controlling his life whole-heartedly..
humble..
di pa issue ang pride..
na kay God lang ang focus..
obedient in a way na kahit parang alangan ang inutos sa kanya ay susunod pa rin..

Pero pano lalaban ang isang bata sa takbo ng mundo?
Minsan in serving God ay nalalamon ka na pala ng mga bagay na di naman dapat..
minsan akala natin lumalaban tayo para kay Kristo..
pero ayun pala lumalaban lang tayo para makita at mapansin ng ibang tao..
lumalaban na pala tayo para lang masabing matatag tayo dito sa mundo..
mukhang astig in short..
bagay na di natin inaamin sa sarili natin pero unconsciously un ang nasa isip natin..

Dahil sa gitna ng laban..
madami kang makikita..
madami kang malalaman..
hanggang sa magising ka na lang isang araw..
wala na pala ung batang inalagaan ni Kristo sayo..
Nag-iba na pala ang bata na un..
at nadadala na sa agos ng mundo..
na akala mo'y nasayo pa rin
pero unti-unti na palang nagbabago..
lumalaki na..
nag-iiba na ang pagkatao..

Lord, I want to remain as Your warrior..but I want more is to remain as Your child..
Lord, sa times na masakit na talaga..pag nakakapanghina na..pag di ko na talaga alam ang gagawin ko..
I want to run and come to You like a child..Your child...

I miss my YFC Family...T_T

1. Gaano ka na katagal sa yfc?
- SFC na ako eh..pero naka-3 years lang ako as YFC :D

2. Kelan ka nag-Youth Camp?
- August 6-8, 2004

3. Saan ka nag-Youth Camp?
- Girl Scout of the Philippines, Novaliches

4. Sino team head and team leader nung nag-camp ka?
- patay tayo jan..di ko maalala. Basta taga-Ateneo or UP un.hehe

5. Sino Faci mo?
- si ate ailish at ate jo (Ateneans)

6. Favorite Coordinators?
- wahaha! di ako close sa mga coordinators eh. pag campus-based kasi dati di masyadong attached sa coords :D

7.First crush mo sa YFC?
- pag CFC n ko sabihin ko..hahaha!

8. Theme ng First ILC na na-attendan mo?
- never akong nakaattend ng ILC nung YFC p ko..hahaha

9. Theme ng First RYC/Metrocon na na-attendan mo?
- Woodstruck yata..

10. Favorite slow worship song(s)?
- LAHAT. Hehe

11. Favorite fast worship song(s)?
- Kahit ano. Basta para kay Kristo!

12. First YFC shirt?
- YFCEA Org Shirt namin. Hehehe

13. Favorite RYC/Metrocon?
- Believe

14. Favorite ILC?
- Di talaga ko nakaattend ng ILC noon eh. Poorlaloo talaga..hahaha

15.Message mo para sa YFC’s?
- Be a YFC by heart, by mind, by strength, by soul.

Wala naman talaga akong balak sumagot sa survey na toh..as I've said kanina, SFC na ako. Hehehe.
But I just miss my YFC Family so much. Lalo ung mga ka-batch ko nung execom pa ko..

My sisters: Mayla, Mei, GG Beth, Yayan, Tayit, Cherry, Jen, Khaei, Diosa
Kung maghousehold kami laging mahina ang 5 hours. Dun lang kami sa may freedom park hanggang patayan na kami ng ilaw ng FEU. Kahit wala kaming food or kung ano pa man, ang mahalaga dun ung sharing namin. Magkasama-sama lang kami masaya na kami. May mga kuwentong nakakaiyak pero biglang uurong ang luha mo dahil nagagawang nakakatawa kahit ung pinaka-malungkot na istorya.
Iba-ibang personality pa kami kaya mejo riot pag nagsama-sama.Hehehe.We've been through many fights pero ang nakakatuwa walang kampihan na nangyari. At halos lahat nadaan sa 1to1..hay, i miss them so much..

My Brothers: Kambal, Tay Rus, Nunoy, Botchog, Tydus, Obe, etc
Mga pangalan pa lang mukhang di na gagawa ng mabuti..Joke. Hehehe. Hay labs na labs ko tong mga bros na toh..Ilang beses din akong napaiyak dahil sa kanila. Haha. But I adore them so much dahil till now di nwwla ung concern and care nila. Yes, their lifestyle and priorities changed (siyempre dahil tumanda na kami) pero damang-dama mo pa din ung concern nila. Nakakatuwa dati na kahit anong pambubugbog ang gawin ng sisters sa knila ay di sila pumapatol. Hehehe.
At nakakatuwa din na kahit brothers sila ay nagagawa kong makipag-1to1 sa kanila. As in anything under the sun ang topic. Either deep or pa-deep kuno lang ang usapan, they still share those stories with me. I felt my importance pag ganun. At kahit nung grumaduate na kami ay di pa rin nawala ung relationship na un. Both bros and sis can stay overnight in one house na magkakatabi. Wala talagang malisya.

Hay..I miss them..They are one of my simple joys..Makita or makausap or magparamdam lang kahit isa sa kanila ay tumatalon agad ang puso ko sa tuwa..Siguro kung may reason na makakapagpabalik sakin sa YFC, sila un..Dahil siguro sa kanila ko mas naramdaman ung worth ko as a sister. I can say and do whatever actions needed without any restrictions with them. Saka ang simple lang ng buhay namin noon. No extravagant activities or kung ano man. Parang ang poor nga ng org namin nun eh. Pero damang-dama ko ung God's presence in their heart. Hay..bakit ba ganito nararamdaman ko ngaun..T_T