Ano nga bang unang naiisip ng tao pag nabanggit na ang Pasko?
Nung bata ako, regalo at kainan at Christmas Party..
Nung College na ko, outing at bakasyon..
at ngayong nagtatrabaho na ko, gastos/bonus na, holiday, long weekend..hahaha!
Salbahe..!!!
Sobrang excitement ko for Christmas ay ako na ang taga-update ng Christmas Countdown dito sa department namin. Adeek talaga. Parang bata...Hehehe.
Anyway, naalala ko ang Pasko dahil sa na-experience ko last weekend...
Nung Sunday, super saya ko. Nagpunta kaming Bulacan para bisitahin ung puntod ng tatay ko. Nakakatuwa lang kasi nakabonding ko ulit ung dalawang brother ko (sayang wala si ate may work eh). As in walang humpay na tawanan na naman at kami-kami ang naglalaglagan. hehehe. No wonder kung bakit ang lakas kong makipag-asaran sa mga brothers sa community. Hehe. Basta ang saya being with my family. Super tagal ko na kasi silang di nakabiruan ng ganon. As in wala kaming pinag-usapan na problema. Pure tawanan lang talaga. Kahit si Tatay na wala ng laban dahil namayapa na ay nilalaglag pa rin namin sa mga kuwentuhan namin. Ang sasamang anak. Haha! Idagdag pa ang kakulitan ng mga pamangkin ko. Hay ang saya talaga!
Dun ako naeexcite sa December. Sa Pasko. Kasi that time kami nakukumpletong magkakapatid. Kahit di ganoong ka-garbo ang handa or celebration namin compared sa iba, ay masaya naman kaming magkakasama. Well, pananaw ito ng mga poor. Hahah! Joke lang. Basta ang saya kasi namin pag Noche Buena. Tipong kahit regalo di makakaligtas sa pangangantiyaw namin. At ang masaya dun, walang napipikon. Hehehe. Para kaming nasa comedy bar na kami na ang entertainer, kami na din ang audience. Kung wala namang exchange gift, dahil panahon talaga ng kagipitan, ayun papasayawin lang namin si kuya at si sangko at sakto may pagtatawanan na kami. Nyahaha. Lalo na ngayong nadagdagan na kami ng 3 entertainers..ang aking mga pamangkin. Hehe.
Waahh!! Sarap isipin na Pasko na!Mas masarap isipin un kaysa sa deadlines and tasks dito sa office (malamang)!.hayz..93 days before Christmas pa..nag-countdown daw ba?? Hehehe..

No comments:
Post a Comment