Thursday, September 18, 2008

Naipong Mga Reaksyon

Blog, kamusta k n? hehehe..Di na-updated itong blog ko..naging super busy these past few days at mukhang aabot pa hanggang next week. Hay layp..dami ko tuloy naipon na reaction sa mga kung ano-anong bagay..gusto ko lang magblogging kaya kung ano2 na lang ung nilagay kong reactions..hehehe..

Sa work..
hay sarap taasan ng kilay ng mga tao dito..sabihin ba naman sayo na gumawa ka ng website at bukas na ia-up. Nyeks! Kamusta naman un! Eh may system p kayang kailangang matapos by next week tapos may isisingit na ibang task? Buti na lang nako-control ko ngayon ang aking mata na ipakita kung ano ang tunay kong saloobin. Kundi..masisisante ako! Hahaha! Kinimkim ko na lang ang inis ko at ginawa ko na lang ang pinapagawa nila since binabayaran ako para gawin un. Hehe. Natapos ko naman..pero temporary pa lang un. Ang chaka kaya ng dating! Hehehe. Ayun, so busy kaya kahit time para magreact nawalan ako. Nyahaha.

Sa dinonate ni Brad Pitt..
Pakialamera talaga eh noh..pati toh included sa blog ko. Hehe. Nag-donate kasi siya ng half a million pesos (kung Philippine Peso ang currency) para sa same sex marriage! Ayun...di n maganda ung susunod kong sasabihin kaya better left unsaid na lang.

Sa "Kakaibang palaro" portion sa TV Patrol kagabi..
Natawa naman ako dito! Napasaya niya ang gabi ko..ang laro is unahang makapagsuot ng sinulid sa butas ng karayom ung mga matatanda! Hahaha! Merong isa, may na-declare ng winner pero siya nagsusuot pa rin ng sinulid sa karayom. Hehehe.

Sa pagkapanalo ni Laarni..
Till now di pa rin ako maka-move on. Di talaga ako agree! Hehehe. Anyway, another "better left unsaid" statements na naman. Basta iba pa din ung grand dream night noong batch nila Yeng.

Kasikatan ni Charice..
Hanep tong girl na toh. Nagka-second guesting pa sa Oprah at naka-duet si Celine Dion. Madaming nagtatanong kung bakit sa international scene siya tinatangkilik samantalang dito sa Pilipinas eh parang wala lang.
Una, common na ang biritera dito sa Pinas.Eh sa ibang bansa kasi mostly pop singers meron sila.
Pangalawa, mukha lang bata si Charice because of her height. Kya hangang hanga sila.Pero 16 years old n talaga siya.
Pangatlo, mabenta ang Asian look sa ibang bansa. Dito naman satin, mabenta ang Foreign look. Basta di k mukhang Pinoy, mabenta ka. Hehe.


Sa local showbiz..
pati ito meron?? hehehe..
Minsan ang exag ng mga scenes sa Betty La Fea. Nakakadissapoint minsan. Tuwang-tuwa ako dun kay Vhong Navarro as Nicolas. Ang kuleht ng role niya.Hehehe.
Nakakatuwa din kasi magkakaroon ng part 2 ung A Very Special Love. yeba!!!!
Gusto ko din sanang mapanood ung Maalaala Mo Kaya this Saturday night. Un nga lang nasa CLP naman ako. Gaganap kasi na baliw si John Lloyd. Grabe na iteecch! Trailer pa lang humanga na ko! Sayang di ko mapapanood. Hayz..
At nahuhumaling ako maxado dun sa Three Dads with One Mommy! Ang cute ng story. Nakakatawa pa ung mga scenes. Pero may mga ilang nagsabi na di maganda ang ending. Spoiler??? Hahaha.

Sa Music Min..
Till now wala pa din ang singing voice ko (may ganun??). waaaahhh!!! 2nd week na toh ah..naku naku naku...T_T

No comments: