Thursday, September 25, 2008

Ang Dalawang Tanong of the Week

Buong linggo akong di pinatahimik ng dalawang tanong..

"May boyfriend ka na?"
May tonong paghihinala ito pag tinatanong sakin. Ganito naman ang sagot ko jan: "Wala po" sabay ngiti kasama pa ang pagniningning ng mata. Hahahaha! Wala lang, lalo tuloy silang naghihinala. Haha! From relatives to friends to family kasi ang mga nagtatanong. Eh wala naman talaga..ano kayang gusto nilang isagot ko.. Hayz..

Ganyan talaga ang walang lovelife..blooming tingnan..walang stress at nbwasan ang pinoproblema eh. :p Pero ano kaya kung magpretend ako na meron??? hahaha..echos lang :D


"Anong costume mo?"
Mula nung inannounce dito samin ang costume para sa aming Christmas Party (excited noh? may committee n nga para dun eh.haha) ay pakiramdam ko di na natahimik ang kalooban ng mga tao dito. "Fantasy" ang costume theme namin this Christmas. Kamusta naman, baka magmukha na namang halloween party ang Christmas Party namin. Haha! Ung iba kunwari pang nagagalit sa theme pero makikita mo namang vinivisit si google para maghanap ng costume. Mga pasimple pa. Hahaha!

Nakakatawa lang kasi hanggang pauwi na ako ay bigla na lang may magtatanong sakin kung anong costume ko sa party. O kaya naman super serious ako sa ginagawa ko tapos biglang may magtatanong sakin kung anong costume ko. At binibigyan na nila ko ng requirement: dapat daw ung costume ko ay ung makakasayaw ako. Hahaha. Mga demanding na officemates!

Pero ayun, di lang ako pahalata pero pinag-iisipan ko na rin talaga kung anong costume ko. Ayoko kasi ng fairy or princess look. Ang common eh..walang thrill..saka araw2 ko ng itsura un..bwahahahahaha! Asa naman :p Eto mga nasa isip kong costume:

(pics grabbed from dyosatv.multiply.com)




bwahahaha! Shocks...Lakas ng loob noh? Joke lang yan..baka mawalan ng career si Anne Curtis eh..haha! Kapal talaga! Pero ano nga kaya magandang i-costume? hehe

Isesegway ko na rin toh..di siya tanong pero common din na sinasabi sakin this week..
"Ingat ka. God bless" - hirit ng mga tricycle driver na nasasakyan ko. Aba, close kami??? Hahaha! Hanep talaga! Di ko to mapapansin kung isang driver lang ang nagsabi sakin. Kaya lang tatlo sila! Hahaha! At ang sagot ko sa kanila, isang blank face. Di ko alam sasabihin ko eh. Kahit irereact di ko alam. Hahaha!

Tuesday, September 23, 2008

Sana Pasko Na!!!

Ano nga bang unang naiisip ng tao pag nabanggit na ang Pasko?
Nung bata ako, regalo at kainan at Christmas Party..
Nung College na ko, outing at bakasyon..
at ngayong nagtatrabaho na ko, gastos/bonus na, holiday, long weekend..hahaha!
Salbahe..!!!
Sobrang excitement ko for Christmas ay ako na ang taga-update ng Christmas Countdown dito sa department namin. Adeek talaga. Parang bata...Hehehe.

Anyway, naalala ko ang Pasko dahil sa na-experience ko last weekend...

Nung Sunday, super saya ko. Nagpunta kaming Bulacan para bisitahin ung puntod ng tatay ko. Nakakatuwa lang kasi nakabonding ko ulit ung dalawang brother ko (sayang wala si ate may work eh). As in walang humpay na tawanan na naman at kami-kami ang naglalaglagan. hehehe. No wonder kung bakit ang lakas kong makipag-asaran sa mga brothers sa community. Hehe. Basta ang saya being with my family. Super tagal ko na kasi silang di nakabiruan ng ganon. As in wala kaming pinag-usapan na problema. Pure tawanan lang talaga. Kahit si Tatay na wala ng laban dahil namayapa na ay nilalaglag pa rin namin sa mga kuwentuhan namin. Ang sasamang anak. Haha! Idagdag pa ang kakulitan ng mga pamangkin ko. Hay ang saya talaga!

Dun ako naeexcite sa December. Sa Pasko. Kasi that time kami nakukumpletong magkakapatid. Kahit di ganoong ka-garbo ang handa or celebration namin compared sa iba, ay masaya naman kaming magkakasama. Well, pananaw ito ng mga poor. Hahah! Joke lang. Basta ang saya kasi namin pag Noche Buena. Tipong kahit regalo di makakaligtas sa pangangantiyaw namin. At ang masaya dun, walang napipikon. Hehehe. Para kaming nasa comedy bar na kami na ang entertainer, kami na din ang audience. Kung wala namang exchange gift, dahil panahon talaga ng kagipitan, ayun papasayawin lang namin si kuya at si sangko at sakto may pagtatawanan na kami. Nyahaha. Lalo na ngayong nadagdagan na kami ng 3 entertainers..ang aking mga pamangkin. Hehe.

Waahh!! Sarap isipin na Pasko na!Mas masarap isipin un kaysa sa deadlines and tasks dito sa office (malamang)!.hayz..93 days before Christmas pa..nag-countdown daw ba?? Hehehe..

Thursday, September 18, 2008

Naipong Mga Reaksyon

Blog, kamusta k n? hehehe..Di na-updated itong blog ko..naging super busy these past few days at mukhang aabot pa hanggang next week. Hay layp..dami ko tuloy naipon na reaction sa mga kung ano-anong bagay..gusto ko lang magblogging kaya kung ano2 na lang ung nilagay kong reactions..hehehe..

Sa work..
hay sarap taasan ng kilay ng mga tao dito..sabihin ba naman sayo na gumawa ka ng website at bukas na ia-up. Nyeks! Kamusta naman un! Eh may system p kayang kailangang matapos by next week tapos may isisingit na ibang task? Buti na lang nako-control ko ngayon ang aking mata na ipakita kung ano ang tunay kong saloobin. Kundi..masisisante ako! Hahaha! Kinimkim ko na lang ang inis ko at ginawa ko na lang ang pinapagawa nila since binabayaran ako para gawin un. Hehe. Natapos ko naman..pero temporary pa lang un. Ang chaka kaya ng dating! Hehehe. Ayun, so busy kaya kahit time para magreact nawalan ako. Nyahaha.

Sa dinonate ni Brad Pitt..
Pakialamera talaga eh noh..pati toh included sa blog ko. Hehe. Nag-donate kasi siya ng half a million pesos (kung Philippine Peso ang currency) para sa same sex marriage! Ayun...di n maganda ung susunod kong sasabihin kaya better left unsaid na lang.

Sa "Kakaibang palaro" portion sa TV Patrol kagabi..
Natawa naman ako dito! Napasaya niya ang gabi ko..ang laro is unahang makapagsuot ng sinulid sa butas ng karayom ung mga matatanda! Hahaha! Merong isa, may na-declare ng winner pero siya nagsusuot pa rin ng sinulid sa karayom. Hehehe.

Sa pagkapanalo ni Laarni..
Till now di pa rin ako maka-move on. Di talaga ako agree! Hehehe. Anyway, another "better left unsaid" statements na naman. Basta iba pa din ung grand dream night noong batch nila Yeng.

Kasikatan ni Charice..
Hanep tong girl na toh. Nagka-second guesting pa sa Oprah at naka-duet si Celine Dion. Madaming nagtatanong kung bakit sa international scene siya tinatangkilik samantalang dito sa Pilipinas eh parang wala lang.
Una, common na ang biritera dito sa Pinas.Eh sa ibang bansa kasi mostly pop singers meron sila.
Pangalawa, mukha lang bata si Charice because of her height. Kya hangang hanga sila.Pero 16 years old n talaga siya.
Pangatlo, mabenta ang Asian look sa ibang bansa. Dito naman satin, mabenta ang Foreign look. Basta di k mukhang Pinoy, mabenta ka. Hehe.


Sa local showbiz..
pati ito meron?? hehehe..
Minsan ang exag ng mga scenes sa Betty La Fea. Nakakadissapoint minsan. Tuwang-tuwa ako dun kay Vhong Navarro as Nicolas. Ang kuleht ng role niya.Hehehe.
Nakakatuwa din kasi magkakaroon ng part 2 ung A Very Special Love. yeba!!!!
Gusto ko din sanang mapanood ung Maalaala Mo Kaya this Saturday night. Un nga lang nasa CLP naman ako. Gaganap kasi na baliw si John Lloyd. Grabe na iteecch! Trailer pa lang humanga na ko! Sayang di ko mapapanood. Hayz..
At nahuhumaling ako maxado dun sa Three Dads with One Mommy! Ang cute ng story. Nakakatawa pa ung mga scenes. Pero may mga ilang nagsabi na di maganda ang ending. Spoiler??? Hahaha.

Sa Music Min..
Till now wala pa din ang singing voice ko (may ganun??). waaaahhh!!! 2nd week na toh ah..naku naku naku...T_T

Tuesday, September 16, 2008

Haburdei Khaei and Khaye!

Ang galing..di ko alam kung coincidence lang toh or planned talaga ni Lord..dahil parehong ngayon ang birthday ng dalawang girl na malapit sa puso ko..same birthdate, same nickname sila..

Presenting the Birthday Celebrators this day..

Si Khaei..


(During the youthcamp of Khaei..spot the ghost na rin..hihi :p )

First ever YFC Faci Bebi ko! Naaalala ko pa ung youthcamp niya at till now damang dama ko pa din ung care at love niya. At kahit may happy family na siya ay di niya pa din ako nakakalimutan. Ako pa nga ninang ng ever cuteness niyang anak. Kung dati ang tawagan namin ay Bebi at Mama, ngayon ay Bebi Mare at Mama Mare na..oh d b, unique? Hehehe..

at

Si Khaye..


(sakto sa edad niya ung number nung nag 1on1 kami..hehe)

Isa sa unang Finaci ko as SFC. Today ang debut niya pero 3rd year college na siya. Bibong bata..Hehehe. Wala pa kong masyadong bonding moments with her. Sa umpisa siya ung tipong mataray look..pero pag nagtagal,ay naku po...nakakaloka ang lola mo! Haha! Two weeks siyang di makakaattend sa CLP at namimiss ko na agad ang batang un. Di ako sanay na kulang ang grupo namin. Hehe. She always reminds me of my College Barkada na si Angel. Same aura sila.


HABURDEI SA INYO!!!! I hope and I pray that you will be closer to God! May both of you feel God's warm hug today and forever! Hehe!

Monday, September 15, 2008

Upside Down

Ngayon pa lang pakiramdam ko ang blessed ko sa Discussion Group members ko sa CLP. Pakiramdam ko nga minsan ako pa ung inaasikaso nila. Baliktad yata...hehehe...

Malapit ng mag-October..waaahh!! mag-aaral na kapatid ko!! tipid-tipid na dapat ako. Pero bakit ganun, bakit parang mas gastador pa ung kapatid ko kesa sakin samantalang ako ung kumikita ng pera? Baliktad yata.. hayz..

Ngayon...dapat busy ako..kaya lang tinatamad akong maging busy. Hehe. Asan ka na passion for work?! nawala ka na naman..hay..bumalik na naman ako sa moment na toh..may kailangan pa naman akong matapos na system..waahh..kung kelan malapit na deadline saka ako tinatamad..baliktad k talaga raquel!!!!

Thursday, September 11, 2008

WHAT A JOURNEY IT HAS BEEN

To be more specific..an emotional journey...

I have just experienced an emotion that I've never felt before...
I admit, I almost got lost...
But God's unfailing love answered the question from the song: "How far You would come if ever I was lost?"
or should I say..I just thought that I was lost..
because the fact is that I was never lost.
He's always with me all along with my emotional journey.
There were lots of lies inserted in my mind..
And those lies were like rain of knives that God endured just to protect me from extreme pain..because He loves me that much.

Who am I not to forgive?
Who am I to break God's commandment which is to love other as He loved me?
Who am I to dissapoint God and not please Him?

God showed me in my journey that in loving others, it doesn't matter how much pain you have gained. It doesn't matter if they don't believe in you. It doesn't matter if it's tiring to love others. As long as I love others as God loved me..everything will be okay...

Hay..what a journey...

At least now I'm ready to sing the song "You're My Disciple" in full conviction. Hehehe...

Tuesday, September 9, 2008

Sailing

Ano nga bang nangyari? Ayoko ng isipin. Gusto ko na lang magtiwala.

Nagmamatigas pa ako...samantalang in the long run alam ko namang ung love ko for my brothers and sisters sa community ang mangingibabaw.

It's just that..feeling ko I'm into a different journey..sailing with a new emotion...that I do not know how to control..but I know the way back..just let Jesus take the wheel..

Andami ding nasasaktan...hope they can find their way back din...

Pero nasa akin pa rin ung conviction na everything's gonna be alright...di ba Lord? Hehe..

Sunday, September 7, 2008

It's gonna be alright...

Work.One more system.
Health.Not feeling well.
Community.Trust.

Masakit.
Masakit pag di ka pinaniniwalaan.
Masakit pag nagsasabi ka ng totoo pero parang wala lang.
Masakit.
Baka dahil first time pagdudahan ang credibility ko.

Anyway, as the song says.."It's gonna be alright!"

I'll hold on to that statement..

Enough about that topic. I just want to focus my mind for our one-to-one session this week.

It's just that..masakit lang talaga..hindi naman siguro ko masasaktan ng ganito kung guilty ako sa ina-accuse sakin..

Sumasabay pa health ko ngayon..no..not now...T_T

Hay..Thanks for the trust Lord..antulin mo naman pong sagutin ung hiling ko na magkaroon ng major concern..hehehe..

It's gonna be alright...It's gonna be alright..It's gonna be alright...

Friday, September 5, 2008

I'm blanked.

Grabe pakiramdam ko ilang araw kong nakalimutan ang aking pagiging normal na tao..haha! At before ako magsalita ay kailangan ko munang sabihin ang katagang "echo". Hayz..

Daming naging concerns..
Daming kailangang unawain..
Daming kailangang gawin..

Akala ko I'm full..
Pero di pala..right now I feel that my mind is blank.
Ginagawa ko na lang kung ano ang sabihin nila..
I can't even suggest properly...

Tuesday, September 2, 2008

Trippiest Optical Illusion

I enjoyed this one.. saw it spinned in both directions..pero mas madalas ung clockwise. hehe..

spinningdancer

If you see this lady turning in clockwise you are using your right brain.
If you see it her tuning the other way, you are using left brain.
Some people do see both ways, but most people see it only one way.

See if you can make her go one way and then the other by shifting the brain's current.
BOTH DIRECTIONS CAN BE SEEN.

Experimentation has shown that the two different sides or hemispheres of the brain are responsible for different manners of thinking. The following table illustrates the differences between left-brain and right-brain thinking:

Left Brain / Right Brain
Logical/ Random
Sequential/ Intuitive
Rational/ Holistic
Analytical/ Synthesizing
Objective/ Subjective

Since nasiyahan ako masyado, I also took the brain test and here's the result:

Are You Left-Brained or Right-Brained?

Although one side of the brain is generally dominant over the other, we should strive to utilize both halves. A balanced brain makes a balanced person - combining sequential thinking with a holistic approach, or linear thinking with intuition, enables us to fully comprehend issues and solve problems. Left-brainers can dramatically improve their problem solving abilities by learning to "follow their gut," while right-brainers can improve the execution of their creative efforts.

Realizing your dominant half is the first step in becoming balance-brained.
Your percentage score for the left brain is 51%.
Your percentage score for the right brain is 49%.

You are more left-brained than right-brained. Your left brain controls the right side of your body. In addition to being known as left-brained, you are also known as a critical thinker who uses logic and sense to collect information. You are able to retain this information through the use of numbers, words, and symbols. You usually only see parts of the "whole" picture, but this is what guides you step-by-step in a logical manner to your conclusion. Concise words, numerical and written formulas and technological systems are often forms of expression for you. Some occupations usually held by a left-brained person include a lab scientist, banker, judge, lawyer, mathematician, librarian, and skating judge.

Your left brain/right brain percentage was calculated by combining the individual scores of each half's sub-categories. They are as follows:

Left Brain

* Linear
* Sequential
* Symbolic
* Logical
* Verbal
* Reality-based

Right Brain

* Holistic
* Random
* Concrete
* Intuitive
* Nonverbal
* Fantasy-oriented

Each of these 12 categories has its own distinctive influence in shaping how you think, learn, and perceive the world around you. A detailed evaluation of your brain type has been prepared and is waiting for you. Order the full report now for this information and an insight on why you are who you are!